Sumakay kami ng bus nang 18 oras.
pamamasyal papuntang cabins
makulay na karatula sa Baguio
isang napaka gandang talon
pahinga na may unting pamumundok🤔
Noong Disyembre 11, 2023, pagkatapos ng aming mga exams, nagsimula ang isang hindi malilimutang paglalakbay patungong Baguio. Mula sa Manila, sumakay kami ng bus patungong Solano, kung saan tumigil muna kami sa bahay ng aming mga kamag-anak. Isang linggo kaming nanatili doon, at ang mga araw na iyon ay puno ng kasiyahan at pagrerelaks kasama ang pamilya. Ang mga simpleng sandaling iyon ay nagbigay sa amin ng pagkakataong mag-recharge bago ipagpatuloy ang aming biyahe.
Mula Solano, nagpunta kami sa aming vacation house sa Ifugao. Ang pagdating namin doon ay parang pagbabalik sa isang tahimik na paraiso. Matagal nang hindi nalinisan ang aming bahay, kaya’t inuna namin itong ayusin. Ang sariwang hangin at nakaka-relax na tanawin ng Ifugao ay parang yakap mula sa kalikasan. Tatlong araw kaming nag-pahinga at nag-enjoy sa tahimik na kapaligiran, bago kami naghanda sa aming pag-akyat sa Baguio.
Pagdating namin sa Baguio, agad naming naramdaman ang lamig ng hangin at ang kakaibang pakiramdam ng lungsod na parang isang malaking parke. Namasyal kami sa mga pamilihan at sinubukan ang mga lokal na pagkain at produkto. Masaya naming pinagmasdan ang mga makukulay na cabin at nakilala ang ilang mga magiliw na residente. Napuno ng sigla ang bawat sandali, lalo na nang magtungo kami sa isang hiking trail.
Habang namamasyal, natuklasan namin ang isang kahanga-hangang talon. Ang ganda nito ay mahirap ilarawan—parang regalo mula sa kalikasan na nagbigay ng kakaibang saya at katahimikan. Doon ay nagmuni-muni kami at nagpasalamat sa pagkakataong makapaglakbay at makakita ng mga bagong tanawin. Ang kabuuan ng aming oras sa Baguio ay puno ng mga karanasang hindi namin malilimutan.
Ang aming biyahe ay hindi lamang tungkol sa pagpunta sa mga destinasyon kundi tungkol din sa pagbubuklod bilang pamilya at muling pakikipag-ugnayan sa kalikasan. Mula sa abalang lansangan ng Manila hanggang sa tahimik na kabundukan ng Ifugao at Baguio, tunay na napagtanto namin ang halaga ng sandaling pahinga at paglalakbay. Ang mga karanasang ito ang nagsisilbing inspirasyon sa aming araw-araw.
Sa bawat lugar na napuntahan namin, dala namin ang saya at mga alaala na puno ng kulay at kahulugan. Ang biyaheng ito ay isang paalala na minsan, ang paglalakbay ay hindi lamang tungkol sa destinasyon, kundi sa mga kwentong nabuo habang tinatahak ang daan.
Padyak ng Paglalakbay: Pagdiskubre ng Iba’t Ibang Lugar sa Likod ng Bisikleta
-Susano
Sa paglalakbay ko gamit ang aking bisikleta, ramdam ko ang kalayaan at koneksyon sa bawat lugar na aking nadaraanan. Mula sa maingay na kalsada ng syudad hanggang sa payapang tanawin ng tabing dagat, bawat hakbang ng pedal ay tila isang paalala na may iba’t ibang kwento ang bawat lugar. Sa Cavite, habang nakatayo sa harap ng dagat noong Disyembre 2023, para bang huminto ang oras. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila yakap ng kalikasan, at ang tunog ng alon ay musika ng kapayapaan. Ang mga ibon na lumilipad ay sumisimbolo ng kalayaan na aking nararamdaman habang nilalasap ang ganda ng paligid.
Sa bawat padyak ng aking bisikleta, tila isang bagong kuwento ang aking natutuklasan. Sa mga lugar na tulad ng Quezon at Tagaytay, ang hirap at pagod sa mahabang biyahe ay tila nawawala sa bawat pagtanaw sa napakagandang tanawin. Ang mga bundok dito ay para bang pinturang buhay na hinubog ng kalikasan—ang berde ng mga puno ay nagbibigay ng sariwang enerhiya, at ang preskong hangin na dumadampi sa aking balat ay tila nagpapalakas ng loob.
