Paano Diligan nang Maayos ang mga Baguhan

Bago diligan ang mga baguhan, kailangan mo munang malaman ang kanilang sitwasyon. Pagkatapos malaman ang kanilang mga problema at paghihirap, mafefellowship mo na sila nang naaayon. Ang ilang bagay na dapat mong isaalang-alang ay ang mga: Huwag silang tratuhin bilang bata dahil sa tingin mo ay mga baguhan sila at walang alam. Kailangan mo silang respetuhin at kausapin sila sa isang disente at matuwid na paraan at tono. Huwag na huwag mo silang pagagalitan. Matutong tumayo nang pantay sa katayuan nila at hayaan silang madama na ikaw ay kapantay nila at nauunawaan sila. Sa pamamagitan lamang ng pagsasalita sa ganitong paraan maaari mo silang matulungan at makuha ang kanilang paggalang. Kapag nakipagbahagian ka sa kanila sa ganitong paraan, mararamdaman ng mga baguhan na mula sa puso mo ang pakikipag-usap mo sa kanila sa halip na pagsasalita na parang superyor, at sa gayon sila’y magiging handa na makinig sa iyo. Sa paningin tila nakikipagkwentuhan at nakikipag-usap ka sa kanila, ngunit dapat mong iugnay ang kanilang mga suliranin sa pagbabahagi mo ng katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao at mga bagay na may kaugnayan sa paniniwala sa Diyos. Minsan, maaari kang makipag-usap tungkol sa pang-araw-araw na mga bagay at mula sa kanilang sinabi, maghanap ng mga paksa na maaaring nauugnay sa katotohanan. Dahil ang mga paksang ito ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sila ay magpapakita ng ilang pagmamalasakit at interes. Ang mga paksang ito ay dapat na isang bagay na may pakialam sila, isang bagay na kinakaharap nila sa totoong buhay, o mga bagay na naranasan nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay, o ang kalagayang kinalalagyan nila ngayon. Kung ang pagbabahagi mo ay tungkol sa mga bagay na ito, ang mga paksa ay hindi magiging nakakabagot sa kanila, at sila ay magkakaroon ng interes sa mga ito. Pagkatapos, dapat kang gumawa ng mas detalyadong pagsisiyasat sa mga bagay na ito at magbahagi tungkol sa katotohanan at mga intensyon ng Diyos na dapat nilang maunawaan. Siyempre, ang pababahagi mo sa katotohanan at layunin ng Diyos ay hindi dapat maging ganoon kalalim, at huwag magsalita sa malungkot o nakakainip na paraan o magbigay-diin sa anumang partikular na bagay. Huwag magsalita nang mahigpit, bagkus ay magsalita sa masiglang paraan, upang madama nila na ang paniniwala sa Diyos ay napakadali at nakakarelaks at hindi ito mahirap matamo; kahit na may ilang mga paghihirap, maaari nilang mahanap ang paraan ng pagsasagawa. (Ang ating mga paraan ng pagdidilig sa mga baguhan ay mahigpit at mayroon tayong isang nakapirming pattern kung saan nagsisimula tayo sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, pagkatapos ay ang gawain ng paghatol, ang pagkakatawang-tao, ang pangalan ng Diyos, atbp.) Ang mga nilalaman ng tinatalakay mo ay tama, at ang mahalaga ay pagkatapos matukoy ang mga nilalaman, dapat mong pag-isipan at hanapin kung paano mo mailalapat ang mga ito at kung aling mga uri at paraan mo maaaring isama ang mga ito sa mga paksang gusto mong talakayin. Kahit anong uri ang gamitin mo sa iyong pagbabahagi, kung hindi ito hiwalay sa mga nilalaman at katanggap-tanggap sa mga baguhan, ayos lang ito. Sa anong batayan mo masusukat na matatanggap ito ng mga baguhan? Depende ito sa kung anong mood nila sa panahong iyon, sa kanilang trabaho, sa kanilang katayuan sa lipunan, sa pundasyon ng kanilang pananampalataya sa Diyos, sa mga kahilingan at kagustuhan nila noong nagsimula sila sa kanilang pananampalataya, at iba pa. Ipagpalagay na sila ay mga mag-aaral sa kolehiyo at may kaunting kaalaman. Natuklasan nila na mayroong katotohanan sa tinatalakay mo ngunit ang mga pananalita mo ay maaaring tila hindi nakaangkop para sa kanila, at maaaring makaramdam sila ng pagtutol; ngunit kapag nakita nilang ang paraan ng pagsasalita mo ay masyadong nakakatuwa at nagpapalaya sa kanila, ang mga uri ng pananalita na ginagamit mo ay buhay na buhay at iba't iba, at ikaw ay nagsasalita nang napakahusay, hindi nila alintana kung ikaw ay may mahusay na pinag-aralan o kung ginagamit mo ang mga salita na pabor sa kanila. Kahit na ang tinatalakay mo ay may kaugnayan sa pangitain at nabasa na nila ito sa mga salita ng Diyos, dahil ang mga uri na ginagamit mo ay mabuti, madarama nila na ang pakikinig sa pagbabahagi mo ay mas praktikal at kahanga-hanga kaysa sa pagbabasa mismo ng aklat, at sila ay maging mas handang makinig. Sa gayon, magiging epektibo ang mga pagtitipon, at magiging mas handa silang dumalo sa mga pagtitipon. Gayunpaman, kung tatalakayin mo ang katotohanan bilang teolohiya at doktrina at magbabahagi rito, hindi gugustuhin ng mga baguhan na makinig. (Minsan hindi natin masyadong alam ang kanilang mga pangangailangan o kung ano ang gusto nilang malaman o kung bakit sila naniwala sa Diyos, kaya hindi epektibo ang ating pagbabahagi.) Kailangan mong maglagay ng higit na pagsisikap sa mga aspetong ito, at ito ang pinakapangunahin. Hindi ito gagana kung hindi ka maglalagay ng higit na pagsisikap. Halimbawa may pagtitipon ngayon. Dapat mong higit na malaman ang tungkol sa mga baguhan na maaaring dumalo sa pagtitipon ngayon. Sa anong mga edad sila kabilang, gaano na sila katagal na nananampalataya, kung ano ang tayog nila—dapat maging malinaw ka sa mga ito. Ngayon kapag sinasanay mo ang mga nagdidilig sa mga baguhan, kailangan mong hilingin sa kanila na gawing masigla ang mga pagtitipon at magbahagi sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa mga baguhan. Huwag mo silang ituring bilang mga tagapakinig mo, kundi ituring sila bilang mga taong nakakausap mo nang puso-sa-puso, mga pinakamatatalik mong kaibigan, mga kaibigan, mga dati mong kaibigan, mga kapatid, at pamilya mo. (Kulang tayo sa aspetong ito. Minsan, ang mga baguhan ay hindi nagsasalita sa mga pagtitipon. Akala nila tayo ang tagasalita at sila ay tagapakinig lang natin, kaya bihira tayong makipag-usap sa kanila. Ito’y katulad lang ng mga relihiyosong pagtitipon.) Dapat mo silang hayaan magsalita, at gabayan at hikayatin sila. Kuning halimbawa ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon. Maaari mo silang tanungin kung sino ang gustong magbasa ng unang talata at kung sino ang gustong magbasa ng pangalawang talata, at pagkatapos nito, maaari mong tanungin ang iba kung sino sa kanila ang mas mahusay bumasa at kung kaninong pagbigkas at tono ang malapit sa pamantayan. Kapag nakipag-ugnayan ka sa kanila sa ganitong paraan, sasali sila. Dapat ay magkaroon ka muna ng ganoong simpleng pagsasanay. Bakit kailangan mong gawin ito? Dahil makakaapekto ito sa kanila at hihikayat sa kanilang mga pagkukusa. Kapag interesado na sila, magiging seryoso sila sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa susunod at magiging napakaaktibo at magkukusa na itaas ang kanilang mga kamay para basahin ang mga salita ng Diyos.

