Mayor Calixto D. Enriquez Elementary School
Mayor Calixto D. Enriquez Elementary School
School ID: 108090
Address: Capt. J. Luna St., Ligtong 1,
Rosario, Cavite 4106
Region IV-A CALABARZON
Telephone: (046) 436-1764
Email: mcdeesrosario@gmail.com | 108090@deped.gov.ph
FB Page: DepEd Tayo Mayor Calixto D. Enriquez ES - Cavite Province
KASAYSAYAN NG PAARALAN
Mula sa talaarawan (diary) ni dating Juez de Paz, Domingo Convento Ricafrente ay nasasaad na isang pangingilak ng pondo (fund drive) para sa pagtatayo ng isang gusali ng Ligtong Primary school ang kanyang sinimulan noong ikaw-8 ng Enero , 1931. Naging katuwang niya rito ang mga kaibigang sina Basilio Leyba at Cosme Enriquez na ang layunin ay makapag-aral sa sariling lugar kaysa maglakad pa ng malayo patungo sa Rosario Central School.
Noong Hunyo 1931, ay nagbukas ang LIGTONG PRIMARY SCHOOL sa pangangasiwa ng mga gurong sina G. Rufino Reyes, Bb. Fortunata Pugeda (naging Gng.Inocencio) at Bb. Sotera Pulido (naging Gng. Del Rosario). Sa paglakad ng panahon, naging Head Teachers din sina Gng. Socorro Rios – Williams at G. Arturo Quemuel.
Pagkatapos ng labingsiyam (19) na taon na pagiging Primary School, ang PAARALANG ELEMENTARYA NG LIGTONG ay nagdaos ng kanilang Unang Pagtatapos (Commencement Exercises) noong ika-21 ng Abril, 1950 sa pangangasiwa ni Gng. Virginia Pugeda, Principal ng Rosario Central School. Ang unang VALEDICTORIAN ay si Rosita Ricasa (Gng.Arbolante)
Mula 1950 – 2012 bilang LIGTONG ELEMENTARY SCHOOL ay naging Principal ang mga sumusunod:
1950 -1952 Gng. Virginia Pugeda 1953 -1954 Gng. Leonarda De Guia
1955 -1959 Gng. Milagros Morga 1959 -1961 Gng. Domonga Wico
1961- 1964 G. Felimo Cajayon 1965 -1966 Gng. Matilde Ricafrente
1967 -1972 Bb. Lilia Santos 1972-1976 Gng. Zoe Dela Cruz
1976 -1978 Gng. Socorro Williams 1978 -1979 G. Toetimo Bulda
1980 -1996 Gng. Flora Himaya 1996 Gng. Irma Guhit
1997 Gng. Carmencia Capelo 1997-1998 Bb. Milagros Baldoviso
1998 - 2002 Bb. Consuelo Vidal 2002-2009 Gng. Rosalinda Palacao
2009 - 2014 Gng. Susan Aquino
Mga naging Teacher in Charge: Gng Elvira E. Reyes at Gng. Remedios C. Tolentino
BILANG PAARALANG ELEMENTARYA NG
MAYOR CALIXTO D. ENRIQUEZ
Mula sa isang espesyal na pulong na ginawa noong ika-5 ng Enero, 2009 sa Rosario Elementary School – District Office ay inahain ang isang Resolusyon No. 01-A-2009 ng Local School Board upang itaguyod aang mga Gawain at simulant ukol sa pagre-repormang pang-institusyon na maging dahilan upang mapangalananan uli ang Ligtong Elementary School ng Mayor Calixto D. Enriquez Elementary School. Ang Resolusyon ay nilagdaan ng mga dumalo na sina Mayor Jose M. Ricafrente, Jr. – Punong Bayan (Co-Chairman), Dr. Divinia Nayor – District Supervisor (Co-Chairman) at mga kasapi: Konsehal Antonio h. Luna, Jr. Mrs. Ofelia Cupino, G. Benedicto Ricasa, Gng. Edna Zurbano, Konsehal Val Karlo Arañas at G. Ronaldo Estacion.
