"Aishite Imasu 1941: Mahal Kita "-Sumalpong
Ang pelikulang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita ay isang napakagandang kuwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pagkatao na naganap sa gitna ng kaguluhan noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Sa kwentong Ito ay nagsasalaysay ng bawal na pag-iibigan nina Ichiro, isang sundalong Hapon, at Inya, “isang Pilipina” o kinikillang bakla sa kanyang panahon. Ang layunin ng sanaysay na ito ay maibahagi ang aking mga personal na saloobin at reaksyon sa kanilang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, pati na rin ang mga aral na maaaring nakuha mula sa kanilang karanasan.
Sa pelikula, makikita natin ang malalim at kumplikadong pagmamahalan nina Ichiro at Inya, na humarap hindi lamang sa mga pamantayan ng lipunan, kundi pati na rin sa mabigat na realidad ng digmaan. Ang kanilang relasyon ay naging simbolo ng katapangan at pagtalikod sa mga makalumang tradisyon. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba—si Ichiro bilang sundalong bahagi ng mga mananakop, at si Inya bilang tagapagtanggol ng kanyang bayan—nagtagpo sila sa isang relasyon na puno ng damdamin at pagsubok. Sa dulo, ang kanilang kwento ay hindi nagtapos ng masaya kundi sa sakripisyong kanilang ginawa upang ipaglaban ang mas mataas na layunin, tulad ng kalayaan at karangalan. Ang kanilang pag-ibig ay nagpakita na ang tunay na pagmamahal ay handang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.
Mga Saloobin Ang kwento nina Ichiro at Inya ay nagbibigay-diin sa komplikasyon ng bawal na pag-ibig. Sa isang banda, ipinapakita nito na ang pagmamahal ay hindi nagbabatay sa kasarian, lahi, o paniniwala. Ngunit sa kabilang banda, ipinapakita rin nito ang limitasyon ng pagmamahal sa panahon ng digmaan, kung kailan ang mga personal na hangarin ay kailangang isakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Habang nanonood, natanong ko sa sarili: Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig kahit alam nating ito ay puno ng panganib at maaaring humantong sa trahedya? Ang kwento nina Ichiro at Inya ay nagpapaalala na ang tunay na pagmamahal ay madalas nasusubok hindi lamang sa damdamin, kundi sa pagsubok na dala ng lipunan at ng panahon.
Konklusyon Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng mensahe ng pagtanggap, tapang, at sakripisyo. Natutunan ko na ang pagmamahal, gaano man ito kahirap o kagulo, ay maaaring maging isang makapangyarihang pwersa na nagtutulak sa atin upang maging mas mabuting tao. Gayunpaman, mahalaga rin ang responsibilidad sa paggawa ng desisyon lalo na kung ito ay may mas malawak na epekto sa iba. Ang kwento nina Ichiro at Inya ay isang paalala na ang pagmamahal, bagama’t personal, ay hindi palaging hiwalay sa mga hamon ng kasaysayan at lipunan.
"Heneral Luna"-Susano
Ang eksena sa pelikulang Heneral Luna kung saan si Heneral Antonio Luna ay nasa gabinete para sa isang meeting ay isa sa mga pinaka makabuluhang tagpo na nagpapakita ng kanyang tapang at prinsipyo. Ang tagpong ito ay nagpapamalas ng isang lider na hindi takot ipaglaban ang tama, kahit pa ito’y nangangahulugan ng paglalantad ng mga kahinaan at pagkukulang ng mga nasa kapangyarihan.
Sa kabila ng kanyang mataas na posisyon, hindi naging hadlang kay Heneral Luna ang kanyang pagiging direktang magsalita laban sa katiwalian, personal na interes, at kakulangan ng pagkakaisa sa pamahalaan. Ang kanyang mabagsik na pagsasalita ay hindi simpleng galit; ito’y bunga ng matinding pagmamalasakit sa bayan. Para kay Heneral Luna, ang kalayaan ng Pilipinas ay higit na mahalaga kaysa sa pansariling ambisyon o pulitika.
