Ang aking talambuhay
Ako si Raiza Jane Garcia Saludez, na nakatira sa Sta Cruz San Manuel Isabela ako ay dalawaput isa. Na nag aaral sa OUR LADY OF THE PILLAR COLLEGE SAN MANUEL INC. Kumukuha ng kursong Bachelor ng Elementarya Edukasyon, ako ay nasa ikatlong baiting sa koleheyo. Ang pangalan ng akig ina ay Evangeline G. Saludez at ang aking ama ay si Domingo A. Saludez ang aming ama’t ina ay nabiyayahan ng walong anak. Ang aming pamilya ay masaya, kami ay nag tutulungan sa lahat ng bagay. Pinalaki kami ng aming ama’t in ana may takot sa diyos at may respeto sa kapwa. Ayaw ng mga magulang naming nakikita nilang nag aaway kaming mag kakapatid kaya naman, kaming mag kakapatid ay laging nag mamahalan, bawat problemang aming kinakaharap kami’y nag tutulungan. Walag hindi sa ammin hanggat kaya naming gawin, hindi namin hina hayaan na ang isa ay saamin ay maiwan, gusto naming aangat kaming lahat. Pinalaki kaming maayos at mayrespeto ng aming mga magulang. Labing walong taon noong ako’y nag karoon ng kasintahan, kami’y nabiyayahan ng masayang kasamahan, halos hindi kami mapaghiwalay kung na saan ako nandun rin siya, kung gagala ang buong pamilya, siya’y laging kasama. At gaanuon din sa kanyak pamilya kung saan sila pupunta lagi ring ako’y kasama. Ang Diyos ang ginawa naming pundasyon sa aming relasyon, hindi naming hinayaan na mawala ang aming tiwala sa panginoon. Siya ang nag patibay saaming relasyon hanggang sa dumating na sa punto na pati mga magulang naming ay magkasundo na rin. Hindi kumpleto ang gala kung ang isa ay wala bawat gala dapat ang isa ay kasama. Ngunit sa isang iglap ang isa ay lumisan, lumisan ng biglaan hanggan sa nagulat ang lahat ngunit ganoo’y hindi ko sinisi ang panginoon sa nangyari sapagkat alam ko naming may plano ang panginoon kung bakit kinuha niya ng mas maaga ang isa, hindi ko alam kung paano ako lumaba sa oras nay un, ngunit madaming tao ang umalalay saakin para malagpasan ko ang trahedya sa buhay ko, madaming nabago simula ng siya’y lumisan ang dating masasayang araw ni kaylanma’y dina maaulit pa. nawalan na rin ako ng ganang gumala, dahil nasanay akong gumagalang siya ang kasama. Unang araw ng kanyang burol hindi ako makakain, hindi ko ramdam ang gutom, sapagkat sa ikalawang gabi ng kanyang burol may isang matandang lumapit saamin ng kanyang ina, sambit ng matanda “ JAYSON APAY NGAY NAG SAPA’’ pero kahit ganoon bago umalis ang matanda pinadasal niya si Jayson at kinausap kami. Laking pasasalamat ko kay lolo dahil kung ihahalintulad ko sa pagkain ang mga payo niya, kumbaga sa pagkain ay busog na busog ako, sa mga payo niya nag karoon ako ng ganang kumain at matulog, nakukuha ko naring gumiti. Bilib ako sa kanya kahit wala na siya pinaparamdam niya parin ang pag aalaga niya saakin, isang gabi di ako makatulog at umiiyak ako ngunit siya ay gumamit ng tao para patulogin at painumin ako ng tubig. Ngunit hindi ako sumuko sa pagsubok na ito sapagkat mas sinusubok ako ng panginoon kung gaanno ako katatag. Hindi ako makapaniwala na lahat ng panalangin ko ay sinagot ng panginoon. Napanaginipan ko siya isang gabi na sinisisi ko siya dahil iniwan niya ako ngunit nagalit siya dahil hanggang duon nalang daw ang kanyang buhay, sambit niya ipagdasal ko daw siya na gabayan siya ng ating panginoon at gabayan niya rin ako. Laking pasasalamat ko kahit wala na siya ay patuloy niya parin niya akong ginagabaya, alam kong masaya na siya sa piling ng ating panginoon. Walang gabi na hindi ko siya pinag dasal kaya naman unti unti ko nang natatanggap ang kanyang pagkawala. Salamat sa panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan sa oras na kaylangan ko siya, pinatibay niya ako sa panahon na kailangan ko siya naramdaman ko ang yakap niya sa oras na kaylangan ko siya, bawat dasal ko ramdam ko ang presensiya niya.
RAIZA JANE GARCIA SALUDEZ
BEED III