God’s name and Spiritual battle
God’s name and Spiritual battle
🌸🌳🌸Hello po mga kapatid. Sa nakaraang araw kami ay nagbahagi ng ilang mahahalagang katotohanan at tayo ay nagbasa ng higit pa sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos. Naniniwala ako na ang karamihan ay nabuksan na ang kanilang mga mata at nauunawaan na ang ilang katotohanan at misteryo. Halimbawa na lamang ay ang, Bakit ginagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, paano isinasagawa ng Diyos ang gawaing Paghatol para linisin at iligtas ang sangkatauhan, ano ang pagkakatawang-tao atbp. Ang mga katotohanang ito ay hindi pa natin narinig kailanman dati. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng higit pa sa mga Salita ng ating Makapangyarihang Diyos, higit nating nararamdaman ang na ang mga Salita ng Makapangyarihang Diyo ay lubos na nagmumula sa Banal na Espirtu, na ito nga ay Salita na nagmumula sa Diyos na nagsasalita sa sangkatauhan, ang Salita na nagpapakita sa Katawang tao.
👏👏🤩🤩🥳🥳
Habang marami ang gutom na sinisiyasat ang tunay na daan, mayroong ilan na nakakumpirma na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na ang mga ito’y may awtoridad at makapangyarihan, ngunit ng makita ang mga sinasabi nsa Biblia “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8), naniniwala sila na ang pangalan ni Jesus ay hindi magbabago kailanman. Iniisip nila na ang Makapangyarihang Diyos ay hindi pinangalanang Jesus, at ang Biblia ay hindi kailanman binanggit ang pangalang Makapangyarihang Diyos, kaya hindi nila kinikilala na Siya ang Tagapagligtas na bumaba. Iniisip nila na ang pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus, kaya natitigil sila rito, at hindi nila Siya tinatanggap. 😢😢
🤔🤔Mga kapatid, ano po sa inyong palagay kung ang kanila bang ginawa ay tama o hindi?
🌸🌳🌸Una, kailangan nating maunawaan kung paano makukumpirma na Sya ang Tagapagligtas na bumaba. Hindi lamang tayo dapat bumase sa kung Siya ba ay nagngangalang Panginoong Jesus, at kung ang wangis ba niya’y gaya ng sa Panginoong Jesus. Ang susi ay kung kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos, kung kaya Niyang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Hangga’t kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig mula sa Diyos, at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi mahalaga kung ano ang tawag sa Kanya at kung gaano ka-ordinaryo ang Kanyang anyo. Makatitiyak tayo na ito ang Diyos sa katawang-tao, ang Panginoong Jesus na nagbalik. Siya ang Tagapagligtas na pumarito sa lupa. Kung pagbabatayan lang natin ang Kanyang pangalan o Kanyang panlabas na anyo, napakadali sa atin na magkamali.
🌸🌳🌸Alam nating lahat na ang Diyos ay nakilala sa pangalang Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at sa pangalang Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi na Siya kailanman tinawag na Jehova, sa halip ginamit na Niya ang pangalang Jesus, ngunit ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na si Jehova na nagkatawang-tao. Siya ang Diyos na si Jehova na dinamitan ng katawan bilang Anak ng tao, pumarito sa sangkatauhan para magpakita at gumawa. Ang Panginoong Jesus at ang Diyos na si Jehova ay may iisang Espiritu, at Sila’y iisang Diyos.
🌸🌳🌸Ang daan ng pagsisisi at ang mga misteryo ng kaharian na inilantad ng Panginoong Jesus, kasama ng Kanyang gawain ng pagtubos, ay lubos na nagpapatunay na Siya ang Diyos sa katawang-tao, ang pagpapakita ng nag-iisang tunay na Diyos, at ang Tagapagligtas. Ang mga nasa loob ng Judaismo ay hindi iyon nakita nang panahong iyon. Bagama’t marami sa kanila ang nakakilala na ang paraan ng Panginoong Jesus ay makapangyarihan at may awtoridad, dahil hindi Siya tinawag na “Mesias,” at tila Siya ay isang regular na tao, kaya itinatwa at kinondena nila Siya. Gaano man katanyag ang paraan ng Panginoong Jesus, hindi nila ito hinanap at siniyasat, kundi inakusahan Siya ng kalapastanganan at ipinapako pa Siya sa krus. Sila’y isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Saan sila nagkamali? ito ay dahil sa ang pagkakaunawa nila sa kahulugan ng Bibliya ay literal, hindi hinanap ang katotohanan kailanman, at hindi nakinig sa mga Salita ipinahayag ng Diyos. Bilang resulta, napalampas nila ang pagliligtas ng Diyos, at sila ay pinarusahan at isinumpa ng Diyos. Dahil ba ito sa kawalang kamalayan ng tao?
