KATITIKAN NG PULONG
Petsa: Disyembre 5, 2024
Oras: 8:45 ng Umaga
Lugar: MS TEAMS
Tagapagsalita: Ms. Maridel Lucanas
Paksa: Physics - Mga Konsepto ng Free Fall
Recap ng mga konsepto sa free fall na tinalakay noong nakaraang linggo.
Pagtalakay sa mga problema ukol sa free-falling bodies.
Pagsusulit tungkol sa free fall concepts.
Pagsusuri sa mga eksperimento ni Galileo tungkol sa air resistance.
Pagtalakay sa symmetry ng oras sa free-fall.
Pagsusuri sa mga equation ng kinematics para sa free fall.
Panimula sa susunod na paksa: Projectile Motion.
1. Recap ng Free Fall Concepts
Tinalakay ang mga pangunahing ideya ukol sa free fall, kabilang ang gravitational acceleration na may constant na 9.8 m/s².
2. Solusyon sa mga Problema ng Free Fall
Nagbigay si Ms. Lucanas ng mga halimbawa ng problem-solving techniques na tumutok sa motion analysis ng mga bagay na nahuhulog.
3. Pagsusulit sa Konsepto ng Free Fall
Inanunsyo na magkakaroon ng pagsusulit pagkatapos ng problem-solving session upang masigurong nauunawaan ang mga tinalakay na konsepto.
4. Mga Eksperimento ni Galileo
Ipinaliwanag ang mga eksperimento ni Galileo na nagpapakita ng epekto ng air resistance at ang pagkakaiba nito mula sa teorya ni Aristotle.
5. Symmetry ng Oras sa Free Fall
Binigyang-diin na ang oras ng pag-akyat at pagbaba ng isang bagay sa free-fall ay magkatumbas.
6. Review ng Kinematic Equations
Pinaalala ang kahalagahan ng kinematic equations para sa pagsusuri ng motion ng mga free-falling objects.
7. Paunang Diskusyon sa Projectile Motion
Inilahad na ang susunod na sesyon ay tututok sa kombinasyon ng horizontal at vertical motions sa projectile motion.
Magsasagawa ng pagsusulit sa free fall sa susunod na klase.
Ang bawat miyembro ay hinihikayat na mag-aral ng projectile motion para sa susunod na talakayan.
Nilagdaan ni:
SUMALPONG SHIRLEY P.
Kalihim
Pinagtibay ni:
Ms. Maridel Lucanas
Tagapagsalita
KATITIKAN NG PULONG
Petsa: Disyembre 5, 2024
Oras: 8:45 ng Umaga
Lugar: MS TEAMS
Tagapagsalita: Ms. Maridel Lucanas
Paksa: Physics - Mga Konsepto ng Free Fall
Mga Mahahalagang Punto ng Diskusyon:
1. Konsepto ng Free fall
• Itinuro kung saan at pano naimbento ang konsepto ng free fall.
2. Solusyon sa Free fall
• Itinuro ang mga komputasyon para sa free fall.
3. Pag apply ng Free fall concept sa totoong buhay.
• Tinalakay ang pag aapply ng free fall concept sa kung pano ito maiuugnay sa totoong buhay.
Ang konsepto ng free fall ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng pagtuturo kung saan at paano ito naimbento, binibigyang-diin ang kasaysayan at kahalagahan nito sa pisika. Kasunod nito, tinalakay ang mga solusyon at komputasyon na ginagamit upang maunawaan ang mga prinsipyong nauugnay dito, kabilang ang mga formula at pamamaraan ng pagkalkula. Sa huli, ang pag-aapply ng free fall sa totoong buhay ay binigyang-pansin, kung saan ipinaliwanag kung paano ito maiuugnay at magagamit sa mga praktikal na sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay.
