Final Review
Final Review
Mga kapatid, salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos sa pagsasaayos na tayo ay magsama-sama po. Nitong mga nakaraan sa ating pagtitipon at pagbabahagian nakikita po namin na kayo po talaga ay isang mabuting mananampalataya ng Diyos na uhaw sa katotohanan.🤩🥰 Kayo po ay talagang mga tupa ng Diyos na nakakakilala sa tinig ng Diyos.❤️🥰🥰
Mga 10 araw na din tayong nagaaaral at natututo sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naunawaan niyo na din ang ilang katotohanan at misteryo na Diyos lamang ang nakapagpahayag sa atin❤️Nakumpirma din natin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus ngayong mga huling araw. Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay para sa atin ❤️❤️❤️🤩🤩🤩Salamat sa Diyos po🤩🥰Amen!
Ngayon na ang huling paksa sa ating LEVEL 2 🤩🤩 at pagsasaluhan natin ang mga mahahalagang punto at katotohanan na natalakay natin nitong nakaraan for more enlightenments❤️🥰 taos puso akong umaasa na ang mga kapatid ay makinig ng mabuti para kahit na may mga nalibanan kang mga paksa, makakasubaybay at makakasabay pa din po kayo🥰 Kung mauunawaan mo ang mga pangunahing punto ng fellowship ngayong gabi, maari ka na po makapagpatuloy na makasali sa ating pinakamataas na grupo—LEVEL3!!!!🤩🤩🤩 mas malalim at mas maraming katotohanan po tayong malalaman sa inyong pagpapatuloy at makamit ang huling kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos ngayong mga huling araw.❤️❤️
Amen!
📣Nakabalik na po ang ating Panginoon!!!
📣Nakabalik na po ang ating Panginoon!!!
【Note: kung hindi alam ng Nbs na nakabalik na ang Panginoon, pwede mong i-fellowship ang part na ito na may kulay CYAN(Blue) ~】
【Kung klaro naman sa NB na nakabalik na ang Panginoon, deretso na po kayo sa question #2
Magbasa po tayo ng ilang mahahalagang propesiya 👇🏼👇🏼
🌺🌸 “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: (John 10:27)”
🌺🌸“Marami pa akong sasabihin sa inyo, subalit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon. Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi mula sa sarili ang kanyang sasabihin, kundi kung ano ang naririnig niya at ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.”(Juan 16:12-13)
🌺🌸Pahayag 3:20
Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang 𝘀𝗶𝗻𝗼𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗱𝘂𝗺𝗶𝗻𝗶𝗀 𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko."
😲😲😲 Napapansin mo ba ito?? 👉 Dito makikita natin na sinabi sa atin ng Panginoon na bigyang pansin ang Kanyang "tinig." (Ang tinig ng Diyos ay tumutukoy sa mga salitang binigkas ng Diyos😇)
Ipinropesiya ng Panginoon na sa Kanyang ikalawang pagparito sa mga huling araw , magpapahayag Siya ng higit pang mga BAGONG SALITA🤩🥰❤️.ibigsabihin na dapat tayong mag bigay tuon sa bagong katotohanan na pinahayag ng nagbalik na Panginoong Jesus para makilala natin siya.tama ?
Ngayon basahin natin ang ilan sa mga bagong salita ng Diyos na ipinahayag sa mga huling araw. 📕📖📖
Mga kapatid, patahimikin natin ang ating mga puso sa harap ng Diyos at magbasa ng mabuti ha, may itatanong ako sa inyo mamaya kaya focus po tayo ha 😁🥰
💙💙Minamahal na mga kapatid, alam natin na ang mga salita ng Diyos ay makapangyarihan at puno ng katotohanan at awtoridad.❤️
‼️ Note: WAG ISEND SA GRUPO ANG LINK NA ITO, PLAY ONLY PARA MAPAKINGGAN NILA. DO NOT SEND PO.
🎧Habang pinapakinggan ang Audio, sabayan natin ng pagbabasa upang mas maunawaan natin💕
📙📙Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
*“Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga bansa at denominasyon.. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang ‘sanggol’ na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na- maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa- lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!”* 🌱🌾🌾
–mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang -tao
🤗🤗Mga kapatid, habang binabasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman ba ninyo ang pagka-makapangyarihan ng mga salitang ito? Nararamdaman mo ba na ang mga salita ay may autoridad at kayang yumanig o pumukaw sa iyong espiritu?