🌸🌳🌸At ngayon, bagama’t marami sa relihiyosong mundo ang nakakakilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at mula sa Diyos, kumakapit pa rin sila sa literal na Kasulatan, sinusunod ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iginigiit na ang Diyos ay pinangalanang Jesus at hindi iyon magbabago kailanman, at na iyon ang itatawag sa Kanya sa pagbalik Niya. Dahil ang Makapangyarihang Diyos ay hindi pinangalanang Jesus, ayaw nilang tanggapin na Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik. Hindi ba sila gumagawa ng parehong pagkakamali tulad ng mga Judio? Bilang resulta, hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoon, kaya’t sila ay mahuhulog sa malalaking sakuna, kinakabog ang kanilang mga dibdib, tumatangis, at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Ang kanilang pag-asa na salubungin ang Panginoon at madala bago ang mga sakuna ay lubos na hindi matutupad. Hindi ba napakalungkot po nito?😢😢😨😨
Totoo ba na ang pangalang Jesus ay hindi kailanman magbabago sa Diyos? Suportado ba ito ng Biblia, ng salita ng Diyos?🤔🤔❓❓
🔶🔷Sa katunayan, matagal nang ipinropesiya ng Biblia na paparito ang Panginoon na may bagong pangalan. Malinaw na ipinopropesiya sa Isaias: “At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat ng hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ni Jehova” (Isaias 62:2).
At sinasabi sa Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12).
🔶🔷Ang mga talatang ito’y kapwa malinaw na binabanggit ang pagkakaroon ng bagong pangalan ng Diyos. Dahil ito’y bagong pangalan, isang pangalan na hindi pa Niya nagamit dati, tiyak na sa pagbabalik ng Panginoon, hindi Siya tatawaging Jesus. Kung gayon, ano ang Kanyang bagong pangalan? Ito ay Makapangyarihang Diyos. Ito ay ganap na naaayon sa propesiya ng Pahayag: “Ako ang Alpha at ang Omega … ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). “Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6).
At sa marami pang talatang tulad ng Pahayag 4:8, 11:17, at 16:7 ang pangalang “ang Makapangyarihan sa lahat” ay binanggit. Malinaw na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, Siya’y tatawaging ang Makapangyarihan sa lahat, Makapangyarihang Diyos. Walang duda tungkol dito. Ang paniniwalang ito na ang pangalan ng Diyos na Jesus ay hindi magbabago kailanman, na ang Tagapagligtas natin sa mga huling araw ay tatawaging Jesus, ay ganap na kuru-kuro ng tao na malayong umaayon sa realidad.