Ang mga gubat naman ay puno ng lihim, bawat tunog ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ay parang himig na nag-aanyaya ng pakikipagsapalaran. Hindi matutumbasan ng kahit ano ang ganitong pakiramdam—ang pagiging bahagi ng isang mas malaking mundo na tila binubuksan ang mga mata ko sa kagandahan ng kalikasan. Ang simpleng pagbisikleta ay nagiging makabuluhang paglalakbay, isang paalala na sa kabila ng pagod, ang gantimpala ay ang mga alaala at tanawin na walang kapantay.
Sa mga gabing iyon, habang nakasakay sa aking bisikleta, tila ibang mundo ang bumabalot sa paligid. Sa siyudad, ang mga ilaw mula sa nagtataasang gusali ay parang bituin na bumaba sa lupa, nagbibigay ng kakaibang liwanag sa dilim. Ang ilaw ng mga poste ay tila gabay sa aking daan, hinahawi ang anino ng gabi. Sa bawat pedal, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na bumabalot sa akin, nagdadala ng kapayapaan na bihira kong maramdaman sa araw.
Maraming beses na akong nag-bike sa gabi, at palaging espesyal ang bawat biyahe, lalo na sa MOA at BGC. Ang MOA ay nagbibigay ng kakaibang karanasan sa gabi—ang mga ilaw mula sa dagat at mga establisimyento ay sumasalamin sa tubig, parang salamin na nagdodoble ng kagandahan ng paligid. Sa BGC naman, ang tahimik na kalsada at modernong arkitektura ay tila nag-aanyaya ng sandaling pahinga mula sa ingay ng araw. Sa dalawang lugar na ito, ang bawat gabi ay puno ng ganda at katahimikan na para bang sinadya para sa mga tulad kong naghahanap ng saglit na pagtakas mula sa abalang mundo.
Sa aking paglalakbay gamit ang bisikleta, natuklasan ko ang kalayaan, koneksyon, at kagandahan ng bawat lugar na nadaraanan ko. Mula sa katahimikan ng tabing dagat sa Cavite, hanggang sa nakamamanghang tanawin ng mga bundok at gubat sa Quezon at Tagaytay, bawat padyak ay isang paalala ng yaman ng kalikasan at ang saya ng simpleng paglalakbay. Sa mga gabi sa siyudad tulad ng MOA at BGC, natagpuan ko ang katahimikan at kagandahan sa gitna ng liwanag at arkitektura. Ang bawat lugar ay nag-iwan ng alaala at karanasan na nagpapatibay sa aking pagkatao, isang patunay na sa likod ng pagod, nariyan ang walang kapantay na ganda ng mundo.
Ride sa Cavite
RIde sa Quezon
Ride sa tagaytay ng gabi
Night ride sa BGC
Night ride sa MOA
Unang araw sa Merlion ng Singapore.
Isa sa pinaka magandang lugar na aking napuntahan, ang Gardens at the bay.
Pagkain sa hawker na kakaiba at unang beses ko pa lamang natikman!
Ang pinaka masayang araw na aking napuntahan... ang pagpasyal sa Universal Studios!
Ang pinakamalaking aquarium na aking natamo sa Adventure Cove.
Isang mainit na tagpo ng saya at excitement ang sumalubong sa aming pamilya nang magdesisyon kaming magbakasyon sa Singapore. Matagal na naming pinapangarap ang makapunta sa bansang ito, at sa wakas, naging realidad ang aming pangarap. Isa sa mga unang lugar na pinuntahan namin ay ang Merlion Park, kung saan matatanaw ang iconic na Merlion, ang simbolo ng Singapore. Habang nag-pose kami sa harap ng Merlion, ramdam namin ang kahalagahan ng lugar, pati na rin ang ganda ng tanawin ng Marina Bay Sands. Ang araw na iyon ay puno ng kaligayahan, at tuwang-tuwa kami dahil nagkakasama kami bilang pamilya sa isang hindi malilimutang karanasan.
Pagkatapos ng masayang pagbisita sa Merlion, nagpunta naman kami sa mga hawker centers upang magtangkilik ng mga paboritong pagkain ng mga lokal. Ang bawat kanto ng Singapore ay puno ng mga putaheng puno ng lasa at pagkaka-kultura. Nag-enjoy kami sa pagkain ng Hainanese Chicken Rice, isang simpleng pero masarap na pagkain na may espesyal na timpla. Tinry din namin ang masarap na Laksa at Char Kway Teow na talagang nagpuno sa aming mga tiyan at pusong sabayang kagalakan. Ang bawat pagkain ay tila isang paglalakbay din sa kultura ng bansa, at mas magaan ang bawat karanasan dahil kami’y sama-samang nag-eenjoy.
