Huwag magpakain ng kaning baboy o "swill". Pumili ng tamang feeds na ipapakian at huwag magpasok ng feed bags sa loob ng babuyan.
Siguraduhin na ang kukuning palahian o biik ay malusog at walang sakit. Magobserba ng quarantine o downtime bago magpasok ng baboy sa inyong babuyan.
Magdisinfect ng mga kagamitan sa inyong babuyan at ugaliin ang paglilinis ng loob at ng kapaligiran (kulungan, bodega, atbp.) nito pati na rin ang ginagamit na sasakyan.
Huwag magpapasok ng viajero, bisita, at sasakyan sa inyong farm.
Maligo at magpalit ng damit bago pumsok ng babuyan. Maglaan ng kumpletong damit at bota na gagamitin lamang sa loob nito. Maligo muli matapos lumabas ng babuyan.
Lagyan ng bakod at/o net ang palibot upang makontrol ang pagpasok ng mga ligaw na hayop at insekto.
Kung ang alagang baboy ay may sintomas ng sakit o namatay, agad ipagbigay alam sa Municipal Agricultural Office, City/Provincial Veterinary Office o sa ASF Task Force ng inyong lugar.