Ang Diyos lamang ang makakapagsalita ng gayong makapangyarihan at puno ng autoridad na mga salita.
🔔Sino ang maglalakas-loob na magsabing..
*“Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan.”*
*“Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!”*
🔔Sino ang may gayong awtoridad at kapangyarihan na magsalita sa buong sansinukob at hayaang sambahin siya ng buong sangkatauhan?
Tayong mga tao ay maaari lamang makipag-usap sa mga tao sa paligid natin. Hindi tayo makapagsalita sa buong sansinukob. Kahit na ang mga pangulo ng mga bansa ay hindi maaaring makipag-usap sa buong sansinukob, dahil wala silang ganoong kakayahan, at ang Lumikha lamang ang may natatanging autoridad na magsalita sa buong sansinukob!.
Sa palagay mo ba ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos o ang tini ng isang tao ?
Amen!!!
ito ay ang tinig ng Diyos
Isa ka sa mga tupa ng Diyos Gaya ng sabi ng Diyos,,
📖📖 “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin (John 10:27)”
🎍Magbigay po ako ng isang halimbawa,
Umuwi ang ina ng isang batang lalaki mula sa ibang lugar.
👵🏻Sinabi ng nanay ng bata na “Anak, buksan mo ang pinto, nandito na ako!”
**Ang bata sa bahay, hindi niya nakita ang kanyang ina, ngunit nang marinig niya ang boses ng kanyang ina, dali-dali siyang lumabas upang batiin at salubungin ang kanyang ina.
🤔🤔Bakit pinagbuksan at sinalubong ng bata ang kanyang ina na nakauwi na?
👀A. Dahil nakita niyang bumalik na ang kanyang ina.
👂🏻B. Dahil naririnig niya at nakilala niya ang boses ng kanyang ina
Ano po ang inyong palagay???
Go go GO 🏃🏻♀️ 🏃🏻♂️ 🚴🏻♀️
🙏 Amen!! Ang tamang sagot ay Letter"B"🥳🥳
Dahil narinig niya ang boses ng kanyang ina at kilala at alam niyang boses iyon ng kanyang ina kahit hindi niya siya nakita😇
Kaya mahal kapatid, Ngayon nabasa na natin ang mga bagong salita ng Diyos, sa tingin mo ba ay babalik pa lang ba ang ating Panginoon o Siya ay bumalik na?
Amen. Nakabalik na po Siya.
📣Nakabalik na ang ating Panginoon!!!
Amen. sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang mga BAGONG SALITA.❤️ Salamat sa Diyos❤️
👏🏼👏🏼👏🏼 Tama po😁 Ang sagot ay nagkatawang-tao. Sa totoo lang, maraming mga bersikulo ang nagpropesiya tungkol sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos🙏🏼😇
Magbasa tayo ng ilan po for more enlightenments❤️🥰
🏮📯Lukas 12:40 Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.
🏮📯"Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang ANAK NG TAO sa kaniyang *kaarawan.* Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito." (Lucas 17:24-25).
📚Mateo 24:37 At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
Ipinropesiya ng Panginoong Hesus:
💖*ang ANAK NG TAO ay darating*
💖*gayon din naman ang ANAK NG TAO sa kaniyang kaarawan.*
💖*gayon din naman ang pagparito ng ANAK NG TAO.
Ang "Anak ng tao" ay nangangahulugan na Siya ay ipinanganak ng tao, Siya ay may laman at dugo at nagtataglay ng normal na pagkatao.
Tulad ng Panginoong Jesus na tinawag na Kristo, ang Anak ng tao. Siya ay may panlabas na anyo ng isang normal na tao gaya natin. Siya ay kumain, nagbihis, at namuhay tulad ng isang normal na tao sa piling ng ibang mga tao.
Ang Espiritu ng Diyos o ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay hindi matatawag na "Anak ng tao." Kaya ang tinutukoy sa propesiya tungkol sa sa pagdating ng Anak ng tao ay nangangahulugan na ang Panginoon ay nagbabalik sa paraan ng muling PAGKAKATAWANG-TAO..
🤔🤔1. Maaaring isipin ng ilang tao: “Pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, at hindi na tayo ibinibilang na mga makasalanan.
Bakit kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw???