🔶🔷Sa puntong ito, maaaring itanong ng ilan kung bakit pinapalitan ng Diyos ang Kanyang pangalan. Ano ang kahulugan sa likod nito? Inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryong ito ng katotohanan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maunawaan natin ito. Sabi ng
📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Sabi ng ilan, ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago. Kung gayon, bakit naging Jesus ang pangalan ni Jehova? Ipinropesiya na darating ang Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang taong nagngangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba matagal nang isinagawa ang gawaing iyon? Maaari bang hindi makagawa ang Diyos ng mas bagong gawain ngayon? Ang gawain ng kahapon ay maaaring baguhin, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula roon kay Jehova. Kung gayon, hindi ba maaaring sundan ng ibang gawain ang gawain ni Jesus? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring palitan ng Jesus, hindi ba maaaring palitan din ang pangalan ni Jesus? Walang kakaiba rito; kaya lang napakakitid ng isipan ng mga tao. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Paano man magbago ang Kanyang gawain, at paano man maaaring magbago ang Kanyang pangalan, hindi magbabago ang Kanyang disposisyon at karunungan kailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalang Jesus, napakalimitado ng iyong kaalaman”* (“Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit kung iisa lamang si Jehova at si Jesus, Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan”* (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Q. Matapos basahin ang mga Salita ng Diyos, mga kapatid, maaari ninyong mahanap ang sagot,
–Bakit kailangan nyang pumili ng iba’t-ibang pangalan sa magkakaibang kapanahunan??🧐🧐🧐
😇😇Amen. Ngayon sa palagay ko’y makikita na natin ang kahalagahan ng pagbabago ng Diyos sa Kanyang pangalan. Ang Diyos ay laging bago, hindi kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay palaging sumusulong. Ang Kanyang pangalan ay patuloy na nagbabago habang nagbabago ang panahon, habang nagbabago ang Kanyang gawain. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, sa bawat bagong kapanahunan, gumagamit ang Diyos ng pangalan na may partikular na kahulugan upang kumatawan sa gawaing Kanyang ginagawa at sa disposisyong Kanyang ipinahahayag sa kapanahunang iyon. Kagaya na lamang ng ginamit Niya ang Diyos na si Jehovah para katawanin ang Kapanahunan ng Kautusan, ginamit naman ang Jesus para katawanin ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang Makapangyarihang Diyos naman ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Kaharian.
Basahin natin ang talata ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos, magiging malinaw tayo patungkol rito.
🌷📙Sabi ng Makapangyarihang Diyos, **Ang ilang tao ay nagsasabing ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ang ibig sabihin ay ang disposisyon at diwa ay hindi kailanman magbabago. Kapag ang Kanyang pangalan at gawain ay nagbago, hindi nangangahulugan na nagbago ang Kanyang sangkap. Sa madaling salita, ang Diyos ay Diyos magpakailanman, at ito ay hindi magbabago.’* mula sa Ang pangitain at Gawain ng Diyos (3)
🍀Sa katunayan, ang tunay na kahuluhan ng bersikulong ito ay na ang Diwa ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. ang salitang*”gayundin kahapon, at ngayon at magpakailanman”* tinutukoy nito ang orihinal na diwa at hindi ang Kanyang pangalan.
🍀 Alam nating lahat na sa bawat kapanahunan, ang gawain ng Diyos ay naiiba, dahil sa ang gawain ng Diyos ay nagbago, ang Kanyang pangalan ay nagbago rin, dahil ang Diyos ay gumamit ng magkakaibang pangalan para katawanin ang Kanyang gawain..ngunit gaano man nagbago ang Kanyang pangalan, Siya parin ang nag-iisang tunay na Diyos, iisang Espiritu.
Halimbawa na lamang, ang isang tao ay dating nagtuturo sa paaralan. Ang ilan ay tinatawag siyang guro👨🎓. Kinalaunan sya ay nagsanay ng medisina sa isang ospital, kaya ang ilan ay tinawag syang doctor👨⚕️. Sa pagbabago ng kanyang trabaho, nagbago rin ang tawag sa kanya, ang taong ito ay hindi nagbago, at gaya parin siya ng dati. Sa pagkakahalintulad, kahit na ang pangalan ng Diyos ay nagbago, ang kanyang diwa ay hindi nagbago, at sya parin ang Diyos mismo na nagsasagawa ng gawain.
🤔🤔Q. Ano ang tunay na kahulugan ng bersikulong ito:
“Si Hesu Cristo ay Siya ring kahapon, ngayon at magpakailanman”?
A:Nangangahulugan na ang disposisyon at Kanyang diwa ay hindi nagbago
B:Ang pangalang Jesus ay hindi magbabago, si Hesus ang ating tagapagligtas magpakailanman, ako ay kakapit sa pangalang Hesus
Amen, wow, ang sagot po ay A.