Kapag nagtitipon kayo ng mga baguhan, dapat kang tumayo nang pantay sa katayuan nila at magbahagi sa kanila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga patotoo ng mga karanasan mo. Huwag maging tulad ng isang relihiyosong pastor, na nagbibigay sa kanila ng lecture. Hindi ito nagtatamo ng magagandang resulta. Dapat mong baguhin ang ganitong anyo ng mga pagtitipon at hayaan silang madama na ikaw ay hindi tulad ng isang relihiyosong pastor kundi isa sa kanilang mga kapatid, at maaaring bata ka pa, ngunit mas nakakaintindi ka kaysa sa kanila; ikaw ay nakakatuwa at masigla, at may sigla ng mga kabataan. Nakikita nila na ikaw, na tumanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay hindi lamang nauunawaan ang katotohanan, kundi nakatamo ng tunay na pagbabago sa pagkatao mo. Mayroon kang mas normal na konsensya at katinuan ng tao kaysa sa kanila, may normal na saloobin at pananaw ng tao tungo sa iba—nakatatayo nang pantay sa katayuan ng iba at nakikipag-usap sa iba mula sa puso mo; ang pananaw sa pananampalataya mo sa Diyos ay ganap na naiiba sa pananaw ng mga taong relihiyoso, at ito ay napakapraktikal at makatotohanan, hindi nahahaluan ng kalabuan; at lahat ng ito ay napakapraktikal. Dapat mong hayaan silang makita ito, at sa gayon sila ay makikinabang sa iyo. Kung titingnan mo ang sarili mo bilang isang pastor at hayaan silang ituring ka bilang isang pastor, ibinubukod mo ang iyong sarili. Gagawin nitong mas makitid ang landas mo. Maling kalagayan kung mahigpit ang mga pagtitipon mo. Pakiwari niyo ba mahigpit kapag may mga pagtitipon Ako sa inyo? Kung nagsasalita Ako nang seryoso sa mga pagtitipon, tulad ng pagbibigay ng leksyon, sa paglipas ng panahon ay mawawalan na kayo ng interes na makinig. Nakikipagkwentuhan Ako sa inyo. Sa isang banda, hindi Ako nakararamdam ng pagod; sa kabilang banda, hindi kayo nakararamdam ng pagod habang nakikinig. Minsan, nagbibiro Ako. Bakit ganoon? Kung ang isang paksa ay palaging inuulit-ulit, ang mga nilalaman ay magiging magkakatulad sa pandinig ng mga tao, sa gayon ang ilang tao ay aantukin at magsisimulang tumungo habang nakikinig. Samakatuwid, kailangan Kong baguhin ang mga anyo ng pagbabahagi; hindi ito pagbibigay ng talumpati, hindi tulad ng isang pastor na nangangaral, o isang guro na nagbibigay ng leksyon. Hindi ka nagsasalita ng matataas na salita, kundi nakikipagkwentuhan lamang at nakikipag-usap. Ang kaibahan lamang ay ang pakikipagkwentuhan mo at pakikipag-usap ay may kaugnayan sa katotohanan.

Ang pagdidilig ng mga baguhan ay isang importanteng bahagi ng gawain ng iglesia. Kung hindi ito nagkakamit ng mabubuting resulta, ang mga baguhan ay aalis kalaunan, at lahat ng ating mga pagsisikap sa naunang yugto ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay masasayang. Ang ilang tao ay mayroon pa ring mga kuru-kuro matapos nilang tanggapin ang ebanghelyo, at dahil ang kanilang mga kuru-kuro at problema ay hindi nalutas, sila ay umaalis. Kung ang pagdidilig mo ay epektibo, ang bilang ng mga aalis ay tiyak na bababa. Kaya, kung tatatag man sa tunay na daan ang mga baguhan sa lalong madaling panahon ay may tuwirang kaugnayan sa paunang pagdidilig. Kung mabisa ang pagdidilig at tinatanggap kaagad ng mga baguhan, madaling mareresolba ang kanilang mga problema. Kung ang pagdidilig ay hindi epektibo at ang katotohanang tinatalakay ay hindi ipinaliwanag nang malinaw, hindi gugustuhing makinig ng baguhan. Dati, sa mainland China, kung saan masama ang kapaligiran, pagkatapos ng pagtitipon sa isang lugar, pumupunta Ako sa ibang lugar para sa mga pagtitipon, at may mga taong nag-aatubili na humiwalay at laging gustong dumalo sa mas maraming pagtitipon at makinig pa. Iyon ay dahil nadama nila na ang pakikinig sa mga sermon ay kasiya-siya at lumiliwanag sa kanilang mga puso at kaya gusto nilang magtamo ng higit pa. Samakatuwid, dapat mong hanapin palagi kung paano magbahagi nang praktikal at epektibo; at dapat kang magbahagi sa mga paksa at nilalaman tungkol sa lahat ng aspeto ng katotohanan sa iba't ibang uri habang nakikipagkwentuhan ka sa kanila. Kung sa tingin mo ay walang magandang paraan upang mai-fellowship ang tungkol sa isang paksa, ano ang dapat mong gawin? Maaari mo munang hayaan ang mga baguhan na magsalita tungkol dito. Kung may napansin ka na mga hindi tama at anumang kakulangan sa kanilang sinasabi, maaari mong punan ito at kumpletuhin. Kung napansin mo na ang ilang bagay na kanilang tinatalakay ay ang susing punto at napakahalaga, maaari mong ibuod ito at magbigay ng malinaw na pagbabahagi. Ang matuto mula sa kalakasan ng bawat isa at ang pagpupuno sa bawat isa ng gaya nito ay nagdudulot ng mas mabuting resulta. Kaya dapat alam mo kung paano sila hihikayatin. (Ang ilang mga baguhan ay palaging nananatiling tahimik mula sa umpisa hanggang dulo ng mga pagtitipon.) Huwag pwersahin ang gayong mga tao na magsalita. Kailangan mong hanapin ang mga mahihilig magsalita at magaling magsalita, at hayaan silang magsalita muna at manguna. Mayroong iba’t ibang uri ng mga kaso para sa mga ayaw magsalita. Ang ilan sa kanila ay simpleng mag-isip at wala masyadong mga saloobin, kaya naman wala sila gaanong masabi; ang ilan ay may abilidad na makaunawa subalit ‘di nila gustong ipahayag ang kanilang mga saloobin, kaya pinipigilan nila ang kanilang mga sarili na magsalita; ang ilan ay hindi maipahayag ang kanilang mga sarili at hindi alam kung paano mag-fellowship. (Ang ilang mga baguhan ay nakatali sa kanilang karangalan at takot na makapagsalita ng maling bagay at mapagtawanan.) Kung mayroon silang ganitong mentalidad, dapat mo silang hikayating ipahayag ang nasa kanilang isipan. Sabihin mo, “Kahit na ito ay tama o mali, sabihin mo lang ito. Kung ito ay mali, tutulungan ka namin, at malalaman mo kung ano ang mali sayo at ang pagkukulang mo.” Mayroong ilang tao na maaaring hindi interesado sa kung ano ang tinatalakay mo, at dapat kang gumamit ng ilang posibleng mga paraan upang gabayan at pukawin sila. Halimbawa, kung nais mong i-fellowship ang tungkol sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa sangkatauhan, o kung bakit nagkatawang-tao ang Diyos, maaari mong iwasan na direktang pag-usapan ang tungkol sa paksa mula sa positibong panig o pagfe-fellowship sa katotohanan kung bakit nagkatawang-tao ang Diyos. Maaari mo munang sabihin ang mga kuru-kuro ng mga tao. Halimbawa, ang ilang tao ay naniniwala na ang nagkatawang-taong Diyos ay dapat napakatayog at ipinanganak sa mayamang pamilya, at Siya ay dapat mayroong tinapos sa pag-aaral at mataas ang pinag-aralan, at iba pa. Maaari mong simulan ang pagbabahagi mo sa mga bagay na alinsunod sa mga kuru-kuro ng tao, nang sa gayon ay maging interesado sila dito. Pagkatapos noon, maaari mong unti-unting i-fellowship ang mga bagay na positibo. Ito ay isang mabuting klase ng pagbabahagi. Kung basta mo na lamang didirektahin, maaaring magpakita sila ng kaunting interes dito, at iisipin na ang mga bagay na ito ay napag-usapan na lahat at masyadong nakakabagot. Kaya, maaari mong simulan