PIGHATI

Ni Raiza Jane Saludez

Labing walong taong gulang ako noong nagkaroon ako ng kasintahan

Kami’y tanggap ng buong angkan

Kami’y nabiyayahan ng masayang relasyon

Ang aming Samahan ay may halo-halong emosyon

Gagala ang buong pamilya

Kami’y sama-sama saan mang punta

‘di kumpleto ang gala kung isa’y hindi kasama

‘di masaya ang pag gala kung ‘di siya kaagapay

Ngunit sa isang iglap ang isa ay lumisan

Ang kanyang paglisan ay biglaan

Nabigla ang lahat nang siya ay pumanaw

‘di tanggap ang maaga mong pagsuli saiyong buhay

Ngunit sa tulong ng ating panginoon ako’y muling bumangon

Pinatibay ako ng ating panginoo at muling umahon

Umahon ako sa trahedyang akala ko’y wala nang sulosyon

Sapagkat ang ating panginoon ay gumawa ng sulusyon

Pighati ang naramdaman ko noong ako’y iyong iniwan

Iniwan mo ako ng walang paalam

Lumisan ka ng biglaan, iniwan mo ako ng walang dahilan

Ako’y lumaban mag isa, sakit at pighati ay iniwasan.