Binyag: Pintuan ng ibang Sakramento
Panimula: Ang Binyag ay di lang simpleng seremonya: ito ay pagsalubong sa bagong miyembro ng pamilya ng Diyos. At kagaya ng nakikita natin sa larawan, buong galak nating tinatanggap ang binibinyagan bilang kasapi ng Simbahan.
Ang Binyag ang unang hakbang sa ating buhay Kristiyano. Sa pamamagitan nito, tayo ay nalilinis sa kasalanang mana at nagiging anak ng Diyos?
LAYUNIN
Aral: Maunawaan na ang Binyag ay ang unang sakramento at pintuan tungo sa buhay Kristiyano. Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng Binyag sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa Simbahan Asal: Mahalin at pahalagahan ang sakramento ng Binyag bilang tanda ng pagiging anak ng Diyos.Maging mabuting halimbawa bilang binyagang Kristiyano sa pamilya, paaralan, at komunidad
Dasal: Taos-pusong pasalamatan si Jesus dahil sa kaloob ng Binyag na naglilinis sa ating kasalanan at nagbubukas ng pintuan ng Kanyang biyaya
BALIK-ARAL: Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang tungkol sa mga Sakramento bilang tanda ng grasya ng Diyos. Ang sakramento ay nakikitang tanda ng hindi- nakikitang grasya ng Diyos na itinatag ni Hesukristo ipinagkakaloob ng Simbahan upang patatagin ang at pananampalataya ng tao.
PAGBASA: Mateo 28:19-20
19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Binyag ay unang sakramento na tinatanggap ng isang Kristiyano. Sa pamamagitan ng binyag, tayo ay nililinis sa kasalanang mana na minana natin kina Adan at Eva Ipinapakita nito na tayo ay binibigyan ng bagong buhay at nagsisimulang mamuhay bilang tagasunod ni Hesus.
Sa binyag, ang isang tao ay: nagiging anak ng Diyos, nagiging kapatid ni Hesus, at tinatanggap ang Espiritu Santo sa kanyang buhay. Ito rin ang sakramento na nagpapasok sa atin sa Simbahan bilang isang pamilya ng mga mananampalataya. Dahil dito, tayo ay may pananagutang mamuhay ayon sa aral ng Divos- magmahal, magpatawad, at gumawa ng mabuti sa kapwa.
Tinatawag ang binyag na pintuan ng ibang sakramento sapagkat hindi maaaring tumanggap ng iba pang sakramento kung hindi muna nabibinyagan. Halimbawa tanging ang mga nabinyagan lamang ang maaaring tumanggap ng Kumpil, Eukaristiya, at iba pang sakramento.
Ang paggamit ng tubig sa binyag ay sagisag ng paglilinis at bagong buhay. Ipinapaalala nito na tulad ng tubig na nagbibigay-buhay, ang biyaya ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lakas upang mamuhay bilang tunay na Kristiyano.
Ang Binyag ay:
Pintuan ng mga Sakramento dahil dito tayo unang tumatanggap ng biyaya ng Diyos.
Pagpapalaya sa kasalanan, lalo na ang kasalanang mana.
Pagiging anak ng Diyos at kasapi ng Simbahan.
Pakikiisa sa kaligtasang dulot ng kamatayan ni Jesus.
Simula ng ating pananampalatayang Kristiyano.
PANUTO:
Sagutin sa inyong kuwaderno:
Ano ang ibig sabihin ng Binyag? Bakit tinatawag itong "pintuan ng mga sakramento"? Ano ang natatanggap natin sa araw ng ating binyag?
Gawain sa Pamilya:
Hanapin o tanungin sa iyong mga magulang ang larawan o kuwento ng iyong binyag. Ikuwento ito sa klase.
Please be careful with my Heart:
Isulat sa loob ng puso ang mga magagandang katangian na mayroon ka. Sa labas nito, isulat ang mga hindi magagandang katangian o kasalanan na nagpaparumi o nagpapabigat sa iyo.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Sa pamamagitan ng Binyag, tayo ay tinatawag ng Diyos na mamuhay nang may kabutihan, katapatan, at pagmamahal. Ipakita ito sa iyong araw-araw na gawa at salita bilang binyagang Kristiyano. Dahil sa Binyag, tayo ay nililinis mula sa kasalanang mana kung kaya't tayo ay nagiging mga bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao. tayo ay bago na. Sa pagpasok natin sa pintuan ng Sakramento ng Binyag, tayo ay inaasahan na mamuhay nang may kabanalan ayon sa gabay ng liwanag ng Salita ng Diyos.
PAGLALAHAT: Ang Binyag ay unang sakramento na nagbubukas sa atin sa buhay ng biyaya. Ito ang pintuan upang matanggap natin ang iba pang mga sakramento. Isa itong tanda ng pag-ibig ng Diyos at ng ating bagong pagkatao sa pananampalataya kay Kristo.