Sa umaga, dulot na rin ng labis na init, maihahalintulad ang mga zombie sa mga bangkay na nakahandusay (pansinin din kung papaano nakatulong ang paggamit ng tayutay sa paglalarawan). Batay sa mga duguang katawan at nakabukas na laman, maaari ding mawari ng saksi na marahas at karumal-dumal ang naging pagpatay sa mga ito.
Sa gabi tuwing bababa ang temperatura, muling magigising ang mga zombie upang maghasik ng lagim. Mabilis nilang hahabulin ang mga buhay upang kainin ang laman nito. Kapag nakahanap na ng target, mabilisan nila itong susugurin at pag-aagawan kahit na mauwi mala-stampede na pagkakadapa at pagkakapatong-patong nila makakain lamang ng laman.
masaklaw na mailalarawan ang zombie bilang “mga namatay na taong muling nabuhay na may iisa lamang na layunin: ang kumain ng laman” (39).