Sa paggamit sa pigura ng zombie sa kulturang popular, paano ipinabatid ng teksto ang tesis nito?
Katuturan ng zombie sa teksto sa Kingdom at/o World War Z:
Mga bangkay na muling nabuhay dulot ng pagpapainom ng halamang-gamot na tinatawag na “resurrection plant.” Mga taong naging wari ay bangkay dahil sa virus na nakalabas mula sa laboratoryo.
Itinuturing bilang isang pandemikong kumakalat sa kanilang bansa, mabilis na nakahahawa ang pagiging zombie sa mga palabas na ito. Maaaring mahawa ang isang tao kapag nakagat siya ng zombie, o kaya naman ay nakakain ng laman ng isang taong una nang nakagat.
Balikan ang denotatibong pagpapakahulugan, ang zombie bilang “mga namatay na taong muling nabuhay na may iisa lamang na layunin: ang kumain ng laman” (39). Kung pag-uusapan ang “kumain ng laman”sa pagpapakilala sa zombie bilang tanyag na pigura sa kulturang popular, sinadya rin ang paggamit dito ng mga manunulat upang higit na mailarawan ang sumisidhing pagkonsumo ng mga tao na hindi na nalalayo sa katangian ng zombie sa kasalukuyan.
Tulad ng mga zombie sa kulturang popular sa panahon ngayon, nagpapaunahan din ang mga tao sa paghabol sa mga produktong nauuso. Kasabay ng mabilisang pagbabago at pagpapalit-palit ng teknolohiya, sinusubukan din ng mga taong makaagapay sa pagkonsumo ng mga ito.
Dahil unti-unti nang nagiging zombie ang tao sa paghahabol ng produktong mabilis na nagbabago, habang nagiging tao ang zombie na may kakayahan nang magpakita ng emosyon at umibig, pinagtatagpo ng sanaysay sa pamamagitan ng paglalarawan ang pigura ng zombie sa kulturang popular at ang katangian ng tao sa panahon ng labis na konsumerismo.
TESIS
Makikita sa bagong zombies na nagiging mas katulad ng tao ang mga zombie kaysa dati. Dahil nawawala ang pagkakaiba sa larangan ng tao at zombie, maaaring sabihing nagiging katulad natin ang ating mga kinatatakutan. Mistulang wala nang ipinagkaiba ngayon ang zombie at tao, maliban na lamang sa aktuwal na pagkain ng laman. Nagiging mababaw at makamundo na ang tao (42).