sa paglalantad ng mga kuru-kuro ng tao, tulad ng kung ano ang itsura ng nagkatawang-taong Diyos, anong personalidad ang mayroon Siya at paano naipapahayag ang Kanyang pagkatao sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at kung paano ang Kanyang pangunahing pangangailangan sa buhay ay kasalungat sa mga kuru-kuro ng tao; magsimula sa paksang ito. Pagkarinig sa mga bagay na ito, iisipin nila, “Tama ‘yan! Ganyan ko nga iniisip.” Pagkatapos ay maaari mo silang tanungin kung tama ba na mag-isip sa ganoong paraan. Ang ilang tao ay marahil magsasabing “oo,” at ang ilan ay marahil magsasabing “hindi.” Maaaring mayroong ilang tao na hindi sigurado at iisipin na marahil ang Diyos ay kumikilos sa ganoon paraan. Maaari kayong magsimula sa mga ganitong paksa at ilantad ang mga kuru-kuro ng tao, at pagkatapos ay mag-fellowship mula sa positibong panig at hayaang makita nila kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol doon. Maaari mo ring pagsama-samahin ang mga bersikulo sa Biblia at i-fellowship ang tungkol sa kung paano naipapahayag ang normal na pagkatao ng Panginoong Jesus. Tanungin mo sila, “Ang pagpapahayag ba ng normal na pagkatao ng Panginoong Jesus ay kapareho ng kung ano ang iniisip ng mga tao sa kanilang mga kuru-kuro? Umaayon ba ito sa mga imahinasyon ng mga tao? Sa ating mga imahinasyon, ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi sumasakay sa isang buriko o gumagawa ng mabigat na trabaho, at mas lalong hindi Siya sumasayaw. Gayunpaman, itinala ng Biblia na ang Panginoong Jesus ay minsang sumayaw sa isang piging ng kasalan, at Siya ay uminom din ng alak, sumakay sa buriko, natulog, naghati ng tinapay, at kumain ng isda, atbp. Ang mga pagpapahayag ba na ito ng normal na pagkatao ng nagkatawang-taong Panginoong Jesus ay umaayon sa ating mga imahinasyon?” Matapos marinig ito, makikita nila na ang mga ito ay hindi kaayon sa kanilang mga imahinasyon. Sa sandaling ito, dumating ka na sa punto, at tanging kung sa ganitong paraan ka magbabahagi na sila’y magpapakita ng interes sa kung ano ang sinasabi mo. Gumamit ka lamang ng paraan ng pagkukwento, magsalita tungkol sa bagay o isang pangyayari sa tunay na buhay, at pagkatapos ay isama ito sa paksang nais mong pagbahagian ngayong araw. Kapag natuklasan nila na ang sinasabi mo ay may kaugnayan sa kanila at kaugnayan sa Diyos o sa kanilang mga kuru-kuro—siyempre, ito ay may kaugnayan sa katotohanan—at ang lahat ng mga bagay na ito ay pinagsama-sama, magkakaroon sila ng pagnanais na makinig at alamin ang nais mong sabihin. Pagkatapos magsabi ng napakaraming kwento, magsimula kang mag-fellowship sa katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Bagaman ang lahat ng sinabi mo dati ay nagsisilbi lamang bilang batayan ng gawain, ito ay upang madaling matanggap ng mga tao ang paksang ife-fellowship mo. Ito ay isang uri ng paraan. Tulad ito kapag ang isang napakagandang pelikula ay nalalapit ng ipalabas: Mayroon ng lahat ng uri ng pagpapasabik—halimbawa, ang mga bahagi sa likod ng eksena, mga press conference, ang trailer, ang mga advertisement ng mga pangunahing tauhan—ang lahat ng ito ay nagsisilbing mga pagpapasabik bago maipalabas. Ito ay tinatawag na batayan ng gawain. Sa paggawa nito matutugunan ang sikolohikal na pangangailangan ng  mga tao at dapat mong malaman paano diligan ang mga baguhan sa ganitong paraan. Kapag ang mga baguhan ay mananampalataya na sa loob ng tatlong taon at pangunahing kaya nilang makinig nang buong tuon sa sermon sa loob ng tatlo o apat na oras sa mga pagtitipon, kung maaabot nila ang puntong ito, hindi na kailangang gumamit ng ilang espesyal na pamamaraan sa pagdidilig sa kanila. Kailangan niyo na lamang silang paminsan-minsang kausapin tungkol sa mga ilang bagay sa tunay na buhay bilang halimbawa o lumikha ng mapag-uusapan, at madalas pwede mo na lang direktahin. Kahit ganoon, ang pagbabahagi mo ay hindi dapat maging masyadong matigas; kailangan itong magkaroon ng interaktibong mga palitan ng mga tanong at sagot. Ang lahat ng ito ay iba’t ibang pamamaraan ng fellowship. Dapat kang gumawa ng ilang mga gawain ng paghahanda nang mas maaga at matutunan ang tungkol sa kanilang mga pangangailangan at paghihirap. Kung hindi ka masyadong malinaw tungkol sa katotohanan, ang karanasan mo ay napakababaw, at ang tayog mo ay napakaliit; kung wala kang karanasan sa pagsasagawa sa aspetong ito ng gawain at mayroong kaunting karanasan, kung ang kaalaman mo ay napakaliit tungkol sa mga saloobin ng mga nakakatanda, ang mga pananaw ng mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay, at ang kanilang paghihirap sa lipunan, sa gayon ay dapat kang gumawa ng ilang paghahanda sa gawain. Hindi ito uubra kung hindi mo gagawin. (Ngayon ang ating nararanasan ay lahat tungkol sa kung ano ang ating nakakatagpo sa ating mga tungkulin. Para sa yaong ang pagpasok ay masyadong mababaw, hindi pa natin maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na ito, sapagkat ito’y napakalalim para sa kanila. Kaya, minsan pakiramdam natin ay wala tayong masyadong mga karanasan na mapag-uusapan, at maibabahagi lamang natin ang ilang mabababaw na mga karanasan na mayroon tayo noong nagsimula tayong maniwala sa Diyos.) Kung wala ka talagang ideya kung paano i-fellowship ang inyong karanasan, kung gayon ay maaari kang makipagkwentuhan sa kanila. Halimbawa, maaaring nakakatagpo sila ng ilang paghihirap sa buhay pamilya o sa kanilang trabaho na nagbibigay kalituhan sa kanila, at hindi nila alam kung paano magsaliksik ng katotohanan, o maaaring nakagawa sila ng ilang mga kasalanan at nababalisa at nadaramang may pagkakautang sila, takot na masaktan ang Diyos o talikuran Niya, at marami pa. Dapat mong matutunan makipag-usap sa kanila tungkol sa mga bagay na ito, sa gayon ay masabi nila sa iyo ang mga salita na mula sa kanilang mga puso. Pagkatapos noon, maaari mong i-fellowship ang dati mong karanasan na lilinaw sa kanilang sinabi, o ibahagi ang kaalaman na mayroon ka sa oras na iyon; ang lahat ng ito ay mabuti. Ang lahat ng ito ay nauugnay sa katotohanan, at ang tanging problema ay ang hindi direktang matumbok ng pagbabahagi mo ang pinakapunto. Kung talagang malalaman mo ang eksakto nilang mga kalagayan, madirekta ang punto, at i-fellowship ang katotohanan na nauugnay sa kanilang mga isyu, mararamdaman nilang nakakatulong ka sa kanila. Gayunpaman, kung hindi mo sila matutulungan, at bagkus ay magsasalita ng matataas na mga salita, “Naniniwala tayo sa Diyos sa ganitong at ganoong paraan, at dapat kang maniwala gaya nito o gaya niyan. Tingnan kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol diyan,” hindi nila ito magugustuhan. Kapag narinig nila ang mga bagay na ito, mauunawaan nila ang lahat ng ito sa antas ng doktrina, subalit hindi nila malulutas ang kanilang mga problema. Kaya ang mga pamamaraang ito ay hindi uubra. Subukang humanap ng ilang paraan na mas malulutas nang mabuti ang mga problema, at gamitin ito nang madalas, at magkakamit kayo ng mabubuting resulta sa loob ng maiksing panahon. 

