Pambungad na Panalangin: J.O.Y.
Panginoong Hesus,
Salamat sa pagkakataong makapiling Ka ngayong araw. Sa aming paghinto sa pag-aaral, ipaalala Mo sa amin na kami ay Iyong Obra Maestra—mahalaga, natatangi, at nilikha ayon sa Iyong wangis.
Buksan Mo ang aming mga puso upang mahalin ang aming kapwa gaya ng pagmamahal Mo. Nais ka naming maging Pinakamatalik na Kaibigan; nawa’y maramdaman namin ang Iyong presensya sa bawat kwento at aktibidad na aming gagawin.
Espiritu Santo, gabayan Mo kami. Alisin ang aming mga alalahanin at punuin kami ng tunay na kagalakan para sa Iyo, para sa iba, at para sa aming sarili.
Sa ngalan ni Hesus,
Amen.
RECOLLECTION FOR GRADE SIX STUDENTS
PAKSA: JESUS, OTHERS, and YOU (JOY)
PART 1 - Overview of the Materials
Introduction
Ang paksang ito ay ginawa para sa mga mag-aaral na nasa ika-6 na baitang upang maipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa kanyang sarili, sa kapwa at higit sa lahat sa Diyos.
Kind of Material
Ito ay maikling rekoleksyon na tatagal ng 1-2 oras para sa mga mag-aaral na nasa ika-6 na baitang.
Audience
Ang paksang ito ay para sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ng ika-6 na baitang sa pampublikong paaralan.
Situation
Napakaraming pressure para sa Kabataan ngayon, higit sa kahit anong panahon. Kahit ang mga pinaka-confident na Kabataan ay hindi pa rin maaalis ang pagiging self-conscious, at ang makaramdam ng pagiging "iba" kaysa karamihan. Insecurities man o self-doubt, lahat ng mga pre-adolescents ay nag-aalala sa kung ano ang itsura niya, anong dapat ikilos para hindi pagtawanan, paano magdamit, at kahit pa mga choices pagdating sa musika o kung anu-ano pa. Para bang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila -iyan ang pakiramdam lagi ng mga nagbibinata o nagdadalaga.
Ang mga "tweens" na tinatawag ay iyong mga Kabataan na nasa "in-between" o gitna ng pagiging bata at pagiging teenager, o nasa gitna ng edad na 9 at 12 taong gulang. Hindi na bata, pero hindi pa rin matatawag na teenager, kaya't mas nakakalito pa lalo ang pakiramdam. Nariyan ang pakiramdam na walang buong tiwala sa sarili, palaging nagdududa kung kaya bang gawin ang isang bagay o hindi, palaging tinatanong kung maganda ba, o tatanggapin kaya ng mga kaibigan o kaklase, tama ba o mali ang ginagawa. Kung ano-ano pa ang gagawin makuha lang ang pinakamagandang damit, gamit, style ng buhok, para makuha ang papuri at approval ng nakakarami.
May mga pag-aaral na nagsasabing ang Kabataan ngayon, babae man o lalaki ay nagsisimulang mawalan ng tiwala at hindi nakukuntento sa sarili nila- kahit ano pa ang gawin.
Problem
Paano matutulungan ang mga mag-aaral na nasa ika-6 na baitang na mas higit nilang makilala ang kanilang sarili, ang kanilang kapwa-tao at ang Diyos.
Obiectives
DOKTRINA: Maunawaan ng mga bata na sila ay katangi-tangi sa paningin ng Diyos.
MORAL: Mapahalagahan ang mga tao sa kapalīgiran sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanila.
PAGSAMBA: Mapasalamatan ang Diyos sa biyaya ng buhay, kaibigan at pamilya sa pamamagitan ng pagtawag sa Kanya tuwina.
