DepEd Vision, Mission, and Core Values
ALITUNTUNIN NG PAARALAN
1. Pumasok sa klase sa takdang oras araw-araw at huwag lumiban sa klase kung walang makatwirang kadahilanan.
Mangyaring ipaalam sa guro ang pagliban ng anak sa klase.
2. Pumasok sa klase na maayos ang kasuotan, maayos ang gupit at walang kulay ang buhok. Kung maaari, iminumungkahi ang pagsusuot ng uniporme para sa pagkakakilanlan
Para sa babae: Navy Blue na Palda at Puting Blusa
Para sa lalaki: Khaki na Shorts/Pantalon at Puting Polo
PE uniform: Puting T-shirt at Royal Blue na jogging pants
3. Sumangguni sa tagapatnubay o gurong tagapayo kapag nasasangkot sa isang gusot o suliranin at huwag tumawag kailanman ng tagalabas upang lumutas ng suliranin.
4. Igalang ang ating bandila, pambansang awit, ang mga guro at ang lahat ng bumubuo ng pangasiwaan ng paaralan sampu ng kawaksi at security guard; gayundin ang mga kasapi ng GPTA at HRPTA.
5. Isauli ang lahat ng aklat na hiniram sa pagtatapos ng klase nang maayos atkung sakaling lilipat ng ibang paaralan o hihinto sa pag-aaral nang hindi pa tapos ang taon
6. Ipagbigay alam sa guro ang pagkawala ng mga aklat at sikapin na palitan din ang mga iyon ng katulad na aklat.
7. Laging isaisip na pumasok sa paaralan upang mag-aral; hindi upang gumawa ng hindi wasto.
8. Iwasan ang droga at anumang bagay o bisyo na makasasama sa kalusugan. Ang mga batang may bisyo-naninigarilyo at umiinom at mga batang lalaking may hikaw at tattoo ay hindi tatanggapin sa klase hanggat hindi makikipag-usap ang mga magulang sa gurong tagapayo sa Guidance o kaya sa punongguro.
9. Magsabi muna sa tagapatnubay o guro na namamahala kung uuwi o lalabas ng paaralan. Ang sinumang bata ay hindi papayagang lumabas ng gate kapag nakapasok na sa loob ng paaralan.
10. Maging matahimik at maayos ang kilos sa loob at labas ng paaralan.
11. Panatilihing malinis at maayos ang paaralan. Iwasang sulatan ang mga dingding, pintuan, bintana, upuan o anumang kasiraan sa paaralan.
12. Iwasan ang paninira ng mga halaman o pamimitas ng mga bulaklak at bunga mula sa gulayan sa paaralan. Iwasan din ang pag-akyat sa mga puno upang mamitas ng bunga.
13. Iwasan ang pagsapi sa anumang “fraternity”. Makabubuti ang pagsapi sa mga organisasyon/club na may kaugnayan sa pagkatuto sa paaralan
14. Iwasan ang paglabas ng klase nang wala sa oras/cutting classes.
15. Maging matapat sa guro sa mga problemang pampaaralan tulad ng mga proyekto sa iba’t ibang asignatura.
16. Iwasan ang pakikipag-away sa kamag-aral o ang pambubully sa kapwa mag-aaral.
17. Iwasan ang pagsusulat sa mga gusaling pampaaralan o pambayan man.
18. Ang paghahatid at pagsundo ng mga magulang ay hanggang gate lamang.
Kung nais makausap ng magulang ang guro o may nais alamin, mangyari po sana na humingi ng appointment letter mula sa gurong tagapatnubay at ang pakikipag-usap sa guro ay dapat sa oras na walang klase upang hindi makaabala.
Ang mga batang maysakit o di maaring magbuhat ng gamit at dapat na ihatid sa silid aralan ay mangyari po lamang na kumuha ng gate pass mula sa tanggapan ng punungguro. Ito po ay ipinapatupad para sa kaligtasan ng ating mga anak.
19. Suspensyon ng Klase
Signal No. 1 – walang klase sa Kinder at Elementarya
Signal No. 2 – walang klase sa Kinder, Elementarya at Sekundarya
Signal No. 3 – walang klase sa lahat ng antas, gayundin sa tanggapan na pampamahalaan
Kung wala mang anunsyo ang PAG-ASA, ang ating Punong Lungsod Kgg. Edwin Olivarez, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd Division of Parañaque City ang siyang mag-aanunsyo ng suspensyon ng klase. Kung wala pa rin pong anunsyo, nasa diskresyon ng magulang kung papapasukin sa klase ang anak sa oras ng kalamidad.
Tandaan:
Ugaliing makipag-ugnayan sa inyong gurong tagapamatnubay at sa Punungguro!
MGA TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MGA MAG-AARAL
Bilang mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng La Huerta ako’y nangangakong susunod sa mga alituntuning nakatakda:
1. Pumasok sa klase sa takdang oras araw-araw at huwag lumiban sa klase kung walang makatwirang kadahilanan.
2. Pumasok sa klase ng naka-uniporme, nakasapatos, maayos ang gupit at walang kulay ang buhok.
3. Sasangguni sa tagapatnubay o gurong tagapayokapag nasasangkot sa isang gusot o suliranin at huwag tumawag kailanman ng tagalabas upang lumutas ng suliranin.
4. Igagalang ang ating bandila, pambansang awit, ang mga guroat ang lahat na bumubuo ng pangasiwaan ng paaralan sampu ng janitor at security guard.
5. Isasauli ang lahat ng aklat na hiniram ko at kapag ako’y huminto ng pag-aaralng hindi pa tapos ang taon.
6. Ipagbibigay alam sa guro ang pagkawala ng mga aklat at papalitan ang mga iyon ng aklat din.
7. Laging isaisip na pumasok sa paaralan upang mag-aral hindi upang gumawa ng hindi wasto.
8. Iiwasan ang droga. Ang mga batang may bisyo-naninigarilyo at umiinom at mga lalaking may hikaw ay hindi tatanggapin sa klase hanggat hindi makikipag-usap ang mga magulang sa punongguro.
9. Hindi pupunta sa paaralan kung hindi araw at oras ng pagpasok.
10. Magsabi muna sa tagapatnubay o guro na namamahala kung uuwi o lalabas ng paaralan. Ang sinumang bata ay din a papayagang lumabas ng gate kapag nakapasok na sa loob ng paaralan lalo na kapag kasalukuyan nang nagkaklase.
11. Maging matahimik at maayos ang kilos.
12. Panatilihing maayos ang paaralan. Hindi susulatan ang mga dingding, pintuan, bintana, upuan o gagawa ng anumang kasiraan sa paaralan.
13. Iwasan ang paninira o pamimitas ng mga bulaklak gayon din ang mga bunga ng punongkahoy.
14. Hindi tatanggapin ang sinumang bata nakasapi sa anumang “fraternity”.
15. Iwasan ang paglabas ng klase ng wala sa oras/cutting classes.
16. Maging matapat sa guro sa mga problemang pampaaralan tulad ng mga proyekto sa iba;t ibang asignatura.
17. Iwasan ang palaging pakikipag-away sa kamag-aral o kapwa kamag-aral ng hindi napapahamak o maparusahan.
18. Iwasan ang pagsusulat sa mga gusaling pampaaralan o pambayan man.
19. Ang paghahatid at pagsundo ng mga magulang ay hanggang gate lamang.
20. Kapag ako ay lumabag sa alinmang alituntunun ng paaralan, ako’y handang tumanggap ng kaukulang kaparusahan.