🤩🤩🥳🥳👏👏
Tayo ay magbasa ng mga Salita ng Diyos
📙📙Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy.”*
📙📙Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan” (“Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’”* sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
🍂💛🍂Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw. Si Jehova, Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay mga pangalan ng nag-iisang tunay na Diyos. Gumagamit siya ng iba’t ibang pangalan para sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Kahit na ang Kanyang gawain at Kanyang pangalan ay nagbabago kasabay ng kapanahunan, at Siya’y nagpapakita sa iba’t ibang paraan, ang Kanyang diwa ay hindi kailanman nagbabago, at ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Siya’y walang hanggang isang Diyos, isang Espiritu, gumagawa upang pamunuan, tubusin, at ganap na iligtas ang sangkatauhan.
🍋🌼🍊Sa mga huling araw, Siya’y nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos, at kahit na hindi siya tinatawag na Jesus, at Siya’y mukhang isang regular na tao, ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanang naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Hinahatulan Niya at inilalantad ang mga tao gamit ang Kanyang mga salita, inilalantad ang ating malalim na katiwaliang gawa ni Satanas at ang ating mga satanikong kalikasan, at ipinapakita Niya sa atin ang lahat ng aspeto ng katotohanan na kailangan natin upang malinis at maligtas.
🍊☔🍑Ang Kanyang hinirang na mga tao’y kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita araw-araw, tinatanggap ang paghatol, pagkastigo, pagwasto, pagsubok, at pagpino ng Kanyang mga salita, at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay unti-unting nalilinis at nababago. Unti-unti silang nakakatakas sa kasamaan at sa mga puwersa ni Satanas, at sila’y ganap na iniligtas ng Diyos. Nakumpleto na ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mananagumpay bago ang mga sakuna, ganap na ipinapakita ang karunungan at ang pagiging Makapangyarihan ng Diyos.
🌷🌷Ngayon ay nagsimula na ang malalaking sakuna, at sinimulan nang gantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parusahan ang masasama. Lahat ng kampi kay Satanas, na nilalabanan ang Diyos, ay wawasakin, habang ’yong mga nalinis sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos ay poprotektahan at iingatan Niya sa mga sakuna. Pagkatapos ng mga sakuna, magpapakita sa lupa ang kaharian ni Cristo, na tutupad sa lahat ng propesiyang ito mula sa Pahayag: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman” (Pahayag 11:15). “Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 19:6).
Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, at nakagawa ng gayon kalaking gawain. Pinatutunayan nitong Siya ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, na nagpapakita para gumawa bilang ang Anak ng tao. Hindi Siya tinatawag na Jesus, at walang wangis ng Judiong Panginoong Jesus, pero ang Espiritu ng Makapangyarihang Diyos ay ang sa Panginoong Jesus—Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Panginoong Jesus, at si Jehova ay iisang Diyos lahat.
Patungkol rito, sagutan ang isang katanungan: Ang pananampalataya ba sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus?
🤔🤔malaya po tayong makapagbahagi
( Hikayatin ang NB na magbahagi)
Amen, Salamat sa Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Naniniwala tayo sa Makapangyarihang Diyos at ito ay hindi pagtataksil sa Panginoong Jesus, ngunit atin lamang tinatangap ang pagbabalik ng Panginoon, sinusundan ang Yapak ng Cordero at upang madala tayo sa harapan ng Diyos.
Samakatuwid, mga kapatid, 🧐sa Kapanahunan ng Kautusan, noong ang mga Israelita ay dumanas ng paghihirap sa Ehipto, sila ay malugod na tumawag sa pangalan ng Diyos na si “Jehovah”, at ang Diyos ay pinangunahan sila sa paglaya mula sa paghihirap sa Ehipto. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang sangkatauhan ay nakatanggap ng lubos na biyaya at pagpapala at ang kanilang kasalanan ay napatawad dahil sila ay nananalangin sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ngayon, tayo ay nasa Kapanahunan na ng Kaharian, na kung saan anong pangalan ng Diyos dapat tayo manalangin para makatanggap ng kompletong kaligtasan?
