😇😇😇Mga kapatid, Salamat sa Diyos sa pagsasaayos sa ating na makapagtipon muli upang alamin ang katotohanan! Sa pamamagitan ng kasalukuyang pag-aaral, alam natin na ang ating minamahal na Panginoong Jesus ay nagbalik na, bilang ang Nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos.
😞😞Subalit ang ilang mga tao ay nakita na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay sinisiraan at kinukondena ng gobyernong CCP at ng mga relihiyosong pastor at elders, kaya sinusunod nila sila at iniisip na hindi ito ang tunay na daan, kaya hindi nila ito iniimbestigahan.
Nararapat lang na maging maingat tayo sa paghahanap ng katotohanan, subalit ang mga salita ba ng CCP at mga pastor ang pamantayan sa pagsukat sa tamang daan o sa huwad na daan? Sa kaninong salita tayo dapat makinig sa paghahanap sa tunay na daan?
Una, pag-isipan natin ang tanong na ito:
🤔 🤔ang ilang mga tao ay nagsasabi na kung ito nga ang tunay na daan, ang mga pastor, elders, at ang gobyerno ay dapat tanggapin muna ito. Kung ang mga pastor, elders, at ang gobyerno ay tinanggihan ito, kung gayon tiyak na hindi ito ang tunay na daan.
Tama ba ang pananaw na ito? Tumutugma ba ito sa mga katunayan?
Tungkol sa isyu na ito, tingnan muna natin ang mga reaksyon ng mga tao, nung ang Panginoong Jesus ay dumating 2000 taon ang nakaraan.
😥😥Mga kapatid, alam niyo po ba kung sino ang nagpako sa Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakaraan?
Juan 11:47-48
47 Dahil dito, ang mga punong pari at mga Fariseo ay nagpatawag ng pulong. “Ano'ng gagawin natin?” tanong nila. “Maraming himalang ginagawa ang taong ito. 48 Kung pababayaan natin siyang ganito, lahat ay maniniwala sa kanya at darating ang mga Romano para wasakin ang ating templo at ating bansa.”
Juan 11:53
53 Kaya’t mula sa araw na iyon, nagbalak silang patayin si Jesus.
Juan 19:6
6 Nang makita siya ng mga punong pari at ng mga kawal, sumigaw sila, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya at kayo ang magpako sa kanya; wala akong nakitang anuman laban sa kanya.”
7 Sumagot ang mga Judio sa kanya, “Mayroon kaming batas, at ayon sa batas na iyon kailangan siyang mamatay sapagkat inaangkin niyang siya ay Anak ng Diyos.”
Juan 9:16
16 Ilan sa mga Fariseo ay nagsabing, “Ang taong ito ay hindi mula sa Diyos, dahil hindi niya sinusunod ang batas ng Sabbath.” Subalit ang iba naman ay nagsabi rin, “Paanong makagagawa ng mga himalang tulad nito ang isang makasalanang tao?” At sila ay nagkahati-hati.
Juan 8:40
40 Subalit ngayon ay gusto ninyo akong patayin, isang taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Diyos; hindi ito ang ginawa ni Abraham.
Sa pagbabasa sa mga kasulatan sa itaas, nalaman natin na yaong mga tao mismo na napakapamilyar sa bibliya, na mga nakataas na pinuno ng relihiyon tulad ng mga pariseo, mga pari, at mga skriba ay nagbalak na patayin ang panginoong Jesus. Gumawa din sila ng mga paninira na nagsasabing ang Panginoong Jesus ay nagpalayas ng demonyo sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo, na nagdulot sa mga tao na maging maingat laban sa Panginoong Jesus, at sa wakas ay ipinako Siya sa krus.