Habang pinapanood ang tagpong ito, mahirap hindi makaramdam ng paghanga sa kanyang tapang, ngunit sa parehong oras, naroon din ang pag-aalala. Ang kanyang ugali na tahasang magsalita ay naging sanhi rin ng alitan sa kanyang mga kasamahan, na kalaunan ay nagdulot ng trahedya. Ngunit, sa kabila ng lahat, pinakita ni Heneral Luna na minsan, kailangan ng isang tao na maging matapang at mabagsik upang magising ang mga natutulog na konsensya.
Ang eksenang ito ay nagsisilbing paalala na ang pagiging lider ay hindi lamang tungkol sa pagiging mabait o diplomatikong kausap. Ang tunay na lider ay handang magsalita at kumilos para sa bayan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanyang buhay o reputasyon. Bilang isang Pilipino, mahalagang tanungin natin ang ating sarili: Mayroon pa bang mga lider ngayon na handang magsakripisyo para sa bayan tulad ni Heneral Luna? Ang kanyang kwento ay hamon para sa atin na maging responsable at mapagmalasakit, hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa ating inang bayan.
"Pagninilay sa Pagpupulong: Mga Aral mula kay Heneral
Luna sa Laban para sa Bayan" -Uson
Pagninilay sa Pagpupulong: Mga Aral mula kay Heneral Luna sa Laban para sa Bayan Replektibong Sanaysay na Isinulat ni: Uson, Jullia Marie H. | 12 – STEM 4 Bilang panimula sa pagsisiyasat ng sarili, ito ay naaayon sa pakikipag-pulong ng mga Pilipino kay Heneral Luna. Kaugnay nito, hinihimok ni Heneral Luna na magsagawa ng mga kaukulang hakbang upang hindi tuluyang masakop ang mga Pilipino at matugunan ang sitwasyong nakapaligid sa pagdating ng mga Amerikano upang hindi sila madaig, kahit na maliit ang hukbo. Ang sanaysay na ito ay naglalayon na itampok ang pangunahing usapin nila Heneral Luna sa kanilang pagpupulong upang hindi sila mapaunlakan ng mga Amerikano.
Ang pahayag na “negosyo o kalayaan, bayan o sarili" ay nagpapakita ng pangangailangan ng pagkakaroon ng tamang priyoridad at pagpapahalaga sa mga bagay na may pambansang kahalagahan, kaysa sa pansariling kapakinabangan na maaaring makasagabal sa kabutihang dulot ng pagkakaisa at serbisyo sa bayan. Mahalaga ang mensahe ni Heneral Luna sa mga lider at mamamayan, sapagkat ito ay nagsisilibing paalala na ang pagiging makabayan at ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nangangailangan ng sakripisyo at pagtutok sa kabutihang panlahat. Isa sa mga hindi makatarungang nasabi ng isang Pilipino ay ang kagustuhang makisama sa mga Amerikano sa kadahilanang kaaway din ang Espanya. Ang tugon ng heneral, gayunpaman, ay tiyak sa pagkakataong ito na nalilimutan ng mamamayang Pilipino ang paparating na sakuna dahil nakatutok sila sa pagpapanatili ng kapayapaan kaya’t naiisip nilang hayaan ang mga dayuhang Amerikano na sumanib sa bansa.
Bilang isang mamamayang Pilipino, hindi nararapat na tayo ‘y magpadala na lamang sa matatamis na salita ng mga Amerikano o kung ano mang dayuhan. Huwag tayong maging kampante sa kahit anumang sakunang ating haharapin dahil marapat na tayo’y maging makabayan at iwasang maging makasarili. Alam natin na ang sasakop sa atin ay magbibigay ng malaking utos at kontrol sa ating mga batas. At mas lalong alam nating mga Pilipino na tayo’t alipin ng batas. Ang pagiging makabayan ay hindi lamang tungkol sa pagmamahal sa ating lupang tinubuan, kundi ito ay tungkol sa pagtutok sa kabutihang panlahat at sa pag-unawa na ang ating mga aksyon ay may epekto sa kapwa at sa buong bayan.