Things needed: * Bible * Laptop * LCD/Speaker * Christus vivit
Scope and Limitations
Ang module na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na nasa ika-6 na baitang sa pampublikong paaralan upang matulungan sila na matuklasan nila ang kanilang sarili, mga kakayahan at mapahalagahan nila ang kanyang kapwa at mas higit na makilala ang Diyos, Ito ay nahahati sa tatlong panayam. Una, Ugnayan ng Tao sa sarili, ikalawa, Ugnayan niya sa kanyang Kapwa at ang ikatlo ay ang Ugnayan ng Tao sa Diyos.
Methodology
Ito ay panayam tungkol sa pagtuklas at pagkilala sa kanyang sarili, sa kapwa at sa Diyos at inihanda sa pamamaraang ISDA (Introduction, Story, Doctrine and Application) na gamit din ang pag-uugnay o integration (Doctrine, Moral, and Worship). Gagamitin din ng mga Gawain (activity) upang mas lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang ugnayan sa ibang tao at sa Diyos.
Ang mga sumusunod ay mga batayan na pinagkuhanan ng mga pakasang tinalakay:
Banal na Kasulatan:
Genesis 1:26-27 "Ikaw ay kalarawan at kawangis ng Diyos"
Efeso 6:1-3 "Igalang mo ang iyong ama at ina..."
Mark 12:30-31 "Ibigin mo ang Diyos ng buo mong lakas at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng • iyong sarili"
Juan 15:13-15 "Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng taong nag-alay ng kanyang sariling • buhay"
Turo ng Simbahan
Christus Vivit 151
151. Friendship is one of life’s gifts and a grace from God. Through our friends, the Lord refines us and leads us to maturity. Faithful friends, who stand at our side in times of difficulty, are also a reflection of the Lord’s love, his gentle and consoling presence in our lives. The experience of friendship teaches us to be open, understanding and caring towards others, to come out of our own comfortable isolation and to share our lives with others. For this reason, “there is nothing so precious as a faithful friend” (Sir 6:15).
OUTLINE:
I. INTRODUCTION/PANIMULA
A. Pambungad na Panalangin
B. Orentasyon (Orientation)
II. SUGGESTED ACTIVITY/PANIMULANG GAWAIN
A. Opening Song: Welcome to the Family
III. DOCTRINE/DOKTRINA
A. Unang Paksa: Ang aking ugnayan sa aking Sarili
Pagbasa: Gen. 1:27-28 Likhain natin ang tao na kalarawan ko.....
B. Ikalawang Paksa: Ugnayan sa aking Kapwa
Pagbasa : Efeso 6:1-3 Igalang mo ang iyong ama at ina.....
Mark 12:30-31 Ibigin mo ang Diyos ng buo mong lakas at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
C. Ikatlong Paksa: Ugnayan sa Diyos
Pagbasa: Juan 15:13-15
IV. APPLICATION/ PAGSASABUHAY
Part II - Materials for grade six Students
I. Panimula/Introduction
Ang pakikipagkaibigan ay isa sa mga regalo ng buhay at isang biyaya na galing sa Diyos. Sa pamamagitan ng ating mga kaibigan, hinuhubog tayo ng Panginoon at inaakay tungo sa ganap na paglago. Ang tapat na kaibigang Karamay natin sa dusa ay sumasalamin sa pagmamahal ng Panginoon, sa kanyang banayad na presensyang nagpapagaan sa ating buhay. Ang karanasan ng pakikipagkaibigan ay nagtuturo sa atin upang maging bukas, maunawain at maalalahanin sa iba, "walang katumbas ang isang tapat na kaibigan". (cf Christus vivit 151)
A. Opening Song
WELCOME TO THE FAMILY
Welcome to the family, we're glad that you have come
To share your life with us, as we grow in love
And may we always be to you, what God has always be
A family always there, to be strong and to lean on.