Katitikan ng Pulong: Pagtalakay sa Kahalagahan ng RRL sa Praktikal na Pananaliksik
Petsa: Setyembre 24, 2024
Oras: 8:30 am
Lokasyon: Online Class Set Up, Tahanan
Tagapangulo: Ma'am Jelsean Luñeza, Practical Research 2 Adviser
Mga Dumalo: 12STEM4
Agenda:
1. Pagpapakilala at Layunin ng Pulong
Oras: 00:00
Ang pulong ay nagsimula sa pagpapakilala ng layunin, na nakatuon sa pagpapaliwanag ng kahalagahan ng Review of Related Literature (RRL) sa praktikal na pananaliksik, lalo na sa paggawa ng mga synthesis mula sa mga kaugnay at mahalagang literatura at pag-unawa sa pagkakaiba ng mga terminolohiyang “related” at “relevant.”
2. Ano ang RRL at Paano ito Gamitin sa Pananaliksik?
Oras: 00:30
Ang RRL ay isang nakasulat na buod at pagsusuri ng mga kaugnay na literatura at mga materyales na ginamit sa isang partikular na pag-aaral. Ipinaliwanag ng tagapagsalita ang kahalagahan ng synthesis, na nangangahulugang pagsasama-sama at pagsusuri ng mga ideya mula sa iba’t ibang pag-aaral. Ang simpleng pagbasa at pagbubuod ng mga artikulo ay hindi sapat. Kailangan itong i-analyze upang matukoy ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga konsepto o findings.
3. Pagkakaiba ng “Related” at “Relevant” na Literatura
Oras: 02:00
Ipinaliwanag ng tagapagsalita ang mga pagkakaiba ng “related” at “relevant.” Ang “related” ay nangangahulugang ang isang artikulo o pag-aaral ay may kinalaman sa iyong paksa, samantalang ang “relevant” ay tumutukoy sa pagiging makabago at may malaking kaugnayan sa kasalukuyang isyu o usapin. Ang tamang pagsusuri sa bawat artikulo ay kinakailangan upang matukoy kung alin ang makikinabang at magiging mahalaga sa iyong sariling pananaliksik.
4. Halimbawa ng Pagkakaiba ng Related at Relevant
Oras: 04:00
Ginamit ang isang analogy tungkol sa mga kamag-anak upang ilarawan ang pagkakaiba ng “related” at “relevant.” Ipinakita na ang mga kamag-anak ay maaaring may kaugnayan sa iyo, ngunit hindi lahat sila ay mahalaga o may kinalaman sa iyong kasalukuyang buhay. Ganito rin sa RRL; may mga artikulo o pag-aaral na may kaugnayan ngunit hindi naman kasing halaga o kahalagahan ng iba para sa iyong pag-aaral.
5. Layunin ng Paggamit ng RRL
Oras: 06:00
Ang pangunahing layunin ng RRL ay upang magtakda ng konteksto at background ng iyong pag-aaral. Pinag-uusapan dito kung saan ka nagsimula at anong gap ang nais mong punan sa iyong pananaliksik. Ang RRL ay tumutulong din upang tuklasin ang mga posibleng pagkakamali o gaps sa mga metodolohiya ng mga nakaraang pag-aaral at nagsisilbing pundasyon para sa iyong eksperimento o bagong teorya.
6. Mga Hakbang sa Paghanap ng Kaugnay at Mahahalagang Literatura
Oras: 08:00
Pinalawak ang diskusyon hinggil sa mga hakbang sa paghahanap ng mga kaugnay at mahalagang literatura. Binanggit ng tagapagsalita ang mga paraan ng pag-scan sa mga abstract ng mga artikulo upang agad matukoy kung ito ay makikinabang sa iyong pag-aaral, hindi lamang batay sa paksa kundi pati na rin sa pagiging kasalukuyan at may kaugnayan sa iyong layunin.
7. Pagtalakay sa Kahalagahan ng RRL sa Praktikal na Pananaliksik
Oras: 10:00
Binigyang-diin ang kahalagahan ng RRL sa bawat bahagi ng praktikal na pananaliksik, mula sa pagbuo ng teorya hanggang sa pagpapatibay ng mga resulta. Ang RRL ay nagsisilbing gabay at pundasyon sa buong proseso ng pananaliksik, na tumutulong sa mga mananaliksik upang maiwasan ang mga pagkakamali at magbigay ng mas malalim na pang-unawa sa kanilang paksa.
