Talumpati para sa pagtatapos
Ang araw ng pagtatapos ang pinakahihintay ng bawat mag-aaral, sapagkat matatamasa na nila ang bunga nang kanilang paghihirap sa mahabang panahon. Bagong kabanataa nanaman ang kanilang tatahakin sa kanilang buhay. Isa sa mga pinakaasam-asam ng isang mag-aaral ay ang araw ng kanilang pagtatapos. Ito ang araw na hindi lang tayo naghihintay na sumapit, bagkus ay kasama ang mga mahal sa buhay. Dito nagtatapos ang mahabang litanya tungkol sa hirap ng lahat ng ating pinagdadaanan habang tayo ay mga estudyante. Ang mga mag-aaral ay nasanay sa apat na sulok sa loob ng silid aralan, sapagkat maninibago ang mga mag-aaral dahil iba na ngayon ang kanilang papasakukan. Ang mga estudyante ay may kanya- kanya na silang daang tatahakin. Mula sa pagiging ordinaryong mag-aaral ay matatawag ka nang isang ganap na “ GRADUATE” ngayon. Ang salitang pagtatapos ay sobrang sarap pakinggan sapagkat mag uumpisa kana sa panibagong yugto ng mas mapaghamong buhay. Kaakibat nito ay ang mga malalaking obligasyon at mga responsibilidad na nakatang na sa ating mga balikat. Dito na natin tunay na maiintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang buhay. Ang mga diploma at mga matataas na grado ay magsisilbing mga palamuti lamang kung hindi natin ito magagamit ng may kabuluhan. Alalahanin natin na sa kabila ng hirap ng ating mga magulang ay pilit nila tayong iginapang at itinaguyod para lamang makatapos tayo sa ating pag-aaral. Ang karangalan sa pagtatapos ay regalo natin sa ating mga magulang. Ngunit ang kapakinabangan ng ating pag-aaral ay para sa ating mga kinabukasan.Ang pagtatapos sa ating mga kurso ay ang umpisa ng ating unti-unting pagtayo sa ating mga sariling mga paa. Umpisa ng pag-abot ng ating mga munti at malalaking pangarap at paghahanda sa ating mga sarili para sa mapaghamong paglalakbay sa totoong kahulugan ng buhay.
Wala ring makatutumbas na regalo ito para sa iyong sarili. Sa wakas, ang lahat ng iyong pinagdaanan ay nagbunga na. Ang mga gabing walang pahinga, ang mga araw na akala mo ay hindi mo na kaya, ang mga panahong sinukat ang iyong tiyaga at pananalig, ay isa nang napakatamis na tagumpay ngayon.Dahil sa pagtatapos sa iyong pag-aaral, alam mo na ngayong wala nang makapipigil sa iyo upang maabot ang iyong mga pangarap. Abot-kamay na ngayon ang pinapangarap na hanapbuhay, kaakibat ang maayos na sahod para sa pamilya at sa sarili. Aanihin na ngayon ang mga ipinunla para sa sarili. Pinakamasarap na regalo ang pagtatapos sa pag-aaral. Pinakamagandang regalo ang edukasyon na mananatili kailanman.