May we learn to love each other, more in each new day
May words of love be in our lips, in everything we say
May the spirit melt our hearts and teach us how to pray
That we might be, a true family
B. Orientation
Isang magandang pagkakataon ang tinanggap natin sa araw na ito sapagkat magkakaroon tayo ng "recollection". Ano nga aba ito? Ano nga ba ang ginagawa sa loob ng rekoleksyon? Bago ko simulan ang pagbabahagi ay hayaan ninyo muna na bigyan ko kayo ng maikling oryentasyon sa magiging daloy ng ating talakayan. Unawain muna natin ang salitang "RECOLLECTION"
Ito ay may dalawang salita >>>> RE at COLLECTION
(prefix)
RE>>>>>>>>muli again
RE -membering
RE -call - paggunita sa mga karanasan at pangyayari sa ating buhay
(suffix)
COLLECT ->>>>titipunin ang ANO? Ang mga karanasan
ION ->>>>aksyon
Ito ang panahon ng pagtitipon ng ating mga karanasan sa ating buhay.
Upang magawa natin ito, kailangang maging aware tayo lalo na kapag may magsasalita. Mahalaga ang presensya, maging bukas at katahimikan sa panahon ng rekoleksyon.
TATLONG PAMAMARAAN SA PAGDARAOS NG RECOLLECTION
STOP
S- ilence (proper time); Sacred silence (Banal na katahimikan)
T- ime
O- penness
P- rayer
LOOK
>>>>Diyos
>>>> Sarili
LISTEN
>>>Diyos
>>>Sarili
>>>Others (Kapwa)
Mahalaga ang katahimikan sa gagawin nating Recollection sapagkat ito ay isang pagkakataon upang kausapin natin ang ating sarili at ang Diyos. Buong panahon ng inyong pag-aaral ay napapagitnaan kayo ng ingay at gulo ng kapaligiran. Araw-araw din ay naka-pokus lamang kayo sa mga bagay na hindi naghahatid sa inyo sa pananahimik tulad ng social media, mga barkada. Kaya nga sa araw na ito ay isasantabi muna natin ang mga bagay na iyon at ilalaan natin ang mga oras na ito sa ating gagawing Recollection.
II. GAWAIN/SUGGESTED ACTIVITY (Bahagi ng PART 1 - UGNAYAN SA SARILI)
Activity 1: What are my qualities?
A. Pamamaraan
i. Ang bawat isa sa inyo ay kukuha ng papel at ballpen upang isulat ang inyong pangalan (maaaring nickname or buong pangalan)
ii. Matapos ninyong maisulat ang inyong mga pangalan sa papel ay lalagyan Ninyo ang bawat letra ng inyong katangiang tinataglay. (hal. ANA)
a. A -adorable
b. N - naughty
c. A -active
iii. Ano ang inyong naramdaman habang ginagawa Ninyo ang ating activity? Bakit?
B. Pagpapalalim
Ang inyong ginawang activity ay isang paraan upang matulungan ang bawat isa sa inyo na mas makilala ninyo pa ang inyong mga sarili pati ang inyong kapwa-tao. Ang ginawa ninyo ay hindi simpleng pagsulat lamang ng inyong mga pangalan kundi layunin nito na matuklasan at mapahalagahan ninyo ang mga katangian na inyong tinataglay. Alamin natin ang dalawang uri ng sarili.
2 TYPES OF SELF (2 URI NG SARILI)
Peripheral Self (Panlabas) - ito ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita ng ibang tao sa atin. Minsan may nakikita silang maganda at minsan ay may nakikita silang mga kapintasan sa atin Ngunit mas madalas ay mga panlabas na kaanyuan lamang natin ang nakikita nila.
Core Self (Panioob/True Self) - mga bagay na mayroon tayo ngunit hindi nakikita ng ibang tao Tayo lamang ang nakakaalam nito sapagkat ito iyong nasa kalooban natin. Ang kalooban natin na tayo lamang ang nakakadiskubre at makakapagpahayag.
Talagang mahirap malaman kung "SINO KA". Kailangan tumigil kayo sandali, manahimik, kalimutan ang lahat ng gulo sa mundo upang magkaroon kayo ng mas malaking espasyo at panahon upang kilalanin pa ang inyong sarili. Mayroon tayong 3 tanong na makakatulong upang malaman natin kung sino nga ba tayo.
