Larawang Sanaysay: Sportsfest 2023
"Pagkakaisa sa Simula: Gold Team Nakapila na sa Hallway"
Larawan: Ang Gold Team na nakapila sa hallway, suot ang kanilang dilaw na jersey.
Nakapila na kami sa hallway, handa para sa parade. Ang bawat miyembro ng Gold Team ay puno ng sigla at pananabik, nagpapakita ng kanilang suporta at pagmamalaki sa aming team kahit nasa hallway lamang kami.
"Sigaw ng Suporta: Gold Team Nag-cheer para sa Basketball"
Larawan: Ang Gold Team na nasa gilid ng court, may hawak na mga banner at sumisigaw para sa kanilang basketball team.
Nagbigay ng buong suporta ang Gold Team habang nasa court ang aming mga manlalaro. Ang bawat cheer at sigaw ay nagbigay ng lakas sa aming koponan upang ipaglaban ang ginto.
"Sayaw ng Tagumpay: Cheer Dance ng Gold Team"
Larawan: Mga miyembro ng Gold Team cheerleaders na naka-pose sa gitna ng kanilang performance, suot ang makulay na kasuotan.
Ang cheer dance ay isa sa mga pinaka-aabangang bahagi ng Sportsfest. Sa bawat galaw ng mga dancers ay ipinakita ng Gold Team ang kanilang husay, determinasyon, at pagkakaisa. Tunay na naging makulay ang araw dahil dito.
"Sandaling Pahinga: Pagpunta sa Field"
Larawan: papunta sa field kasama si Khean upang magpahinga
Matapos ang mga laro at aktibidad, nagpunta kami sa field upang magpahinga. Sa sariwang hangin, nagbahagi kami ng mga kwento at muling pinuno ang aming lakas para sa mga susunod pang laban ng aming team.
"Labanan ng Lakas: Basketball Game Purple vs Gold"
Larawan: Ang basketball court na puno ng enerhiya habang naglalaro ang Purple Team at Gold Team, nakatutok ang mga manonood.
Ang labanan sa pagitan ng Purple at Gold ay napuno ng tensyon at kasiyahan.
Kabuuan
Ang Sportsfest ay nagbigay sa amin ng pagkakataong ipakita ang aming kakayahan, iparamdam ang suporta sa aming team at muling pag-isahin ang lahat. Mula sa parade hanggang sa huling laro, ang bawat sandali ay naging makulay at puno ng inspirasyon para sa Gold Team.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2024 ng UPHSD - Las Piñas Campus
"Sigla at lakas ng Gold Team"
Larawan: Ang gold team ay nakatipon sa isang lugar handang suportahan ang kanilang team.
Nakatipon ang mga gold dragons sa isang lugar para suportahan ang ms. sportsfest at cheerdance. Handang ipaglaban ang kanilang team.
"Gold Team, taas-noo sa galing at pagkakaisa sa kanilang cheerdance pagtatanghal"
Larawan: Ang cheerance team ng gold na sayaw at pinaglalaban ang kanilang pwesto.
Ang cheerdance team ay buong tapang na ipinaglalaban ang kanilang pwesto sa bawat hakbang at galaw. Kasama ng kanilang talento sa pagsayaw, pinapakita nila ang pagkakaisa at dedikasyon bilang isang grupo.
"Mantinding laban: Ang basketball ng Gold Team"
Larawan: Mga miyembro ng Gold Team cheerleaders na naka-pose sa gitna ng kanilang performance, suot ang makulay na kasuotan.
Ang cheer dance ay isa sa mga pinaka-aabangang bahagi ng Sportsfest. Sa bawat galaw ng mga dancers ay ipinakita ng Gold Team ang kanilang husay, determinasyon, at pagkakaisa. Tunay na naging makulay ang araw dahil dito.
"Sportmanship ng Bawat Kuponan"
Larawan: Pagtipon ng mga manlalaro
Ang bawat manlalaro na may hawak ng bola ay simbolo ng kanilang dedikasyon at kasanayan sa laro. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng respeto at sportsmanship sa bawat laban.
"Paligsahan sa Ms. Sportsfest"
Larawan: Ashley Sarmiento sa gitna habang ibang manlalahok nasa likod
walong kuponan, tig iisang kumakatawan para sa paligsahang ms. sportsfest.
