Kumpil:Pagpapatatag ng Buhay Kristyano
Panimula: Tayo rin bilang mga Kristyano ay may gampanin makiisa sa misvon ni Kristo ng tayo ay binyagan at napabilang sa Simbahang Katoliko. Ngunit paano natin magagampanan ang misyon na ito? Kailangan din natin ng gagabay sa atin upang maging matatag tayong harapin ang mga pagsubok sa ating pananampalataya bilang mga Kristyano.
LAYUNIN
Aral: Maunawaan na ang Sakramento ng Kumpil ang pagpapatibay ngmga biyayang tinanggap sa Sakramento ng Binyag
Asal: Maging matatag na Kristyano upang maipalaganap, maisabuhay at maipagtanggol ang ating pananampalataya.
Dasal: Ang 7 Sakramento ng Simbahan ay mga natatanging tanda na itinatag ni Jesus upang maging daluyan ng mga biyaya. (1) Sakramento ng Pag-anib, Binyag, Eukaristiya, Kumpil; (2) Sakramento ng Pakikipagkasundo: Kumpisal, Pagpapahid ng Langis; (3) Sakramento ng Bokasyon: Kasal, Banal na Orden.
BALIK-ARAL: Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa mga Sakramento bilang tanda ng grasya ng Diyos. Ang sakramento ay nakikitang tanda ng hindi- nakikitang grasya ng Diyos na itinatag ni Hesukristo ipinagkakaloob ng Simbahan upang patatagin ang at pananampalataya ng tao.
PAGBASA: Mateo 28:19-20
Si Pablo sa Efeso
1 Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang iba't ibang dako ng lalawigan hanggang sa siya'y makarating sa Efeso. May natagpuan siya roon na ilang alagad 2 at sila'y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo'y sumampalataya?”
“Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila.
3 “Kung gayon, anong uri ng bautismo ang tinanggap ninyo?” tanong niya.
“Bautismo ni Juan,” tugon nila.
4 Kaya't sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga nagsisi at tumalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya sa mga Israelita na sila'y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.”
5 Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ sa kanila ang Espiritu Santo at sila'y nagsalita ng iba't ibang wika at nagpahayag ng mensahe mula sa Diyos.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Kumpil ay isa sa mga Tatlong Sakramento ng Inisasvon Pagtanggap sa Simbahan. Ang Kumpil ay Sakramento na nagpapalakas ng biyayang tinanggap sa Sakramento ng BInyag. Sa biyaya ng Espiritu ang kinumpilan ay nagkakaroon ng lakas ng loob na manindigan at maging buhay na saksi ni Kristo sa mundong kanyang ginagalawan. Ipinagkakaloob din ang panghabang buhay na tatak (character) sa kinumpilan tanda na siya ay ganap nang biniyayaan ng Diyos upang kanyang maging saksi at kawal na handang magtanggol at magsabuhay ng pananampalataya.
Sa pamamagitan ng Kumpil, higit na ganap na nabubuklod ang nananamplataya sa Simbahan at pinagkakalooban ng di-karaniwang lakas ng Espiritu Santo. Kaya't bilang na tunay na mga saksi kay Kristo, lalo pang mahigpit silang nararapat na ipalaganap ang pananampalataya sa salita at gawa. (KIK 1285
Mahalaga ang Sakramento ng Kumpil sapagkat ito ay Pumupuno sa biyayang kaloob ng Binyag. Ito ang dahilar kung bakit ito ay iginagawad lamang sa taong nasa wastons gulang upang ang tumatanggap nito_ ay mayroon nang sapat na kamalayan at pang-unawa sa pananampalataya na kanya nang higit na isasabuhay at paninindigan. Hind: madali ang magpatotoo sa pananampalataya kay Kristo kung kaya't hinihing natin ang gabay at lakas ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang maisagawa ito. Ito naman ang ipinagkakaloob ng Sakramento ng Kumpil, kung kaya't ang kinumpilan ay tinatawag din na mga sundalo ni Kristo
Tinatanggap ng kinumpilan ang 7 kaloob ng Espiritu Santo:
◦ Kaalaman - kakayahan upang matuklasan ang mga katotohanan ng makamundo at espiritwal na mundo at maisaysav ito sa lumikha
* Kaunawaan -kakayahan upang maintindihan ang mga katotohanan ng pananampalataya ng madali at maayos. • Karunungan - kakayahan upang malaman ang tama at mali at ayusin ang lahat ayon sa kalooban ng Diyos.