Sa ating mga Imahinasyon, inisip natin na ang mga Pariseo, mga punong kaparian, at mga skriba ay naniwala sa Diyos sa maraming taon at alam talaga ang biblia, at pinagsilbihan nila ang Diyos na Jehova sa maraming henerasyon, sila dapat yaong mga pinakanagmamahal sa Diyos, ngunit sa katotohanan, kabaligtaran ito, nang ang Panginoong Jesus ay ay dumating sa mundo para gumawa, sila mismo yaong mga tao na pinakakumalaban sa Diyos.
Dahil karamihan ng mga naniniwala sa Judaismo ay sinasamba ang kanilang mga lider ng relihiyon, nakiayon sila sa mga anticristong iyon sa pagkondena at pagtanggi sa Panginoong Jesus, at sa huli’y nakisangkot sa pagpapapako sa Kanya. Isa itong napakalaking kasalanan at nagkamit sila ng pagsumpa at kaparusahan ng Diyos, pinarurusahan ang bayan ng Israel sa loob ng dalawang libong taon.
Nagbalik na ang Panginoong Jesus sa mga huling araw bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Hinaharap din Niya ang ’di magkamayaw na pagkondena at paglaban ng mga lider ng relihiyon. Isinasarado nila ang kanilang mga simbahan, hinahadlangan ang mga mananampalataya na sinisiyasat ang tunay na daan, dahilan para matakot ang mga tao na mag-imbestiga at tanggapin ito kahit na malinaw nilang nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan ang mga ito, maawtoridad, at nanggaling sa Diyos. Bilang resulta, maraming nawawalan ng kanilang pagkakataon na salubungin ang Panginoon at nasasadlak sa mga sakuna. Saan sila nagkamali pagdating sa pagsalubong sa Panginoon? 🤔🤔
Ito’y dahil iniidolo nila nang husto ang kanilang mga lider sa relihiyon! Naniniwala silang ang mga lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos at ginagamit ng Diyos, na ang pagsunod sa kanila ay pagsunod sa Diyos, kaya lubos silang sumusunod sa kanila, nagpapasakop sa kanilang mga salita na para bang nanggaling ang mga ito sa Diyos. Marami ring nag-iisip na tiyak na sa mga kaparian unang magsasabi ang Panginoong Jesus pagbalik Niya, kaya kung hindi sa kanila manggagaling ito, patunay lamang iyon na hindi pa Siya bumabalik. Ni hindi sila nagtatangkang siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, sa halip ay sinusunod ang mga lider ng relihiyon sa pagkondena sa Kanya. Kaya naman nasasadlak sila sa mga sakuna at nawawalan ng pagkakataon na marapture. Kaninong kasalanan ito?
Kung gayon, talaga bang itinalaga ng Diyos ang mga lider ng relihiyon? Ang pagpapasakop ba sa kanila ay katulad ng pagsunod sa Diyos? Isang mahalagang bagay ang pagkakaroon ng kalinawan tungkol dito.
Maraming mananampalataya ang nag-aakala na ang mga lider ng relihiyon, mga kaparian tulad ng Papa, mga obispo, mga pastor, at mga elder, ay itinalaga at ginamit ng Panginoong Jesus at may awtoridad na pamunuan ang mga mananampalataya, kaya ang pagsunod sa kanila ay pagsunod sa Diyos. Ano ang basehan ng paniniwalang ito?
❓Sinabi ba ng Panginoong Jesus kailanman na ang lahat ng lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos?
❌Hindi Niya kailanman sinabi.
❓May patotoo ba sila ng Banal na Espiritu, o katunayan ng gawain ng Espiritu?
❌Wala.
💁🏻♂️💁♂️Nangangahulugan ito na ang ideyang ito ay pawang kuru-kuro ng tao.
Pag-isipan natin ito. Ayon sa ideyang ito ng tao na ang lahat ng lider ng relihiyon ay itinalaga ng Diyos, totoo rin kaya ’yon sa mga mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo na nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus? Ang pagsunod ba sa kanila sa pagpapapako sa Panginoong Jesus ay pagpapasakop din sa Diyos? Malinaw na isa itong kakatwang paraan para tratuhin ang kaparian!
