Opening Story
💬💬💬💬Mayroon po akong isang Kwento na ibabahagi sa inyo, na may kinalaman sa ating paksa ngayong gabi mga kapatid.
🍎🍎Maikling kwento:
Ang may-akda ay sumulat ng dalawang mga autobiograpiya, na pinaka sikat at maraming mga mambabasa. Isang araw nakilala niya ang isang masigasig na mambabasa at sinabi na kakabisaduhin niya ang bawat kabanata ng dalawang autobiograpiya ng may akda. Tuwang-tuwa ang may-akda at ipinangako sa kanya na agad siyang magsusulat ng autobiograpiya tungkol sa buhay niya .. Ang unang dalawa ay ang autobiograpiya lamang ng siya ay bata pa at ng siya ay nag ka edad na. Ngunit, ang masigasig na mambabasa ay hindi sang ayon sa may akda na magsulat ng higit pa. Ang kaniyang dahilan ,pamilyar na siya sa dalawang autobiograpiya at ito ay perpektong naisulat at sinabing hindi na siya dapat magsulat kailanman.Galit na galit ang may-akda. Hindi ko ba malalampasan ang aking sarili at magsulat ng isang mas mahusay na libro? Buhay pa ako, bakit hindi ako makapag patuloy sa pagsusulat?Hindi ba nlilimitahan mo ang aking kakayahan?
🪔🪔🪔Mga kapatid, maaari bang magsulat ang manunulat ng marami at mas mahusay na mga libro? Bakit?
Siyempre! Masyadong hindi makatwiran ang mambabasa na ito.
Hindi natin malilimitahan ang mga kakayahan ng iba, at siyempre hindi natin malilimitahan ang gawain ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos at ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi luma. Paano natin malilimitahan ang mga salita at gawain ng Diyos sa Bibliya? Itinatanggi ba nito ang pagiging makapangyarihan at karunungan ng Diyos?
🌸🌳🌸Ang Makapangyarihang Diyos na Tagapagligtas ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw, at nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan.
Ang “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”, na koleksyon ng Kanyang mga salita ay maaaring makita online. Hindi lang nito niyanig ang relihiyosong mundo, kundi ang buong mundo mismo. Ang ilan sa mga nagmamahal sa katotohanan at inaasam ang pagpapakita ng Diyos, mula sa bawat bansa at denominasyon, ay nabasa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita nilang ang mga ito ay ang katotohanan at ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. 🎉🎉Narinig na nila ang tinig ng Diyos, kinilala ang Makapangyarihang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na nagbalik, at lumapit sa harap ng trono ng Diyos.🙌🏻🙌🏻 Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
😥😥😰😰Pero kahit na marami sa relihiyosong mundo ang kumikilalang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan at maawtoridad ang mga ito, dahil hindi nakatala ang Kanyang mga salita sa Biblia, tumatanggi silang tanggapin ang mga ito.
❓Bakit hindi nila tinatanggap ang mga bagong salita ng Diyos? Anong uri ng paniniwala/ kuro-kuro ang mayroon sila?
Naniniwala silang ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero dahil wala ang mga ito sa Biblia, paano magiging gawain at mga salita ito ng Diyos? At ang ilan, na nakikitang ang binabasa ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao sa halip na ang Biblia, ay kinokondena ito, sinasabing ang paglayo sa Biblia ay pagtataksil sa Panginoon, na ito’y maling pananampalataya. 😓😓😓😓
Ipinapaalala sa akin nito ang mga Fariseong Judio, na hinatulan, kinondena, at nilabanan ang Panginoong Jesus dahil lang ang Kanyang gawain at mga salita ay lumagpas sa kanilang Kasulatan at Siya’y ’di tinawag na Mesiyas. Ipinapako pa nga nila Siya sa krus, at sa huli’y pinarusahan at isinumpa ng Diyos, na nagwasak sa bayan ng Israel. Isa itong nakakapukaw na leksyon! 😖😖😖
Maraming relihiyosong tao ngayon ang iginigiit na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito. Itinatanggi at kinokondena nila ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kumakapit sa maling ideya na ito. May iba pa ngang tahasang inaamin na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero hindi pa rin sinisiyasat ang mga ito, at bilang resulta ay napapalagpas ang kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon bago ang mga sakuna. Nakalulungkot na nasadlak sila sa mga sakuna.😭😭💔💔💔
“Ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito.” Ang ideyang ito ay nagdulot na malampasan ng ’di mabilang na tao ang kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon, gumagawa ng ubod ng samang kapahamakan. 😭😭🤧🤧
Ano ba talagang mali sa ideyang ito? Mauuna na ako’t magbabahagi kung anong nalalaman ko tungkol dito.
Una sa lahat, gusto kong magtanong sa iyo ng 2 katanungan:
❓Nang nilikha ng Diyos ang langit at lupa, mayroon bang Bibliya (lumang tipan)?
❓Si Jesus ba ay mayroon ng Bagong Tipan noong sinimulan Niya ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya 2000 taon na ang nakalipas ?
Syempre pareho ang sagot ❌❌HINDI !
🌸🌳🌸Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinukoy ng mga Pariseo ang Diyos sa Lumang Tipan at nagkamali sa pagtukoy sa Diyos.
Maraming tao ang nagsasabi na ngayon ay walang batayan sa Bibliya para sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang gawaing paghatol, kaya tingnan natin kung ang gawain ng Diyos ay batay sa bibliya? Tingnan muna natin ang kasaysayan.
🌸🌳🌸1.( Mateo 12: 1) Sa oras na yaon ay dumaan si Jesus sa araw ng Sabado sa trigo; at ang kanyang mga alagad ay nagutom, at nagsimulang humugot ng mga uhay ng mais, at kumain.
