Kami ang mananaliksik na nasa ikatlong antas na nagmula sa Tarlac State University na may kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino. Ang aming pananaliksik ay pinamagatang KolAKSYON: Kalipunan ng mga Improvise na Kagamitang Pampagtuturo sa Filipino. Ang kagamitang pampagtuturo ay isang instrumento, kagamitan at paraan upang maging mabisa ang pagkatuto at pagtuturo. Ang KolAKSYON na ito ay ginawa upang makatulong sa mga mag-aaral at para sa asignaturang Filipino.