Isa sa mga pinakamagandang bahagi ng aming paglalakbay ay ang araw ng kasiyahan at pagsasamahan sa Adventure Cove Waterpark. Puno ng saya ang bawat sandali habang sabay-sabay kaming nagsasaliksik at nagsusuong mga water slides. Ang mga bata sa aming pamilya ay hindi matigil sa kasiyahan habang kami ng mga magulang nila ay nagsaya rin sa bawat water ride. Isa itong lugar kung saan ang lahat ay maaaring mag-relax at mag-enjoy, kaya’t hindi kami nag-atubiling magtampisaw sa mga pool at magpakasaya sa bawat activity. Hindi ko malilimutan ang mga ngiti ng aking mga kapatid at magulang habang kami ay nagsasaya sa isang masayang araw ng pamilya.
Matapos ang masayang pag-pasyal sa Adventure Cove, sumunod naming pinuntahan ang Universal Studios Singapore. Ang mga anak ko ay halos hindi mapakali sa excitement habang pinaplano ang aming ruta sa parkeng ito. Isa itong lugar na puno ng buhay, kung saan naroon ang mga sikat na rides tulad ng Jurassic Park Rapids Adventure at Transformers The Ride. Hindi lang kami nag-enjoy sa mga rides, kundi pati na rin sa mga live shows at parades. Sa bawat atraksyon, ramdam namin ang pagiging maligaya at buo bilang pamilya, at ito ang mga sandaling hindi namin malilimutan.
Habang nililibot namin ang Singapore, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na bumili ng pasalubong para sa mga mahal namin sa buhay. Ang mga tindahan sa paligid ay puno ng mga gamit na may makulay na disenyo at simbolo ng Singapore. Naghanap kami ng mga keychains, t-shirt, at mga gamit na tiyak magpapasaya sa aming mga kaibigan at kamag-anak. Sa bawat pasalubong na aming binili, dala na rin namin ang mga alaala ng aming bakasyon—isang bakasyon na puno ng kwento ng kasiyahan, pagtulong, at pagmamahal.
Ang paglalakbay namin sa Singapore ay isang karanasan na tiyak maghahatid sa amin ng mga masayang alaala habang buhay. Ito ay hindi lamang isang simpleng bakasyon, kundi isang pagkakataon na magkasama kaming nag-enjoy, nag-tulungan, at nag-saya bilang isang pamilya. Sa mga tanawin ng Merlion, mga pagkaing masarap, mga kwento mula sa Adventure Cove at Universal Studios, at mga pasalubong na bumili, ang aming paglalakbay ay isang kwento ng pagmamahal at saya na patuloy naming aalalahanin.
Noong Hulyo 19, 2022 ng hapon, kaming buong pamilya ay nagtungo sa Caticlan, Boracay upang magbakasyon at magkaroon ng oras para sa isa't isa. Kami ay nakadestinong sumakay sa Terminal ng NAIA 4. Ang byahe papunta doon ay nakakapanibago dahil ito'y aking unang beses pa lamang sa eroplano at ako ay tuwang-tuwa sa karanasang ito. Habang ako ay nakaupo malapit sa bintana, hindi ako nakakaramdam ng antok sa buong paglalakbay. Ang byaheng eroplano ay hindi gaano katagal sa himpapawid at habang ako ay nakatanaw ay malinaw at kitang-kita ang ganda ng mga lugar sa Pilipinas.
Sa pagdating namin sa paliparan ng Caticlan, kaming buong pamilya ay nasasabik nang makadating sa aming destinasyon. Nag uumapaw ang aking saya pagkatapak ko pababa ng eroplano dahil ako ay nakarating sa isa sa magagandang lugar sa Pilipinas. Mas lalo kong naramdaman ang aking pagkagalak noong dumating na kami sa aming nirentahang tirahan na gagamitin sa loob ng apat na (4) araw. Tatlo kaming magkakasama ng pinsan at tita ko sa isang kwarto at kaniya-kaniya rin kami ng kama. Pagkababa ng aming gamit sa kwarto ay lumabas na agad kami upang mag ikot sa lugar at kumuha ng litrato sa mga tanawin.