2.(Mateo 12:6-8) Sinasabi ko sa inyo, may isang naririto na higit na dakila kaysa Templo. Kung nauunawaan lamang ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, ‘Habag ang nais ko at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala. Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
3. (Mateo 12:9-12) Pagkaalis ni Jesus sa pook na iyon, pumasok siya sa sinagoga. May isang lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroon din ang ilang taong naghahanap ng pagkakataong maparatangan si Jesus. Tinanong nila si Jesus, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit kung Araw ng Pamamahinga?” Sumagot siya, “Kung kayo'y may tupang nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
Juan 9:16 Kaya't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Ang taong ito ay hindi sa Dios, sapagka't hindi niya tinutupad ang araw ng Sabado. Sinabi ng iba, Paanong ang isang taong makasalanan ay makakagawa ng gayong mga himala? At nagkaroon ng paghati sa gitna nila.
Kaya pagkatapos nating basahin ang tungkol sa mga talatang ito, pag-isipan natin ang tanong na ito:
❓T: Bakit hinatulan ng mga Pariseo ang Panginoong Jesus bilang isang makasalanan?
(mas maganda ang pambungad na tanong, kung hindi nila masagot, bigyan natin sila ng mga pagpipilian)
🦁A. sapagkat hindi sinunod ng Panginoong Jesus ang araw ng Sabado at ang kanyang gawain ay hindi naitala sa lumang tipan.
🐼B. dahil ang mga Pariseo ay hindi gusto ang Panginoong Jesus.
Oo, ang tamang sagot ay A! !👏👏👏
Nang dumating si Jesus, pinangunahan Niya ang mga disipulo palabas ng silid, hindi Niya pinangilin ang araw ng Pamamahinga.
kaya hinatulan ng mga Pariseo si Hesus at sinabing hindi Niya pinangilin ang araw ng Sabbath at sinabing nilabag ni Hesus ang batas.
Magbasa tayo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos:
📕📕“Kung sabagay, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?” (“Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
🌸🌳🌸Ang Panginoong Hesus ay hindi gumawa alinsunod sa Lumang Tipan ng Bibliya. Kung ang Panginoong Jesus ay gumawa alinsunod sa Lumang Tipan, dapat niyang tuparin ang Araw ng pahinga, sapagkat kautusan iyon ng Diyos na Jehova.Ngunit hindi isinagawa ng Panginoong Jesus ang Araw ng Pamamahinga, at itinakda Niya ang mga kautusan upang sundin ng sangkatauhan, hindi para sa Kanya. May karapatan ang Diyos na labagin ang dating kautusan na ito, at gumagawa ng bagong gawain. Kaya't sa paglabag sa Araw ng Pamamahinga, sinabi ng Panginoong Jesus sa mga tao na Siya ang Diyos Mismo, maaari Siyang gumawa ng gawain sa labas ng Bibliya, at gawin ang anumang bagong gawain na nais Niyang gawin. Ang sangkatauhan ay walang karapatang limitahan ang Diyos, at ang Bibliya ay hindi maaaring gapusin ang Diyos.
Q:Alin ang mas dakila: Diyos o Bibliya?
AMEN! ! ! 👏👏👏ang Diyos ay higit na dakila! 🙏
Sapagkat tulad ng nabanggit natin kanina, ang Bibliya ay isang librong pangkasaysayan lamang na nagtatala ng gawain ng Diyos. Unang dumating ang Diyos at pagkatapos ay ang Bibliya. Kung ang Diyos ay hindi gumagawa ng anumang gawain, hindi niya nilikha ang sangkatauhan, o gagawin ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung gayon ay hindi magkakaroon ng Bibliya💢‼
Q: Kung gayon ano ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Bibliya?
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40)
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6)
🌸🌳🌸Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus ang kaugnayan ng Bibliya at ng Diyos nang napakalinaw. Ang Bibliya ay ang patotoo ng Diyos. Ang Bibliya mismo ay walang buhay na walang hanggan at hindi makapagbibigay ng buhay sa mga tao. Si Kristo lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Kaya pag-isipan natin ito:
Ang pagsunod ba sa Bibliya ay nangangahulugan ng pagsunod sa Panginoon? Ang paghawak ba sa Bibliya ay nagpapakita na ang mga tao ay iginagalang at may takot sa Panginoon? Ang mga Pariseo ba ay mananampalataya sa Diyos o mga taong lumaban sa Diyos?
Samakatuwid, ang sinumang gumagamit ng mga salita ng Bibliya upang labanan at hatulan ang bagong gawain ng Diyos ay isang taong lumalaban sa Diyos😣😖.
Magbasa tayo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos:
📕📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos:
Ang mga bagay na naitala sa Lumang Tipan ay gawain ni Jehova sa Israel, at ang nakatala sa Bagong Tipan ay gawain ni Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya; itinala ng mga ito ang gawain na tinapos ng Diyos sa dalawang magkaibang kapanahunan.
Ang Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, at dahil dito, ang Lumang Tipan ay isang aklat ng kasaysayan, habang ang Bagong Tipan ay bunga ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang magsimula ang bagong gawain, naluma na rin ang Bagong Tipan—at dahil dito, ang Bagong Tipan ay isa ring aklat ng kasaysayan.
-mula sa “Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang bibliya ay binubuo ito ng dalawang bahagi :Ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang mga Judio ay may pananalig kay Jehova, at ginagamit ang mga Kasulatan ng Lumang Tipan, habang ang mga Kristiyanong naniniwala sa Panginoong Jesus ay ginagamit ang Bagong Tipan. Ang Luma at Bagong Tipan ay kapwa pinagsama-sama ng mga tao ilang siglo matapos tapusin ng Diyos ang Kanyang gawain. Hindi nalaglag mula sa langit ang Biblia, at syempre, hindi ito personal na isinulat ng Diyos at ibinigay sa atin. Ito’y pinagsama-sama sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga lider ng relihiyon ng panahong iyon. Syempre, may kaliwanagan at patnubay sila ng Banal na Espiritu—walang duda.💡💡💡
🌸🌳🌸Ang Biblia ay isa lang talaan ng dalawang yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Isa itong librong pangkasaysayan, at lubos na hindi ito pwedeng kumatawan sa lahat ng gawain at salita ng Diyos.❕❕
Lumang Tipan----ang gawain ni Jehova sa kapanahunan ng kautusan
Bagong Tipan----gawain ni Hesus sa kapanahunan ng biyaya
ang buong bibliya---ang gawain ng Diyos sa nakalipas na dalawang kapanahunan
Malinaw po ba ? 🥰May tanong ka ba? Kung wala kang tanong, 😁😁may tanong ako sayo:
🍎 T: Ano ang Bibliya? (2 ang tamang sagot)
A. Itinala lamang ng Bibliya ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit hindi nito itinala ang gawain sa Kapanahunan ng Kaharian.