Kabuuan
Ang Gold Team ay nagpakita ng sigla at lakas sa iba’t ibang aspeto ng Sportsfest, mula sa kanilang masiglang cheerdance performance na puno ng talento, dedikasyon, at pagkakaisa, hanggang sa makulay na laban sa basketball. Sa bawat galaw at hakbang, pinatunayan nila ang kanilang husay at determinasyon. Bukod dito, nagbigay-diin ang bawat manlalaro sa respeto at sportsmanship sa laro, habang ang paligsahan sa Ms. Sportsfest ay naging isang patimpalak ng ganda at talento, na may tig-iisang kinatawan mula sa walong koponan.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2023
"Pawis, Luha, at Pagod: Husay ng Gold Team sa Sayaw"
Larawan: Ang Gold Team na nagtutulungan habang nag-eensayo ng kanilang dance performance, basang-basa ng pawis ngunit may ngiti sa kanilang mga mukha.
Pawis, luha, at pagod—lahat ay sulit para sa isang pangarap. Higit pa sa isang paligsahan, ito ay naging pagdiriwang ng talento, disiplina, at pagkakaibigan. Ipinakita ng aming team ang husay sa sayaw at galaw na nagbigay buhay sa aming kwento.
"Labanan sa Korte: Basketball Game ng Team Gold"
Larawan: Ang basketball court na puno ng aksyon habang lumalaban ang Gold Team, kita ang determinasyon sa kanilang mga mata.
Ang tunay na laban ay hindi lamang sa korte, kundi sa puso ng bawat manlalaro. Manghang mangha ang lahat sa ginto, dahil ang Gold Team ay palaging handang lumaban nang may puso at tapang sa larong basketball!
"Patungo sa Tuktok: Finals ng Gold Team"
Larawan: Mga miyembro ng Team Gold na naghahanda para sa huling laban, puno ng pag-asa at tiwala sa isa’t isa.
Ginto, papunta sa tuktok! Determinado ang Team Gold na ipaglaban ang kanilang karapatan sa korona. Sa pinakamaigting na finals match, ipinakita nila ang tibay ng kanilang samahan at ang kanilang hangaring manalo.
"Aral ng Laro: Pagkakaibigan at Sportsmanship"
Larawan: Mga manlalaro at miyembro ng Team Gold na magkasamang nagtatawanan pagkatapos ng laro, kitang-kita ang kanilang camaraderie.
Hindi lamang ang pagkapanalo ang mahalaga sa sportsfest, kundi ang mga aral na natutunan at ang mga kaibigang nabuo. Sa bawat laro, napagtanto ko ang kahalagahan ng sportsmanship at pagkakaisa, na siyang tunay na tagumpay ng aming team.
"Pagdiriwang ng Tagumpay: Pagtatapos ng Sportsfest"
Larawan: Team Gold na magkakasamang nagdiriwang, hawak ang tropeo ng tagumpay habang nakataas ang kanilang mga kamay.
Isang pagtatapos ng sportsfest na hindi malilimutan. Hindi lang ang ginto ang nagpatunay sa aming tagumpay, kundi ang pagkakaisa at sportsmanship na ipinakita ng buong Team Gold.
Kabuuan
Ang Sportsfest 2023 ay naging makulay at makabuluhan para sa Team Gold. Sa bawat laban at tagumpay, nabuo ang mas matibay na samahan at naipamalas ang walang kapantay na dedikasyon. Sa huli, hindi lang kami ang nagwagi, kundi ang diwa ng pagkakaisa at sportsmanship.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2024 (,,,,,,)
"Ginintuang Manlalaro"
Larawan: Ang Gold Team Volleyball Girls ay nagtipon upang pagusapan ang susunod na stratehiya sa loob ng court.
Ang Mga Manlalaro ng Volleyball Girls ng Gold Team ay nagpamalas ng kahusayan sa loob ng court at nanaig ang katatagan ng loob bilang isang koponan dahil sila ay lumaban hanggang dulo ng laro.
"Tagisan ng Karisma"
Larawan: Ang walong muse ay ang pokus ng kaganapang ito.
