Dugo ES where young minds grow!
RIZZA GACAYAN RARAMA
School Principal II
When everything is visible and feasible, Wonderful things happen possibly and incredibly.
DES is committed to lifelong learning in a caring environment.
“Dugo, where young minds Grow, always on the Go!”
At this point in time, I’d like to congratulate and acknowledge the tremendous success we’ve achieved! We’ve exceeded expectations at every step along the way. To be the first school of Camalaniugan District to successfully implement the School-Based Management (SBM) Practices is an achievement worthy of recognition and emulation.
I’d like to appreciate the efforts of the committed, dedicated and highly motivated team -our stakeholders, feeder barangays, teaching staff of Dugo Elementary School, for surpassing our goals for the school! I am consistently amazed by the kind of performance you had shown. It is incredible to see you all consistently pushing yourselves to the limit. Your hard work is turning into tangible outcomes for our team and the school. You really played a crucial role in the school’s success.
Thus, this school website is a living mantra of the kind of team I had. It gives me great pleasure and the earnest desire to move forward and to be on the lookout for new opportunities and to put these new things into use at every chance I get. KUDOS! More challenges are still ahead of us! As I always believe, “Dugo, where young minds Grow, always on the Go!”
When we team up, every young mind wins!
Transparency Seal
Announcement Section
Retrieval of Quarter 4 SLMs/Answer Sheets will be on June 11, 2021
Distribution for Week __ SLMs will be on June 18, 2021
End of School Year Virtual Meeting of Grade VI parents will be scheduled June 19, 2021
Activation of Learners 0365 Account will be until June 30, 2021
Current Local Time
Featured Articles
Aquino, Membrot, Nagpakitang gilas sa VHSO
May 10, 2021By: Divinagracia D. GuinacaranDalawang matatalinong guro sa Mababang Paaralan ng Dugo sa katauhan nina Gng. Agnes R. Membrot, Teacher 3, at Gng. Zeny P. Aquino, Teacher 2 ang magkasunod na nagpakitang gilas sa kanilang Virtual Home- School Observation (VHSO) na ginanap noong Mayo 25, 2021.
Ayon sa kanila isang malaking karangalan ang kanilang Virtual Home- School Observation (VHSO) dahil bihirang pagkakataon lang ito na dinaluhan ng mga mabibigat na personalidad sa Dibisyon ng Cagayan na sina Madam Chelo Tangan, ( Assistant Schools Division Superintendent), Sir Gery Goze (EPS in Science), Madam Veronica P. Palmea ( PSDS), at Madam Rizza G. Rarama, punong guro ng Mababang Paaralan ng Dugo.
Layunin ng VHSO na paunlarin ang kakayahan at mailabas ng mga guro ang kanilang mga talento o pagiging malikhain sa pagtuturo sa makabagong paraan. Layunin din nitong gawin masaya , enjoyable at para mailabas ang kritikal na pagiisip sa parte ng mga bata gamit ang tinatawag na distance learning lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Laking pasasalamat ng dalawang guro sa pagbabahagi nina Madam Tangan, at Sir Goze ng kanilang oras/ panahon,para maibahagi sa kanila ang kanilang kakayahan, kaalaman at talento sa pagtuturo. Dahil sa mga puna at puri nina Tangan at Goze lalong napaunlad at napalawak ang kaalaman ng dalawang guro sa pagtuturo.
Pinasalamatan din nila ang mga bata at magulang sa kanilang walang sawang pagmamahal at suporta sa mga guro.
RPQ FOUNDATION, NAMIGAY
March 3, 2021By: Janice B. CortezNamigay ang RPQ Foundation, Incorporated sa Mababang Paaralan ng Dugo ng pondo para sa “ learning kits” ng 240 na mahihirap/ indigent na mga mag- aaral ng paaralan sa pamamagitan ni Gng. Milagros Querubin Vice- President ng nasabing foundation noong ika- apat ng Marso 2021.
Nakamit ang proyektong ito sa tulong ng mga sumusunod: Doctora Desireeh Casauay- Bulauitan,G.Jovencio Bumatay ( SGC President), G. Edgar Martinez ( PTA President), barangay partners Hon. Christopher Pascua ( Brgy. Jurisdiccion), Virgilio Delos Santos ( Brgy. Gen. E. Batalla), Hon. Wlfredo Martinez ( Brgy. Bantay), Hon. Sharon A. Udarbe (Brgy. Dugo), Hon. Elena Rosario ( Brgy. Felipe Tuzon), Tagapangasiwa ng Distrito ng Camalaniugan Dr. Veronica P. Palmea, Dr. Rizza G. Rarama, punong –guro ng Mababang Paaralan ng Dugo at ang mga masisipag na mga guro ng nasabing paaralan .
Ang nasabing learning kit na ipinamigay ay naglalaman ng plastic envelop, lapis,papel, krayola, at ballpen. Ang mga A4 reams na bondpaper ay naiwan sa eskwelahan na siyang gagamitin sa pag imprenta ng mga modules ng mga bata.
Ang Vice- President ng RPQ Foundation ngayon na si Gng. Milagros Querobin ay naisilang, lumaki sa Dugo Camalaniugan, Cagayan at nag- aral sa Mababang Paaralan ng Dugo.Kaya malapit sa kanyang puso ang nasabing paaralan.
Labis ang kagalakan ng mga magulang at mag-aaral na nakatanggap ng ganitong klaseng tulong galing sa RPQ Foundation.Muli, labis ang pasasalamat ng eskwelahan sa ibinigay na learning kit ng naturang foundation. “ It’s not how much we give, but how much love we put into giving.”- Mother Teresa. Mabuhay RPQ FOUNDATION, Incorporated! Dugo Elementary School Where Young Minds Grow.
Seremonyal Kick -Off, Idinaos
October 5, 2020By: Lemura P. MartinezSeremonyal Kick -Off, Idinaos
Bago magsimula ang pagbubukas ng klase ngayong Oktubre 5, 2020,nagsagawa ng Kick Off Ceremony ang Mababang Paaralan ng Dugo noong Septyembre 30, 2020 na may temang “ Sama sama sa pagsulong ng Edukalidad, Handang handa na ang isip, Handang handa na ang puso, Para sa kinabukasan. Dugo Elementary School, Handang handa na kami!”
Pinangunahan ni Dr. Rizza G. Rarama, PhD, punong guro ng paaralan ang seremonyal Kick Off. Maagang nagtungo ang mga guro sa bawat feeder barangay ng paaralan para ipaalam sa mga tao,magulang at mga bata na malapit na ang pagbubukas ng kanilang klase sa New Normal na pag- aaral ng mga bata. Unang pinuntahan ng mga guro ang Barangay Jurisdiccion, sumunod ang Barangay Gen. E. Batalla, Barangay Bantay at Barangay Dugo.
Nakita at naramdaman ng mga guro ang init na pagsalubong ng bawat barangay sa kanila na pinangunahan ng masisigasig at matatalinong mga punong barangay kasama ng kanilang mga opisyales. Napatunayan din nila na handang handa na talaga ang mga mag- aaral, at magulang sa pagbubukas ng klase ngayong taong 2020.
Webinar on Project WEBS BAtch 2.0
Briefing of School ICT Coordinators on the Distributon & Activation of the Learners’ MS 0365 Accounts
Virtual Assessment of Documents for Reclassification of Master Teacher I, II, & III Positions
Camalaniugan District Cooperative Evaluation