Sa mga mahihirap na panahon at sa mga pagkakataong tayo’y humaharap sa mga pagsubok, hindi natin dapat basta-basta magtiwala sa matatamis na salita ng kalaban. Ang mga magagandang pangako at panghihikayat ng mga taong may pansariling interes ay maaaring magsilbing patibong upang tayo'y mailigaw at magamit para sa kanilang kapakinabangan. Ang kalaban, sa kanilang mga layunin, ay maaaring magmukhang kaakit-akit at tapat, ngunit sa likod ng kanilang mga salita ay maaaring nagtatago ang pansariling kapakinabangan na hindi naaayon sa kabutihan ng nakararami. Huwag nating hayaan na maloko o madala tayo ng mga magagarbong pangako. Sa halip, magtiwala tayo sa mga prinsipyo ng tunay na kabutihang panlahat, pagkakaisa, at malasakit sa bayan. Sa ganitong paraan lamang natin matitiyak na ang ating mga desisyon at hakbang ay magsusulong ng isang mas matatag, makatarungan, at mas maunlad na hinaharap para sa ating lahat.
"Heneral Luna "-Vertucio
Ang isang senaryong aking napanood mula sa pelikulang "Heneral Luna", ay isa sa mga tanyag na pangyayari na nagpapakita ng halo-halong eksenang nagbibigay emosyon katulad na lamang ng pagkatakot at pagkamarangal. Ito ay parte ng kasaysayan at ngayon ay patuloy pa ring inaalala. Ang pumukaw sa aking atensyon ay si Heneral Luna, siya ay isang Heneral na buong pusong nagpakita ng kanyang pagkamakabayan bilang simbolo ng pagmamahal sa Pilipinas. Siya ay kumikilos ayon sa kanyang natatanging katapangan kasama na ang iba pang mga sundalong nagsasakripisyo ng kani-kanilang mga buhay noong panahon ng Amerikano.
Sa pelikula, makikita natin ang pagtitipon ng iba’t ibang lider ng salik ng gobyerno sa ilalim ng pamamalakad ni Dating Presidente Emilio Aguinaldo ay nasa kalagitnaan ng pag uusap patungkol sa paunang pagsalakay sa grupo ng mga Amerikano. Sa unang parte, aking napansin ang ipinapakitang lakas ng loob ni Luna sa kagustuhang sumalakay sa pwersa ng mga Amerikano. Ang ibang kasapi ng pag uusap ay taliwas ang mga pinagsasabi laban sa kagustuhan ni Luna. Katulad na lamang ni Aguinaldo, siya ay buong loob na nagtitiwala sa kasunduan niyang isinagawa kasama ang mga Amerikano bilang kakampi ng bansang Pilipinas. Gayundin ang ipinahiwatig nina Paterno at Costales na mas pinili pang unahin ang kahihinatnan ng kanilang mga negosyo kung sakaling magkakaroon ng hidwaan sa dalawang bansa kaysa isipin ang pangkalahatang kalagayan ng kanilang bansang kinagagalawan. Kung kaya’t, naging hudyat para kay Luna na itaas ang kanyang plano upang maipagtanggol ang bansang Pilipinas. Ang ipinamalas na katapangan ni Luna ay nagsilbing pwersa ng bansa. Mula sa pagtitipon nila kasama ang ibang salik ng gobyerno sa pamamalakad ni Aguinaldo hanggang sa pakikipagdigmaan ay hindi nagdalawang isip si Luna na ituloy ang kanyang nais na pagtatanggol at paninindigan para sa bansang Pilipinas.