🌻🌻sa gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, humihirang Siya ng tao upang makipagtulungan sa kanyang gawain. Lahat ng mga taong iyon ay personal na tinawag at pinatotohanan ng Diyos, at may mga salita ng Diyos upang patunayan ito. Sila ay hindi hinirang at sinanay ng mga tao.
God appointed Moses in age of Law
Isipin n’yo ang Kapanahunan ng Kautusan, nang ginamit ng Diyos si Moises para pamunuan ang mga Israelita paalis ng Ehipto. Ang mga salita mismo ng Diyos na si Jehova ang nagpatotoo rito. Sinabi ng Diyos na si Jehova kay Moises,
“At ngayon narito, ang daing ng mga anak ng Israel ay umabot sa Akin: at nakita Ko rin ang pang-aapi na ginamit sa kanila ng mga Egipcio. Halika nga ngayon, at ikaw ay Aking isusugo kay Faraon, upang iyong ilabas sa Egipto ang Aking bayan na mga anak ng Israel” (Exodo 3:9–10).
God appointed Peter in age of Grace
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit ng Panginoong Jesus si Pedro para magpastol sa mga iglesia, at nagpatotoo rin Siya kay Pedro. Sinabi ng Panginoong Jesus kay Pedro
“Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga Ako? … Pakainin mo ang Aking mga tupa” (Juan 21:17).
“At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magsisipanaig laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:18–19).
❓Alam mo ba kung ano ang pagkakatulad nila?
❓Bakit sila itinatag ng Diyos?
Personal na itinatalaga at pinapatotohanan ng Diyos ang mga taong ginagamit Niya sa bawat Kapanahunan, at pinatunayan ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya, minsan, ’yong mga ginagamit ng Diyos ay personal Niyang itinaguyod at pinatotohanan. Minsan, gumagamit Siya ng ibang pamamaraan. Kung wala ang Kanyang direktang pagtatalaga, ibubunyag Niya ito sa pamamagitan ng mga propeta, o kaya’y may patunay ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ito maitatanggi.
🤔️🤔️ano ang pagkakaiba sa pagitan ng tao na ginagamit ng Diyos at mga relihiyosong pastor, elder, at ibang mga kaparian?
A. Wala silang pinag-kaiba
B. ang taong ginamit ng Diyos ay hinirang ng Diyos, may salita ng Diyos bilang patunay; habang ang mga relihiyosong pastor, elder, at ibang mga kaparian ay hinirang ng tao, may certificate of graduation mula sa seminaryo
C. hindi ko alam
B is the correct answer!
Sa kasalukuyang mundo ng relihiyon, sino ang nagbigay sa Papa, mga obispo, pari, pastor, at elder ng posisyong pinanghahawakan nila❓
Meron ba itong katibayan ng mga salita ng Diyos o gawain ng Banal na Espiritu❓
Nagpatotoo ba sa kanila ang Espiritu❓
Talagang hindi! ❌❌
Sa katunayan, ang lahat ng lider ng relihiyon na iyon sa loob ng mga simbahan ay nagtapos karamihan sa mga seminaryo at mga teolohikang eskwelahan at may mga degree sa teolohiya. Dahil may hawak na diploma, sila’y itinalaga sa mga simbahan para pamunuan ang mga mananampalataya. Ang ilan ay likas na matalino at magaling magsalita, at natututuhan nang mabuti ang kanilang gawain, kaya sila’y itinalaga o inirekomenda ng nakatataas na pamunuan at umaangat ang mga ranggo. Halos lahat ng kaparian sa mundo ng relihiyon ay nakakamit ang kanilang mga puwesto sa ganitong paraan, pero karamihan ay walang gawain ng Banal na Espiritu. Maaaring ang maliit na porsyento nila ay may kaunting gawain ng Espiritu, pero wala sila ng Kanyang patotoo. Kaya makasisiguro tayo na hindi sila mga taong pinapatotohanan o ginagamit ng Diyos.
