Ang salitang Diyorama ay mula sa Griyego na nangangahulugang “makakita sa pamamagitan”. Ang diyorama ay naimbento nina Louis Daguerre at Charles Marie Bouton, unang ipinakita sa Paris noong Hulyo 1822. Ang Diorama ay isang tatlong-dimensyonal na representasyon ng mga pangyayari, ideya, o konsepto laban sa isang magandang likhang-eksena. Ito rin ay kilala bilang isang makabuluhang eksibit sa mga kahon.