B. Itinala sa Bibliya ang gawain ni Jehova at ang gawain ni Jesus, ngunit hindi nito itinala ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.
C.Ang bibliya ay naglalaman ng kabuuan ng gawain ng Diyos.
D. Sinabi sa atin ng Bibliya ang lahat ng kasaysayan at ang lahat ng kinabukasan ng sangkatauhan.
🤗🤗ang sagot ay AB !!🤗🤗
🤗🤗Ang Bibliya ay talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan (Ang Lumang Tipan) at ang Kapanahunan ng Biyaya (Ang Bagong Tipan); Hindi nito itinala ang mga salita at gawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
Dahil ang Biblia ay pinagsama-sama ng mga tao, imposibleng maisama sa Lumang Tipan ang nilalaman ng Bagong Tipan, at imposibleng maisama sa Bagong Tipan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. ’Yon ay dahil hindi nakikita ng mga tao ang hinaharap. Ang mga bersikulo at librong nakasama sa Biblia ay pinili, at hindi lahat ng mga isinulat ng mga propeta’t mga apostol ay nakasama sa Biblia. Marami-rami ang tinanggal o inalis. Pero hindi ito nakakapagtaka. Dahil pinagsama-sama ito ng mga tao, normal na may ilang pamimili, pag-aalis, at pagtatanggal. ❕❕Kung saan nagkakamali ang tao rito ay sa pagpupumilit na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia, na para bang iyon lang ang sinabi at ginawa ng Diyos sa mga panahong iyon. Anong uri ng problema ito? 🤔🤔🤔
May ilang libro ng mga propeta na hindi naitala sa Lumang Tipan, at ang dalawang librong alam natin, tulad ng kay Enoch at Ezra, ay wala sa Biblia. At makakasiguro tayo na malamang na may iba pang libro ng mga apostol na hindi nakasama sa Bagong Tipan, bukod pa na ang Panginoong Jesus ay nangaral sa loob ng tatlong taon at tiyak na maraming sinabi, pero napakakaunti lamang nito ang nasa Biblia. Tulad ng sinabi ng apostol na si Juan, “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). 🤩🤩🤩
🌸🌳🌸Malinaw na ang gawain at mga salita ng Diyos na naitala sa bibliya ay napakalimitado! Walang dudang alam natin na wala sa alinman sa Luma o Bagong Tipan ang naglalaman ng kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos para sa kapanahunang iyon. Ito’y isang katotohanang kikilalanin ng lahat.
Maraming tao sa relihiyosong mundo ang hindi nakakaunawa sa Biblia o kung paano ito pinagsama-sama. Naniniwala sila na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia, at itinatanggi at kinokondena ang anumang labas sa Biblia.
❓Umaayon ba ito sa mga totoong nangyari sa kasaysayan?
❓Hindi ba’t ang paggigiit na ito ay humahatol sa gawain ng Diyos?
❓Hindi ba’t paglaban ito sa Diyos?
❓Ang Biblia ay pinagsama-sama pagkatapos ng mga pangyayari at ito’y ginawa ng mga tao, 🧐🧐kaya paanong mauunang mailagay ng mga tao ang susunod na yugto ng gawain ng Diyos sa Biblia?
Imposible iyon, dahil walang kapangyarihang manghula ang tao.
’Yong mga nagsama-sama ng Lumang Tipan ay hindi na buhay noong panahon ng Panginoong Jesus at hindi nila naranasan ang gawain ng Panginoong Jesus. Paano nila mauunang mailagay ang Kanyang gawain at mga salita, at ang mga libro ng mga apostol sa Lumang Tipan? 🧐🧐
Imposible ring mailalagay ng mga nagsama-sama ng Bagong Tipan ang gawain at mga salita ng Diyos para sa mga huling araw, pagkaraan ng dalawang libong taon, sa Kasulatan sa simula pa man.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
📘📙📗 “Ang mga naitala sa Biblia ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
📘📙📗“Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Sa gayon, ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas nakahihigit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas na ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga propesiya na ibinigay ng mga propeta, na ito ay bago at kahanga-hangang gawain na hindi sakop ng mga propesiya, at mas bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi makikita o kaya ay magawang akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino sana ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, nang hindi pa nangyayari? Sino sana ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan, mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. … Yamang mayroong mas mataas na daan, bakit pag-aaralan ang mas mababa, makalumang daan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi ka magagawang pagsawain, o hindi tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan na ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na daan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito ay kasaysayan lamang na ginugunita ng mga tao, at kahit ano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang daan. Kahit na ito ay naitala sa ‘banal na aklat,’ ang lumang daan ay kasaysayan; kahit na walang nakatala tungkol dito sa ‘banal na aklat,’ ang bagong daan ay ang dito at ngayon. Ang daan na ito ay maaari kang iligtas, at ang daan na ito ay maaari kang baguhin, dahil ito ang gawain ng Banal na Espiritu” (“Tungkol sa Biblia (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
📘📙📗“Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong isakatuparan ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa buong kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon” (“Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
🌸🌳🌸Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, mauunawaan na kaya ng lahat kung bakit hindi maaaring bumatay sa Bibliya ang paniniwala sa Diyos? Kung tayo ay kumakapit lamang sa Bibliya ngunit hindi tinatanggap ang mga bagong salita ng Diyos, tayo ba ay tunay na sumusunod sa Diyos?
Huwag mag-atubiling ibahagi ang inyong pang-unawa batay sa mga salita ng Diyos.
🌸🌳🌸Halimbawa: Lahat tayo ay nagtatala ng mga talaarawan, at alam nating lahat na ang pagkakaroon ng isang talaarawan ay maaari lamang itala kung ano ang nangyari sa nakaraan, hindi natin maitatala ng maaga ang hindi pa nangyari.