Makalipas ang ikalawang araw, kami ay maagang gumising upang makapunta sa dagat bago umaraw. Ang hangin ay humahampas sa aking balat ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil ang pokus ko ay nasa tanawin. Pagdaan ng 3:00 PM, naisipan naming mag Crystal Kayak Boat na sikat sa social media bilang parte ng pagkuha ng litrato. Noong sumampa ako sa bangka ay nag uumapaw ang aking kaba dahil ako ay hindi marunong lumangoy, buti na lamang at mabait ang kasama kong bangkero. Napakahusay din ni kuya kumuha ng litrato at talagang iyon ay aking ikinatuwa. Sa buong araw na iyon, kaming lahat ay nasa labas lamang upang mag ikot sa Station 3 ng Boracay para kumain at kumuha ng litrato.
Noong ikatlong araw, maaga uli kaming nagising dahil kami ay naka iskedyul para sa Island Hopping. Nakarating kami sa iba't ibang isla na malapit lamang sa aming istasyon. Bilang gawi, kumuha kami ng magagandang litrato ng mga islang aming pinuntahan. Hapon na kami nakabalik sa Station 3 at ramdam ko na ang pagod sa aking katawan. Naisipan na rin naming umuwi agad sa aming tirahan at matulog muna nang bahagya upang magkaroon uli ng lakas pag dating ng gabi. Sumapit ang kinagabihan, kami ay nagutom at kumain sa isang kainan sa Station 2. Pagkatapos kumain ay nag ikot kami para mamili ng mga pasalubong at souvenir na ibibigay sa kaniya-kaniya naming mga kaibigan.
Sa ika-apat na araw sa Boracay, ito na ang araw ng aming pag alis pabalik sa Maynila. Sinulit na namin ng pinsan at tita ko ang mga natitirang oras bago kami pumunta sa paliparan. Kami ay kumuha na ng mga larawan upang may mailagay sa Instagram. Naisipan din naming maglibot sa Station 3 sA huling pagkakataon. Noong kami ay nasa byahe na, masasabi kong tunay ngang maganda ang Boracay lalo na ang tubig ng dagat na napakalinis. At kapuri-puri din ang kalikasan at pakikisama ng mga tao doon.
Sa kabuuan ng aking paglalakbay sa Boracay kasama ang aking pamilya, napagtanto ko ang kahalagahan ng pagiging maligaya at kontento sa mga simpleng bagay. Ang isla ng Boracay, na kilala sa kaniyang puting buhangin at asul na dagat, ay hindi lamang isang paraiso sa mga mata kundi pati na rin sa puso. Ang mga tanawin, ang masilayan ang mga magagandang sunset, at ang iba't ibang aktibidad tulad ng island hopping ay nagbigay saya at kasiyahan sa aking buong karanasan. Ang Boracay ay hindi lamang isang destinasyon kundi isang paalala ng kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan at ang simpleng kaligayahan ng buhay. Ang mga karanasan mula sa isla ay mananatili sa aking isipan at pusong may malalim na pagtanggap sa likas na kagandahan ng ating bansa.
Byahe papuntang Caticlan
Paglapag sa Boracay
Litrato sa Crystal Kayak Boat
Island Hopping noong ikatlong araw
Balik-Maynila
picture picture
stolen
galing church
nasa bundok
costume yarn?
Ang bawat paglalakbay ay may kwento ng mga bagong karanasan, lugar, at taong nakikilala. Ang mga paglalakbay ay hindi lamang tungkol sa pagtuklas ng mga bagong destinasyon, kundi pati na rin sa pagtuklas ng ating sarili. Sa bawat hakbang na tinatahak, natututo tayong magbukas ng mga bagong pananaw at magpatawad sa mga alalahanin ng nakaraan. Sa lakbay sanaysay na ito, ipapakita ko ang mga espesyal na sandali at aral na aking natutunan sa aking paglalakbay sa Baguio kasama ang pamilya ng aking nobya.
Noong Enero 5, 2024 ay umalis kami patungo sa baguio. Sobrang tagal ng aming byahe at syempre nahihiya dahil kasama ang pamilya ng aking nobya, merong hindi ko pa kilala at merong di ko masyado nakakasama. Masakit sa pwet dahil ang tagal ng byahe ngunit masaya dahil kasama ko siya. Ilang oras ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa aming tutuluyan sa baguio.
