Ang PinduTEAM ay isang makabagong digital na kagamitang pampagtuturo na idinisenyo upang gawing mas interaktibo at nakakaaliw ang proseso ng pagkatuto,para mabuo ito gagamit ng application na Canva at Powerpoint. Ang salitang "PinduTeam" ay nagmula sa salitang "Pindot" ,dahil ito sa pagpili ng mga kasagutan,at "TEAM" ,dahil ito ay gagamitin sa pangkatang gawain.Ito ay isang aplikasyon na mayroong serye ng mga tanong na mayroong mga pagpipiliang sagot. Kapag pinindot ng mag-aaral ang napiling sagot, agad itong magbibigay ng pidbak kung tama o mali ang kanilang napili.


Ang bawat tanong ay may kasamang paliwanag o dagdag na impormasyon upang matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang tamang sagot at maituwid ang kanilang pagkakamali.