Ito ay nagpapakita ng tunay na katangian ng isang lider pagdating sa digmaan. Sa aking obserbasyon, mas nangibabaw ang mga salita ni Luna dahil ito ay walang bahid na pagtatraydor sa sariling bansa. Kagustuhan ni Luna na mulatin ang lahat ng Pilipino na masanay sa pagsisilbing hindi lamang para sa sariling kapakanan kung hindi para sa pangkalahatan. Gayunpaman, ang mga kilos ni Aguinaldo ay hindi ko nakikitaan ng kaayusan bilang presidente pagdating sa mga plano patungkol sa digmaan. Para sa aking saloobin, siya ay naduduwag na harapin ang mga ganitong klaseng problema na maaaring ikamatay ng mga Pilipino at pagkawala ng kalayaan sa bansang Pilipinas. Sa aking opinyon, mas gugustuhin kong mamuno sa digmaan si Luna kumpara kay Aguinaldo sa kadahilanang mas malawak ang pag iisip ni Luna tungkol sa digmaan at hindi madaling magpadala sa mga simpleng salita.
Bilang estudyante, ang pagiging marangal at pagpapakatotoo ay isang bahagi upang umunlad ang bansang ating kinatatayuan. Hindi uunlad ang isang bansa kung madaling magpakuha sa mga panandaliang serbisyo at mapangumbinsing salita dahil karamihan dito ay nagiging paraan upang magawa ang patagong pagtatraydor. Sa araw na pagpupulong nila Aguinaldo kasama si Luna, nararapat na pakinggan ng bawat isa lalo na ang namumuno ang mga posibilidad at makakabuti sa isinasagawang plano upang magkasundo at makalakip ng mga epektibong paraan upang magtagumpay. Hindi ako sang-ayon sa pagbabalewala nina Aguinaldo sa mga plano ni Luna, imbis na kanilang suportahan at tiyakin ang pagiging handa at matatag ng mga sundalong gagamitin sa laban ay nagbigay tuon na lamang sa mga kasunduan ni Aguinaldo at Amerikano.
"Sen. Miriam Defensor Santiago "-Villanueva
Si Miriam Defensor Santiago ay isang mahusay na politico, abogada, at akademiko sa Pilipinas na nakilala sa kanyang talino at husay sap ag sasalita at pamumuina sa mga senate hearing. Sa tuwing sya ay sasalang sa mga senate hearing pinapakita nya ang kanyang talino at tapang ng kanyangg paninindigan. Sa sanaysay na ito, aking tatalakayin ang mga pamamaraan ni Miriam Defensor Santiago sa mga senate hearing.
Sa napanood kong bidyo sya ay parang isang guro na tinuturuan ang kaniyang mga estudyante. Siya ay hindi natatakot at tuloy-tuloy ay kaniyang pag sasalita. Malakas ang loob nya at walang halong kaba kung mag salita. Alam mo rin na siya ay talagang edukado dahil alam nya kung ano ang sinasabi nya at kung pano nya ito susuportahan. Siya rin ay may malalim na kaalaman sa mga batas. Hindi nawawala sa kaniya ang humor o pagbibiro tuwing siya ay nag sasalita. Habang pinapanood ko ang bidyo napansin ko na siya ay isang matapang at may integridad tuwing mag sasalita. Hindi mo siya matatakot at siya rin ay tapat sa ating mga prinsipyo. Nakita ko ang kaniyang estilo ay isang paalala na hindi sapat na matalino kalang sa usaping teknikal. Si Miriam ay isang magandang halimbawa ng lider na matapang.
Sa pag susulat ko tungkol kay Miriam Defensor Santiago at ang kanyang pagsasalita sa senate hearing, natutunan ko na ang tunay na lider ay hindi takot mag salita ng katotohanan. Natutunan ko rin na si Miriam Defensor Santiago ay talagang mahusay sa kaniyang ginagawa at mga sinasabi ay puro katotohanan. Sa pamamagitan ng bidyong iyon, ipinakita niya sa akin kung paano magsalita para sa bayan ng may tapang, katalinuhan at malasakit.