Malinaw ding sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang Bibliya ay isang makasaysayang talaan lamang ng nakaraang gawain ng Diyos, gaano man ito kaganda, ito ay kasaysayan. Ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi luma, at ito ay patuloy na umuunlad. Kung gusto nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at maunawaan ang kalooban ng Diyos ngayon, dapat nating talikuran ang mga lumang kaisipan at makipagsabayan sa mga bagong salita at gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang tayo maliligtas ng Diyos.
📖Ipinropesiya rin ng Biblia na ang Diyos ay higit na magsasalita at gagawa sa mga huling araw, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus:
📖“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).
May isang babala rin na pitong beses na nakasulat sa Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag Mga Kabanata 2, 3). 👂👂👂
Ipinropesiya rin ng Pahayag na bubuksan ng Diyos ang selyadong balumbon sa mga huling araw. 🗞🗞
Malinaw na ang Diyos ay nakapropesiya na magsasalita sa mga iglesia sa mga huling araw at aakayin ang sangkatauhan tungo sa lahat ng katotohanan. Paanong ang gawain at mga salitang ito mula sa Diyos para sa mga huling araw ay maisulat sa Biblia sa simula pa man? 🙅🏻♂️🙅🏻♂️Imposible iyon! Sa lahat ng propesiya at maliwanag na katotohanang ito, bakit napakaraming tao ang bulag, na bukas na bukas ang kanilang mga mata, hinahatulan at ipinagpipilitang ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at walang matatagpuan sa labas nito? 🤦🏻🤦🏻♂️🤦♀️
📘📙📗“Ang katotohanan na nais Kong ipaliwanag dito ay ito: Kung ano at kung anong mayroon ang Diyos ay di-nauubos magpakailanman at walang katapusan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at ng lahat ng bagay; hindi Siya maaaring maarok ng anumang nilalang. Ang panghuli, dapat Kong patuloy na ipaalala sa lahat: Huwag lagyan ng limitasyon ang Diyos batay sa mga aklat, mga salita, o sa Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita na naglalarawan ng katangian ng gawain ng Diyos: bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain; higit pa riyan, ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglalagay sa Kanya ng limitasyon sa loob ng partikular na saklaw. Ito ang disposisyon ng Diyos” (Pangwakas na Pananalita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nililinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang lahat, hindi ba?
Ang Diyos ay ang Lumikha, ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Siya’y nagsasalita at gumagawa na sa loob ng libu-libong taon, at Siya’y isang ’di nauubos na bukal ng panustos para sa sangkatauhan, palagi tayong pasulong na inaakay. Ang Kanyang mga salita ay ang bukal ng buhay na tubig, palaging umaagos.🌊🌊 Ang gawain at mga salita ng Diyos ay ’di maaaring pigilan ng sinumang tao o anumang bagay, lalo na ang limitahan ng Biblia. ’Di Siya kailanman tumigil sa pagsasalita at pagsasagawa ng bagong gawain ayon sa Kanyang plano ng pamamahala at mga pangangailangan ng sangkatauhan. 🌊🌊🌊🌊
Inilabas ng Diyos na si Jehova ang batas para gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa Kapanahunan ng Kautusan, noong wala pa talagang Biblia. Ipinangaral ng Panginoong Jesus ang paraan ng pagsisisi sa Kapanahunan ng Biyaya at ginawa ang gawain ng pagtubos, na lumampas sa Lumang Tipan. Pumarito ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Binuksan Niya ang pitong selyo at ang balumbon, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis at ganap na nagliligtas sa sangkatauhan. Ito’y isang bago, mas mataas na yugto ng gawain na ginawa sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya. Mas bago ito at mas praktikal na gawain, at imposibleng maisulat sa Biblia ng paituna. Makikita natin mula rito na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at ’di kailanman luma, palaging sumusulong, hindi kailanman umuulit. Nilalagpasan ng Kanyang bagong gawain ang kung ano ang nasa Biblia, binibigyan ang tao ng isang bagong landas at maging ng mas mataas na mga katotohanan.🌊🌊🌊🌊
🌸🌳🌸Kaya ang ating pananampalataya ay hindi maaaring nakabatay sa Biblia lamang, at tiyak na ’di natin masasabi na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia. Kailangan nating hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu at sumabay sa mga yapak ng gawain ng Diyos, para matanggap ang panustos at pagpapastol ng mga kasalukuyang salita ng Diyos. Gaya na lang ng sinasabi sa Pahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon” (Pahayag 14:4). Ito’y ang matatalinong dalaga na maaaring dumalo sa piging ng kasal ng Cordero at makamit ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw.
📖Pahayag 5:1-5
At nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat na may sulat sa harap at likod at sarado ng pitong tatak.
Nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na pasigaw na nagpapahayag, Sino ang karapat-dapat na magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?”
Ngunit walang sinuman sa langit, sa lupa o sa ilalim man ng lupa ang makapagbukas ng aklat o kaya'y makatingin sa loob nito.
Umiyak ako nang umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas ng aklat o tumingin sa loob nito.
Isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon ng lipi ni Juda, na ugat ni David, ay nagtagumpay at kaya niyang buksan ang aklat at tanggalin ang pitong tatak nito.
🔔🔔🔔Kaya, mga kapatid, alam mo ba kung ano ang pangalan ng selyadong aklat na ito? 🙋♀️🙋♂️
Amen!!
👉 📕Ang salita at nagpapakita sa Katawang-tao📕.
Ang Bibliya sa kapanahunan ng Kaharian
✍️Ang manunulat ng aklat(*Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao*) na ito ay ang nagkakatawang-taong si Cristo ng mga huling araw — ang Makapangyarihang Diyos, na Siyang nagbalik na si Jesus. Si Cristo sa mga huling araw ay nagpahayag ng maraming mga salita sa paggawa ng Kanyang mga gawaing pangwakas, at higit sa lahat ay tinipon sa aklat na 📕Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao📕.