Ano ang iniisip ko tungkol sa akin?
Ano ang iniisip ng ibang tao sa akin?
Sino nga ba ako sa harapan ng Diyos?
Mayroong dalawang psychologists, sina Joseph Luft and Harrington Ingham na gumawa ng isang pamamaraan na kung saan ipinaliliwanag dito ang apat na sarili at ito ay tinatawag na JOHARIS WINDOW (1955)
Ang Johari ay mula sa pinagsamanag pangalan ng dalawang psychologist na ito Joe at Harry,
JOHARIS WINDOW
ALAM MO, ALAM NG IBA (Open self)
ALAM MO, HINDI ALAM NG IBA (Blind Self)
HINDI MO ALAM, ALAM NG IBA (Hidden Self)
DIYOS LANG ANG NAKAKAALAM (Unknown Self)
III. DOKTRINA
Key point # 1: Sino Ako?
A. Pagbasa ng Salita ng Diyos
Gen 1:27-28 Likhain natin ang tao na kalarawan natin ...
B. Song Analysis
Sino Ako? or Who am I?
C. Pagpapalalim
Mahalaga na makilala natin ang ating SARILI. Sino nga ba ako? Kilala ng ba Ninyo ang SARILI mo bilang TAO? Unawain natin ngayon ang kahulugan ng pagiging TAO,
T -templo ng Espiritu Santo
A -anak ng Diyos- tayo ay may dangal
O -obra Maestra (special na gawa ng Diyos)
TEMPLO NG ESPIRITU SANTO
Ang templo ay katulad ng Simbahan, isang banal na lugar, isang sagradong lugar kung saan ito ay • nagiging tagpuan ng Diyos at ng tao. Ang Espiritu Santo naman ay ang biyayang nagpapabanal sa tao. Ito ay nagtataglay ng mga bunga at kaloob sa tao upang matulungan at magabayan ang mga tao tungo sa landas ng kabanalan. Kaya naman tayo, bilang tao na nilikha ng Diyos ay kailangan panatilihin nating malinis lagi ang ating pagkatao sapagkat nananahan sa atin ang Espiritu Santo.
ANAK NG DIYOS
Bilang Anak ng Diyos (sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag), tayo ay nilikhang may dangal. Tayo ay nilikhang kalarawan at kawangis ng Diyos. Bagamat noong tayo ay isinilang, taglay natin ang minanang kasalanan mula sa ating unang magulang (Adan at Eba), ibinalik ng Diyos sa atin ang karangalan bilang Kanyang anak sa pamamagitan ng pag-aalis ng ating kasalanan noong tayo ay bininyagan.
OBRA MAESTRA
Ang kahulugan ng Obra Maestra ay special o napakahalagang gawa ng Diyos. Ang tao ay binigyan ng Diyos ng KALULUWA at KATAWAN, KALAYAAN at KAISIPAN. Pinagkalooban Niya ng mga ito ang tao upang gamitin sa paglilingkod at upang mahalin ng Diyos at ang kapwa-tao,
At sa ating pagiging kalarawan, kawangis at unique o katangi-tangi, tayo ay pinagkalooban o binigyan ng Diyos ng puso at damdamin upang matutong gumawa ng mabuti
🙂↘️ ISIP - Binigyan tayo ng Diyos upang malaman natin kung ano ang tama at mali, Magkaroon tayo ng pagkaunawa sa mga bagay na dapat nating gawin at mga kailangang iwasan
♥️↘️ PUSO/DAMDAMIN- Ipinagkaloob ito sa atin upang maramdaman natin ang pangangailangan ng ating kapwa; sa pamamagitan ng puso at damdamin naipadarama natin ang ating pagmamahal sa ibang tao at nararamdaman din natin ang kanilang pagmamahal.