"Heneral Luna"-Yap
Ang bidyo klip na aking gagawan ng replektibong sanaysay ay nanggaling sa palabas na Heneral Luna noong 2015. Ang bidyo klip ay pumapasaloob sa isang cabiunet meeting kung saan ang mga taong pilipinong may rango ay nagtipon upang pagusapan ang mga amerikanong mananakop kung pagkakatiwalaan ba ito. Halos lahat ng mga tao sa cabinet meeting ay sang ayon sap ag agawa ng aksyon sa ilalim ni heneral luna dahil sa malakas na pwersa ng amerikano, subalit hindi sang ayon si Paterno ang ulo ng cabinet sa kadahilanan na kaaway ng amerikano ang espanya kaya naman kakampi nito ang mga amerikano. Ang kapunan ni Heneral Luna at Alejandro ay galit na galit sa kadahilanan na nagsasayang sila ng oras sa pakikipag talon a sa halip sila ay gumagawa ng plano at ipatumba ito. Ipiniapakita ni Heneral Luna na ang mga amerikano ay gumagawa ng paraan ipang linlangin ang mga Pilipino gamit ang kanilang mga salita.
Para sa akin sang ayon ako sa plano ni Heneral Luna bagamat lahat naman ng mga ito ay mananakop ng bansa at wala dapat pagkatiwalaan. Isa sa mga tumatak na saloobin ni Heneral Luna ang sinabi nyang linya na "Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka." Pinapakita dito ang pagiging leader ni Heneral Luna at pagiging desidido sa kanyang mga aksyon na kailangan para sa bansa. Ang ginagawa ni Heneral Luna ay pagpilit na itanggol ang pilipinas sa mga mananakop dahil sya ay isang heneral alam nya ang intension ng mga ito sa bansa. Matalas ang pag iisip ni Heneral Luna sa paraan na hindi sya nagpapaloko sa mga kalaban nilanmg bansa at pinipilit na palakasin ang kanilang angkan ng Pilipino. Walang paki si Heneral Luna sa sinasabi nila Paterno na paano na ang kanilang negosyo at pamilya dahilk para kay Luna walang saysay ang mga ito kung masasakop ng kawal. At sa gayunpaman para sakin isang magandang desisyon ni Heneral Luna yun dahil ang kalagayan ng Pilipino at ng bansa ay mas mahalaga sa kanilang posisyon sa gobyerno at iba pa.
Sa hule ang saloobin ni Heneral Luna patungkol sa laban nila sa amerikano ay maganda dahil pinipili nya ang pagiging independent ng Pilipino kaysa umasa sa mga mananakop. Ang ginawa ni Heneral Luna ay para rin sa ikabubuti ng bansa at ng Pilipino dahil ang mga mananakop na ito ay may plano sa bansa. Kaya naman ang mga desisyon ni Luna ay Maganda at Maayos dahil sa paraan na ikabubuti ito ng lahat.
"Aishite Imasu 1941: Mahal Kita "-Young
Ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita ay isang pelikulang hindi lamang umiikot sa digmaan kundi pati na rin sa masalimuot at mapanganib na pag-iibigan sa pagitan ng sundalong Hapones na si Ichiro at ni Ignacio, isang Pilipino na nagpanggap bilang si “Inya.” Ang kanilang relasyon ay sumasalamin sa matinding sakripisyo mula sa kaakibat ng pagmamahal sa panahon ng digmaan. Layunin ng replektibong sanaysay na ito na ipahayag ang aking pananaw ukol sa ipinagbabawal na pag-iibigan na kanilang pinasok, at kung paano ito nagbibigay-diin sa mas malawak na konsepto ng pag-ibig, pagkakapantay-pantay, at kabayanihan.