Ginagawa na ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa loob ng tatlumpung taon at nagpahayag na Siya ng milyun-milyong salita. Ang Kanyang mga pagbigkas ay sagana at walang anumang kulang.Inilalantad ng mga ito ang mga misteryo ng Biblia kasama ang lahat ng misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos.🔑🔑🔑
☁️☁️tulad ng Kanyang mga layunin sa pamamahala sa sangkatauhan, paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, paano inililigtas ng Diyos nang paisa-isang hakbang ang sangkatauhan mula sa mga puwersa ni Satanas, paano dinadalisay ng Diyos ang sangkatauhan at ginagawang banal ang tao sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino, ang kabuluhan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ang mga misteryo ng mga pagkakatawang-tao at ng Kanyang mga pangalan, ang tunay na kuwento ng Biblia, ang lahat ng uri ng kahihinatnan ng mga tao, ang huling destinasyon ng sangkatauhan, at kung paano naisakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa. Hinahatulan at ibinubunyag din ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang laban sa Diyos na satanikong kalikasan. Ipinapakita Niya sa atin ang landas para makawala sa kasalanan at ganap na mailigtas ng Diyos, tulad ng kung paano totoong magsisi, paano talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan, paano maging isang tapat na tao, paano gawin ang kalooban ng Diyos, paano matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, paano makamit ang karunungan tungkol sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya, pagmamahal sa Diyos, at marami pa.☁️☁️☁️
🌸🌳🌸Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mas masagana at mataas kaysa sa mga salita ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, at ang lahat ng ito ay katotohanang dapat nating taglayin para makamit ang kaligtasan ng Diyos. Lubos na nakapagbibigay ng kaliwanagan at kasiya-siya ang mga ito at binibigyan tayo ng isang paraan ng pagsasagawa sa lahat ng bagay. Sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nahahanap natin ang bawat sagot at solusyon sa lahat ng ating paghihirap at katanungan sa ating pananampalataya.
🌸🌳🌸Ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao mula sa Makapangyarihang Diyos ay ang Biblia para sa Kapanahunan ng Kaharian, at ito ang daan ng walang hanggang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagsasagawa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang mahatulan, makastigo sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at pag-unawa sa ilang katotohanan ay nagkakamit ng tunay na pagkaunawa sa Diyos ang hinirang na mga tao ng Diyos. Ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay nalinis at nabago sa iba’t ibang antas, at sa huli’y nakawala sila sa gapos ng kasalanan at nagpatotoo sa pagkatalo ni Satanas. Sila ang mga mananagumpay na kinumpleto ng Diyos bago ang mga sakuna.
🌸🌳🌸Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, ang gawain at mga salita Niya ay maaaring hindi nakatala sa Biblia, pero ang bunga, ang tunay na mga kinahinatnang nakamit ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na isinasakatuparan ang mga propesiya ng Biblia. May mga video at pelikula na ngayon online ng mga patotoo ng hinirang na mga tao ng Diyos, tumatayong saksi sa mundo tungkol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tulad ng isang malaking liwanag, nagniningning mula sa Silangan hanggang sa Kanluran, tinatanglawan ang buong mundo. Parami nang paraming tao mula sa bawat sulok ng mundo na nagmamahal sa katotohanan ang nasisiyasat sa tunay na daan, at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Isa itong malaking alon na tinatangay ang mundo na walang puwersa ang maaaring makapigil. 🌊🌊🌊🌊
Tulad na lang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos,
📘📙📗“Isang araw, kapag nagbabalik sa Diyos ang buong sansinukob, susunod sa mga pagbigkas Niya ang sentro ng gawain Niya sa buong kosmos; sa ibang dako, may ilang mga taong gagamit ng telepono, ang ilan ay sasakay sa eroplano, ang ilan ay sasakay sa bangka patawid sa dagat, at ang ilan ay gagamit ng mga sinag upang makatanggap ng mga pagbigkas ng Diyos. Magiging masintahin ang lahat, at mapanabik, mapapalapit silang lahat sa Diyos, at magtitipun-tipon tungo sa Diyos, at sasamba lahat sa Diyos—at ang lahat ng ito ay magiging ang mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Tiyak na hindi kailanman magsisimulang muli ang Diyos sa ibang dako. Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras kung kailan mabubunyag ang mga gawa ng Diyos at kung kalian magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos; sasamba sa hindi kapansin-pansing ‘taong’ ito ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob. Hindi ba ito ang magiging araw ng luwalhati ng Diyos? … Kapag nagagalak ang buong kaharian ay magiging araw ng luwalhati ng Diyos, at kung sinuman ang darating sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansa at ang mga taong gagawin ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Magiging ganito ang hinaharap na pangangasiwa: Yaong mga makakamit ang mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa lupa, at maging sila man ay mga mangangalakal o mga siyentipiko, o mga tagapagturo o mga industriyalista, mahihirapang gumawa kahit isang hakbang yaong mga walang mga salita ng Diyos, at mapipilitan silang hangarin ang tunay na daan. Ito ang ibig sabihin ng, ‘Kasama ang katotohanan ay lalakarin mo ang buong mundo; nang walang katotohanan, wala kang mararating’” (“Dumating Na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para lupigin, linisin, at iligtas ang sangkatauhan, at nakumpleto na ang isang grupo ng mananagumpay. Lubos na ipinapakita nito ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. 💫💫🪐🪐
❤️🧡💛Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para pangunahan tayo at gabayan tayo. Kung gusto nating maunawaan ang gawain ng nagbalik na Hesus sa mga huling araw, dapat nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Halimbawa:
👨🏫👉Kung ikaw ay isang Kolehiyo kaya anong libro ang dapat pagtuunan mo ng pansin❓
A. Libro sa Elementarya
B. Libro sa High School
C. Libro sa Senior High School
D. Libro sa Kolehiyo
Amen! 🎁🎁🎁 Ang tamang sagot ay D.
💖•*¨*•.¸¸ღ .•*¨*•.¸¸ 💗Libro sa Kolehiyo, ito ang dapat pagtuunan mo ng pansin at basahin ngunit hindi naman ibig sabihin na hindi na tayo magbabasa sa libro ng Elementarya, High School, Senior High School, pwede parin tayo magbasa ngunit ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang bagong libro kasi ito ang hindi natin alam o wala tayong kaalaman kahit kaunti tungkol dito, at kung babasahin natin ito malalaman natin ang mas mataas na mga turo.