Gamitin natin ang ating puso at damdamin na ibinigay sa atin upang gumawa ng kabutihan. Sa paggawa natin ng kabutihan, maipapakita natin ang tunay nating pagkatao at nakasusunod tayo sa nais ng Diyos na maging mabuti at lumaking masunurin sa Kanya.
Keypoint #2: Ugnayan sa aking kapwa
A. Pagbasa ng Ebanghelyo:
"Ibigin mo ang Panginoong Diyos ng buo mong lakas at Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili" -Mark 12:30-31
"Igalang mo ang iyong ama at ina.." -Efeso 6:1-3
B. Gawain : Awitin - SANA (by Kristina Paner)
C. Pagpapalalim
Ngayong nakilala na ninyo ang inyong sarili, kilalanin naman natin ang ibang tao na katulad natin ay nilikha din ng Diyos bilang Kanyang mga kalarawan at kawangis. Sila ang tinatawag nating OTHERS (KAPWA).
May kasabihan tayo, "NO MAN IS AN ISLAND" na ang kahulugan ay , "WALANG SINOMAN ANG NABUBUHAY NA NAG-IISA". Sa buhay ng isang tao, hindi tayo pwedeng mabuhay ng mag -isa, Kailangan natin ang ating kapwa at may pananagutan tayo sa ating kapwa. Narinig na ba ninyo ang awiting PANANAGUTAN?
* Iparinig ang awit.
Kung tayo ay tatanungin, kilala ba Ninyo ang inyong kapwa? Sino ba ang inyong kapwa? • (Maaaaring kuhanin ang sagot ng ilang mag-aaral at lagumin). Sino ang una nating kapwa na dapat nating bahaginan ng ating pagmamahal?
Sa ating pakikipag-kapwa-tao mayroong tatlong antas na dapat sundan upang makapaglingkod sa kapwa ng ganap. Hindi natin magagawang mahalin at matanggap ang ating kapwa hanggat hindi pa natin sila nakikilala. Ito ay nangangailangan ng proseso. Ito ay tinatawag na "COMMUNICATION LADDER".
PAGTITIWALA
Kaganapan ng pagiging tao
Isinasabuhay ng tao ang aral ng Diyos (turo ni Hesus)
Magandang ugnayan sa kapwa (magulang, kapatid, kapit-bahay)
PAGTANGGAP
Kahinaan (kapintasan)
Kalakasan (kabutihan)
PAGKILALA
pangalan
Sa ebanghelyo ayon kay San Marcos, ipinauunawa sa inyong lahat ang utos ng ating Panginoong Hesus na mahalin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal Ninyo sa iyong sarili. Alam ng Diyos na hindi kayang mabuhay ng isang tao kung wala ang kanyang kapwa kung kaya't binigyan tayo ng Diyos ng kapwa tao upang sila ay kilalanin at mahalin. Paano nga ba natinmamahalin ang ating kapwa-tao? (Maaaring ikwento sandal ng tagapagsalita ang tungkol sa Talinghaga ng Mabuting Samaritano)
Gayundin naman, sinasabi sa Efeso 61-3 "Igalang mo ang iyong ama at ina..". Ang ating unang kapwa ay ang ating PAMILYA/FAMILY. Kung kaya't kailangan natin silang igalang at mahalin lalo't higit ang inyong mga magulang. Silang lahat ay nakamasid lamang sa atin at laging handang sumuporta. Ang inyong mga magulang ang patuloy na nagsisikap at ginagawa ang lahat mapabuti lamang ang inyong kalagayan at kinabukasan.
Keypoint #3: UGNAYAN sa Diyos
Matapos nating makilala ang ating sarili at ang ating kapwa, kilalanin naman natin ang dakilang tao na nagbigay ng Kanyang Sarili sa atin bilang KAIBIGAN.
Iparinig ang awit na KAIBIGAN
Tanong :Sino nga ba ang inyong kaibigan/ano ang katangian ng inyong kaibigan?
