nina Hans Christian Cristobal at Jose Mari F. Deluria
Hindi maikakailang bahagi na ng Pilipinong kulturang popular ang mga kuwento ng kababalaghan. Panahon na ng usad na paggamit sa teknolohiya ng maraming bansa sa daigdig subalit marami pa rin sa mga ito ang hindi namamatayan ng kuwentong kababalaghan. At isa na nga rito ang Pilipinas. Subalit, mainam ding kilalanin ang pagbabagong hatid ng teknolohiyang ito sa usapin ng mabilis na pagpapasa ng mga kuwento at salikupan, tunggalian, at pagbubuo ng mga panibagong tanaw kundi man panibagong bersyon ng kuwento o ng mga karakter/pigura ng kuwento.Ganito ang kaso ng zombie. Isang karakter/pigura na sa pinagdaraanang paglalarawan ay nagpapanatili sa dati subalit kakikitaan din ng bago. Sa ano nga ba maitutumbas ang pagsisikap sa pagkilala sa zombie? Paano nito nailulugar ang pag-unawa sa identidad ng bansa?
MGA TANONG PANTALAKAYAN
Pamilyar ka ba sa mga anyo ng kulturang popular (pelikula, komiks, laro, atbp.) na nagtatampok sa karakter ng zombie? Ano ang karaniwang paglalarawan sa zombie?
Paano natutulad/naiiba ang paglalarawang nakita sa mga anyong popular na ito sa isinagawa sa paglalarawan ng mga manunulat sa zombie sa binasang teksto?
Paano naging epektibo ang paglalarawan ng teksto sa zombie?
Sa paggamit sa pigura ng zombie sa kulturang popular, paano ipinabatid ng teksto ang tesis nito?