Napakalinaw na sila’y nilinang at pinili ng ibang tao, kaya bakit nila ipipilit na itinalaga sila ng Diyos? Hindi ba’t pagsalungat iyon sa mga katotohanan? Hindi ba’t walang pakundangang pagsisinungaling iyon at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ano ang mga kahihinatnan nito? Hindi ba’t panlilinlang at pagpapahamak iyon sa mga mananampalataya?
Binabanggit pa nga ng ilang lider ng relihiyon ang mga salita ng Panginoong Jesus, tinatawag si Pedro para walang pakundangang ihayag na ang awtoridad na ipinagkaloob ng Panginoong Jesus kay Pedro ay ipinasa sa Papa, kaya ang Papa ay pinahintulutan ng Diyos at pwedeng katawanin ang Panginoong Jesus, at dahil sinusunod ng mga pari ang Papa, sila’y pinahintulutan din ng Diyos, kaya maaari silang magpatawad ng mga kasalanan. Hindi ba’t katawa-tawa iyon?
Sinabi ba ng Panginoong Jesus kahit minsan kay Pedro na ipasa ang awtoridad na ipinagkaloob sa kanya sa mga henerasyon ng kaparian? Hindi ’yon kailanman sinabi ng Panginoong Jesus! Ipinabatid ba ni Pedro kahit minsan ang gayong mga bagay? Talagang hindi! Walang gayong nasusulat sa Biblia.
Isa ring katotohanan na walang Papa, walang mga pari nang panahong iyon.
❓Kung gayon, ’yong mga lider ng relihiyon na nagpapahayag na sila’y pinahintulutan ng Diyos at pwedeng katawanin ang Panginoong Jesus ay nagpapanggap na Diyos at inililigaw ang mga tao, hindi ba?
❓Hindi ba’t ’yong mga sumusunod at yumuyuko sa kanila ay sumasamba sa mga idolo?
❓Hindi ba’t paggawa iyon laban sa Diyos?
Maraming tao ang hindi nakakaunawa nito, at patuloy nilang pikit-matang sinasamba ang kanilang mga lider, iniisip na sila’y itinalaga ng Diyos. Nakikita n’yo ba kung gaano kahangal at kamangmang ito?
⚡️Paano ito naiiba sa mga ’di mananampalatayang sumasamba sa mga idolo?
⚡️Kung isa kang mananampalataya pero hindi sinusunod ang salita ng Diyos, kung sumasamba at lumuluhod ka sa harap ng ibang tao para ikumpisal ang iyong mga kasalanan na para bang sila’y Diyos, hindi ba’t binabastos at nilalapastangan mo ang Diyos?
⚡️’Yun bang mga hangal na gumagawa nito ay maliligtas ng Diyos?
Malamang hindi. Hindi makakamit ng mga hangal na gumagawa nito ang pagsang-ayon ng Diyos.
Kailangan nating maging malinaw na ang pagtatalaga ng Diyos sa isang tao ay hindi kaswal o basta-basta. Kailangang may katunayan. May katunayan ang pagtatalaga ng Diyos kay Moises, at kahit papaano ay alam ito ng mga Israelita. Ang pagtatalaga ng Panginoong Jesus kay Pedro ay totoo rin, na nalalaman ng mga apostol. Kung kaya, ang isang pahayag na itinalaga ng Diyos ang isang tao ay nangangailangan ng totoong basehan. Walang tao ang maaaring basta na lamang ipahayag ito.
Tingnan natin ang mga kasalukuyang lider ng relihiyon, ang Papa, mga obispo at mga pari sa Katolisismo, at ang mga pastor at elder, at ibang kaparian sa Kristiyanismo.
❓Sila ba’y itinalaga ng Diyos?
