KATEKESIS LESSON PLAN GRADES 1 - 12

KATEKESIS SA UNANG BAITANG (G-1)

✅ Makilala si Diyos bilang Amang lumikha ng lahat.

✅ Makapagbigay ng halimbawa ng nilikha ng Diyos.

✅ Maipakita ang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pag-aalaga sa nilikha.

KATEKESIS SA IKALAWANG BAITANG (G-2)

✅  Maipapaliwanag na ang panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos.

✅ Makikilala ang iba’t ibang uri ng panalangin (pasasalamat, paghingi, papuri).

✅ Makagagawa at makababanggit ng isang simpleng personal na panalangin.

KATEKESIS SA IKA-TATLONG BAITANG (G-3)

✅ Masabi kung ano ang Sakramento

✅ Matukoy ang Pitong Sakramento

✅ Maunawaan na ang Sakramento ay tanda ng pag-ibig ng Diyos

✅ Magpakita ng pananabik sa pagtanggap ng mga Sakramento

KATEKESIS SA IKA-APAT NA BAITANG (G-4)

✅ Maipaliwanag na ang Diyos ang may likha ng buhay na may kaayusan

✅ Makilala ang kaayusan bilang mahalagang bahagi ng plano ng Diyos

✅ Maipamalas ang pagpapahalaga sa kaayusan sa tahanan, paaralan, at simbahan

KATEKESIS SA IKA-LIMANG BAITANG (G-5)

✅ Maipaliwanag kung ano ang Sampung Utos ng Diyos at ang layunin nito.

✅ Maunawaan na ito ay gabay ng Diyos sa tamang pamumuhay.

✅ Maipakita ang pagpapahalaga sa mga utos sa araw-araw na kilos..

KATEKESIS SA IKA-ANIM NA BAITANG (G-6)

✅ Maipaliwanag na tayo ay nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang wangis at anyo.

✅ Makikilala ang dignidad ng bawat tao bilang anak ng Diyos.

✅ Maisasabuhay ang paggalang sa sarili at kapwa bilang mga anak ng Diyos.

KATEKESIS SA IKA-PITONG BAITANG (G-7)

LAYUNIN NG ORIENTATION MODULE SA KATEKESIS (HIGH SCHOOL)

✅ Maipaliwanag ang kahulugan ng katekesis at ang layunin nito sa kanilang buhay-pananampalataya

✅ Maunawaan ang papel ng kabataang Kristiyano sa Simbahan

✅ Mahikayat na makibahagi nang aktibo sa mga aralin at gawaing katekesis

✅ Maipakilala ang katekista bilang tagapagturo ng pananampalataya at buhay-simbahan


✅ Maipapaliwanag na ang tao ay nilikha ng Diyos nang may layunin at pagmamahal

✅ Maipapakita ang pagpapahalaga sa sariling buhay at sa buhay ng kapwa

✅ Maisasabuhay ang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang sa sarili at pagtulong sa kapwa

KATEKESIS SA IKA-WALONG BAITANG (G-8)

✅ Maipaliwanag kung bakit si Kristo ang tunay na gabay ng buhay Kristiyano.

✅ Maunawaan ang kahalagahan ng pagsunod sa halimbawa at turo ni Hesus.

✅ Makapagbahagi ng karanasan kung paano sila ginabayan ng Diyos.

✅ Maisabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pagkilos.

KATEKESIS SA IKA-SIYAM NA BAITANG (G-9)

✅ Maipaliwanag na ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos at may dignidad

✅ Maunawaan ang kahalagahan ng tao sa plano ng Diyos

✅ Maisabuhay ang paggalang sa sarili at sa kapwa

KATEKESIS SA IKA-SAMPUNG BAITANG (G-10)

LAYUNIN NG ORIENTATION MODULE SA KATEKESIS (HIGH SCHOOL)

✅ Maipaliwanag ang kahulugan ng katekesis at ang layunin nito sa kanilang buhay-pananampalataya

✅ Maunawaan ang papel ng kabataang Kristiyano sa Simbahan

✅ Mahikayat na makibahagi nang aktibo sa mga aralin at gawaing katekesis

✅ Maipakilala ang katekista bilang tagapagturo ng pananampalataya at buhay-simbahan


 ✅ Maiuugnay ang kalayaan sa kabutihan at pananagutan

 ✅ Mapagninilayan ang mga personal na desisyong kanilang ginagawa

 ✅ Maipaliliwanag kung bakit mahalagang gamitin ang kalayaan ayon sa kalooban ng Diyos

KATEKESIS SA GRADE 11 (SENIOR HIGH SCHOOL)

LAYUNIN NG ORIENTATION MODULE SA KATEKESIS (HIGH SCHOOL)

✅ Maunawaan ang layunin at kahalagahan ng katekesis

✅ Makilala ang tema ng taong ito: Sumasampalataya Ako

✅ Magsimula ng personal na ugnayan sa Diyos bilang paghahanda sa paglalakbay ng pananampalataya


✅ Maipaliwanag ang kahulugan ng pananampalataya bilang personal na pagtugon sa Diyos

✅ Makilala ang pananampalataya bilang kaloob ng Diyos at pasyang malaya ng tao

✅ Maipakita ang mga konkretong paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa araw-araw

KATEKESIS SA GRADE 12 (SENIOR HIGH SCHOOL)

➡ Layunin ng orientation: tulungan ang kabataan makita ang halaga ng pananampalataya bilang gabay sa mga hamon ng buhay kolehiyo.


✅ Maipaliwanag ang kahulugan ng pananampalatayang may paninindigan

✅ Makilala ang mga hamon sa pananampalataya sa buhay kolehiyo

✅ Makagawa ng personal na paninindigan bilang Kristiyanong kabataan