8. Pagtatapos ng Pulong
Oras: 12:00
Ipinagpasalamat ng tagapangulo ang lahat ng dumalo at binigyang-diin na ang tamang pagbuo ng RRL ay magbibigay ng solidong pundasyon sa bawat praktikal na pananaliksik. Ang susunod na pulong ay nakatakdang magbigay ng mas detalyadong pagsasanay sa pagsusuri ng literatura at paggawa ng synthesis.
Mga Ipinagkasunduan:
1. Magpatuloy sa paghahanap at pagsusuri ng mga kaugnay na artikulo at literatura.
2. Maglaan ng oras para sa pagsusuri at pagsasama ng mga ideya mula sa iba’t ibang sources.
3. I-synthesize ang mga impormasyon batay sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat artikulo.
Pagtatapos ng Pulong:
Ang pulong ay natapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng paalala tungkol sa susunod na hakbang sa praktikal na pananaliksik, at ang kahalagahan ng RRL sa proseso ng pagbuo ng makabuluhang mga resulta.
Talaan ng mga Dumalo: 12STEM4
Oras ng Pagtatapos: 9:30 am
-Vertucio
Paksa: Pagtalakay sa bagong aralin na tinatawag na "Projectile Motion"
Petsa: Disyembre 7, 2024 (Sabado)
Lugar: MS Teams
Tagapagsalita: Gng. Maridel B. Lucañas
Adyenda ng Pulong: Pagtalakay sa Mga Ekwasyon at Detalye sa pagsagot ng Problem-Solving tungkol sa paksang Free Fall
Mahahalagang Itinalakay sa Diskusyon:
Nagkaroon ng balik-aral tungkol sa konsepto ng Free Fall.
Dalawang teorya tungkol sa Falling Objects mula kina Aristotle at Galilei.
Ang Gravitational Acceleration na may katumbas na 9.8 m/s².
Ipinaliwanag ang ibig-sabihin ng Projectile.
Ipinakita ang modelo ng Projectile Motion at mga bahagi nito .
Velocity Projection
Angle of Projection
Trajectory
Time of Flight
Maximum Height of a Projectile
Horizontal Range
Tinalakay ang mga ekwasyong gagamitin sa Problem-Solving.
Inilahad ang ibig sabihin ng bawat simbolo sa ekwasyon.
Vo = Initial Velocity
V = Final Velocity
t = Time
a = Acceleration
d = Displacement
Nagbigay ng dalawang halimbawa upang maisalin ang iba't ibang konsepto at ekwasyong inilahad noong simula.
Nagdagdag muli ng mga ekwasyong parte sa pagsagot ng mga ibinigay na problema tungkol sa Projectile Motion.
Velocity Component Horizontal
Velocity Component Vertical
Time A-B to Time B-C
Y-max
X-max
Nagamit ang mga ekwasyong naituro sa mga halimbawang ibinigay at mas pinalinaw ang konsepto ng paksa.
Konklusyon:
Ang pagtalakay sa paksang "Projectile Motion" at mga ekwasyong kabilang dito ay malaking tulong sa darating na ikalawang pagsusulit sa General Physics. Mas napadali ang pag unawa sa araling ito sa tulong ng diskusyong ginawa ni Gng. Maridel B. Lucañas at may posibilidad na makatulong ito sa mga susunod na aralin sa pamamagitan ng pagsalin ng kaalaman tungkol sa talakaying nagdaan.
Paksa: Daniel Padilla papakasalan si Kathryn sa eded na "30"
Petsa: 2 taon na nakalipas
Lugar: ABS-CBN
Adyenda ng Pulong: Pagtalakay ni Daniel Padilla na papakasalan daw si Kathryn sa edad na "30"
Mga Mahahalagang Punto ng Diskusyon:
1. Pangarap ng isa't isa:
• Mag pakasal sa tamang panahon.
2. Next Chapter - ano ang ibig sabihin ng pagpapakasal?
• Kath - yun na yung mag seseal sa inyo eh.