😇😇Ngayon ay kailangan nating manalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, upang tayo ay magtamo ng kaliwanagan at makamit ang mas mataas na katotohanan. Kung tayo ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, tinatanggap natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sinumang tumawag sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay matatamo ay paggabay at biyaya mula sa Diyos. Kung hindi tayo nanalangin sa pangalan na Makapangyarihang Diyos, kung gayon hindi natin tinatanggap ang Kanyang bagong gawain at hindi matatamo ang patnubay at biyaya. Kaya naman, ang pagtanggap sa bagong pangalan ng Diyos ay nangangahulugang pagsunod sa Diyos. Kaya, ang pagkilala sa bagong pangalan ng Diyos at pagdarasal sa bagong pangalan ng Diyos ay mga palatandaan din na tinatanggap ng mga tao ang bagong gawain ng Diyos. Kung tinatanggap mo ang Diyos ay sasang-ayunan ka din ng Diyos.
Maraming tao parin mula sa Relihiyosong mundo ang nagmamatigas pa ring pinanghahawakan ang pangalan ng Panginoong Jesus, hinihintay ang Kanyang pagparito sakay ng isang ulap. Tumatanggi silang kilalanin at tanggapin ito, gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, gaano man kadakila ang Kanyang gawain. Hibang pa nilang kinokondena at nilalabanan ang Kanyang pagpapakita at gawain. Paano sila naiiba sa mga Fariseong kumapit sa pangalan ng Mesiyas, hibang na nilalabanan ang Panginoong Jesus? Hindi ba’t silang lahat ay talagang mga taong nagpapako sa Diyos sa krus? Kumakapit sila sa pangalan ng Panginoong Jesus para sa wala, pero hibang na nilalabanan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos. Sa kalaunan sila ay paparusahan katarungan ng Diyos.
Ngayon, sa wakas ay malugod naming tinatanggap ang pagbabalik ng Panginoon–Ang Makapangyarihang Diyos, nadarama natin na tayo ay mapalad at tayo ay napabilang sa ating pagtitipon!!~ 😃😃
Ngunit mahal na mga kapatid, isang bagay ang dapat nating malaman!! 😲😲😲Kapag sinisikap ng Diyos na iligtas tayo, hindi ito basta-basta hahayaan ni Satanas, susubukan nito ang lahat ng posibleng paraan para pigilan tayo sa pagtanggap at pagdalo sa pagtitipon. 😫😣mga kapatid alam nyo po ba ang dahilan?
📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
*"Isang digmaan ang pinaglalabanan sa larangang ito sa dako ng espiritu: Ito ang walang kabuluhang pag-asa ni Satanas na gawing tiwali ang sangkatauhan hanggang sa isang tiyak na antas, gawin ang mundong kasuklam-suklam at masama, at sa gayon ay hilahin ang tao pababa sa burak at wasakin ang plano ng Diyos"*.
mula sa “Kabanata 5” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mayroong labanan sa pagitan ni Satanas at ng Diyos sa espirituwal na mundo, at ang target ng labanan ay tayo. Nais ng Diyos na iligtas tayo at papasukin tayo sa kaharian ng langit, ngunit gusto tayo ni Satanas na sirain at hayaan tayong mapahamak kasama niya. Paano nga ba ginagambala ni Satanas ang mga tao? Kapag nakakaharap tayo ng kaguluhan mula Satanas, ano ang dapat nating gawin upang madaig ang gulo at tukso ni Satanas? Ngayon ay sama-sama nating matututuhan ang aspetong ito ng katotohanan. Aralin nating mabuti mga kapatid upang maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, upang matalo natin si Satanas, maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. 👍
Q. Sa tuwing tayo nagkakaisa at nagkakatipon tipon. Anong mga uri ng bagay ang nangyayari sa atin?😮😮😮
A: Inaantok ako tuwing fellowship.
B: Ang aking cellphone ay hindi gumagana nang maayos kaya hindi ko nababasa nang malinaw ang mga mensahe.
C: Hindi maayos ang koneksyon ko/Mahina ang signal.
D: Hindi maganda ang pakiramdam ko (masakit ang ulo, sipon, lagnat...atbp.)