Alam mo ba kung bakit ? 🤔
📙📙Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon"* (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos"* ("Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Amen. bagamat nang ipako sa krus ang ating Panginoong Jesus at tinubos tayo sa ating mga kasalanan at nagbayad ng malaking halaga para satin, at bagamat hindi na inaalala ng Diyos ang ating mga kasalanan,, ang makasalanang kalikasan sa loob natin ay hindi pa naaalis, ang mga lason ni Satanas tulad ng pagkamakasarili, kasakiman, pagmamataas, katusuhan. , atbp. ay umiiral pa rin sa loob natin, at madalas pa rin nating ipinakikita ang ating maka-Satanas na tiwaling disposisyon
😟😟😢😢
Samakatuwid, kahit na tinanggap na natin ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, kailangan pa rin natin ang Diyos na gumawa ng yugto ng gawaing pagliligtas,
🙏🏼
Ibig sabihin, kailangan natin ang gawain ng Diyos na paglilinis o pagdadalisay sa mga tao. Sa ganitong paraan lamang tayo maaaring maging banal at maging kwalipikadong makapasok sa kaharian ng Diyos🙏🏼🙏🏼. 😇😇
Kung wala ang pagtubos ng Panginoong Hesus, tayo na mga tiwaling sangkatauhan ay hindi mapapatawad sa ating mga kasalanan.
Gayunpaman, kung wala ang bagong gawain ng Diyos ngayong mga huling araw na paglilinis at pagliligtas, ang mga taong tinubos ng Diyos walang magiging paraan upang maalis ang mga kasalanan at maligtas .✨✨⚡️⚡️
Tulad halimbawa kung ikaw ay nasa high school, kahit gaano ka maghirap sa pag-aaral, ang makukuha mo lang ay ang kaalaman at diploma sa high school, pero hindi mo makukuha ang diploma sa Kolehiyo. Tanging kapag ikaw ay pumunta sa kolehiyo at magtapos ng pag-aaral doon, saka ka lamang makakakuha ng diploma sa kolehiyo😅😅🧐
📌📖1 Pedro 4:17 17 Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios:
📌📖Roma 2:2 At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.
📌📖Juan 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos."*
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos, , at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik."*
Ang salita ng Diyos ay katotohanan, kapag nalaman natin ang mga katotohanang ito malalaman natin ang ating katiwalian. Ang salita ng Diyos ay parang salamin, mula sa malinaw na salamin ay makikita natin ang ating maruming mukha. Kung wala ang salamin, hindi natin malalaman na marumi ang ating mga mukha. Sa parehas na paraan, kung wala ang salita ng Diyos, ang katotohanan, minsan hindi natin matanto ang ating sariling katiwalian sa loob.
💟👉 Ang Makapangyarihang Diyos ay parang isang doktor👨🏻⚕️, ginagamit Niya ang Kanyang mga salita upang tulungan tayong matanto ang katiwalian sa ating mga puso. Ang ating kayabangan😢, pagiging makasarili😢, kasakiman😢, at iba pa, lahat ng pagpapakita ng ating tiwaling disposisyon ay nahayag sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang salita, sinimulan nating pagnilayan ang ating mga sarili, at unti-unting napagtanto ang ating sariling mga katiwalian at malalaman din natin ang ugat ng ating mga kasalanan. 🤩🤩 Kasabay nito, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagbibigay din sa atin ng paraan upang baguhin ang bawat tiwaling disposisyon. Hangga't tayo ay nagsasagawa ng ayon sa kanyang salita, ang ating katiwalian ay malilinis ng paunti-unti.🤩🤩
Amen. 🥰Salamat sa inyong magandang pagbabahagi po👏🏼👏🏼👏🏼
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao."*(Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao)
📕📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Yamang ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang diwa ay kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa."*(Hinango mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao)
Ano ang pagkakatawang-tao ng Diyos?
🌳🌳Ang salita ng Diyos ay malinaw na nagsasaad na ang pagkakatawang-tao ay ang pagsasakatuparan ng Ang Espiritu ng Diyos na nasa laman, ang ibig sabihin ay ang Espiritu ng Diyos ay binabalutan ng laman at pagkatapos ay nagpakita at gumagawa sa mundo ng mga tao. Sa madaling salita, nangangahulugan ito na ang Espiritu ng Diyos ay nag suot ng laman at naging Anak ng tao.