👉👉👉Ganito din sa salita ng Makapangyarihang Diyos dapat pagtuunan ang salita ng Makapangyarihang Diyos subalit hindi ibig sabihin na hindi na tayo magbabasa sa salita ni Jehova at Jesus pwede parin tayong magbasa subalit dapat pagtuunan pansin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.
🌸🌳🌸Pero kumakapit ang relihiyosong mundo sa Biblia, tumatangging tanggapin ang paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ay ’di makaalis sa kanilang dating buhay ng pagkakasala, pangungumpisal, at pagkakasalang muli, at naalis na sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, nasasadlak sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Hinihintay pa rin nilang pumarito ang Panginoon sakay ng isang ulap at dalhin sila paakyat sa kaharian ng langit para sa walang hanggang buhay. Hindi ba’t isa itong hindi magkakatotoong pangarap?
🌸🌳🌸Gaya na lang ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39–40). Hindi makakamit ng mga kumakapit sa Biblia ang katotohanan o buhay. Tanging ’yong mga naniniwala kay Cristo, sumusunod at nagpapasakop kay Cristo ang magkakamit ng katotohanan at buhay.
🌸🌳🌸Ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpapahayag na ngayon ng mga katotohanan para linisin at ganap na iligtas ang sangkatauhan. Kung gusto natin ang katotohanan at buhay, kailangan nating lagpasan ang Biblia at sumabay sa mga yapak ng Diyos, tanggapin at magpasakop sa paghatol at paglilinis ng Makapangyarihang Diyos. Ito lang ang paraan para makawala sa kasalanan at ganap na mailigtas ng Diyos, at ang tanging paraan para maprotektahan ng Diyos sa mga sakuna at makapasok sa Kanyang kaharian. ’Yong mga ayaw bumitiw sa Biblia, sa halip ay ’di makaalis sa nakaraang gawain at mga salita ng Diyos, ’yong mga tumatangging tanggapin ang landas ng katotohanang ipinagkakaloob ng Diyos sa atin sa mga huling araw, ay lubos na mapapalampas ang gawain ng Diyos para ganap na iligtas ang sangkatauhan, at masasadlak lamang sa mga sakuna at mapaparusahan.
🌸🌳🌸Gaya na lang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Tapusin natin ito sa isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos:
📘📙📗“Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung sinusubukan mo lamang na hawakan ang nakaraan, sinusubukan lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Cordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka nila maaakay para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Napagyayaman lamang ng mga banal na kasulatang binabasa mo ang dila mo at hindi ng mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi sa mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagkaperpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagmumuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba pinagtatanto ka nito sa mga hiwagang sumasaloob? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi kailanman makakamit ang buhay” (“Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
🌸🌳🌸Sa pagtatapos, magbalik tanaw tayo sa isa pang paksa:
❓ Sa mga huling araw, saang bansa isinilang ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?
🤗🤗Mga kapatid, sa totoo lang, maraming bersikulo sa Bibliya ang nagpropesiya sa lugar ng kapanganakan ng Diyos sa mga huling araw. Basahin natin ang ilang mga talata.
🍁🍁 Unang Clue
📖(Malachi 1:11) Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
💖💖Ang talatang ito ay nagsasaad na ang pangalan ng Diyos ay magiging dakila sa mga Hentil. Ano ang ibig sabihin ng mga Hentil? Ito ay tumutukoy sa mga hindi naniniwala sa Diyos at hindi kumikilala sa Kanya, at higit na lumalaban sa Diyos. Kung ang isang tao ay naniniwala sa Diyos, hindi sila tatawaging mga Gentil. kaya't alam nating hindi na magpapakita ang Diyos sa Israel, ang Israel ay hindi isang bansang Gentil.*
🍁🍁Ikalawang Clue
📜📜Mateo 24; 27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
💖💖Ang "Kidlat" ay tumutukoy sa mga salita at gawain ng Diyos. Ang mga salita at salita ng ating Diyos ay maaaring magbigay liwanag sa kadiliman sa mundo tulad ng kidlat na kumikinang sa kadiliman sa kalangitan.
Sinabi ni Jesus, “Kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran” nangangahulugang ang ikalawang pagdating ni Hesus--ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ay parang "kidlat", na nagmumula sa bansang Silangan, at kumalat sa Kanluraning bansa.😊😊
Ang bansang ito ay matatagpuan sa Silangan
❎Ang Israel ay nasa Gitnang Silangan, hindi sa Silangan. Kaya ang ikalawang pagdating ni Jesus—imposibleng ipanganak muli mula sa Israel ang Makapangyarihang Diyos, tama ba?
🍁🍁Ikatlong Clue
🐲Pahayag 12:3 Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang napakalaking pulang dragon. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo.
🐲Pahayag 12:9 At itinapon ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang mandaraya sa buong sanlibutan (Pahayag 12:9).
Ipinropesiya ng Pahayag ang labanan sa pagitan ng Diyos at ng dakilang pulang dragon mula simula hanggang sa mga huling araw.😱😱
Sa mga huling araw, kung saan namamalagi ang Dakilang pulang dragon, kung saan nagkatawang-tao ang Diyos.
Ang dakilang pulang dragon ay si Satanas. May isang bansa sa Silangan na sumasamba sa dakilang pulang dragon. Ang bansang ito ay sumasamba sa mga dragon sa loob ng mahigit 5000 taon. Ang mga tao doon ay sumasalungat sa Diyos at itinatanggi ang pag-iral ng Diyos. Kaya ang bansang ito ang pinakamadilim na lugar.
Ngayon alam mo na ba kung aling bansang ateista sa Asya ang higit na sumasamba sa Dragon?🙋♀️🙋🙋♀️🙋
Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay personal ding nagpapatotoo sa Kanyang lugar, Basahin natin ang ilang salita ng Makapangyarihang Diyos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos *"Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan.”*
Mga kapatid, pagkatapos nating basahin ang mga bersikulo at mga salita ng Diyos, sa tingin mo saang bansa isinilang ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw??
Amen. sa Tsina.