Mabait
Laging kasama
Mapagkakatiwalaan
Tapat
A. Pagbasa: Juan 15:13-15
B. Pagpapalalim
Isa sa pinaka popular na teksto sa Biblia tungkol sa pakikipagkaibigan kay Hesus ay matatagpuan natin sa Ebanghelyo ayon kay San Juan 15:13-15 na kung saan sinabi ni Hesus, "walang pag-ibig na hihigit pa sa isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kaibigan.." katulad ng mga katangian ng inyong kaibigan, si Jesus din ay nagtataglay ng magagandang katangian sapagkat Siya rin ay naging tao na katulad natin. Ang pagmamahal ni Hesus sa atin ay Kanyang ipinakita sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang buong buhay para sa atin. Pinatunayan Niya ito ng tinanggap Niya ang lahat ng hirap at kamatayan para sa atin.
Si Hesus ay Anak ng Diyos kaya kinikilala natin Siya bilang Diyos. Ngunit kahit Siya ay Diyos, si Hesus din ay tao. Katulad nating lahat, si Hesus ay ipinanganak din ng Mahal na Birheng Maria at dahil si Hesus ay tao, naranasan din Niya ang mga nararanasan ng pangkaraniwang tao na katulad natin.
PAGIGING TAO NI HESUS
Isinilang ng isang babae - Lukas 2:2-7
Umunlad sa karunungan at kinalugdan ng Diyos - Lukas 2:41-52
Nahabag sa mga tao - Mateo 14:13-14, Mateo 14:32-38
Naranasang magutom
Nauhaw
Tinukso - Mateo 4:1-11
Nagalit - Mateo 21:1-13
Bukod sa mga pisikal na naranasan ni Hesus bilang tao, Siya rin ay may iba't-ibang image na naglalarawan ng pagiging tao.
PAGIGING DIYOS NI HESUS
Walang pinagmulan at katapusan (Alpha at Omega)
Namatay at muling nabuhay - Maarcos 16:1-8
Nagpagaling ng may sakit - Mateo 8:1-17
Gumawa ng maraming himala
In reality, si Hesus is Someone who really wants to be your BESTFRIEND. Ito ang talagang nais ni Hesus, na tayo ay maging bestfriend Niya (BFF). Kaya napakaswerte natin dahil pinili tayo ni Hesus na maging kaibigan Niya. Pero siyempre, may kailangan tayong gawin upang manatililang pagiging BESTFRIEND natin kay Hesus.
Paano nga ba natin masasabi na kaibigan natin si Hesus? Bilang mag-aaral, ano ang dapat ninyong gawin upang mapanatili ang pagiging magkaibigan Ninyo ni Hesus?
Tayo ay kaibigan ni Hesus kung...
1. Nagbibigay tayo ng oras o panahon upang mapalapit sa Kanya.
Kailangan natin makipag-usap kay Hesus araw-araw upang lumalim ang ating ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin. Sabihin natin sa Kanya lahat ng nangyayari sa atin araw-araw
2, Makinig tayo sa Kanya ng buong puso.
Katulad ng ating pakikipagkaibigan sa ating kapwa, si Hesus bilang kaibigan ay marami, ring gusting sabihin sa atin. Kaya matuto tayong makinig sa Kanya lalo na kung tayo ay nagdarasal at nagsisimba.
3. Sumunod tayo kay Hesus
Si Hesus ay naging masunurin sa Diyos Ama kung kaya't mahal na mahal nila ang isa't-isa. Tayo rin bilang mga kaibigan ni Hesus ay dapat matutong sumunod sa Kanyang ninanais para sa atin. Sundin natin ang Kanyang mga utos upang lalo pa tayong mapalapit saKanya.
4. Maging malinis ang puso
Natutuwa si Hesus kapag ang Kanyang kaibigan ay may malinis na puso kaya panatilihin ninyong malinis ang inyong puso sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggaawa ng kasalanan.
5. Mahalin natin si Hesus
Si Hesus bilang kaibigan ay nag-alay ng buhay para sa ating lahat sapagkat mahal na mahal Niya tayo. Tayo rin ay tinatawagan na mahalin si Hesus ng buong puso.
