Pamilyar ka ba sa mga anyo ng kulturang popular (pelikula, komiks, laro, atbp.) na nagtatampok ng karakter ng zombie? Ano ang karaniwang paglalarawan sa zombie?
Kung titingnan halimbawa ang mga palabas na Kingdom, Zombieland, World War Z, at Black Summer pare-pareho ang paglalarawan (hitsura) sa zombie. Wari mga bangkay na muling nabuhay, naaagnas, may nakatiwangwang na bukas o tapyas na bahagi ng katawan, nagsasanib na tuyot at sariwang dugong kalat sa katawan, at matang mabalasik/nanlilisik o may tumatagas na dugo mula sa mata.