🌳🌳Sa panlabas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isang normal, ordinaryong tao, isang taong hindi matayog o hindi pangkaraniwan, na kumakain, nagbibihis ng Kanyang sarili, at naghahatid ng Kanyang sarili tulad ng mga ordinaryong tao at namumuhay ng ordinaryong buhay. Kailangan Niyang kumain kapag Siya ay gutom at matulog kapag Siya ay pagod, Siya ay nakararanas ng normal na damdamin ng tao, Siya ay talagang aktuwal na nabubuhay kasama ng mga tao, at walang sinuman ang makakakita na Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.
🌳🌳Ngunit sa kabila ng pagiging normal, ordinaryong tao, may malaking pagkakaiba sa pagitan Niya at ng mga nilikhang tao. Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Siya ay may normal na pagkatao, ngunit kumpleto rin ang pagka-Diyos, na nakikita at nahahawakan. Ito ay higit sa lahat maaari Niyang ipahayag ang katotohanan at ihayag ang mga misteryo sa anumang oras o lugar. Maaari niyang ipahayag at patotohanan ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, ang pag-iisip ng Diyos, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos, upang makilala at maunawaan ng lahat ng tao ang Diyos. Maaari din Niyang ihayag ang lahat ng misteryo sa Bibliya, na nangangahulugang mabubuksan Niya ang balumbon na ipinropesiya sa Pahayag. Ito ay nagpapatunay na Siya ay may ganap na pagka-Diyos.
👉🏻Ang Panginoong Jesus ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos
👉🏻Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos,
🌷Pareho silang Diyos Mismo. Sila ay Isa, na nagpakita sa magkaibang anyo. Ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay isang normal na tao, ngunit ang Kanyang diwa ay ang Banal na Espiritu.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *📕📕📕"Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy[a] kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao.)"*
🍃🌺🍀Ano ang nakikita natin mula sa Makapangyarihang Diyos na isang malinaw na katangian ng kanyang pagkakakilanlan bilang Diyos?
Maaari niyang ipahayag ang tinig ng Diyos at ang lahat ng katotohanan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Naipapahayag Niya ang lahat tungkol sa Diyos, ang pagkatao ng Diyos, ang kalikasan ng Diyos, ang awtoridad ng Diyos, at ang mga misteryo tungkol sa Diyos na dapat malaman ng mga tao.
🍃🌺🍀Ang susi ay na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi na kailangang tingnan ang Kanyang pisikal na anyo, taas, o kasarian. Tanging Diyos lamang mismo, si Kristo, ang makapaghahayag ng katotohanan.
Ang mga hindi kayang magpahayg ng katotohanan ay hindi Si Kristo(nagkatawang-taong Diyos) kahit gaano man sila katangkad o gaano man karami ang kanilang kaalaman.
Ano ang ibig sabihin ng walang katotohanan? Ibig sabihin kahit gaano pa sila katalento, mga tiwaling tao pa rin sila. Hindi nila maihaharid sa mga tao ang katotohanan ,ang daan, at ang buhay.
🤗🤗Dear sis and bro, sa totoo lang, maraming Bible verses na nagpropesiya sa lugar ng kapanganakan ng Diyos sa mga huling araw. Basahin natin ang ilang mga talata.
🍁 Unang clue
🧶🧵Malakias 1:11 Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil”
CLUE👉🏽Gentil 👉🏽 Hindi naniniwala sa Diyos = Atheist Country (Malachi 1:11)
🍁 Ikalawang clue
🧶🧵Mateo 24:27 Ito ay sapagkat kung papaanong ang kidlat ay nagmumula sa silangan at nakikita hanggang sa kanluran, gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao.
CLUE👉🏽silangang bahagi ng mundo 👉🏽Asian Country (Mateo 24:27)
🍁 Ikatlong clue
🧶🧵Pahayag 12:3 Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang napakalaking pulang dragon. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo.
🧶🧵Pahayag 12:9 At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan; siya'y itinapon sa lupa at ang kanyang mga anghel ay itinapong kasama niya.
CLUE👉🏽Dragon 👉🏽 bansa kung saan sinasamba at ginawang Diyos ang Dragon (Pahayag 12:9)
📝✍🏻SUMMARY
🍁 Unang clue -- Ito ay isang bansang hentil , bansang hindi naniniwala
🍁Ikalawang clue --- Ito ay isang bansa sa Silangan.
🍁Ikatlong clue --- kung saan naroon ang malaking pulang dragon
Mga kapatid, matapos natin basahin ang mga bersikulo at salita ng Diyos, saang bansa isinilang ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw??
