Zombie ang isa sa mga tanyag na karakter sa kulturang popular. Mula sa pag-usbong nito noon sa mga pelikula ni George Romero, hanggang sa patuloy nitong pamamayagpag sa iba’t ibang anyo ng kulturang popular, mamamalas ang pag-iiba ng katangian ng zombie.
Sa pamamagitan ng paglalarawan at iba’t ibang mabisang paraan kung paano ito maisasakatuparan—paggamit ng sari-saring kasangkapang panretorika, paggamit ng tayutay, at pagtukoy ng direksiyon, naihain ng mga manunulat sa mambabasa ang naging pag-iiba ng kilalang-kilalang karakter hanggang sa humantong ang paglalarawan sa pamilyar nang akto ng pagkonsumo na kasalukuyang sinusuong ng mga tao.