Sa gitna ng madaming tao, nangibabaw ang lakas ng loob at kumpyansa ng bawat respresentatib ng kada koponan para maipakita ang kani-kanilang natatanging kagandahan..
"Ang Panimulang Parada"
Larawan: Ang buong Gold Team ay nasa pinakahulihang bahagi ng pila sa parada patungong Gym 2.
Sa ginanap na parada, dito makikita ang pagiging isang grupo ng Gold Team dahil ang lahat ng miyembro ay may kooperasyon at pagkagalak sa paghiyaw ng pangalan at cheer ng koponan.
"Suporta ng Ginto"
Larawan: Ang pagsuporta ng mga hindi manlalaro sa unang laro ng basketball ng Gold Team.
Ang suportang ibinibigay ng mga hindi manlalaro ay nakagagana at nakakalakas ng loob dahil ito ay nagsisilbing motibasyon at kapitan ng lahat ng manlalaro sa tuwing sila ay pagod na.
"Iba't ibang koponan, Iisang hangarin"
Larawan: Ipinapakita ang mga mag-aaral na nagrerepresenta ng iba't ibang team base sa kulay.
Sa walong team, ang lahat ay naghahangad ng panalo at makikita ang pagiging pursigido ng bawat isa.
Kabuuan:
Ang Isportsfest ay naging daan para sa lahat upang magkaroon ng panandaliang saya at pagkakaisa kasama ang iba't ibang mga mag-aaral at guro na bibihirang makasalamuha sa loob ng Unibersidad. Ito rin ang panahon kung saan ang iba ay tatanggap ng pagkapanalo at ang iba naman ay pagkatalo, at ipinakita ng bawat mag-aaral ng UPHSD ang pagkakaroon ng "Sportsmanship" ng bawat koponan.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2023
"Laban lang!"
Larawan: Ang Gold team ay nag kakaisa at nagpupulong pulong bago simulan ang laro.
Ang pagkakaisa ay pinaka importante sa anong laro. Sa bawat pag-uusap,pag-pupulong-pulong ay nag kakaisa ang isang grupo dahil sila ay nag kakaron ng ugnayan.
"Hintay"
Larawan: Nagpapahinga ang Gold team dahil kakatapos lang ang laro at may magsisimula nanaman.
Nag papahinga ang mga manlalaro dahil kakatapos lang ang kanilang laro. Ako ay nag aantay at susuporta ulit sa kanilang susunod na laro.
"RENATO"
Larawan: Naglalaro na ang gold team ng basketball at ang bida para sa larawang ito ay si RENATO ORTIZ JR.
Ang basketball ay aking pinakahilig na laro, kaya lagi akong naka suporta sa tuwing mag lalaro ng basketball ang gold team o iba pang team. Si Renato ay isang magaling na manlalaro at siya at kanyang kagrupo ay sinuportahan namin ng mag-kakaibigan.
"Upo"
Larawan: Nakaupo ang iba't ibang grupo at naghihintay mag simula ang programa.
Nag hihintay ng nakaupo ang mga team sa pag sisimula ng programa ng Sportsfest.
"RAWR
Larawan: Winawagayway ang mga flags at iba pang gamit sa pagsusuporta ng teams.
Sumusporta kami sa Gold Team!
Kabuuan
Ang Sportsfest ay nagbibigay samin pagkakataon na magkaisa at lumaban para sa isa't isa.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2023
“Simula ng kompetisyon”
Larawan: simula ng sportsfest at pagtitipon ng mga pangkat
Nakatipon ang lahat ng nga kulay kasama ang aming pangkat na gold dragons para sa simula ng mga laro at labanan.
“Unang laban ng mga dragon"
Larawan: unang laban ng gold dragons sa sportsfest kalaban ang purple jaguars
Ito ang unang laban ng mga gold dragons kalaban ang mga jaguars. Sa laban na ito nanalo ang gold dragons na may score na 60-56 at nakuha ang una nitong tagumpay sa sportfest.
“Puso laban sa talento”
Larawan: pagtitipon ng mga dragon at paghahanda labas sa mabigat ng kalaban ang yellow cheetahs
Ito ang pangalawang laban ng mga gold dragons na nagbigay ng lungkot sa kadahilanan na natalo ang mga ito sa score na 84-81. Nanalo ang cheetahs sa dragons ng tatlo sa overtime. Kahit nanalo ang cheetahs pinakita parin ng mga dragons ang lakas at sigla nila sa larong ito.
