Ang Sirena at si Santiago – Mitolohiya mula sa Pagadian


Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang nilalang

na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa sinumang

makakahuli ng sirena, patay man o buhay. Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang

nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat

alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.

Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang

tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa

likod ng mga malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at

ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na

parang isda ang dalagang nasa harap niya.

Halimbawa ng Mito

Ang Sirena at si Santiago – Mitolohiya mula sa Pagadian

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang nilalang

na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa sinumang

makakahuli ng sirena, patay man o buhay.

Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang

nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat

alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.

Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang

tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa

likod ng mga malalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at

ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na

parang isda ang dalagang nasa harap niya.

Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit

nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad din namang sumagwan para mahabol niya ito.

Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa.

Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang

nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.

Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na sila. Sa

sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal

upang doon na manirahan. Noong una, hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit

ito kaya’t pumayag na lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at

nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga

mangigisda para hanapin ang kanilang anak.

Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod

ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang

biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil

akala nila’y ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad

namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng

balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.

Sinabi ng mga isda ang kanilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ng

mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito.

Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at

pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.

Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao

noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat,

mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.