* Kahatulan - kakayahan upang malaman ng maayos at kaagad ang kalooban ng Diyos sa iba't-ibang sitwasyon ng buhay.
* Lakas - kakayahan upang magtiyaga sa pagsunod sa kalooban ng Divos sa mga oras ng kahirapan
* Kabanalan - kakayahan upang sambahin ang Diyos ng buong puso at mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal sa ating sarili. Ang totoong pagsamba sa Diyos ay naipapakita sa totoong pagmamahal sa kanyang mga anak,
* Banal na pagkatakot sa Diyos - kakayahan upang matakot na maari nating saktan ang Diyos. Ang takot ay hindi pagkasindak kundi ang pagsamba at paggalang sa maka-amang pag-ibig ng Diyos.
Ang karaniwang nagdiriwang ng Sakramento ng Kumpi. ay ang Obispo, ang pastol at Ama ng isang Diyosesis,
Ang Kumpil ay iginagawad sa pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng Banal na Krisma. Ang pagpapatong ng kamay ay kumakatawan sa pagdating ng Espiritu Santo. Ito ay ayon sa halimbawa ng mga alagad At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo (Gawa 8:17)
Ang Banal na Krisma ay langis mula sa olibo na hinaluan ng pabango. Sa pamamagitan ng Banal na Krisma, tayo ay pinapagkaisa sa pagkahari pagkapari at pagkapropeta ni Kristo. Ang pagpapahid ng langis ay nagbibigay-diin sa pangalang Kristo at Kristyano, na nangangahulugang "pinahiran ng langis
Makapropetang Ministeryo ay nangangahulugan na ang bawat kristyano ay dapat magpahayag ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng salita at gawa
Makaharing Ministeryo ay nagpapahayag ng ating pakikipag-isa sa kaharian ng Diyos at ng ating kapangyarihan laban sa pagkalat ng kasalanan at kamatayan.
Makaparing Ministeryo ay nangangahulugan na dapat tayong manalangin lagi sa Diyos at ialay ang ating buhay sa kanya kaisa ni Kristo,.
Ang anyo ng Kumpil ay ang panalangin na binibigkas ng Obispo upang maibigay ang Sakramento. Matapos ang pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng krisma sa noo ng kukumpilan sa pamamagitan ng hinlalaki sa pa-krus na paraan, sinasabi ng Obispo: "Tanggapin mo ang tatak na kaloob ng Espiritu Santo.
Ayon Sa tradisyon, matapos ang Pagpapahid ng langis at pagpapatong ng kamay, sinasampal nang marahan ng katapangan. Dahil nakumpilan na ang isang kristyano, siya Obispo ang pisngi ng kukumpilan bilang sagisag ng ay isa ng sundalo ni Kristo at dapat niyang ipaglaban nang buong tapang ang paghahari ng Diyos.
PANUTO:
Mayroon magpartner. Ang isa ay naka piring ang mata at ang isa naman ay guide. Ang guide ang magbibigay ng direksyon sa pamamagitan ng salita lamang upang marating ang finish line.
Tanong para sa naka piring ang mata: Ano ang naramdaman mo?
Bakit ka nakinig sa iyong guide? Paano ka nakarating sa finish line? loob ng puso ang mga magagandang katangian na mayroon ka. Sa labas nito, isulat ang mga hindi magagandang katangian o kasalanan na nagpaparumi o nagpapabigat sa iyo.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Pagtitiwala: Naroroon ang pag-asa na gagabayan tayo ng Espiritu Santo sa ating buhay pananampalataya. Pagsunod: pagtalima sa ibinibigay na gabay ng Espirit.
PAGLALAHAT: Ang Kumpil ay isa sa 3 Sakramento ng Inisasyon Pagsapi sa Simbahang Katolika. Ang Sakramento ng Kumpil ang nagpapatibay at nagpapatatag ng biyaya ng Espiritu Santo na ating tinanggap sa Sakramento ng Binyag. Nagtataglay ito ng di-maalis na markang pang espiritwal. Tayo ay nagiging ganap na Kristyano at saksi ni Kristo sa salita at sa gawa. Sa Kumpi napapalalim ang ugnayan natin sa Diyos na ating Ama at nagpapatibay ng ating pakikipag-isa kay Kristo. Nagiging ganap ang ating pag-anib sa Simbahan at nagbibigay sa atir ng kakaibang lakas mula Sa Espiritu Santo upang maipalaganap, maisabuhay, at maipagtanggol ang ating pananampalataya.