THIS WEEK'S LESSON
Maraming organisasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig ang binuo upang itaguyod ang mga karapatang pantao at tuluyang wakasan ang pagmamalabis sa mga karapatang ito. Karaniwan sa matatagumpay na pandaigdigang samahang nagtataguyod ng mga karapatang pantao ay nagmula sa mga NGO o Non-Governmental Organization kung saan pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.
Pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.” Pangunahing adhikain ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Itinatag ni Jack Healey, isang kilalang human rights activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses. Nakikipag-ugnayan din ang HRAC sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at maging ng printed material upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao.
Pangunahing layunin ng samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalalakas din nito ang mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad angmga pang-aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang pantao atmakapagbigay ng serbisyong-legal.
Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin nito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
Isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and People’s Rights.
Sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National Human Rights Institution (NHRI)” ng Pilipinas. Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service.
Ilan sa iba pang organisasyon na nagtataguyod ng karapang pantao sa bansa ay ang mga sumusunod: Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), Philippine Human Rights Information Center (PhilRights), KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights, Free Legal Assistance Group (FLAG), at Task Force Detainees of the Philippines (TFDP). (Halaw sa teksto buhat sa AP 10 LM p.383-87)
Narito ang Sampung (10) Karapatan ng mga Bata sa Pilipinas na ibinatay sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC). (Halaw sa teksto buhat sa AP 10 LM p.389)
A. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
B. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
C. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar
D. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan
E. Mabigyan ng sapat na edukasyon
F. Mapaunlad ang aking kakayahan
G. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang
H. Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
I. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
J. Makapagpahayag ng sariling pananaw