“… ang pagiging katekista ay isang bokasyon ng paglilingkod sa simbahan; kung ano ang tinanggap bilang kaloob mula sa Diyos ay dapat na maibahagi natin sa iba... ” -Pope Francis
Amang makapangyarihan, kami’y dumadalangin sa iyo. Nawa’y pagpalain at pakabanalin mo kaming inyong mga Katekista, sa daigdig na iyo na magulo at madilim, kami’y hinirang mo upang maging tagapagpahayag ng iyong salita.
Panginoong Jesus, gawin mong kami’y maging Kaisa mong lagi sapagkat kami ay sa iyo. Nawa’y magmula sa iyong pagkamatay at muling pagkabuhay ang aming tunay na pagmamalasakit para sa kaligtasan ng lahat.
Halina Espiritung Banal, liwanag at aming gabay, madama nawa namin ang iyong pananatili at gawin mo kaming Tagapaghatid ng iyong pagmamahal kung saan nagkukulang ito.
O Maria, Ina, at huwaran naming mga Katekista, tulungan mo kaming maging tapat na tulad mo, nawa’y itanim namin sa aming mga puso ang Salita ng Diyos at mamuhay ayon sa aming pananampalataya.
San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, ipanalangin ninyo kaming mga Katekista. Amen.