Daniel - Yuh, after that you build a house together diba? You build a family together.
3. Papaluin kami ng magulang namin:
• Di pwede mag patayo ng bahay at gumawa ng pamilya hanggat hindi pa kasal.
4. 16, 17 pinaguusapan na ang kasal.
5. 30 years old ang planong mag pakasal ng dalawa.
• Hindi na raw mamomove yon.
Konklusyon:
Pinag uusapan nila Daniel, Kathryn at iba pang kasama dito ang pag papakasal ng dalawa.
Paksa: mga elemento ng tula
Petsa: Agosto 19, 2024
Lugar: MS TEAMS
Tagapagsalita: Ms. Krista Eunice Teruel
Adyenda ng Pulong: Pagtalakay elemto ng tula
Mga Mahahalagang Punto ng Diskusyon:
1. introduksyon sa tula:
• Ang paglipat sa tula ay nagmamarka ng isang natatanging pagbabago sa klasipikasyon ng panitikan. Ang tula ay naiiba sa prosa hindi lamang sa estruktura kundi pati na rin sa layunin at pagpapahayag nito.
2. Mga Pangunahing Elemento ng Tula
• Tono: Ang saloobin ng may-akda patungkol sa paksa ay nasasalamin sa tono ng tula, na maaaring mag-iba mula sa seryoso hanggang nakakatawa o mula sa optimistiko hanggang pesimistik. Ang pagpili ng mga salita at imahen ay nagpapahayag ng tonong ito, na nagtataguyod ng koneksyon sa mambabasa
• Mood: Ang mood ay ang emosyonal na atmospera na nilikha ng tula, na naaapektuhan ng layunin ng may-akda at ng personal na interpretasyon ng mambabasa. Ang mga salita at imahen ay maaaring magdulot ng iba't ibang damdamin, tulad ng kasayahan, kalungkutan, o misteryo.
• Wikang Palarawan: Kasama rito ang mga kagamitan tulad ng mga metapora, simile, personipikasyon, at hyperbole. Ang mga tayutay na ito ay tumutulong sa paglikha ng maliwanag na imahinasyon at paghahatid ng mas malalim na kahulugan, na nagpapahintulot sa mga mambabasa na makisangkot nang may imahinasyon sa teksto.
3. Mga Uri ng Tayuta
• Simile: Isang paghahambing gamit ang "tulad" o "parang," halimbawa, "Ang kanyang ngiti ay parang sikat ng araw."
• Metapora: Isang mas direktang paghahambing, hal., "Ang oras ay isang magnanakaw," na nagpapahiwatig na ang oras ay nagnanakaw ng mga sandali mula sa ating buhay.
• Personipikasyon: Pagbibigay ng mga katangiang pantao sa mga di-pantao na bagay, hal., "Ang mga bulaklak ay sumasayaw sa hangin."
• Hyperbole: Mga pinalaking pahayag na hindi dapat seryosohin, hal., "Gutom na gutom ako na parang kaya kong kumain ng kabayo."
• Imagery: Deskriptibong wika na umaapela sa mga pandama, hal., "Ang malamig at preskong hangin ay tumama sa aking mga pisngi."
• Onomatopoeia: Mga salitang ginagaya ang tunog, tulad ng "boom" o "hiss."
4. Karagdagang mga Kagamitan sa Panitikan
• Oxymoron: Mga salitang magkasalungat, halimbawa, "napakalakas na katahimikan," ay lumilikha ng kapansin-pansing epekto.
• Alliteration: Ang pag-uulit ng mga tunog ng unang katinig, hal., "Peter Piper picked a peck of pickled peppers," ay nagpapahusay ng ritmo.
• Anapora: Ang pag-uulit ng mga parirala sa simula ng mga pangungusap para sa diin, halimbawa, "I Have a Dream" ni Martin Luther King Jr.
• Sinekdoke: Paggamit ng bahagi upang kumatawan sa kabuuan, hal., "lahat ng kamay sa dek."
• Metonymy: Isang kaugnay na termino na ginagamit para sa isang bagay o konsepto, hal., "the crown" para sa royalty.