Kung ang ilang baguhan ay walang oras na dumalo sa mga pagtitipon, ano ang dapat mong gawin? Maaari mo silang i-fellowship, "Kadalasan ay tumatagal nang tatlong oras ang bawat pagtitipon, ngunit kung makagugugol ka lang nang isa’t kalahating oras sa mga pagtitipon, ayos rin ito. Para sa isa pang isa't kalahating oras, maaari mo itong gamitin para manalangin sa Diyos at lumapit sa Kanya habang nasa  trabaho. Bagaman hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon nang aktwal sa panahong ito, at hindi kasama ng mga kapatid—hindi ka nakakalapit sa harap ng Diyos sa literal na pagtitipon, dumadalo ka sa pagtitipon sa loob ng puso mo, at ang puso mo ay tahimik sa harap ng Diyos. Marahil ay abala ka sa trabaho mo, negosyo, at personal na mga gawain sa buhay, ngunit ang puso mo ay lumalapit sa Diyos at pinag-iisipan ang Kanyang mga salita habang nakikinig ka sa mga himno ng mga salita ng Diyos. Hindi ito hadlang sa paglapit mo sa Diyos. Ang iba ay nakakapaggugol nang tatlong oras, ngunit dahil mayroon kang ilang aktwal na mga paghihirap ngayon, nakakagugol ka lamang nang isa’t kalahating oras sa mga pagtitipon. Maaaring makaramdam ka ng pagkakautang sa Diyos, ngunit kung haharap ka sa Diyos at mapapalapit sa Kanya, ito ay katanggap-tanggap pa rin sa Kanya.” Ano kaya ang mararamdaman nila kapag narinig nila ito? Hindi sila makakaramdam ng stress at magkakaroon ng landas, at kaya nila itong makamit. Kasabay nito, mararamdaman nila na wala pa rin silang sapat na pagmamahal sa Diyos, at may pagkakautang sila sa Diyos. Huwag silang bigyan ng napakaraming mahigpit na panuntunan; ipakita sa kanila ang ilang pamamaraan na angkop para sa kanila ayon sa kanilang aktwal na mga paghihirap, sa kanilang mga kinakailangan sa kanilang sarili, at sa antas ng kanilang sigasig at kanilang interes sa paniniwala sa Diyos. Kung hindi man lang sila dumalo sa isang pagtitipon sa buong taon, hindi na kailangan pang makipag-usap sa kanila. Dapat mong ituro ang landas ayon sa kung ano ang kanilang kaya. Halimbawa, ayon sa kinakailangan, ang bawat baguhan ay dapat dumalo sa dalawang pagtitipon kada linggo, na tumatagal ng tatlong oras kada pagtitipon, ngunit ang ilang mga baguhan ay nakakagugol lamang ng kalahating oras sa mga pagtitipon. Sa kasong ito, maaari mong sabihin, “Kahit kalahating oras ka lang sa mga pagtitipon, ito ay nagpapatunay na ikaw ay tunay na naniniwala sa Diyos at ito ay katanggap-tanggap sa Kanya, dahil isinisingit mo ang kalahating oras na ito mula sa buhay at trabaho mo para sa mga pagtitipon. Kung hindi ka naniniwala sa Diyos, maaari nagpapakasaya ka sa labas o nagtatamasa ng pisikal na kaginhawahan sa panahong ito. Ngayon na naibibigay mo ang kalahating oras na ito sa Diyos, at nakakaharap sa Kanya, ang panahong ito ay hindi nagugol sa walang kabuluhan; ito ay ginugunita ng Diyos, at ito ay isang mabuting gawa. Sa katunayan, dumadalo tayo sa mga pagtitipon para maunawaan ang katotohanan.” Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nagawa mo nang maayos ang iyong tungkulin at natupad ang iyong responsibilidad sa isang banda; sa kabilang banda, itinuturo mo ang isang malawak na landas para sa kanila, at walang limitasyon para sa kanila. Madarama nila na magaan ang pasanin ng Diyos, at mayroon silang paraan ng pagsasagawa. Sabihin mo sa kanila, “Bagaman hindi tayo makakapaggugol ng tatlong oras sa mga pagtitipon ayon sa kinakailangan at makakagugol lamang ng kalahating oras, kung hindi pa rin natin ibibigay ang kalahating oras na ito sa Diyos o gugugulin ito kasama ng Diyos dahil lang hindi natin kayang maglaan ng tatlong oras at bigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi ito katanggap-tanggap.” Pagkatapos marinig ito, hindi na sila makokonsensya. Kung hindi, kung 'di nila kayang gumugol ng tatlong oras sa mga pagtitipon, maaaring ayawan pa nila ang paglaan ng kalahating oras na bakante, dahil sa tuwing dumadalo sila sa pagtitipon, inaakusahan sila ng kanilang mga budhi, at sila ay nababahala, sumasama ang timpla. Habang paulit-ulit ang masamang ikot, sila’y magiging mas lalong hindi interesado na dumalo sa mga pagtitipon. Dumalo man sila, wala silang kainte-interes. Iniisip nila na hindi gusto ng Diyos ang ganitong uri ng mga tao, at sa huli ay hindi man lang sila maglalaan ng kalahating oras sa pagtitipon. Bakit ganito? Dahil ginagawa mo ang gawain mo sa isang pangit na paraan at ang iyong pamamaraan ay masyadong mahigpit. Hangga't nakakagugol sila ng kalahating oras sa tuwing may pagtitipon, unti-unti maaaring pagsikapan nilang gumugol ng 40 minuto o isang oras sa mga pagtitipon. Kapag nakita nila na ang ilan ay kayang dumalo sa mga pagtitipon sa oras at gumugol ng tatlong oras, at na ang ilan ay gumugugol pa nga ng higit sa tatlong oras at dumadalo sa mas maraming pagtitipon, kapag nakita nilang ang iba ay napakaaktibo, paniniwalaan nila na talagang gusto ng Diyos ang ganitong uri ng mga tao, at makakaramdam sila ng pagkakautang sa Diyos dahil kalahating oras lamang ang inilalaan nila sa mga pagtitipon. Susunod, maaaring  magsumikap sila na gumugol ng isang oras sa mga pagtitipon. Kapag sila’y nakakagugol ng isang oras sa mga pagtitipon, malalaman nilang mas marami silang natamo, at nagiging mas malinaw sa kanila ang katotohanan. Kapag nakita nila na talagang dumaranas sila ng ilang pagbabago, mas magiging matatag sila sa kanilang mga puso, at maiisip na ang paniniwala sa Diyos ay napakaganda. Lalago ang kanilang pananampalataya. Sa ganitong paraan, magsisikap silang gumugol ng dalawang oras sa mga pagtitipon. Sa katunayan, madalas, kung gaano karaming oras ang naigugugol ng mga tao ay nakasalalay sa kanilang mga pansariling kagustuhan. Kung ang kanilang mga pansariling kagustuhan ay malakas, maaari silang tumagal ng tatlong oras o kahit sampung oras. Maaari pa nga nilang iukol ang lahat ng kanilang oras at pagsisikap sa paggugol ng kanilang sarili para sa Diyos. Gayunpaman, kung ayaw talaga nilang dumalo sa mga pagtitipon, kahit na sabihan mo sila na maglaan ng 20 minuto upang patahimikin ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos, manalangin sa Diyos at magbasa ng mga salita ng Diyos, maaaring sa pakiramdam nila ito ay pag-aaksaya ng oras, at inaantala nito ang kanilang pagpapakasaya, pagtatamasa sa kaluguran ng laman, o pagkita ng pera. Ito ay may kaugnayan sa pansariling kagustuhan. Kaya ano ang dapat mong gawin upang padaluhin sila sa mga pagtitipon nang aktibo, positibo, may kumpiyansa, at walang anumang gusot sa mga tuntunin ng pansariling kagustuhan? Dapat mong ituro ang isang malawak na landas at pukawin ang kanilang pagkukusa. Kapag nakaramdam sila ng lakas at naging interesado, magiging handa silang maglaan ng ilang oras para dumalo sa mga pagtitipon. Kapag nakinabang sila sa mga pagtitipon at nakatikim ng kaunting tamis, magiging madali para sa kanila na talikuran ang laman. Kapag wala silang tayog, dapat mo silang diligan nang paisa-isag hakbang.

