Ang Kapalarang De-Hagdan ay hinango sa klasikong laro na Snakes and Ladders at ito ay nagmula sa India at kilala noon bilang "Moksha Patam" o "Mokshapat." Ito ay ginamit bilang isang larong pampagtuturo upang ipakita ang konsepto ng moralidad at espirituwalidad. Ang mga hagdan ay kumakatawan sa mga birtud tulad ng kabutihan at katapatan, habang ang mga ahas ay kumakatawan sa mga bisyo tulad ng galit at kasakiman.

 Ang laro ay dinala ng mga mangangalakal at mananakop mula sa India patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na ang England, kung saan lalo itong sumikat noong panahon ng kolonyalismo. Sa paglipas ng panahon, ang laro ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon at naging popular sa mga bata sa buong mundo bilang isang simpleng board game na nagpapakita ng kombinasyon ng swerte at estratehiya at ngayon ay maaari na ring gamitin bilang kagamitang pampagtuturo.