E: Masyado akong abala sa gawain at aktibidad sa paaralan na dapat tapusin kaya hindi ako makasali.
F: Kailangan kong alagaan ang aking pamilya, mga anak at gawin ang lahat ng gawaing bahay kaya hindi ako makakasali
G: Mas gugustuhin ko pang gumawa ng ibang bagay kaysa sumali sa fellowship.
H: Ang aking pamilya at mga tao sa paligid ko ay pinipigilan ako sa pagdalo
I: Wala, nakakadalo ako sa fellowship nang walang hadlang
Mga minamahal na kapatid, maaari kayong mamili ng higit pa base sa inyong aktwal na kalagayan
Kapag nahaharap sa mga problemang ito, si Satanas ay pinaglalaruan ang isipan ng mga tao: 'Hindi mahalaga kung hindi ka nakadalo ng isang beses, at maaari kang lumahok sa susunod na pagkakataon, ito ay hindi isang malaking problema. ' Kung hindi natin alam ang labanan sa espirituwal na mundo sa likod nito, hindi natin malalampasan ang bawat oras na makatagpo tayo ng ganitong kapaligiran. Sa katunayan, ang ilang mga bagay ay normal na nangyayari, ngunit kung minsan ay makakaapekto ito sa normal na relasyon sa pagitan ng pagtitipon at ng Diyos, at mayroong panghihimasok ni Satanas dito. Narinig ko na palaging inaantok ang isang kapatid na babae kapag nagbabasa siya ng alamat, at nakita ng kanyang asawa ang ilang maliliit na multo na nagpapaypay sa kanya sa tabi niya para makatulog siya. Sabi mo hindi nakakatakot.😨😱😱😈😈
Tingnan natin muli ang salita ng Diyos
📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
“Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa kanyang sarili ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?”
Hinango mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
“Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan.
…Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo.”
Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
❤️🧡💛Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na sa tuwing ang Diyos ay gumagawa upang iligtas tayong mga tao, susubukan ni Satanas ang makakaya upang gambalain at hadlangan tayo. Sapagkat kinokontrol tayo ni Satanas at naging bayan nito pagkatapos ng katiwalian, kapag bumalik tayo sa harapan ng Diyos muli, dapat nating takasan ang madilim na kapangyarihan nito at hindi na kailanman na magdusa mula rito.
☝️🎃 Ngunit ang diwa ni Satanas ay masama. Nais nitong magpatuloy na kontrolin tayo at pigilan na magbalik-loob sa Diyos, kaya't sinusubukan nitong gumamit ng mga trick upang makatagpo tayo ng iba’t ibang uri ng hindi kasiya-siyang mga bagay, tulad ng pagkawala ng pag-aari💸, pagkakasakit😷, o hindi ligtas na tahanan. Darating upang sirain ang ating normal na ugnayan sa Diyos, sisihin natin ang Diyos, lumayo sa Diyos, mamuhay sa tama at mali, at magtaksil pa sa Diyos at mawala ang kaligtasan ng Diyos.