Gawain natin : Video Clip-The giving tree (or ikwento)
Mga Pangunahing Tema at Pundasyon:
Walang Kondisyong Pagmamahal at Sakripisyo: Ang puno ay sumisimbolo sa isang taong mapagbigay at mapagmalasakit, na nagbibigay nang walang hinihintay na kapalit.
Ang mga Yugto ng Buhay: Inilalarawan ng kuwento ang pagbabago mula pagkabata (paglalaro) patungo sa pagtanda (kasakiman/pangangailangan).
Parabula ng Kapaligiran: Marami ang nagbibigay-kahulugan sa kuwento bilang isang komentaryo sa makasariling pagsasamantala ng sangkatauhan sa mga likas na yaman.
Kaligayahan sa Pagbibigay: Sa kabila ng kawalan ng maiiwan, nakasumpong ng kagalakan ang puno sa pagtulong sa bata, na nagmumungkahi na ang tunay na pag-ibig ay matatagpuan sa sakripisyo.
Mga Pangunahing Punto ng Plot:
Pagkabata: Ang batang lalaki ay naglalaro sa puno, kumakain ng mansanas at umuugoy mula sa mga sanga.
Kabataan: Ang batang lalaki ay kumukuha ng mga mansanas upang ibenta para sa pera.
Pagtanda: Pumuputol ang batang lalaki ng mga sanga upang gumawa ng bahay at ng puno ng kahoy upang gumawa ng bangka.
Katandaan: Ang batang lalaki ay bumalik bilang isang pagod na matandang lalaki, at inialay ng puno ang tuod nito upang siya ay makapagpahinga.
Point of Stress: Ganyan ang pag-ibig ni Hesus sa ating lahat, handa niyang ibigay ang lahat para sa Kanyang minamahal. At sino ba ang Kanyang minamahal? Walang iba, kundi tayong lahat! Ang ating mga magulang ay katulad din ni Hesus kung magmahal. Ginagawa rin nila ang lahat upang maibigay ang ating mga pangangailangan. Kahit sila ay mawalan, ang mahalaga ay maibigay ang inyong mga kailangan.
IV. PAGSASABUHAY
Napakabuti sa atin ng Diyos sapagkat hindi lamang Niya tayo nilikha kundi ibinigay pa Niya ang lahat ng pangangailangan natin habang tayo ay nabubuhay. Bukod sa pagiging kalarawan at kawangis Niya, binigyan pa tayo ng mga kaibigan, mga magulang, mga kapatid na makakasama natin sa araw-araw. At higit sa lahat, binigay din ng Diyos sa atin ang Kanyang Anak na si Hesus upang maging Bestfriend din natin.
GAWAIN: (Bahagi ng PART 2 - UGNAYAN SA AKING KAPWA)
Video Clip: Ang sulat ni tatay at nanay sa anak
Letter writing: para sa magulang
Ipakita ang larawan ni Hesus na nakapako sa krus o kaya ay magadala ng crucifix. Bigyan ng ilang minuto ang mga bata at hayaang magnilay (background music).
Tanong: Habang pinagmamasdan ninyo ang crucifix (larawan ni Hesus), ano ang inyong naiisip at nararamdaman?
Horizontal sign; ang tao at kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa-tao
Vertical sign ; ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos
JESUS is our FRIEND too . our real friend. Dahil hindi ba ang kaibigan ay handang ibigay ang buhay sa kanyang kaibigan? Iyan ang ginawa ni Hesus para sa atin bilang Kanyang kaibigan at ginawa Niya ito, tinubos Nya tayong lahat sa ating mga kasalanan. Para kay Hesus,
FRIENDSHIP is LOVE and LOVE is FRIENDSHIP.
Hamon:
Do you have Jesus as your friend?
JESUS is a TRUE FRIEND and wants you to be HIS FRIEND
Final Hymn; Jesus my Friend