❓Nagpahayag ba ng suporta ang Diyos sa kanila?
❓May katunayan ba sila mula sa gawain ng Banal na Espiritu?
❓May katunayan ba sila mula sa mga bunga ng kanilang gawain?
❌❌Wala sila ng anuman dito.
Pinatutunayan nito na sila’y pinili ng mga tao, hindi itinalaga ng Diyos. Bilang nakita na natin na sila’y nilinang sa loob ng mga seminaryo at itinalaga ng mga opisyal na institusyong panrelihiyon, alam nating kailangang maging maingat. Karamihan sa kanila ay hindi naniniwala sa katotohanan o may tunay na pananampalataya sa Diyos. 😱😱
Naniniwala sila sa teolohiya, sa kanilang posisyon at titulo, sa ikinabubuhay nila mula rito. Gaano man kataas ang kanilang biblikal na kaalaman o kung gaano man kaganda ang kanilang mga sermon, wala silang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, o ng kaliwanagan ng Espiritu. Ipinapakita nito sa atin na may mga huwad na pastol, mga walang pananampalataya at hindi sila kinikilala ng Diyos. Kung gayon, hindi ba’t ang pagsamba at pagsunod sa kanila ay talagang kahangalan? ⚡️⚡️⚡️
Ngayon, dalawang libong taon makalipas unang dumating ang Panginoong Jesus, sa tingin niyo ba karamihan sa mga pastor at elders ay malugod na tatanggapin ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos?
🐿A. Oo, dahil sila ay mga pastor, karamihan sa kanila ay magiging napakasaya, at nagagalak na tanggapin ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos
🐰B. Hindi!! karamihan sa kanila ay talagang kukundenahin ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos, gaya ng pagtanggi ng mga pariseo kay Panginoong Jesus dalawang libong taon ang nakaraan.
🐼C. Hindi Sigurado
Amen, B ang tamang sagot! bagaman hindi natin masasabi na ang bawat relihiyosong pinuno ay talagang tatanggihan ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos, pero sa katunayan, ang karamihan sa kanila ay kinukondena ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos gaya ng mga Pariseo na tinanggihan ang Panginoong Jesus dalawang libong taon ang nakaraan. 😰
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
Naipangaral na namin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa maraming namumuno ng mga relihiyosong grupo, subalit paano man namin ibahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila tinatanggap ito. Bakit ganito? Dahil pumapangalawa ang kanilang kayabangan sa kanilang likas na pagkatao, at wala nang puwang ang Diyos sa puso nila! Maaaring sabihin ng ilang tao, “Ang mga taong nasa ilalim ng pamumuno ng ilang pastor sa relihiyosong mundo ay talagang masigasig; parang nasa piling nila ang Diyos!” Itinuturing mo bang pagkakaroon ng determinasyon ang pagiging masigasig? Gaano man katayog ang tono ng mga sermon ng mga pastor na iyon, kilala ba nila ang Diyos? Kung talagang nagpipitagan sila sa Diyos sa kanilang puso, hihikayatin ba nila ang mga tao na sumunod sa kanila at dakilain sila? Kokontrolin ba nila ang iba? Mangangahas ba silang hadlangan ang iba na hanapin ang katotohanan at siyasatin ang tunay na daan? Kung naniniwala sila na talagang kanila ang mga tupa ng Diyos, at dapat ay makinig silang lahat sa kanila, hindi ba nila itinuturing ang kanilang sarili bilang Diyos? Mas masahol pa ang gayong mga tao kaysa sa mga Fariseo. Hindi ba sila mga anticristo? Sa gayon, makokontrol sila ng kanilang likas na kayabangan na gawin ang mga bagay na nagkakanulo sa Diyos.