Amen. CHINA
Ang Tsina ay isang ateistikong bansang hentil sa Silangan na sumasamba sa malaking pulang dragon. Ang mga Chinese ay tinatawag na “inapo ng dragon”. Tinutupad nito ang mga propesiya sa Bibliya, kaya ipinanganak ang Makapangyarihang Diyos sa Tsina.
✨✨🌱Sabi ng Makapangyarihang Diyos,⚜️ *“Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, lalaki Siya, at nang dumating ang Diyos sa pagakakataong ito, babae siya. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos kapwa ang lalaki at ang babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman.”*
⚜️✨✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos,*"Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa pa ay babae, kaya nakukumpleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at naiwawaksi ang mga palagay ng tao tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging kapwa lalaki at babae, at sa totoo lang, ang Diyos ay walang kasarian. Nilikha Niya kapwa ang lalaki at babae, at para sa kanya, walang pagkakahati ng kasarian."*
Hinango mula sa "Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos,*"Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga kalalakihan, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga kababaihan. Paniniwalaan ng mga kalalakihan na ang kasarian ng Diyos ay katulad ng kanilang kasarian, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga kalalakihan—subalit paano naman ang mga kababaihan? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, lahat silang iniligtas ng Diyos ay mga lalaki na kagaya Niya, at wala ni isang babae ang maliligtas. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, kundi kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga kalalakihan—Siya ay Diyos din ng mga kababaihan.”*
Hinango mula sa "Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pagkatapos basahin po mga kapatid, nahanap niyo po ba ang kasagutan sa ating tanong na…
T. Ano ang kasarian ng Makapangyarihang Diyos sa pagkakataong ito? Lalaki o babae? 😊at bakit?
.¸.•*✞*:• 2000 taon na ang nakararaan, naging laman ang Diyos sa unang pagkakataon, kinuha Niya ang imahe ng LALAKI
.¸.•*✞*:• Ngayon sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos sa pangalawang pagkakataon, kinuha Niya ang imaha e ng isang *BABAE.*
Amen.👉Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating at nagkatawang-tao sa anyo na BABAE.
Ito ay makabuluhan at may kahalagahan.
1. Ang Diyos ay laging bago at hindi luma, at hindi inuulit ang Kanyang gawain. Kaya ang Unang Pagkakatawang-tao ay lalaki, ang pangalawang Pagkakatawang-tao ay babae.
2. Walang kasarian ang Diyos. Gayunpaman, dahil ang Kanyang unang Pagkakatawang-tao, si Hesus, ay dumating bilang isang tao, lahat tayo ay may maling akala na ang Diyos ay isang lalaking kasarian. Kaya, sa panahong ito ang Diyos ay nagkatawang babae upang wasakin ang maling kuro kuro ng tao, ipaalam sa mga tao: Ang Diyos ay kapwa maaaring magkatawang lalaki at babae, hindi natin maaaring limitahan ang Diyos ayon sa ating mga paniwala.
3. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, Siya ang Diyos ng mga lalaki, Diyos din ng mga babae. Kung ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay lalaki ulit, ang mga tao ay iisipin na ang Diyos ay lalaki at na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga lalaki, sa halip na Diyos ng mga babae. Ito ay isang kalapastanga sa Diyos. Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, noon lalaki, ngayon babae, ipinapakita nito na pantay-pantay ang pagmamahal at kaligtasan ng Diyos para sa lalaki at babae.
🍎Mga kapatid, klaro po ba ito??
Mula sa iyong puso, matatanggap mo ba na ang Makapangyarihang Diyos ay nagkatawang babae sa pagkakataong ito?
Amen. Salamat sa Diyos. kayong lahat ay may mabuting pang-unawa at may mapagpakumbabang puso upang hanapin ang katotohanan. salamat sa patnubay ng Makapangyarihang Diyos❤️Amen!
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako.”*
🌟🌟🌟Mayroong 3 yugto sa Plano ng Pamamahala ng Diyos
1️⃣Unang Yugto 📜📜📜
🌟Kapanahunan ng Kautusan
👉🏻Jehova👉🏻nagbigay ng kautusan upang gabayan ang buhay ng tao sa lupa.
