PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG MARIA IMMACULADA CONCEPCION (DISYEMBRE 7, 2021)

M E N S A H E

 

 Mula sa Supreme Student Government at sa 250 na mag-aaral ng Junior High School Department ng Pamatawan Integrated School ay buong puso kaming nakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Immaculate Concepcion of Mary ng Barangay Pamatawan at ng bawat mananampalatayang katoliko ngayong ika-8 ng Disyembre.

 

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng pagiging hindi makasalanan ni Maria sa buong durasyon ng kaniyang buhay. Kaalinsabay rin nito ang pista ng paninindigan, wagas at walang kondisyong pagmamahal ng mga ilaw ng tahanan. Humugot tayong lahat ng lakas sa banal na buhay at maging halimbawa si Birheng Maria upang tayo’y manatiling matatag, masaya at may pag-asa sa gitna ng maraming pagsubok na kinahaharap ng ating bansa.

 

Nawa’y patuloy tayong gabayan sa bawat landas na ating tatahakin ng Mahal na Birhen at maging mabuti sa kapuwa sa lahat ng oras lalo na ngayon na nangangailangan ng pagkalinga ang bawat isa. Hinihiling namin ang masayang pagdiriwang ng lahat.


Daniel Ace Batas Mercado 

Pangulo