-Likas na Kayabangan ang Ugat ng Pagkontra ng Tao sa Diyos
ngayon, mayroong maraming relihiyosong pastor, na hindi tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos, at gumagamit sila ng maraming paraan para pigilan ang mga tao mula sa pagtanggap sa tunay na daan. Nagpost pa Sila ng video ng mga sermon na hayagang kinukundena ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sinasabi na ang Makapangyarihang Diyos ay tao lang, hindi Diyos, at pinipigilan ang mga tao sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nagpapakalat pa sila ng mga fake news sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa social media. Gumawa sila ng maraming sabi-sabi at pinakalat isto sa social media. Kung nakahanap sila ng mananampalataya na tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos, ay buong lakas nilang ginagambala.
Tulad ng paglalantad at pagkundena ng Panginoong Jesus sa mga Pariseo dalawang libong taon ang nakaraan:
“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13).
“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili” (Mateo 23:15).
Nakikita natin na karamihan sa mga kasalukuyang lider ng relihiyon ay hindi naiiba mula sa mga Fariseo na hibang na nilabanan ang Panginoong Jesus at humadlang sa mga mananampalataya. Kinamumuhian nilang lahat ang Diyos at gumagawa nang laban sa Kanya, at sila ang mga demonyong anticristo ng mga huling araw.
Ito ang ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
“Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?” (“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).
“Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesya at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (“Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ngayon sigurado akong malinaw na sa atin na karamihan sa mga lider ng relihiyon ay mga anticristong kinamumuhian ang katotohanan, kinamumuhian ang Diyos, masasamang tagapaglingkod at mga huwad na tagapagpastol na nagliligaw sa mga tao. Ang pakikinig at pagpapasakop sa kanila ay hindi pagpapasakop sa Diyos, at hindi ito pagsunod sa Diyos. Ito’y pagsunod kay Satanas at pagsalungat sa Diyos, pagiging kasabwat ni Satanas, isang taong kinasusuklaman at isinusumpa ng Diyos.🔥🔥
Kaya bilang mga mananampalataya, kailangan nating mabatid na kailangan nating dakilain ang Diyos, katakutan Siya, at magpasakop sa Kanya at sa katotohanan. Hindi natin kailanman pwedeng sambahin o sundin ang mga tao. Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus,
“Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran” (Mateo 4:10). 🙇🏻♀️🙇🏻🙇🏻♂️
Kung ang isang lider ng relihiyon ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, kung ang kanyang mga salita ay naaayon sa mga salita ng Panginoon at inaakay niya tayo na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kung gayon ang pagsunod at pagpapasakop sa mga salitang iyon na naaayon sa katotohanan ay pagpapasakop sa Diyos. 🙏🙏🙏
Kung ang kanyang mga salita ay ’di naaayon sa katotohanan, kung siya’y sumasalungat sa mga salita ng Panginoon, kailangan natin siyang tanggihan. Kung patuloy natin siyang susundin, ’yon ay pagsunod sa isang tao, pagsunod kay Satanas. Kung tinatanggihan at kinamumuhian ng isang lider ng relihiyon ang katotohanan, at pinipigilan ang iba sa pagsisiyasat sa tunay na daan, siya’y isang anticristo at dapat tayong pumanig sa Diyos, ibunyag at tanggihan siya, at mangahas na “Umaayaw,”🙅🏻♀️🙅🙅🏻♂️ takasan ang kanyang kontrol, hanapin at tanggapin ang tunay na daan, at sumabay sa mga yapak ng Diyos. ’Yon ang tunay na pananampalataya, ang totoong pagsunod sa Diyos, at naaayon sa Kanyang kalooban.
Gaya na lang ng sinabi ni Pedro nang siya’y dakipin ng mga punong saserdote at mga Fariseo: “Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).
“Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).
“Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran” (Mateo 4:10).
“At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon” (Pahayag 14:4).
“Magkagayunman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga di-mananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pag-ayon ni Cristo. Napagtanto mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagtataksil kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang gayon: Dahil napili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag maging salawahan o mahina ang loob. Dapat mong maunawaang ang Diyos ay hindi nabibilang sa mundo o sa sino mang tao, kundi sa lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at sa lahat ng nakatuon at tapat sa Kanya” (“Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Basahin natin ang isa pang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos.
“Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw man ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ng katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong pakikipagniig at hinahangad ay hindi nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinunod din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin. … Ang ‘pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagpapahayag ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na matanggap ang papuri ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagsuway ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan” (“Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ngayon sigurado ako na mas malinaw na sa atin na ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos ay tungkol sa pagpapasakop at pagtanggap sa katotohanan, pagtanggap sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos, at pagsabay sa Kanyang mga yapak. Gaano man kalayo ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ng mga tao o gaano man karaming tao ang lumaban at kumondena rito, hangga’t ito ang katotohanan at gawain ng Diyos, kailangan natin itong tanggapin at magpasakop dito. Tanging ’yon ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos. Gaya ng sinasabi sa Pahayag:
“At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon” (Pahayag 14:4).
Ngayong mga huling araw, narito ang Makapangyarihang Diyos na gumagawa at nagpahayag ng maraming katotohanan. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan, inililigtas tayo mula sa masama at mga puwersa ni Satanas. Ito’y isang ’di mapapalagpas na pagkakataon at ang tangi nating landas para mailigtas at makapasok sa kaharian ng Diyos.
"31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, patatawarin ang mga tao sa bawat kasalanan at panlalait, subalit ang panlalait sa Espiritu ay hindi patatawarin. 32 At ang sinumang magsalita ng anuman laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin, sa panahon mang ito o sa darating." (Mateo 12:31-32)
Tingnan natin ang mas marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos. “Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo gusto ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapaghihigan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na nangangaso ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na mga anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin kung saan nahihirapan kang lunukin ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sila ay, sa mga puso ninyo, kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.
Ngayon, parami nang paraming tao sa buong mundo na nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang nagsisiyasat online sa mga gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nakita na nilang ang Kanyang mga salita ay katotohanan lahat, na ang mga ito ay ang tinig ng Diyos. Pinapalaya nila ang kanilang sarili mula sa gapos ng mga lider ng relihiyon, kumakawala sa kontrol ng kanilang mga simbahan, at lumalapit sa harap ng trono ng Diyos para dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Pero marami pa rin sa mundo ng relihiyon ang pikit-matang sumusunod at sumasamba sa kaparian, na pinipigilan at nalilinlang ng mga puwersang anticristo. Mahigpit silang kinokontrol sa loob ng kaparangan, walang saysay na hinihintay na pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap, matagal na panahon nang tinanggihan at inalis ng Diyos, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin sa mga sakuna. Ito ang katuparan ng mga salita ng Panginoong Jesus
“At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapwa sila mangahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14).
Inihahayag nilang naniniwala sila sa Diyos, pero sa katunayan, sinasalungat nila ang Diyos at sumusunod sa mga tao. Ang tingin ng Diyos sa kanila ay mga walang pananampalataya.
Ang Diyos ay banal na Diyos na kinamumuhian ang kasamaan at ang Kanyang pagiging matuwid ay hindi nalalabag. Hindi Niya kailanman ililigtas ’yong mga pumupuri nang husto sa mga tao, na sumusunod sa mga anticristo sa pagsalungat at paglapastangan sa Diyos. Hindi kailanman ililigtas ng Diyos ang sinumang hindi nagmamahal o tumatanggap sa katotohanan, sa halip ay pikit-matang kumakapit sa Biblia.
Ang kalooban ng Diyos ay ang palayain ang mga tao sa mga paghihigpit ng mga pwersang antikristo ng relihiyon sa mundo, at na makalabas tayo mula sa relihiyon at hanapin ang katotohanan at hanapin ang mga salita ng Diyos nang sa gayon ay magkaroon ng pagkakataon na salubungin ang Pagpapakita at gawain ng Diyos.