Samakatuwid, ang hindi kasiya-siyang mga bagay na nangyari sa oras na ito ay lilitaw na sanhi ng ilang mga kadahilanan ng layunin, ngunit sa katunayan, ang pinakamahalagang bagay ay naistorbo at tinutukso tayo ni Satanas. Samakatuwid, kapag nangyari ang mga bagay na ito, kailangan nating tingnan ang mga bagay mula sa espirituwal na mundo, upang makita natin sa pamamagitan ang mga trick ni Satanas at maiwasan na malinlang!🙅♀️🙅♂️
Ang ilang mga tao ay abala sa mga panlabas na bagay at umiikot sa karamihan ng kanilang oras na abala sa lahat ng uri ng mga pangyayari. Ito ay nagbubuklod sa kanila upang mawalan sila ng oras upang manahimik sa harap ng Diyos.🙏💚 Ang isa pang halimbawa ay kapag ang isang tao ay dumalo sa pakikisama ngunit bigla silang nagambala ng mga nakapaligid na bagay, mga tao at mga kaganapan. Nangyayari lamang ito kung sila ay nasa pakikisama. Inaanyayahan sila ng mga tao na lumabas, mga kaibigan na tumatawag sa kanilang telepono☎️, nawala ang signal📲, tutulan ng pamilya ang kanilang pakikisama at iba pa. Nagagambala at nagaganap si Satanas sa ating mga puso sa pamamagitan ng isang pangyayaring nagaganap sa paligid natin sa trabaho man o pamilya o sa mga kaibigan. Ang ating puso ay abala sa mga saloobin ng bagay at patuloy na stress😩😞
❤️🧡💛Sa mababaw, lahat ng ito ay lilitaw na normal na nangyayari. Gayunpaman ang bawat isa ay nasasangkot sa isang espiritwal na labanan. Kapag pipiliin ng Diyos ang mga tao, sinubukan ni Satanas ang makakaya upang makagambala sa relasyon ng Diyos at ng tao. Kung hindi natin mapagtanto na ito ay kaguluhan ni Satanas at sundin ito, mawawala sa atin ang patotoo at kaligtasan ng Diyos. 😨😨😢😢
🌻 Mga kapatid, sa proseso ng iyong pag-iimbestiga ng katotohanan, napansin mo ba ang mga nakakagambalang bagay na nabanggit sa itaas?
Maraming tao ang maaaring mag-isip, ang ating paniniwala sa Diyos ay isang positibong bagay, hindi ba dapat ito ay magdulot ng mga pagpapala? Bakit naniniwala ang mga tao sa Diyos at nakatagpo ng mga hindi kasiya-siyang bagay na ito? Bakit hinahayaan ng Diyos na dumating sa atin ang kaguluhan ni Satanas?
Mga kapatid, mauunawaan natin ang kalooban ng Diyos mula sa mga salita ng Diyos, tingnan natin kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos!
📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi pagmamalabisan ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya.
Brother’s fellowship,
📗“Tanggapin mo muna ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at kung tunay mong hinahanap ang katotohanan, ipagkakatiwala ng Diyos sa iyo ang isang gawain, tuturuan ka Niya, at haharap ka sa mga pagsubok; susubukan ng Diyos ang iyong pananampalataya, para malaman kung gaano ka tunay na naniniwala, upang malaman kung maaari kang makatiyak tungkol sa salita ng Diyos, makatiyak tungkol sa pagpapakita ng Diyos. Halimbawa, sa ilang tao, kapag naniwala na sila, may nagkakasakit sa kanilang pamilya; sa iba, kapag naniwala sila, pinag-uusig sila ng mga walang pananampalataya at inaapi sila; sa iba naman, sa sandaling maniwala sila, nagkakaroon ng mabigat na problema ang kanilang pamilya. “Ano ito? Dumarating ang tunay na Diyos, pero sa sandaling maniwala ako ay may nangyayaring masama, kamalasan, isang sakuna? Talaga bang ito ang tunay na Diyos?” Nagdududa ang ilang tao, at hindi nagdarasal.
📗Pag-isipan mo ito, naniniwala ka sa tunay na Diyos, hindi ba ito kasusuklaman ng mga diyablo at ni Satanas? Palalagpasin lang ba nila ito? Nanaisin ka nilang agawin! Lilikha sila ng ganito o ganyang sitwasyon para pahirapan ka, para umurong ka at talikuran mo ang Makapangyarihang Diyos. May mga tao bang nahaharap sa ganitong klaseng mga pagsubok? Mangangahas akong sabihin na mayroon kahit saan, sa Amerika man o sa Taiwan, o sa Pilipinas, o sa Malaysia, may mga taong nahaharap sa mga pagsubok na ito. Dahil aali-aligid ang mga demonyo at si Satanas kahit saan sa paghahanap ng mga biktimang masisila, kung naniniwala ka kay Jesus ay hindi sila tutugon sa iyo, pero kung naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos napakahalaga nito sa espirituwal na mundo. Ito ay isang digmaan ng mga ideya sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan! ”
Hinango mula sa 【131-B-7】
😌😍✨Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos at pakikisama ng mga kapatid, naiintindihan ba natin kung bakit pinapayagan tayo ng Diyos na tuksuhin tayo ni Satanas? Ano ang kalooban ng Diyos? Mga kapatid, ibahagi natin ang ating kaalaman!