Ang ilang mga baguhan ay hindi regular na dumadalo sa mga pagpupulong. Kailangan mong malaman kung ano ang mga problema nila. Ito ba’y dahil sa wala talaga silang anumang interes sa paniniwala sa Diyos at kaya ayaw nilang dumalo sa mga pagpupulong? O dahil ba sa may personal silang problema? Tukuyin ang mga taong may personal na problema. Bukod dito, para sa mga walang personal na problema, hindi mahalaga kung sila ay mga maybahay, retiradong manggagawa, o matanda, kailangan mo ring malaman kung bakit ayaw nilang dumalo sa mga pagtitipon, at kung ano ang mga problema nila. Dapat mo ring uriin ang mga ito. Kaya paano malulutas ang mga problemang ito? Kailangan mong makabuo ng ilang partikular na pamamaraan at hakbang at iiskedyul ang mga oras ng pagpupulong para sa kanila. Kung sasabihin ng ilang tao na masyado kang mabilis magsalita at hindi ka nila maintindihan at masundan, o ang mga katotohanan sa paniniwala sa Diyos ay napakataas at malalim at hindi nila maintindihan o wala silang nauunawaan, lahat ng ito ay tunay na problema. Kahit na pinapahirapan ka nila kapag inilalabas nila ang mga problemang ito, ano ang dapat mong gawin? Paano mo dapat gawin ang gawaing ito nang maayos? Paano mo dapat lutasin ang mga problemang ito para makadalo sila nang regular sa mga pagpupulong at hindi masayang ang mga pagsisikap ng mga nagpapalaganap ng ebanghelyo? Ipagpalagay na ang isang tao ay naniwala sa loob ng tatlong taon. Nauunawaan niya ang ilang katotohanan at nakapaglatag ng pundasyon, at mayroon siyang tayog at pundasyon upang mapagtagumpayan ang kanyang mga problema. Kung sa sitwasyong ito ay hindi pa rin siya dumadalo sa mga pagtitipon sa loob ng napakatagal na panahon, kahit na maraming beses na siyang sinabihan, at wala siyang magandang dahilan ngunit tumatanggi na lamang siyang dumalo, ibig sabihin ay pinili na niyang huminto. Ngunit ngayon ay hindi ito ang sitwasyon. Kaya, dapat mong uriin ang mga taong hindi madalas dumalo sa mga pagpupulong ayon sa kanilang mga uri—kabataan, matatanda, manggagawa, at mahihirap. Subukang alamin at ibuod ang kani-kanilang suliranin; dapat mong gawing mabuti ang trabahong ito. Pagkatapos ay kailangan mong mag-iskedyul ng mga pagpupulong para sa kanila ayon sa kanilang mga partikular na sitwasyon, o magkaroon ng iba’t ibang tao na magdidilig sa kanila. Halimbawa, ang ilang matatandang tao ay may mas mayayamang karanasan sa lipunan. Mas marami silang paghihirap at sila’y mas manhid. Kung may ibabahagi ka sa kanila, mabagal sila sa pagtanggap nito; may posibilidad silang kumapit sa kanilang sariling mga opinyon at magkaroon ng problema sa pagtanggap ng mga bagong bagay. Kaya, huwag hayaang diligan sila ng mga kabataan. Kung hindi, hindi madali para sa kanila na tumanggap. Kailangan mong makahanap ng isang taong may edad na at mahusay sa pakikipag-usap, na may mga karanasan at pananaw na katulad ng sa kanila, na nakakaalam kung ano ang kulang at gusto ng mga tao sa kanilang edad, kung paano sila nakikipag-usap at kung ano ang karaniwan nilang pinag-uusapan. Dapat mong mahanap ang mga taong tulad nito upang magfellowship sa kanila at diligan sila.

Kung gagawin mo ang gawain ng pagdidilig sa mga baguhan nang maayos at mabisa, ang mga naconvert na baguhang iyon ay makakatayo nang matatag, at magkakaroon ng pagpasok at mabilis na makakapaglatag ng pundasyon. Kung nabigo kang gawin ito nang maayos at mabisa, ang mga baguhan ay hindi magkakaroon ng pundasyon at madaling hihinto. (Ngayon ay hindi nakakabagay sa mga pangyayari o bihasa sa pagdidilig ng mga baguhan ang karamihan sa mga nagdidilig, kaya nagiging parami nang parami ang mga baguhan na hindi regular na dumadalo sa mga pagtitipon.) Ito ay isang tunay na problema na umiiral sa gawaing pagdidilig. Huwag ituring bilang pagtuturo ang pagdidilig sa mga baguhan. Huwag kumilos na parang ikaw ay isang guro at sila ay mga estudyante. Hindi ito nararapat. Dapat mong  ituring ang pagdidilig sa mga baguhan bilang responsibilidad mo. Ito ay isang bagong larangan at isang bagong aral para sa iyo. Dapat mong matutunan kung paano makipagkwentuhan sa iba, kung paano makipag-usap sa iba, at kung paano makipagniig nang epektibo. Sa pagdidilig ng mga baguhan, hindi ka dapat kumilos tulad ng isang pastor, na nakatayo sa plataporma na nagbibigay ng mga sermon sa mga mananampalataya, at ang tanging boses sa mga pagtitipon. Lisanin ang paraan na ito nang lubusan. Kailangan mong makipag-ugnayan sa kanila tulad ng isang guro sa kindergarten na pinapangunahan ang mga bata sa paglalaro. Walang mga nakatalagang regulasyon, at huwag maging mahigpit kapag kasama mo sila. Kapag ang mga baguhan ay hindi nais na sumali sa mga pagpupulong, hindi mo sinusuri ang iyong sarili kundi pakiramdam ay masyado silang nagdadala ng gulo at mahirap pamunuan, na may napakaraming katotohanan ngunit hindi nila ito minamahal. Kailangan mong pagnilayan ang sarili mong mga problema at baguhin ang paraan ng mga pagtitipon. Kailangan mong maghanda bago ang mga pagtitipon kapag sapat ang oras. Halimbawa, magfefellowship ka sa isang seksyon ng mga salita ng Diyos at magbabahagi ng isang patotoong artikulo. Dapat mong subukang alamin ang kapuri-puring bahagi para sa talakayan. Maaari mo silang tanungin, "Mayroon bang anumang bagay na nagpahanga sa iyo ngayong araw sa karanasan ng taong ito? Mayroon bang anumang bagay na sa tingin mo ay hindi mo kayang isagawa? Bakit hindi mo ito kayang isagawa? Ano ang mahirap sa iyo?" Dapat mo silang gabayan, akuin ang pangunguna, at hilingin sa mga baguhan na ibahagi ang kanilang mga iniisip. Kung tama ang kanilang sinasabi, maaari mo silang hikayatin. Kung mali ang kanilang sinasabi, huwag mo silang punahin o sawayin, bagkus ay magfellowship lamang sa kanila. Kapag narinig na nila ang sinasabi mo, matatanto nilang mali sila. Hindi mo dapat direktang ituro ang kanilang pagkakamali bagkus hayaan silang aminin ito. Sa ganitong paraan, hindi sila manghihina, at sa susunod na pagtitipon ay mararamdaman nila na mayroon pa rin silang respeto sa sarili. Kung sasawayin mo sila, para sa ilang baguhan na may labis na paggalang sa sarili, madarama nila na nakakahiyang magbigay ng maling sagot, at hindi na nila nanaising dumalo sa susunod na pagpupulong.