Ang kuwento nina Ichiro at Ignacio ay komplikado at puno ng emosyon. Sa kanilang mga pag-uusap, ipinakita ang mga temang umiikot sa pagsasakripisyo, pag-ibig, at pagkakakilanlan. Ang isang makapangyarihang tagpo ay ang pag-amin ni Ignacio sa kanyang intensyon na ipaglaban ang kanyang bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gerilya na isang gawain na nangangahulugan ng pagtataksil kay Ichiro, isang kaibigan at kasintahan. Isa pang makapangyarihang tagpo ay ang kanilang emosyonal na usapan tungkol sa pag-ibig, na nagpapatibay sa kabayanihan at pananagutan. Bilang isang sundalong Hapones, ipinakita ni Ichiro ang isang pambihirang pagmamahal sa kabila ng kaalamang siya ay mahal ni Ignacio. Sa gitna ng mga panganib, piniling ipakita ni Ignacio ang kanyang tunay na damdamin, at ipinamalas din ang kanyang sakripisyo sa interes ng bayan. Ang tagpong ito ay nagpapakita ng personal na tunggalian sa pagitan ng kanyang pagmamahal at tungkulin sa bayan.
Bukod sa damdamin ng dalawang karakter, ang pelikula ay nagbigay-diin din sa tema ng pagkakapantay-pantay. Sa kanilang pag-uusap, ipinakita ni Ichiro ang kanyang pananaw sa pag-ibig na walang kinikilingan. Sa kabila ng pagiging sundalong Hapones, na kilalang kaaway ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan, naroon ang kanyang tapat na pagmamahal kay Ignacio. Ito ay isang patunay na ang pag-ibig ay hindi natitinag ng kasarian, lahi, o nasyonalidad. Ang pagbubunyag ni Ichiro ng kanyang tunay na pagkatao bilang si Ignacio Barra ay nagbigay-diin sa mas malalim na usapin ng pag-ibig na pantay-pantay at hindi nasusukat sa mga panlabas na katangian. Bilang manonood, napukaw ang aking damdamin sa mensahe ng pelikula, na ang tunay na pag-ibig ay hindi hadlang ang mga panlabas na pagkakaiba.
Isa sa pinakakapansin-pansing aspeto ng pelikula ay ang sakripisyo ni Ignacio sa pagtulong sa mga gerilya laban sa mga Hapon. Ang desisyong ito ay hindi lamang pagtataksil kay Ichiro kundi isa ring napakalaking pagsasakripisyo sa kanyang buhay. Sa isang madamdaming eksena, kinaharap ni Ignacio ang kanyang pananagutan bilang isang espiya, na naglalagay sa kanya sa matinding panganib ngunit nagpapakita ng kanyang paninindigan para sa bayan. Sa kabila ng matinding pagmamahal niya kay Ichiro, pinili ni Ignacio na ipagpatuloy ang kanyang layuning iligtas ang bayan.
Sa kabuuan, ang pelikulang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita ay isang masalimuot na paglalarawan ng kabayanihan at pagmamahal sa gitna ng digmaan. Natutunan ko na ang tunay na pagmamahal ay may kaakibat na sakripisyo at tungkulin, hindi lamang sa isang tao kundi pati na rin sa bayan. Ang kanilang kuwento ay isang makapangyarihang paalala na ang pagmamahal ay maaaring maging isang pwersa ng kabayanihan at inspirasyon, at isang panawagan sa ating lahat na pahalagahan ang kasaysayan at mga sakripisyo ng mga nauna sa atin. Ang pelikula ay nagtuturo sa atin na sa kabila ng kahirapan at digmaan, ang pag-ibig ay isang bagay na dapat ipaglaban at pahalagahan, dahil sa lahat ng sitwasyon, ang pag-ibig ay palaging nangingibabaw.