for Pre-Communicants
for Pre-Communicants
Title Page
Mensahe mula sa Obispo
Panimulang Pananalita
DAGLAT
CIC - Codex Iuris Canonici, 1983 Code of Canon Law
GIRM - General Instruction of the Roman Missal
GS - Gaudium et Spes (Ikalawang Konsilyo sa Vaticano)
KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika
KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
LG- Lumen Gentium (kalawang Konsilyo sa Vaticano
PCP II - Second Plenary Council of the Philippines (1991)
ND - Neuner-Dupuis: The Christian Faith in the Doctrinal Documents of the Catholic Church
MENSAHE
OBISPO NG DIYOSESIS NG MALOLOS
Pagbati ng kapayapaan!
Isang kongkretong tugon sa hamon ng Taong Pastoral 2026 na may temang Ebanghelisasyon Tungo sa Integridad ay ang summer catechism. Layunin ng programang ito ang pagtuturo sa mga bata upang hubugin ang kanilang kaalaman sa pagsasabuhay ng ating pananampalataya.
Ang katekesis ay ang ""mag-akay tungo sa pagkakaisa kay Cristo: Siya lang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama, kasama ng Espiritu Santo at magbabahagi sa atin ng buhay ng Santisima Trinidad." (Katesismo ng Iolesia Katolika 427). Sa tulong ng katekesis, ipinapanalangin natin na ang mga bata ng ating Diyosesis ay makilala ang Ama, na puspos ng "kabutihan at pagmamahal sa lahat niyang mga anak," (KIK 239) gayundin na ang mga batang binyagan ay mas lalong maging kawangis ni Kristo sa kanilang isip, salita at gawa. Umaasa rin tayo na sa gabay ng Banal na Espiritu, ang pananampalatayang apostoliko y magbubunga ng kabanalan at kabutihan sa buhay ng mga batang ating huhubugin at tuturuan.
Bilang mga nakatatanda at guro nila sa pananampalatayang Katoliko, marapat lamang na bigyang-pansin natin ang kanilang paghubog at paglago sa pananampalataya, nang sa gayon ay mas lalong magningning sa kanilang mga sarili ang "bagong buhay kay Kristo' (KIK 1277) na kinamtan nila sa Binyag at pinatatatag ng biyaya ng iba pang mga sakramento.
Pinasasalamatan natin ang Pandiyosesis na Sentro ng Katekesis (PASKA), sa pangunguna ng kanilang direktor na si Reb. P. Enrico C. Crisostomo, sa kanilang pagsusumikap upang mailimbag ang mga aklat na ito na mga naglalaman ng mga araling pampananampalataya, Ipinaaabot din natin ang ating pagtanaw ng utang na loob sa mga kaparian ng ating Diyosesis, na siyang ating mga kamanggagawa sa pagtuturo at paggabay sa Simbahan, ang Bayan ng Diyos, ang Katawan ng ating Panginoong Hesukristo, ang Templo ng Espiritu Santo.
Sa tulong ng mga panalangin ni Maria, ang Inmaculada Concepcion, dalangin natin ang pagyabong ng buhay- pananampalataya rito sa ating Diyosesis, sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsusumikap na ituro sa mga bata ang mga atas ng ating Panginoong Hesukristo.
<signed>
+Dennis C. Villarojo, DD
Obispo
Diyosesis ng Malolos
PAUNANG SALITA
Direktor ng Pandiyosesis na Sentro ng Katekesis ng Diyosesis ng Malolos
Ang tema ng Taong Pastoral 2026 sa ating Diyosesis ng Malolos ay Evangelization towards Integrity o Ebanghelisasyon tungo sa Buhay na Tapat at may Dangal. Isa sa mga pangunahing programa ng Diyosesis ng Malolos para magkaroon ng katuparan ang layuning ito ay ang summer catechism o ang pagtuturo sa mga bata na may edad 7-12 sa buong buwan ng Mayo, ang buwan ng Mahal na Birhen.
Bakit mga bata ang tuon ng Diyosesis? Mahal ni Hesus ang mga bata. Ang wika Niyay: "Pabayaan ang mga bata at huwag silang hadlangan sa paglapit sa akin'" (Mateo 19:14). Ang isang tunay na disipulo O tagasunod sa Diyos ay ang puso dapat na katulad ng isang bata,". sapagkat sa mga gaya nila nauukol ang kaharian ng Diyos." (Marcos 10:14)
Ang nilalaman at layunin ng mga malilit na libro o module ay ipinakikita ng dalawang pabalat ng Module A for Pre-Communicants at Module B for Post-Communicants.