Una naming pinuntahan ang bundok kung saan madaming sining at maganda ang tanawin. Nagulat kami at may lumalabas na usok sa tuwing kami ay humihinga. Siyempre di maiiwasang mag picture dito, picture doon. pumunta rin kami sa isang museo at sa strawberry farm. Sa strawberry farm kami namitas ng mga strawberry at binitbit namin yun hanggang sa pag uwi. Pumunta rin kami sa Diplomat Hotel kung saan sinasabi ng karamihan ay haunted daw. Pumasok pa kami ng pinsan ng aking nobya sa loob nito.
Noong gabi ay pumunta kami sa night market, kung saan napakadaming pagkain at kung ano anong gamit. Ang mga pagkain ay nag hahalo halo ang mga amoy. Kinabukasan ay pumunta na kami sa SM Baguio, napaka lamig dito at sobrang ganda ng view. Masaya kaming umuwi at masaya ako dahil nakasama ko ang aking nobya at kanyang pamilya sa Baguio.
Sa aking paglalakbay kasama ang aking mga mahal sa buhay maraking emosyon ang aking naramdam, una duon ang kasiyahan sa mga lugar na aking nararating at nadidiskubre. Sa bawar paglalakabay nararamdaman ko ang matinding kasiyahan sa mga oras na kasama ko sila. Naramdaman ko din ang kalayaan sa bawat paglalakbay na nagbibigay ng magagandang memorya kasama ang mga taong malapit sakin. Sa calamba city habang nakikipagusap sa aking mga kaibigan sa bawat segundo nawawala ang mga problemang dinadama nung mga oras na iyon, sa bawat segundo saya ang nadarama, sa bawat ingay, salita, at kwentuhan para bang bumabagal ang oras at sinusulit ang mga panahon na nadarama.
Sa marahuyo at tagaytay ang inip at pagod na nadarama sa byahe habang papunta sa mga lugar na ito ay tila nawala nung nakarating dito. Ang mga pagod ay napalitan ng ginhawa at tila saya na parang batang nasa palaruan. Habang nakikita ang magagandang bundok, tanawin, at ang simoy ng hangin ang nagpapagaan ng aking paramdam na tila walang dinadalang pagod at sakit sa mga ito. Ang kapaligiran ay puno ng puno at lawa na tila bang nagbibigay kapayapaan at kaginhawaan sa mga ito.
Sa huleng lugar sa manila iba ang aking nararamdaman tuwing nauwi dito dahil tuwing nauwi dito halo ang emosyon na nadarama dahil sa lugar na ito dito ako lumaki. Sa lugar na rin na ito ko nakikita ang aking mga kapamilya na nagbibigay ginhawa sa tuwing nakikita ko sila, at sa mga panahong nakakasama ko sila tila ligaya at masasayang memorya ang nadarama.
Ang lahat ng mga litratong ito ay patuloy na nagbibigay sakin ng kasiyahan at masasayang memorya hanggang sa ngayon. Lahat ng binigay ng mga lugar na iyon ay dala dala ko dahil sa mga lugar na ito nakakasama ko ang mga malalapit sakin. At sa mga pagkakataon na iyon sinusulit ko ang bawat segundo na kasama sila sa lakbay na ito at tinatanggal ang problema na tinitimtim.
Ang mga lugar na ito ang nagbibigay ng senyales sa akin na sa bawat segundo piliin natin maging masaya at sulitin ang bawat panahon. Dahil sa bawat panahon dapat nating piliin maging masaya dahil ang buhay ay maikli lamang, ang simpleng paglalakbay na ito ay nagbibigay ng memorya at ala-ala na tila ba walang katumbas na pera ang mga ito. Sa hule ang mga ito ay dapat ingatan at alagaan dahil ang mga ito ay isang magandang tulong sa atin na maging positibo sa lahat ng bagay
Sayahan pagkatapos ng debut at mahabang byahe papunta sa lugar
Litrato pagkarating sa marahuyo sa may resort na pinapalibutan ng kalikasan
Tradisyonal na mga kubo at magandang tanawin sa marahuyo
Mga ilog sa tagaytay habang naglalakad at lumulundag sa lugar
Lugar kung saan ako unang lumaki
Sumakay kami ng eroplano ng higit 2 oras
Istasyon ng Cheung Sha Wan
Papunta ng Admiralty
Distrito ng Tsim Sha Tsui
Transportasyon ng Sampan BM10148A
Hindi ko malilimutan ang umagang iyon ang araw na unang tumapak ang aking mga paa sa lupaing banyaga. Isang malamig na Sabado ng Disyembre nang kami’y umalis mula sa Pilipinas patungong Hong Kong. Habang nasa eroplano, bakas ang pananabik sa aking mga mata. Ang ulap sa labas ng bintana ay tila mga bulak na bumabalot sa langit. Sa tabi ko si Tatay, nakangiti habang pinagmamasdan akong nakasandal sa bintana. Si Nanay naman, tahimik ngunit abala sa pag-aayos ng mga dalang gamit.