• Paradox: Isang tila salungat na pahayag na nagpapakita ng katotohanan, halimbawa, "mas kaunti ay mas marami."
KONKLUSYON:
epektibong binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa creative nonfiction at tula bilang magkakaugnay ngunit magkakaibang anyo ng panitikan. Ang pag-aaral ng mga teknik, estruktura, at mga pampanitikang kagamitan ay nagbibigay sa mga manonood ng mga pananaw na nagpapalalim sa kanilang pagpapahalaga at kritikal na pagsusuri sa parehong mga genre.
Paksa: Mga Update at Talakayan Tungkol sa Mga Kamakailang Isyu
Petsa: Disyembre 6, 2024
Oras: 12 ng tanghali (12 PM)
Lugar: ABS-CBN
Adyenda ng Pulong: Pagtalakay sa mga personal na isyu at mga usapin na may kinalaman kina Maris Racal, Anthony Jennings, at iba pang kaugnay na partido.
Mga Mahahalagang Punto ng Diskusyon:
1. Takbo ng mga Pangyayari:
• Hunyo: Natapos ang relasyon ni Maris kay Rico, na nagdulot sa kanya ng pagiging malungkot, mahina, at nasa madilim na estado.
• Si Anthony ay naging maalaga at mabait kay Maris sa panahong ito, na nagbigay ng aliw at suporta.
2. Kalagayan sa Trabaho:
• Araw-araw na magkasama sa trabaho, paulit-ulit na sinasabi ni Anthony na siya ay single.
• Dahil parehong single noong panahong iyon, kalaunan ay tumugon si Maris sa mga pagpapakita ng interes ni Anthony.
3. Mahahalagang Pangyayari:
• Setyembre 8: Sa isang biyahe sa Italy, mas lumalim ang kanilang relasyon.
• Sa kaarawan ni Anthony, nag-post si Maris ng “My Day” bilang pagpapahalaga sa kanyang mabait na ugali.
4. Pagpapakita sa Publiko at Reaksyon:
• Halloween: Magkasamang lumabas sina Maris at Anthony at naging lantad ang kanilang pagiging sweet dahil naniniwala si Maris na single si Anthony.
• Gayunpaman, nag-post si Jam ng mga pahiwatig sa kanyang “My Day” na nagdulot ng espekulasyon at online bashing.
5. Mga Paglilinaw at Alalahanin:
• Paulit-ulit na tinanong ni Maris si Anthony tungkol sa kanyang pagiging single, at ito’y kinumpirma ni Anthony.
• Sinubukan din ni Maris na alamin ang kalagayan ni Jam (batay sa screenshots) dahil sinasabing tumutulong si Anthony kay Jam sa mga medikal na usapin.
6. Hiling para sa Pampublikong Pahayag:
• Hiniling ni Maris kay Anthony na ideklara nang publiko ang kanyang pagiging single, ngunit paulit-ulit na sinabi ni Anthony na kailangan niya ng mas maraming oras.
• Pinili ni Maris na huwag na siyang pilitin.
7. Paghingi ng Paumanhin ni Maris:
• Humingi si Maris ng paumanhin sa publiko para sa pagkakalantad ng kanyang mas personal na bahagi, at ipinaliwanag na ganoon siya kapag umiibig o nagkakagusto sa isang tao.
• Sinubukan niyang makipag-ugnayan kay Jam ngunit hindi nakatanggap ng tugon. Ipinaabot ni Maris ang kanyang pagsisisi at paghingi ng paumanhin kay Jam.
8. Pagmumuni-muni at Pagtanaw sa Hinaharap:
• Inamin ni Maris ang kanyang pagkakamali, na nagsasabing pakiramdam niya ay mahina at lantad tuwing lumalabas siya sa publiko.
• Humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga tagasuporta sa anumang pagkadismaya na naidulot, ngunit tiniyak niyang magpapatuloy siya sa pagtatrabaho at pag-unlad bilang isang tao.
Konklusyon:
Inilahad ni Maris na ang karamihan ng pagkakamali ay dulot ng mga pangyayari at aksyon ni Anthony.