Mga kapatid, lahat ng ginagawa ng Diyos ay makabuluhan. Sa katunayan, ginugulo tayo ni Satanas, at ito rin ang panahon upang subukin ang bawat isa sa atin. Ginagamit din ng mga tunay na naniniwala sa Diyos at sa mga naniniwala sa Diyos si Satanas para guluhin tayo. labas ng klase nito
Ang panghihimasok ni Satanas ay isang pagsubok at katuparan para sa bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng panghihimasok ni Satanas, makikita rin natin kung talagang mahal natin ang katotohanan at kung kaya nating maging saksi para sa Diyos.
Tulad ng pinahintulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin si Job sa simula, pagkatapos ng ilang mga tukso, nawalan ng ari-arian si Job at ginawa siyang ipagkanulo ng kanyang asawa sa Diyos, ngunit hindi ito nagreklamo kay Job sa Diyos. Ang pananampalataya ay nagpapahintulot din sa atin na maunawaan ang kasamaan ni Satanas. Kasabay nito, nakikita rin natin na hindi pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na saktan ang buhay ni Job, kaya hindi nangahas si Satanas na hawakan ang buhay ni Job. Nang makitang totoo ang pananampalataya ni Job, anuman ang kasawian o magandang kapalaran, napahiya at natalo si Satanas. Sa huli, muling pinagpala ng Diyos si Job at walang masabi si Satanas. Kaya pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na manghimasok, umatake, magpakalat ng mga tsismis, paninirang-puri, at siraan? Ito ay upang ipakita sa mga tao, upang makita kung sino ang tunay na naniniwala sa Diyos, na nagmamahal sa katotohanan, kung sino ang tunay na naniniwala sa mga salita ng Diyos, na walang pag-aalinlangan tungkol sa Diyos, at kung sino ang hindi naniniwala sa katarantaduhan ni Satanas.
Ang tukso ni Satanas ay ginagamit upang ihayag ang tunay na pananampalataya at ang maling pananampalataya, dahil alam natin na ang mga tunay na naniniwala sa Diyos ay hinding-hindi iiwan ang Diyos kahit paano sila tuksuhin, tulad ni Job, sila ay laging may matatag na pananampalataya sa Diyos, at ang mga ganyang tao ay karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos Tangkilikin ang magagandang pagpapala kasama ng Diyos, kung hindi ka tunay na naniniwala sa Diyos, ikaw ay umatras, at ikaw ay natalo ni Satanas. Ito ang katuparan ng mga salita ng Diyos. Ang mga tumatawag sa Panginoon, Panginoon, Panginoon, ay hindi lahat ay makakapasok sa kaharian ng langit, tanging ang mga lumalakad sa langit Tanging ang kalooban ng Ama ang makapapasok.
Salamat sa Diyos! Ngayon ay nauunawaan na natin na ang mga satanikong kaguluhan na ito ay upang subukin ang ating katapatan at pag-ibig sa Diyos at gawin tayong mas malinaw tungkol sa katotohanan. Ang karunungan ng Diyos ay batay sa mga panlilinlang ni Satanas. Kapag nakararanas tayo ng mga paghihirap at kaguluhang ito, dapat tayong higit na manalangin sa Diyos at magpumilit na makilahok. Ang pakikisama ay upang matutunan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa katotohanan ay makikita natin sa pamamagitan ng mga panlilinlang ni Satanas, hindi malinlang ni Satanas, at magagawang maging saksi at bigyang-kasiyahan ang Diyos!
Bilang karagdagan, anuman ang uri ng mga problema na iyong nararanasan, dapat tandaan ng mga kapatid na igiit ang pagpupulong at pakikinig sa mga sermon, at makipag-ugnayan sa amin sa oras, dahil labis kaming nag-aalala sa iyo, at ipagdadasal ka namin👭👬🤝🤝
Brothers and sisters, this is our sermon today, I hope you all can gain some truth. May God lead and bless every brother and sister.