Sa Unang espesyal na sesyon naman ng Sangguniang Bayan ng Rosario noong ika-07 ng Enero, 2009 sa ikatlong palapag ng Munisipyo ay naghain sila ng Resolusyon 01-2009 na isinasaad ang pagpapangalan muli ng Ligtong Elementary School bilang Mayor Calixto D. Enriquez Elementary School. Lumagda ng resolusyon ang mga dumalo: sina Vice Mayor Jose Rozel Hernandez (Presiding Officer), ang mga Konsehal: Ernesto S. Andico, Pio A. Vivo, Antonio H. Luna, Jr., Christopher P. Go, Arnel T. Ricasata, Manuel C. Pueblo at Ferdinand Y. Enriquez. Pinagtibayan nila ang resolusyon na dapat ipadala sa Department of Education, Division Superintendent of Schools of Cavite, District Supervisor, ang Pamilya ng namayapang Mayor Enriquez at sa lahat ng may gustong magkaroon ng kaalaman ukol dito.
Noong ika-09 ng Marso, 2009 at tumatanggap ng sulat si G. David Barrera, Jr. – Kalihim ng SB Rosario mula kay G. Recto Cantimbuhan – Chairman ng Sangguniang Panlalawigan – Committee on Rules na magsumite ng mga dokyumento mula sa rekomendasyon ng Local School Board, ang katibayan ng buong pagkakaisa ng Sangguniang Bayan, at ang ipinadalang sulat at pagsagot ng National Historical Institute upang maaksyonan agad ng Sangguniang Panlalawigan ito.
Noong ika-26 ng Oktubre, 2009 ay sumulat si Vice Mayor Jose Rozel Hernandez kay G. Ambeth Ocampo, Chairman – National Historical Institute bilang tugon sa kahilingan nito na ipadala ang nararapat na impormasyon sa petsa ng kamatayan ni Mayor Estoy. Inilakip ni Vice Mayor Jhing-jhing ang kopya ng Death Certificate ni Mayor Estoy mula sa National Statistics Ofiice (NSO) at umasa siya na makakatulong ito upang mapagtibay ang inihaing resolusyon.
Nakatanggap ng sulat si Vice Mayor Jhing-jhing noong ika-05 ng Nobyembre, 2009 mula kay G. Ambeth Ocampo (Chairman, NHI) at ipinababatid nito na ang NHI ay walang hadlang sa inihaing resolusyon ng SB-Rosario. Kaya ang nararapat na karatula ay sa pormang ito. CALIXTO ENRIQUEZ – LIGTONG ELEMENTARY SCHOOL.
Sa bisa ng Deped Order No. 5, s. 1989 at Deped Order No. 12, s. 2003, ang pangalan ng paaralan ay napalitan ng Mayor Calixto D. Enriquez Elementary School (Paaralang Elementarya ng Mayor Calixto D. Enriquez) bilang pagpupugay sa dating alkadeng si Calixto D. Enriquez na nagsilbi sa Rosario sa loob ng labindalawang taon at isang tunay na anak ng Ligtong. Kaya noong Ika-labing lima ng Oktubre 2012, pormal na itong naging PAARALANG ELEMENTARYA NG MAYOR CALIXTO D. ENRIQUEZ.
Narito ang mga naging Punong-guro mula 2012 hanggang sa kasalukuyan:
2012 - 2014 Gng. Susan Aquino
2014 - 2015 Gng. Myrna Diaz
2015 - 2019 Gng. Nieves R. Jocson
2019 - 2021 Gng. Ana Marie R. Panaligan
July 2021-November 2021 Gng. Mercedita Villanueva
November 2021 - September 2022 Gng Janine Costa
2022 - sa kasalukuyan Gng. Susan A. Guanzon