Ang Mentimeter ay isang website software na kung saan, nagkakaroon ng abilidad ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng kajilang opinion, kaalaman at saloobin.
Ang Mentimeter ay isang website software na kung saan, nagkakaroon ng abilidad ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng kajilang opinion, kaalaman at saloobin.
Gamit ang Tipa-Ideya, makukuha ng guro ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa iyong ituturong paksa.
Sa tulong din nito, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na makilahok ng hindi sila mahihiya dahil hindi makikita ang kanilang pangalan sa Tipa-Ideya.
Maari din ipa-paliwanag ng guro ang mga inilagay ng mga estudyante sa Tipa-Ideya.
Pakikilahok - Ang mga estudyante ay makakalahok sa ganitong aktibidad dahil hindi lamang iisa ang makakapagbigay ng kanilang kaalaman, kundi ang lahat ng estudyante.
Real-time Feedback: Madaling makakuha ng feedback mula sa audience gamit ang tipa-ideya. Maaari kang magtanong ng mga katanungan o magkaroon ng mga poll na makakatulong sa pag-evaluate ng pag-unawa ng audience sa iyong presentation.
Accessibility: Maaari itong gamitin sa anumang device na may internet connection, kaya't madaling ma-access ng mga participants kahit saan sila naroroon.
Interaktibong Pagtuturo: Nakakatulong ang Tipa-Ideya sa pagpapalaganap ng interaktibong karanasan sa mga presentasyon. Maaari mong ipakita ang mga tanong sa audience at makita ang mga live na tugon mula sa kanila sa real-time.
Mga Kagamitang Kinakailangan:
Cellphone
Laptop
Mga Hakbang sa Paggawa:
Pag-sign up o Pag-login:
Kung hindi ka pa nakarehistro, kailangan mong mag-sign up sa Mentimeter gamit ang iyong email address. Itype ang Mentimeter.com sa iyong browser. Kung meron ka nang account, mag-login ka lang.
Paghahanda ng Presentation:
Pagkatapos mong mag-login, maaari kang mag-create ng bagong presentation o mag-edit ng existing presentation. Maaari kang pumili ng mga template o magsimula mula sa scratch.
Paggawa ng Word Cloud:
Pindutin ang New slide at pindutin ang Word Cloud. Dito, i-fill up lamang ang mga impormasyon na kinakailangan katulad ng title, tanong at ilang responses ang kailangan.
Pag-Copy Paste ng link:
Kapag natapos mo ng gawin ang Word Cloud, icopy na ang link at isend ito sa iyong jga mag-aaral upang makapag-tipa na sila.
Pagpapakita ng Presentation:
Kapag handa ka nang mag-present, i-click ang "Start Presentation" button. Ipapakita ng Mentimeter ang mga slides at mga tanong sa iyong audience sa real-time.
Pag-aanalisa ng Resulta:
Pagkatapos ng presentation, maaari mong i-download o i-export ang feedback at resulta ng audience para sa pagsusuri at pag-evaluate.
Pagtatapos ng Session:
Matapos ang presentation, mag-log out ka mula sa iyong account o i-save ang iyong presentation para sa susunod na paggamit.