🌟Resulta ng gawain = *Nalaman ng tao kung ano ang kasalanan*
2️⃣Ikalawang Yugto ✞✞✞
🌟Kapanahunan ng Biyaya
👉🏻Jesus👉🏻nagpapako sa krus upang tubusin tayo sa kasalanan
🌟Resulta ng gawain = *napatawad ang kasalanan*
3️⃣Ikatlong Yugto 📖📖📖
👉🏻Kapanahunan ng Kaharian
👉🏻nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos 👉🏻ginagawa ang gawain ng paghatol para dalisayin ang tao
🌟Resulta ng gawain = *alisin ang makasalanang kalikasan ng tao*
💖Bagaman ang pangalan ng Diyos at ang lugar ng gawain ng Diyos sa bawat yugto ay magkaiba, ito ay isang kumpletong gawain ng pagliligtas na ginawa ng isang Diyos, isang Espiritu. Ito ang kumpletong plano ng pamamahala ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Salamat sa Diyos!
💖Ang tatlong yugto ng gawain ay hindi hiwalay sa isa't isa. Ang bawat yugto ng gawain ay mas lumalalim at umuuland ng higit kaysa sa naunang gawain. Tanging ang huling yugto ng gawain ng Diyos ang ganap na makapagpapabago sa mga kasalanan ng mga tao upang makamit nila ang ganap na paglilinis. Kaya sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos maaari tayong ganap na maligtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos.
☘️☘️✨Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan."*
🤩🤩MAKAPANGYARIHANG DIYOS ang pangalan ng Diyos ngayon sa kasalukuyang kapanahunan🤩🤩
𝐌𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐑𝐈𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒 ✨
𝐌𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐑𝐈𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒 ✨
𝐌𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐘𝐀𝐑𝐈𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒 ✨
Amen! Nasa selyadong aklat🥰
Amen. Hindi tayo dapat sumang-ayon.
sa katunayan, Ipinropesiya na sa mga huling araw na magkakaroon pa ng higit na mga salita ng Diyos na labas na sa bibliya
☘️☘️✨ “Marami pa akong sasabihin sa inyo, subalit hindi pa ninyo kayang tanggapin ngayon. Kapag dumating siya, ang Espiritu ng katotohanan, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan; sapagkat hindi mula sa sarili ang kanyang sasabihin, kundi kung ano ang naririnig niya at ipapahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.”(Juan 16:12-13)
☘️☘️✨Pahayag 2:17 Ang may pandinig ay makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng manang itinago ng Diyos.
📕📕Ang mga bersikulong ito ay ang mga propesiya na ang Diyos ay magpapahayag ng mga BAGONG AT MARAMI PANG MGA SALITA sa Kanyang muling pagdating ngayong mga huling araw, At ang mga BAGONG SALITA na ito ay hindi nakatala sa Bibliya.😇 tama ?
😀😀ngayon, Ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na napatunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng katotohanan. Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang lahat ng mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, iyon ay, ang mga pagpapahayag ng Espiritu ng katotohanan sa mga huling araw. Ito ay ang mga salita mula sa Banal na Espiritu para sa mga simbahan(mananampalataya). Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag.
Ang ating Diyos ay nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos at nagsasalita ng marami pang mga salita, ang mga bagong salitang ito at ang gawain ng paghatol na Kanyang ginagawa, ay hindi nakatala sa Bibliya, ito ay isang bagong aklat----ang binuksan na selyadong aklat. (ang selyadong akat ay ipinropesiya sa bibliya, ngunit siyempre ang mga detalye ng mga bagong salita at gawain na nakapaloob sa bagong aklat ay normal na hindi natin matatagpuan sa Bibliya, bagkus sa selyadong aklat mismo na binuksan ng Diyos ngayong mga huling araw)
📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *"Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano ang mga Israelita sumunod sa landas ni Jehova, sa gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan ninyong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng ngayon, at magsimulang gumawa ng trabaho sa araw na ito, dahil ito’y bagong gawa, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia…Ang gawain ng araw na ito ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at landas na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi kailan pa man nagawa—ito ay pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan….Sino ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon bago ito maganap, nang walang makakaligtaan? Sino ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan at mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro na iyon? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Bibliya, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Bibliya. Sa ganitong paraan ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa ganitong paraan ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. "*
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw na nagsasabi sa atin na ang Bibliya ay nagtala lamang ng unang dalawang hakbang ng gawain ng Diyos–ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Sapagkat ito ang unang dalawang hakbang ng gawain na nagawa na ng Diyos, at sa gayon sila ay naitala kalaunan ng mga tao. Kung gusto nating maunawaan ang gawain ng nagbalik na Jesus sa mga huling araw, dapat nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
📖 “Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).