Ang pabalat ay may larawan ng isang ina. Ang ina ay simbolo ng Simbahan na nagluluwal, nangangalaga at nagtuturo sa mga bata. Ito rin ay simbolo ni Maria bilang Ina ng Simbahan na nag-aalaga at nagtuturo sa kanyang mga anak, Mapapansin din na may litrato ng bata o mga bata (Module B). Ito ay naglalarawan sa mga Kristiyano na mga anak ng Diyos na nakikinig at tinuturuan ng Inang Simbahan. Makikita na ang bata ay masaya at akay-akay ng ina. Ang layunin ng Ebanghelyo ay ang kagalakan ng pagiging anak ng Diyos. Ayon sa yumaong Papa Francisco, "ang kagalakan ng Ebanghelyo ay pumupuno sa mga puso at buhay ng mga nakadaupang-palad si Hesus" (Evangelii Gaudium 1) Ang mga nilalaman ng unang libro ay ang mga pangunahing panalangin. Kasama rin dito ang pagkilala Sa Diyos bilang Ama na nagsugo ng Kanyang Bugtong na Anak at ng Espiritu Santo. Ang layunin ay matanggap ng mga bata si Hesus bilang kapatid sa pamamagitan ng unang pakikinabang Kapansin-pansin din sa pabalat (Module B) ang larawan ng isang pamilya. Sinisimbolo nito ang pamilya bilang isang malit na Simbahan. Nilalaman ng maliit na librong ito na
ang Simbahan ay Katawan ni Kristo at Templo ng Espiritu Santo. Tinatalakay rin dito ang mga sakramento O tanda na buhay na nagbibigay-biyaya sa Simbahan. At sa huli ay makikita sa librong ito ang mga utos ng Diyos at ang mga espirituwal o korporal na gawa ng awa ng Simbahan
Hindi magkakaroon ng katuparan ang gawaing ito ng pagbabalangkas ng module kundi dahil sa mga sumusunod: ang mga mag-aaral ng Pastoral Theology, ang Configuration Stage IV, Class of Saint Joseph of Cupertino , gayundin ang mga Configuration Stage I, Class of Saint Joseph, Foster Father of Jesus ng Immaculate Conception Major Seminary - Graduate School of Theology, sa mga Religious Catechists of Mary (RCM) sisters, sa mga katekista ng Diyosesis ng Malolos na nagbigay ng kanilang mga kontribusyon, kay Mr. Michael S. Yanga na tumulong na mag-edit sa mga module at kay Mr. Aris C. Bagtas sa kanyang mga likhang-sining na nagsilbing pabalat para sa mga aklat na ito.
<signed>
P. Enrico C. Crisostomo, SThD
Direktor-PASKA
Module A for Pre-Communicants (inihahanda sa pagtanggap ng Unang Pakikinabang): 7-8 taong gulang
UNANG LINGGO: MGA PANGUNAHING PANALANGIN
ARALIN 1: Ang Pag-aantanda ng Krus)
ARALIN 2: Ama Namin (Unang Bahagi)
ARALIN 3: Ama Namin (Ikalawang Bahagi)
ARALIN 4: Aba Ginoong Maria
ARALIN 5: Pagsisisi (Kumpisal)
IKALAWANG LINGGO: ANG DIYOS AMA BILANG MANLILIKHA
ARALIN 6: Paglikha ng Mundo
ARALIN 7: Ang Tao Bilang Kawangis at Kalarawan ng Diyos
ARALIN 8: Ang Tao bilang Tagapangalaga ng mga Nilikha ng Diyos (Gen 1:26)
ARALIN 9: Ang Pamilya bilang Regalo ng Diyos
ARALIN 10: Tayo ay Magkakapatid kay Kristo
IKATLONG LINGGO: SI KRISTO NA AKING KAPATID
ARALIN 11: Ang Pagkakatawang-Tao ni Hesus
ARALIN 12: Si Hesus bilang Mabuting Kaibigan (Ang Buhay at Ministeryo ni Hesus)
ARALIN 13: Ang Espiritu Santo, ating Gabay, at ang Kanyang mga Biyaya
ARALIN 14: Si Hesus bilang Tinapay ng Buhay at ang Kanyang mga Presensiya
ARALIN 15: Mga Kilos at Asal sa Banal na Misa at Pangungumpisal.