Paglapag namin, sinalubong kami ng malamig na hangin na tila yumakap sa aking murang katawan. Ang hangin dito’y kakaiba, may halong bango ng progreso at damdaming di-maipaliwanag. Naglakad kami patungo sa istasyon ng tren, ang Cheung Sha Wan. Sa labas pa lamang, ramdam ko na ang sigla ng lungsod. Ang mga tao’y mabilis kung kumilos, bawat isa’y may layunin.
Sa harap ng makintab na makina ng tiket, nanood akong mabuti habang si Tatay ay abala sa pagpindot ng mga numero. “Anong ginagawa mo, Tay?” tanong ko nang may halong pagtataka. “Bumibili tayo ng tiket, anak,” sagot niya. Napakamisteryoso ng makina, tila ba may mahika sa bawat pindot nito. Hindi ko napigilan, kaya’t tinuro ko ang isang pindutan. “Ito ba, Tay?” sabay pindot, at natawa siya.
Pagdating ng tren, halos mabitawan ko ang hawak kong sumbrero sa pagkasabik. Ang tren ay makintab at tahimik, tila dumadausdos lamang sa riles. Sa loob, napakaayos ang bawat upuan ay maayos na nakahilera, at ang mga ilaw ay maliwanag ngunit hindi nakakasilaw. Habang bumibiyahe kami, binibilang ko ang bawat istasyon: Cheung Sha Wan, at Admiralty… hanggang sa dumating kami sa Tsim Sha Tsui.
Pagbaba namin, isang malaking mapa ang bumungad sa akin. Ang dami palang daan dito, na para bang bawat kalsada ay may sariling kwento. Nakalagay sa mapa ang mga makukulay na marka ng bawat pasyalan tila isang kayamanang naghihintay na matuklasan. Sa pantalan, nakita ko ang isang makasaysayang bangka na may malaking karatula: Sampan Tours. Ang bangka’y kahoy, ngunit makulay ang disenyo, at tila nagkukwento ng mga nakaraan. Sa likuran nito, ang mga matatayog na gusali ay parang mga higanteng nakabantay sa mga alon ng tubig.
Suot ko ang aking paboritong sumbrero na may disenyo ng tigre nagbigay ito sa akin ng tapang at tiwala sa sarili. Habang naglalakad, ramdam ko ang lamig ng hangin, ngunit tila mas mainit ang sigla sa puso ko. “Nanay, parang ibang mundo ito!” sambit ko nang may kasiyahan. Napangiti siya at hinaplos ang aking pisngi, “Derek, tandaan mo ang araw na ito. Ang mundo ay napakalawak, at napakaraming lugar ang naghihintay sa’yo.”
Hindi rin namin pinalampas ang pagsakay sa makasaysayang tram. Ang kulay pula nitong katawan ay tila sumisimbolo ng dugong umaagos sa ugat ng lungsod. Habang paakyat kami, unti-unting lumilitaw ang tanawin sa ibaba ang mga gusali, ilog, at bundok ay nagmistulang obra na inilalatag sa harapan ko. Sa bawat yugto ng biyahe, tila may kuwentong isinasalaysay ang hangin, ang lupa, at ang tubig.
Sa pagbabalik namin pauwi, nakaupo ako sa tren habang iniisip ang lahat ng nangyari. Ang bawat hakbang, bawat tanawin, at bawat karanasan ay tila ukit sa aking murang alaala. Ang Hong Kong ay hindi lamang lugar; ito’y naging bahagi ng aking pagkatuto. Ang bawat istasyon ng tren, ang makukulay na bangka, at ang tram na umaakyat sa ulap ay simbolo ng walang hanggang posibilidad ng paglalakbay.
Ngayong alam ko na ang lawak ng mundo, ang pangarap kong tuklasin ito ay mas tumingkad pa. Sa murang edad, natutunan kong ang buhay ay puno ng sorpresa, at ang bawat paglalakbay ay isang paanyaya upang mas mapalawak ang pang-unawa ko sa mundo. Ito ang araw na natutunan kong ang tunay na yaman ay ang mga alaalang dala-dala mo saan ka man magpunta.