📖“Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran” (Mateo 4:10).
📖 “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon” (Pahayag 14:4).
📖“At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14).
📕📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos, *“Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?”* (“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).
Ang Diyos ay banal na Diyos na kinamumuhian ang kasamaan at ang Kanyang pagiging matuwid ay hindi nalalabag. Hindi Niya kailanman ililigtas ’yong mga pumupuri nang husto sa mga tao, na sumusunod sa mga anticristo sa pagsalungat at paglapastangan sa Diyos. Hindi kailanman ililigtas ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal o tumatanggap sa katotohanan, sa halip ay pikit-matang kumakapit sa Biblia.
Ang kalooban ng Diyos ay palayain ang mga tao mula sa mga paghihigpit ng mga pwersang antikristo ng relihiyosong mundo, at maaari tayong lumabas mula sa relihiyon upang hanapin ang katotohanan at hanapin ang gawain ng Diyos upang magkaroon tayo ng pag-asa na masalubong ang pagpapakita at gawain ng Diyos.
Mga kapatid, ngayon ay naiintindihan na ninyong lahat ang mga batayan ng katotohanan sa ating LEVEL 2 salamat sa Diyos. Papasok kayong lahat sa LEVEL 3 group bukas. 🤩🤩🤩👏👏 🙏🙏
Lahat tayo ay mga anak ng Diyos. Kung mayroon kang anumang mga maging paghihirap kahit nasa LEVEL 3 group na kayo, maaari niyo pong sabihin sa akin at gagawin ko po ang aking makakaya at tutulungan kita po. Nawa'y akayin ka ng Diyos upang matamo ang katotohanan at buhay sa advanced group. kasama kayo sa prayers ko po lagi 🙏🙏
sa ating pagsasama-sama sa ating pagaaral ng mga salita ng Diyos, marami kang naunawaan na katotohanan, at lumago ka na, kaya hindi ka na din kailangang paalalahanan na makinig at sumali sa fellowship, tulad halimbawa ng pagpasok mo sa kindergarten, kailangan mo ang mga magulang mo para sunduin ka at ihatid sa paaralan, at kailangan mong magdala ng mga meryenda at laruan, PERO kapag nasa middle school or high school ka na, nagkukusa na tayong pumasok sa paaralan. Ang bagong grupo ay hindi na po araw-araw, pero 3-4x lamang sa isang linggo. Dapat alalahanin ng lahat ang schedule ng fellowship, at aktibong sumali sa grupo upang makinig sa salita ng Diyos.😃😃 💪💪
At, sa bagong grupo ipapadala ng ating kapatid po sa inyong grupo ang messenger room link para makasali kayo sa tawag. Kailangan niyo lang po hanapin ang room link na isesend sa grupo at i-click para makasali sa sermon. Kung hindi mo alam kung paano sumali, maaari kang makipag-ugnayan sa kapatid na ipapakilala ko po sa inyo na makakasama niyo po sa LEVEL 3 at tutulong sa inyo po doon na mas maunawaan pa ang higit pa sa mga katotohanan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos❤️Huwag po kayong susuko na makapagpatuloy kung sakali lang na hindi gumana ang link or hindi makapasok sa call, mag-aalala kaming lahat sa inyo kung hindi hihinto kayo dahil lang doon, wag magalala po dahil tulungan namin kayo po🥰🥰
Kung minsan ang ilang mga kapatid sa grupo ay hindi marunong mag-mute ng microphone nila, kaya minsan maingay, pero wag kayo maiinis hehe dahil aayusin ito ng mga kapatid po, kaya wag po tayo magpapatalo kay satanas, wag tayo magpapaawat sa pakikinig sa sermon o umalis sa grupo. Ang mga malalaman ninyo sa bagong grupo ay maaaring iba sa basic group natin kaya dapat po tayong higit na manalangin sa Diyos at tanggapin ang mga bagong pamamaraan at nilalaman ng LEVEL 3, at pagpapalain ka ng Diyos upang maunawaan at makakuha ng higit pang mga katotohanan.🙏🙏💪💪
Sama-sama tayong manalangin sa Diyos, at nawa'y protektahan at pangunahan ng Makapangyarihang Diyos ang bawat kapatid na maunawaan ang higit pa at higit pang mga katotohanan. Salamat sa Makapangyarihang Diyos.🙏🙏🌷🌷💚💚
Amen!