🌸🌳🌸Ang China ay isang ateistang Hentil sa Silangan na sumasamba sa dakilang pulang dragon. Ang mga Tsino ay tinatawag na “inapo ng dragon”. Tinutupad nito ang mga propesiya sa Bibliya, kaya ipinanganak ang Makapangyarihang Diyos sa Tsina.
share a video about the workplace with Nbs po.
🌸🌸🌸🌸🌸🌸 End 🌸🌸🌸🌸🌸🌸
Ang Tunay na Kahulugan ng “Hindi Maaaring Idagdag o Alisin”
sinasabi ng ilang tao: Ang ating mga pastor ay madalas na nagsasalita sa atin tungkol sa Pahayag 22:18-19, ‘Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito.’ Sinasabi nila sa atin na ang lahat ng salita ng Diyos ay nakapaloob na sa Bibliya, at na ang Bibliya ay hindi maaaring dagdagan o bawasan, ngunit nagpapatotoo ka na ang Panginoon ay bumalik at nagsalita ng mga bagong salita. Hindi ba ito nakadaragdag sa Bibliya? Gusto kong marinig ang iyong pang-unawa tungkol sa tanong na ito."
Ano ang tunay na kahulugan ng 'hindi maaaring idagdag o alisin sa' ipinahiwatig sa mga talatang ito? Mula sa teksto, alam natin na ang tinutukoy ni Juan ay ang mga taong nagdaragdag ng anuman sa 'hulang ito.' Wala siyang binanggit tungkol sa pagdaragdag sa 'Bibliya.' Gayundin, nang sabihin ni Juan ang mga salitang ito, walang Bagong Tipan sa Bibliya, marami mas kaunti ang Bago at Lumang Tipan sa Bibliya. Ang Bagong Tipan ay pinagsama-sama noong mahigit 300 AD, at binigyang-inspirasyon ng Panginoong Jesus si Juan na isulat ang Aklat ng Pahayag humigit-kumulang 90 taon pagkatapos Niyang umalis. Malinaw na ang ibig sabihin ni Juan sa ‘aklat na ito’ ay ang Aklat ng Pahayag, hindi ang buong Bibliya, at ang ‘hindi maaaring idagdag o alisin’ ay nangangahulugan na ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ay hindi maaaring idagdag o alisin. Ngunit ang ilang mga tao ay hindi nauunawaan ang tunay na kahulugan ng mga talatang ito, sa halip ay iniisip na nangangahulugan ito na walang maidaragdag sa Bibliya. Sinasabi rin nila na ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya at ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi umiiral sa labas ng Bibliya, kaya hindi sila nangahas na hanapin ang mga salita na binigkas ng Banal na Espiritu sa mga simbahan sa labas ng Bibliya o siyasatin ang bagong gawain ng Diyos, na humahantong sa kanilang hindi pagsunod sa mga yapak ng Kordero, at pag-iwan sa kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw sa labas ng pintuan. Ito ang mga resulta ng hindi malinis na pagkaunawa ng mga tao sa mga talatang ito!”
“ang aklat na ito,” ang tinutukoy ni Juan ay ang Aklat ng Pahayag, hindi ang Bibliya, at nang isulat ni Juan ang Aklat ng Pahayag, walang Bagong Tipan, lalo na ang Luma at Bagong Tipan. Gayundin, sa pamamagitan ng "hindi maaaring idagdag o alisin," ang ibig niyang sabihin ay ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ay hindi maaaring idagdag o alisin. Ngunit talagang naniniwala tayo na ito ay tumutukoy sa buong Bibliya! Napaka ignorante natin!
Alam nating lahat na, sa kabila ng Pahayag, maraming lugar sa Bibliya na nagbabala na ‘hindi maaaring idagdag o alisin.’ Halimbawa, Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong matupad ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos na aking iniuutos sa inyo (Deuteronomy 4:2). ‘Kung anong bagay ang iniuutos Ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan’ (Deuteronomio 12:32). ‘Huwag kang magdagdag sa kanyang mga salita,baka sawayin ka niya at masumpungang sinungaling ka’ (Mga Kawikaan 30:6).
Kung titingnan nating mabuti ang mga talatang ito, makikita natin na noong Kapanahunan ng Kautusan, sa Lumang Tipan, si Jehova ay nagsabi ng mga katulad na bagay sa sangkatauhan, lahat tungkol sa mga utos ng Diyos, na kung saan ang mga batas, mga utos, mga turo ng Diyos. , o ang mga bagay na sinabi ng Diyos sa mga propeta ay nababahala, hangga't ang mga salita ay sinabi ng Diyos, ang mga tao ay hindi dapat magdagdag o mag-alis mula sa kanila. Ang Diyos ang Lumikha, ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan, ang permanenteng, hindi nababagong mga kasabihan na dapat nating ipamuhay. Ang lahat ng nilikhang nilalang ay dapat na mahigpit na sumunod sa kanila, at walang sinuman ang maaaring magdagdag, mag-alis, o magsinungaling sa mga salita ng Diyos, o sila ay makasakit sa disposisyon ng Diyos at isumpa ng Diyos. Kaya, kung ang ibig sabihin ng 'ang mga salita ng Diyos ay hindi idaragdag o aalisin' ay 'hindi idaragdag o aalisin ang Bibliya,' hindi ba't nililinlang natin ang orihinal na kahulugan ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ating sariling tao. ibig sabihin? Ang paggawa nito ay nakakasakit sa disposisyon ng Diyos, at ito ay isang bagay na nanlilinlang sa mga tao at umaakay sa atin na isumpa ng Diyos. Ang kakanyahan ng bagay ay napakaseryoso, hindi ba?
Isa pa, ‘ang mga salita ng Diyos ay hindi dapat idagdag o aalisin’ ay isang payo na nais ng Diyos na sundin natin at ito ay nagsisilbing babala sa sangkatauhan. Hindi natin dapat gamitin ang mga salitang ito upang maglagay ng mga limitasyon sa Diyos, lalong hindi gamitin ang mga ito upang matukoy na ang Diyos ay hindi makakapagsalita ng mga bagong salita o makakagawa ng anumang bagong gawain na wala pa sa Bibliya. Kung gagawin natin iyan, masasaktan natin ang disposisyon ng Diyos, sapagkat Siya ang Soberano ng lahat ng bagay at Siya ay maaaring magpahayag ng mga bagong salita ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan anumang oras.”