IKAAPAT NA LINGGO: ANG MGA UTOS NG DIYOS
ARALIN 16: Ikalawang Utos ng Diyos
ARALIN 17: Ang Ikatlong Utos ng Diyos
ARALIN 18: Ang Ikaapat na Utos ng Diyos
ARALIN 19: Ika-Pito at Ika-Sampung utos
ARALIN 20: Ikawalong Utos
for Post-Communicants
Title Page
Mensahe mula sa Obispo
Panimulang Pananalita
DAGLAT
CIC - Codex Iuris Canonici, 1983 Code of Canon Law
GIRM - General Instruction of the Roman Missal
GS - Gaudium et Spes (Ikalawang Konsilyo sa Vaticano)
KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika
KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
LG- Lumen Gentium (kalawang Konsilyo sa Vaticano
PCP II - Second Plenary Council of the Philippines (1991)
ND - Neuner-Dupuis: The Christian Faith in the Doctrinal Documents of the Catholic Church
Module B for Post-Communicants (nakatanggap na ng Unang Pakikinabang): 9-12 taong gulang
UNANG LINGGO: ANG SIMBAHAN
ARALIN 1: Ang Simbahan bilang Bayan ng Diyos-Ang Simbahan sa Lumang Tipan
ARALIN 2: Ang Simbahan bilang Katawan ni Kristo. Ang Simbahan sa Bagong Tipan
ARALIN 3: Ang Simbahan sa Kasalukuyang Panahon: Ang Simbahan bilang Templo ng Espiritu Santo
ARALIN 4: Ang Misyon ng Simbahan: Propeta, Pari, at Hari
ARALIN 5: Mga Paglilingkod sa Simbahan
IKALAWANG LINGGO: ANG MGA SAKRAMENTO NG SIMBHAN
ARALIN 6: Ang Sakramento bilang Tanda ng Grasya ng Diyos (Sacrament in General)
ARALIN 7: Ang Sakramento ng Binyag Bilang Pintuan ng Ibang mga Sakramento
ARALIN 8: Sakramento ng Kumpil: Pagpapatatag ng Kristiyano.
ARALIN 9: Ang mga Sakramento ng Kagalingan: Sakramento ng Pakikipagkasundo at Pagpapahid ng Langis
ARALIN 10: Ang Mga Sakramento ng Paglilingkod, Pag-iisang-dibdib at Pagpapari
IKATLONG LINGGO: ANG EUKARISTIYA
ARALIN 11: Ang Banal na Eukaristiya bilang Pinakamataas na Uri ng Panalangin
ARALIN 12: Ang Liturhiya ng Salita
ARALIN 13: Ang Liturhiya ng Eukaristiya
ARALIN 14: Mga Paghahanda bago dumalo sa Banal na Eukaristiya.
ARALIN 15: Tugon at Kilos sa Banal na Eukaristiya
IKAAPAT NA LINGGO: ANG BUHAY KRISTIYANO
ARALIN 16: Ang mga Korporal na Gawa ng Awa (Unang Bahagi)
ARALIN 17: Ang mga Korporal na Gawa ng Awa (Ikalawang Bahagi)
ARALIN 18: Ang Mga Espirituwal na Gawa ng Awa (Unang Bahagi)
ARALIN 19: Ang mga Espirituwal na Gawa ng Awa (Ikalawang Bahagi)
ARALIN 20: Ang mga Espirituwal na Gawa ng Awa (Ikatlong Bahagi)
ANG BAWAT MODULE AY NAGTATAGLAY NG 20 ARALIN NA MAY KANYA-KANYANG TEMA. ANG BAWAT ARALIN AY MAY MGA "BULLET POINTS" KATULAD NG MAKIKITA SA IBABA:
PAKSA
PANIMULA
LAYUNIN (Aral-Asal-Dasal)
BALIK-ARAL
PAGBASA
PAHAYAG KRISTIYANO
PANUTO
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN
PAGLALAHAT