(Ngayon ang ilang mga baguhan ay tinanggap na ang ebanghelyo nang higit sa tatlong buwan at naunawaan ang ilang mga katotohanan ng pangitain, kaya aling mga aspeto ng mga katotohanan ang dapat nating ifellowship upang maging handa silang gampanan ang kanilang mga tungkulin at ibahagi ang ebanghelyo?) Kailangan mong ibahagi nang malinaw ang tungkol sa kahalagahan at benepisyo ng pagtupad sa tungkulin ng isang tao, ang kaugnayan nito sa gawain ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, gayundin ang mga tungkuling dapat gampanan ng mga nilikha sa bawat yugto, ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang mga kinakailangan sa tao. Sabihin mo, “Ang Diyos ay may mga kinakailangan sa tao, kaya ano ang Kanyang kinakailangan sa yugtong ito? Ngayon, ang apurahang kalooban ng Diyos ay ang ipalaganap ang ebanghelyo, upang mas maraming tao ang lumapit sa Kanyang harapan sa lalong madaling panahon. Ano ang layunin ng pagdadala sa kanila sa harapan Niya? Hindi para yumaman sila, tumanggap ng mga misteryo, o para makatakas sila sa mga sakuna. Sa halip, ito ay para maunawaan nila ang katotohanan, pumasok sa realidad ng katotohanan, at makamit ang kaligtasan sa lalong madaling panahon. Sa layuning ito, ano ang dapat gawin ng tao? Una, dapat silang sumali sa hanay ng mga gumaganap ng kanilang mga tungkulin. Ano ang kahalagahan nito? Sa pagsasalita mula sa iyong pananaw, mauunawaan mo ang mas maraming katotohanan, at habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, unti-unti kang makakaunawa at makapapasok sa mga katotohanang nauugnay sa iyo at sa nararanasan mo. Bukod pa rito, sa mga mata ng Diyos, ginagawa mo ang iyong mga tungkulin, habang naiisantabi mo ang kasiyahan ng iyong laman, buhay at mga hinahangad sa hinaharap, makipagtulungan sa Kanya sa Kanyang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pagmalasakitan ang Kanyang nananabik na kalooban. Para sa Lumikha, ang iyong puso, ang iyong halaga, at ang iyong sakripisyo ay karapat-dapat sa paggunita. Sa kasalukuyang yugto, ang gawain ng Diyos na ginawa sa iyo, ang Kanyang mga kinakailangan at kalooban sa iyo, at ang mga tungkulin na kailangan Niyang gampanan mo—lahat ng ito ay magagandang pagkakataon para maligtas ka. Kung mapalampas mo ang mga ito at sasabihin, ‘Gagawin ko ang mga tungkulin ko pagkalipas ng 20 taon kapag lumaki na ang mga anak ko, may sariling pamilya at mga karera, o kapag nagretiro na ako sa aking trabaho,’ ito ay nakakabahala. Ibinibigay mo ang iyong pinakamahusay na oras sa mundo, sa mga anak mo, at ipinagpapalit ito para sa makalaman na kasiyahan mo, ngunit nawala sa iyo ang pinakamagagandang pagkakataon sa pagkamit ng kaligtasan at pagtatamo ng katotohanan. Kung nabigo kang gampanan ang mga tungkuling hinihingi ng Diyos sa tao, paano ka titingnan ng Diyos? Paano ka Niya susuriin? Sasabihin ng Diyos, 'Noong higit na kailangan kita, noong ikaw ay bata pa at nasa pinaka-kalakas-lakasang yugto, nang ikaw ay may kakayahang magsikap, hinahangad mo ang mga makamundong bagay, naghahangad ng komportableng pamumuhay, ginugugol ang sarili mo para sa mga anak mo. Lahat ng ginawa mo ay para sa iyong laman, at wala kang ginawa para sa Akin.’ Kung gayon, mayroon ka bang anumang bagay na karapat-dapat sa paggunita ng Diyos? Wala. Kung gagawin mo ang tungkulin mo pagkaraan ng 20 taon, walang pagkakaiba kung gagawin mo ito o hindi, dahil mas marami ang mga tao na igugugol ang kanilang sarili at magbabayad ng halaga para sa Diyos, at ikaw ay isang maliit na miyembro lamang nila. At ang papel na ginagampanan mo sa gawain ng pamamahala ng Diyos, sa gawaing kailangan ng Diyos ang kooperasyon ng tao, ay maliit, kaya paano ka titingnan ng Diyos? Anong uri ng kahihinatnan ang ibibigay sa iyo ng Diyos? Kailangan mong sukatin ito sa iyong sarili. Walang makikialam sa iyo o pipilitin ka sa bagay na ito, at walang sinumang pipili para sa iyo. Nasasaiyo ang desisyon. Kami ay malinaw na nakikipagbahagian sa iyo tungkol sa kalooban ng Diyos at ang kahalagahan ng pagganap ng mga tungkulin. Ito ang aming obligasyon, at may karapatan kang malaman ito. Ngunit nasa iyo kung ano ang pipiliin. Kaya ano ang pipiliin mo sa bagay na ito? Huwag mabalisa tungkol dito. Hindi mo kailangang isuko ang trabaho at pamilya mo sa ngayon at italaga ang sarili mo nang buong puso sa paggawa ng mga tungkulin mo. Gawin lamang ang lahat ng makakaya mo at tuparin ang mga tungkulin na dapat mong gawin, at kasabay nito ay mag-alay ng mga panalangin, humihiling sa Diyos na bantayan ka, maghanda ng angkop na oras at magbukas ng daan para sa iyo. Ang lahat ng ito ay nasa iyo. Kung gaano katindi ang resolusyon mo at kung gaano karami ang igugugol mo, ito ay isang bagay na nasa iyo. Ibinabahagi lang namin sa iyo ang tungkol sa mga prinsipyo. Hindi kami nagtatakda ng regulasyon para sa iyo, ni pinipilit ka ng Diyos. Kailangan lang naming ipaalam sa iyo ang napakagandang pagkakataon at napakahalagang mensahe. Kung hindi mo alam ito, magdurusa ka