2). May mga nagsasabi na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi naniniwala sa Bibliya, sinasalungat nila ang Bibliya, hindi nila pinapayagan ang mga tao na magbasa ng Bibliya, hinahayaan lamang nilang basahin ng mga tao ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, totoo ba iyon?
Ngayon may tanong ako sainyo.
🔔🔔🔔May mga nagsasabi na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi naniniwala sa Bibliya at ang mga mananampalataya ay sumasalungat sa Bibliya, hindi nila pinapayagan ang mga tao na magbasa ng bibliya ngunit pinapayagan lamang ang mga tao na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Naniniwala ka ba na ito ay totoo🤔⁉️
AMEN! 💕💓💘Talagang kasinungalingan ito🤥, sapagkat minsan pa rin binabasa natin ang bibliya, dapat lang na magkaroon tayo ng tamang pananaw sa bibliya. Kung gagamitin natin ang bibliya laban sa gawain ng Diyos at nililimitahan ang Diyos sa bibliya, hindi ito tama, kaya't dapat tignan natin ang bibliya sa tamang pananaw, upang hindi natin salungatin ang Diyos, at hindi natin dapat limitahan ang Diyos sa bibliya, ibig sabihin makakabasa pa rin tayo ng bibliya at dapat magkaroon ng tamang pananaw sa bibliya.
Basahin natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol po dito 💬💬
📕Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
Ngayon, hinihimay-himay Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na kinasusuklaman Ko ito, o itinatanggi ang halaga nito bilang sanggunian. Ipinaliliwanag Ko at nililinaw ang likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa iyo upang pigilan ka sa pananatiling walang alam. Dahil ang mga tao ay napakaraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa mga iyon ay mali; ang pagbabasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon ng kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking abala para sa gawain ng hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang itinuturo Ko lamang sa iyo ay ang substansya at ang kuwentong napapaloob sa Biblia. Hindi Ko sinasabi na huwag mong basahin ang Biblia, o ipangalandakan mo na ito ay lubusang walang halaga, kundi magkaroon ka ng wastong kaalaman at pananaw sa Biblia. Huwag maging masyadong nakatuon sa isang panig lamang!
---mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
*Ang Bibliya ay naging bahagi na ng kasaysayan ng tao sa loob ng ilang libong taon. Bukod pa rito, itinuturing ito ng mga tao na parang Diyos, hanggang sa punto na sa mga huling araw, napalitan na nito ang Diyos, na kinasusuklaman ng Diyos. Sa gayon, nang magkaroon ng pagkakataon, nadama ng Diyos na dapat Niyang linawin ang kuwentong nakapaloob sa Bibliya at ang mga pinagmulan nito; kung hindi Niya ito gagawin, patuloy na papalit ang Bibliya sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao, at gagamitin ng mga tao ang mga salita ng Bibliya para sukatin at ikondena ang mga gawa ng Diyos. Sa pagpapaliwanag sa diwa, kayarian, at mga kapintasan ng Bibliya, hindi ikinaila ng Diyos sa anumang paraan ang pag-iral ng Bibliya, ni hindi Niya ito kinondena; sa halip, nagbigay Siya ng angkop at akmang paglalarawan na nagpanumbalik sa orihinal na imahe ng Bibliya, tumukoy sa mga maling pagkaunawa ng mga tao sa Bibliya, at nagbigay sa kanila ng tamang pananaw tungkol sa Bibliya, kaya hindi na nila sinamba ang Bibliya, at hindi na sila naligaw; na ibig sabihin, upang hindi na nila mapagkamalang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ang kanilang bulag na pananampalataya sa Bibliya, na takot pa ngang harapin ang tunay na pinagmulan at mga kakulangan nito. Kapag nagkaroon ng dalisay na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa Bibliya, nagagawa nilang isantabi ito nang walang pagsisisi at buong tapang na tinatanggap ang mga bagong salita ng Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa ilang kabanatang ito. Ang katotohanang nais sabihin ng Diyos sa mga tao rito ay na walang teorya o katunayang makakapalit sa gawain at mga salita ng Diyos sa ngayon, at na walang makakahalili sa Diyos. Kung hindi matatakasan ng mga tao ang bitag ng Bibliya, hindi nila magagawang humarap sa Diyos kailanman. Kung nais nilang humarap sa Diyos, kailangan muna nilang alisin sa kanilang puso ang anumang maaaring pumalit sa Kanya; sa gayon ay magiging kasiya-siya sila sa Diyos. Bagama’t ipinaliliwanag lamang ng Diyos ang Bibliya rito, huwag kalimutan na marami pang ibang maling bagay na tunay na sinasamba ng mga tao bukod pa sa Bibliya; ang tanging mga bagay na hindi nila sinasamba ay ang mga tunay na nagmumula sa Diyos. Ginagamit lamang ng Diyos ang Bibliya bilang halimbawa upang ipaalala sa mga tao na huwag tumahak sa maling landas, at huwag magmalabis na muli at maging biktima ng pagkalito habang nananalig sila sa Diyos at tumatanggap ng Kanyang mga salita.*
-mula sa “Panimula” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
🌱🌻🌈☀️Alam nating lahat na ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang pinagmumulan ng buhay ng sangkatauhan, ang bukal ng buhay na tubig na hindi natutuyo. Hindi nauubos ang kayamanan ng Diyos at laging maaaring gamitin, samantalang ang Biblia ay isang talaan lamang ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ang bilang ng mga salita ng Diyos na naitala ay masyadong limitado. Tulad ito ng isang patak sa dagat ng buhay ng Diyos.💧 Paano natin magagawang limitahan lamang sa Bibilia ang salita at gawain ng Diyos? Para bang kaya lang sabihin ng Diyos ang mga limitadong salitang iyon sa Biblia. Hindi ba ito paglilimita, pagmamaliit at paglalapastangan sa Diyos? Samakatuwid, hiang paglimita sa lahat ng salita at gawain ng Diyos sa Biblia at ang pag-iisip na walang salita at gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia ay isang malaking pagkakamali!❌🙅♀️🙅♂️