“Dragon laban sa mga vipers para sa tanso”
Larawan: huling litrato ng mga dragon bago labanan ang mga vipers para sa tanso
Ito ang huleng laban ng dragon sa basketball pagkatapos ng talo nila sa cheetahs. Ang litrato ay nagpapakita ng pagdarasal ng mga players bago simulan ang laban nila para sa tanso.
“Tanso para sa mga dragon”
Larawan: litrato ng mga players ng gold dragons sa basketball nung awarding matapos makuha ang tanso.
Ito ang masayang oras para sa mga gold dragons matapos ang matinding laban nila sa viper na nanalo sila sa score na 90-87 at nakuha ang tanso sa awarding ceremony paglatapos ang mga laban na nalaro nito.
Kabuuan
Ang Sportsfest ay hinde lamang sa palakasan at sa standing ng mga ito ngunit ang mga ito ay masayang memorya para sa lahat. Ang bawat pangyayari dito ay nagpapakita ng sigla at kasiyahan na makikita lamang sa mga pagpupulong na ganito. Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng paghiging desidido at pagiging disiplinado sa lahat ng bagay.
Larawang Sanaysay: Sportsfest 2024 ng UPHSD - Las Piñas Campus (Litrato mula kay Derek Young at sa Gazette)
"Ang Diwa ng Kumpetisyon "
Larawan: Nakahawak ako sa bandila ng aking pangkat.
Bawat sigaw at hiyaw ng Gold Team ay nagbibigay ng lakas sa bawat kasapi. Ang bandila na hawak ko ay sagisag ng aming tapang at pagkakaisa, isang paalala na kami ay laging maninindigan para sa tagumpay.
"Pagtitipon Kasama ang Inspirasyon"
Larawan: Ang Pamilya Ginto kasama si Bb. Urica Solis.
Hindi lamang sa laro nagmumula ang inspirasyon kundi pati sa mga gabay na nagbibigay liwanag sa aming landas. Sa sandaling ito, nagtipon kami upang pasalamatan si Bb. Urica Solis, ang aming FPL teacher, na patuloy na sumusuporta sa aming koponan. Ang bawat ngiti ay sagisag ng respeto at pasasalamat para sa kanyang dedikasyon.
"Ang Laban ng Volleyball sa Court"
Larawan: Bilis, lakas, at determinasyon ng isang Derek Young
Sa volleyball court, ipinamalas ng aming pangkat ang galing at tibay ng loob. Bawat spike, block, at serve ay puno ng determinasyon at pagsisikap na makuha ang puntos. Sa bawat hampas ng bola, sumasalamin ang aming hindi matitinag na espiritu.
"Hindi lahat ng panalo ay tungkol sa puntos."
Larawan: pagyakap ko sa aking mga kaibigan na nanalo kalaban samin.
Ang tagpo ng mahigpit na yakap sa volleyball ay simbolo ng aming pagkakaisa. Hindi lamang ang tagumpay sa laro ang mahalaga kundi ang pagmamahal at suporta sa bawat kasapi ng pangkat kahit ikaw ay kalaban, anuman ang resulta magwawagi ang pagkakaibigan.
"Paggunita sa Araw ng Tagumpay"
Larawan: Sa bawat ngiti, may kwento ng pagkakaibigan namin.
Sa pasilyo, nagtipon-tipon kami para sa huling litrato kasama ang aming tagapayo. Ang ngiti ng bawat isa'y patunay na higit pa sa medalya ang aming natamo ito ay pagkakaibigan, karanasan, at aral na dadalhin habangbuhay.
Kabuuan
Ang Sportsfest 2024 ay hindi lamang tungkol sa laro o medalya. Ito’y naging daan upang mas lalong pagtibayin ang pagkakaisa, tapang, at samahan sa pagitan ng bawat isa. Ang Gold Team ay hindi lamang isang koponan; ito’y isang pamilya na may iisang layunin, lumaban at magtagumpay nang magkasama. 🏆✨