ng malaking kawalan. Alam na namin ito, at kung hindi namin ito sasabihin sa iyo, kung gayon kami ay may utang sa iyo, at nangangahulugan ito na nabigo kaming gawin ang aming trabaho nang maayos. Pagkatapos naming sabihin ito sa iyo, maaari kang gumawa ng sariling pagpili. Kung pipiliin mong hindi gawin ang iyong mga tungkulin, wala kaming sasabihin tungkol dito. Kung pipiliin mong gawin ang iyong mga tungkulin, aayusin ng iglesia ang mga nararapat na tungkulin para sa iyo ayon sa oras, tayog, at kakayahan mo, at aalisin ang lahat ng mga alalahanin mo. Ngunit depende sa iyo kung ano ang pipiliin mo. Bago ka magpasya na gawin ang mga tungkulin mo nang pormal, huwag mabalisa. Maaari kang maghintay at maghanap ng ilang panahon at makita kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo at kung ano ang inihahanda Niya para sa iyo. Marahil ay aayusin ng Diyos ang mga nararapat na tungkulin para sa iyo ayon sa iyong aktwal na tayog, kakayahan, at oras. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay magbubukas ng daan para sa iyo, maaari kang manalangin sa Kanya, at ito ay isang bagay sa pagitan mo at ng Diyos.” Ang ganitong uri ng pagbabahagi ay nararapat, hindi ba? Hindi na sila mahihirapan, wala kang presyur, at higit pa riyan, sinasabi mo sa kanila ang kalooban ng Diyos—napakaganda niyan. Nangangahulugan ito na nauunawaan mo ang mga prinsipyo ng katotohanan, nauunawaan mo ang kalooban ng Diyos, at alam mo kung paano gawin ang iyong gawain. Kung gagawin mo ang iyong trabaho nang maayos at tama, ang mga baguhan ay patuloy na susunod, ngunit kung hindi mo gagawin, sila ay mag-aalinlangan, o maaaring umatras pa nga. Ang mga tao ay nabubuhay sa lipunang ito, hindi sa isang vacuum. Mayroon sila ng lahat ng uri ng gusot sa laman at malamang na tatahakin nila ang sekular na landas. Ngunit dapat mong ibahagi nang malinaw ang kalooban ng Diyos, upang ibaling nila ang kanilang atensyon sa paggawa ng kanilang tungkulin, malaman ang kahalagahan ng bagay na ito, at timbangin kung alin ang mas mahalaga. Pagkaraan ng ilang sandali, magkakaroon sila ng kanilang sariling pagpili. Ang mga tao ay magkakaroon ng pag-iisip tungkol sa mga bagay na ito, ngunit ang huling resulta ay maaaring iba. Kung ibabahagi mo ang kalooban ng Diyos nang malinaw at payak, kung alam nilang ang pagtupad sa kanilang tungkulin ang tanging paraan para maligtas, na nauugnay ito sa kanilang destinasyon, at naiintindihan nila ang kahalagahan nito, kung gayon malalaman nila kung ano ang pipiliin. Kung ibabahagi mo nang bahagya ang mga katotohanang ito, medyo mauunawaan nila ang mga ito; kung hindi ka magbabahagi nang ilang sandali, sila ay malalabuan at maguguluhan, dahil ang mga katotohanang ito ay hindi nag-ugat sa kanilang puso. Samakatuwid, dapat mong madalas na ibahagi ang mga katotohanang ito, upang makapagtatag sila ng isang magandang pundasyon, ituring ang pagtupad ng kanilang tungkulin bilang isang bagay na napakahalaga sa kanilang buhay, at maunawaan na ito ang tanging pagkakataon upang maligtas. Sa ganitong paraan, makakamit ang nilalayong mga epekto.

Dapat mong ibuod ang mga problemang madalas mong nararanasan kapag nagdidilig ka ng mga baguhan, at ang mga karaniwang isyu mula sa lipunan at pamilya na nangyari sa mga baguhan pati na rin ang kanilang mga sariling problema. Pagkatapos ay dapat ninyong pag-usapan ang mga problemang ito nang magkasma, alamin ang kaukulang mga solusyon, at ifellowship ang mga prinsipyo ng katotohanan nang malinaw. Kapag ang mga baguhan ay nahaharap sa mga isyung ito, dapat mong ifellowship ang tungkol sa mga prinsipyo ng katotohanan, at gamitin din ang iyong sariling pag-unawa at karanasan upang matulungan sila, para magkaroon sila ng paraan ng pagsasagawa. Ang pagdidilig ng mga baguhan ay hindi nangangailangan na maging mataas ang pinag-aralan mo o nag-aral ng teoryang pang-edukasyon, sikolohiya, pilosopiya; sa halip, kailangan mong maunawaan ang katotohanan at ang kalooban ng Diyos. Kapag naunawaan mo ang mga ito, natural mong malalaman kung paano magbahagi, at kahit na nasaang yugto man ang mga baguhan, malalaman mo ang mga kaukulang katotohanan upang malutas ang kanilang mga problema. Ang bawat tao na nabubuhay sa mundong ito, anuman ang kanilang lahi, ay karaniwang pareho ang mga problema. Ang mga problema mo ay ang mga problema nila. Kung mayroon kang malinaw na pag-unawa sa mga isyung ito at malinaw itong ifinefellowhip sa mga baguhan, magkakaroon sila ng pagnanais na gampanan ang kanilang tungkulin. Bukod dito, matutuwa silang isagawa ang katotohanan at maniniwala na mahalaga ang katotohanan. Sila ay magkakaroon ng ganitong kamalayan. Kapag nakikipag-usap ka sa mga baguhan, ang paksa mo ay dapat na naaayon sa kanilang kasalukuyang estado ng pag-iisip, at nauugnay sa kanilang sitwasyon at estado. Kung ang pagbabahagi mo ay walang kinalaman sa kanilang estado, kahit tungkol ito sa katotohanan na dapat taglayin ng mga tao, sila ay aantukin, ayaw nang makinig pa sa iyo.


