Anekdota sa buhay ni Jose Rizal

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na

dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa

ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang

upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang

ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik

at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga

dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. aming

magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong

katalinuhan ni Pepe.