(Ang ilang mga baguhan ay mahigpit na nakagapos sa kanilang pamilya, dahil kailangan nilang maghanap-buhay at buhayin ang pamilya. Pakiramdam nila ay matindi ang kanilang paghihirap at walang gaanong oras para dumalo sa mga pagpupulong at gampanan ang kanilang mga tungkulin. Paano natin sila dapat ifellowship sa gayong sitwasyon?) Ito ang totoong paghihirap na nangyayari sa buhay nila. Maaari mo silang tanungin, “May ganoon kang paghihirap, at paano mo ito nalalampasan? Paano mo dinaranas ang ganitong kapaligiran na itinakda ng Diyos para sa iyo?” Dapat ay mayroon silang ilang paraan para malampasan ito—pagdarasal sa Diyos, pagninilay-nilay, o pagtitiis lamang, o suportado ng pananalig, atbp. Sa gayon, maaari mo silang kausapin, “Sa realidad, palaging may paraan para sa mga bagay na ito; laging may solusyon. Ang Diyos ay nagsasaayos ng iba't ibang kapaligiran para sa bawat tao, at siyempre ang Kanyang pangangailangan para sa lahat ay iba-iba. Ang Kanyang mga kinakailangan ay ginawa ayon sa tunay na sitwasyon at tayog ng bawat isa. Ang Diyos ay nagsasaayos ng ganitong kapaligiran para sa iyo, at hindi Siya humihingi ng labis sa iyo. Maaari kang magtrabaho at buhayin ang iyong pamilya, at pagkatapos ay maaari kang maglaan ng ilang oras para dumalo sa mga pulong, gampanan ang iyong mga tungkulin, o ipalaganap ang ebanghelyo. Halimbawa, nakatagpo ka ng ilang tao sa  trabaho mo o sa pang-araw-araw na buhay, na naniniwala na mayroong Diyos o interesado sa pananampalataya sa Diyos. Kapag magkasama kayo sa party o hapunan, o kapag inanyayahan ka nilang lumabas, magagamit mo ang pagkakataong ito para ibahagi ang ebanghelyo sa kanila.” Dapat kang magfellowship sa ganitong paraan. Sabihin mo, "Alam kong abala ka sa trabaho, at isa itong tunay na paghihirap. Ngunit paano ka dapat maghanap ng oras para gawin ang iyong tungkulin at suklian ang pagmamahal ng Diyos? Ano ang dapat mong gawin upang hindi mo mabigo ang Diyos sa kapaligirang ito na itinakda Niya para sa iyo? Gaano man katindi ang paghihirap, gaano ka man kaabala o kapagod, hindi mo dapat ilagay sa likod ng iyong isipan ang pagganap ng tungkulin mo; sa paraang ito, ikaw ay isang kuwalipikadong nilikha, at palagi kang gagabayan ng Diyos sa totoong buhay. Halimbawa, kapag pagod ka sa trabaho, nagpapahinga ka at nakikipagkwentuhan sa iba. Sa sandaling ito, maaari kang manalangin sa Diyos, ‘O Diyos, sino ang angkop na target para sa ebanghelyo?’ Sa paggawa nito, hindi mo ba ginagampanan ang iyong tungkulin? Mahahanap mo ang ilang oras na ito, tama? Mahirap ba?" Habang iniisip nila ito, mararamdaman nila na hindi ito mahirap. Hindi mo ba sila tinuturuan kung paano gampanan ang kanilang tungkulin? Sa realidad, gumagamit ka ng espesyal na paraan para turuan sila, hikayatin sila, para magawa nila ang kanilang tungkulin at makasama sa hanay ng mga gumagawa ng kanilang tungkulin. Nararamdaman nila na mayroon silang tunay na mga paghihirap, at katapusan na nila kung hindi nila magagawa ang kanilang tungkulin. Gayunpaman, nagturo ka ng daanan palabas sa kanila, at lumikha ng isang kondisyon at sitwasyon upang magawa nila ang kanilang tungkulin. Iisipin nila, “Miyembro ako ng sambahayan ng Diyos. Hindi ako pinabayaan ng Diyos. Napakaganda nito.” Ito ang resulta ng pagtatrabaho nang hindi sumusunod sa mga patakaran. Kung magbabahagi ka sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng landas na tatahakin at malalaman kung paano magsanay. Maaari mo ring sabihin sa kanila, “Para sa mga makadadalo sa mga pulong, ayos lang na hindi sila magmadaling ipalaganap ang ebanghelyo. Hindi ka nakadadalo sa mga pagpupulong, ngunit hindi ka nag-aalala tungkol sa iyong sariling buhay. Talagang nababalisa ako para sa iyo. Kung ibabahagi mo ang ebanghelyo sa dalawa o tatlong tao, hindi ba kayo sama-samang makakadalo sa mga pagtitipon? Pareho kayo ng iskedyul sa trabaho, kaya maaari kayong magpulong sa anumang oras na gusto ninyo—sa gabi o sa araw. Maaari rin kayong magkaroon ng mga pagpupulong nang palihim sa oras ng trabaho; maaari kayong maghanap ng isang tagong lugar at magbasa ng mga salita ng Diyos nang sama-sama. Ayos lang kung makakabasa lang kayo ng mga salita ng Diyos sa loob ng isa o kalahating oras. Sa ganitong paraan, hindi kayo mag-aaksaya ng inyong oras, hindi ba? Ito ay kahanga-hanga!” Kapag narinig nila ito, iisipin nila na isa itong mabuting paraan, at magtataka kung bakit hindi nila ito naisip. Minsan parang tumatawa o nagbibiro ka kapag nagsasalita, pero alam mo ang ginagawa mo. Ang bawat salita na sinasabi mo, lahat ng ginagawa mo, at ang mga paraan na ginagamit mo upang gabayan sila, ay naaayon sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo upang gampanan ang tungkulin mo nang matapat. Ang ginagawa mo ay hindi labag sa mga prinsipyo, dahil ang layunin mo ay gampanan ang tungkulin mo, at akayin sila sa landas ng pagganap ng kanilang tungkulin. Tinutulungan mo sila, sinusuportahan sila, at hindi mo sila hinahayaan na madapa sa kanilang mga paghihirap o mamuhay sa loob ng mga ito at sa gayon ay maging mahina, negatibo, at pasibo. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng landas na tatahakin. At saan nila kukunin ang landas? Mula sa daan ng iyong pagbabahagi.

Hindi mo alam kung paano makipag-usap sa iba, at ito ay isang uri ng kawalan ng pagkatao. Hindi mo naiintindihan ang mga normal na paghihirap, kahinaan, o pangangailangan ng tao. Naniniwala ka na mas mahusay ka kaysa sa iba, kaya hinihingan mo sila batay sa sarili mong kalooban. Kung hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos o ang mga prinsipyo ng katotohanan, susundin mo ang mga tuntunin. Dapat mong maunawaan ang mga paghihirap ng mga baguhan at ituro sa kanila ang landas, na nagpapahintulot sa kanila na magkaroon ng normal na espirituwal na buhay sa kanilang kasalukuyang kapaligiran, kahit na kumakain at umiinom lamang sila ng isang sipi ng mga salita ng Diyos kada isang linggo, o matutong kumanta ng isang himno ng mga salita ng Diyos kada isang buwan. Dapat mong hayaan silang matugunan ang ganoong pangunahing pangangailangan. Mayroong ilang mga bagay na ayaw nila o masyadong tamad na pag-isipan, ngunit dapat mong isipin ang mga bagay na ito para sa kanila. Responsibilidad mo ito. Dapat isaisip mo ito at pagsikapang mabuti na tulungan at suportahan sila, upang hindi sila maging mahina o mamuhay ayon sa kanilang kasalukuyang kalagayan, nang sila ay magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at masaya at aktibong naghahangad na mamuhay ng isang buhay iglesia at gampanan ang kanilang tungkulin. Para kang nagpapalaki ng sarili mong anak. Ano ang gagawin mo kung makita mong nagkakasakit ang anak mo, binu-bully sa paaralan, o minamaliit ng mga guro? Ano ang gagawin mo kung hindi niya gusto ang ilang pagkain o damit, o kung ayaw niyang magsalita? Mag-iisip ka nang matindi, "Ano ang problema sa anak ko? May masakit ba? Masakit ba ang tiyan niya, nauuhaw, o na-bully?” Susubukan mo ang iyong makakaya upang malaman kung ano ang iniisip o dinaranas ng anak mo. Dapat mong tratuhin ang mga target mo sa ebanghelyo sa parehong paraan. Kung ilalagay mo ang buong puso mo rito, makakahanap ka ng ilang paraan upang malutas ang kanilang mga paghihirap; kung hindi mo gagawin, bagkus ay susunod lang sa agos, malamang hindi mo mahahanap ang mga paraan sa lahat ng oras. Kung mayroon kang kusa at nagsusumikap nang husto na mag-isip ng mga solusyon, makakaisip ka ng ilang paraan. Kung magbabayad ka ng halaga at ilalagay mo ang puso mo sa iyong tungkulin, madalas na manalangin sa Diyos at humingi ng patnubay sa pagdadala ng pasanin, ang resulta ay maiiba. Ang pagdidilig sa mga baguhan ay isang mahalaga at maselang trabaho. Kailangan mong maingat na pangalagaan at pagmalasakitan ang mga baguhan na ito, madalas na kausapin, at ilagay ang puso mo rito. Sa ganoon ka lamang magiging mahusay sa gawain ng pagdidilig ng mga baguhan.