Ang Sakramento: Tanda ng Grasya
Panimula: Ano ang ipinapahayag sa atin ng mga larawan? Ang mga nasa larawan ay mga pangkaraniwan at araw-araw na ginagawa ng ating mga magulang o ng ating lolo at lola o sinuman ang kasama natin sa ating tahanan. Kung minsan hindi natin napapansin o napapahalagahan, ang kanilang ginagawa. Ang lahat ng ito, hindi man sila nagsasalita ay nagpapahayag ng kanilang pagsubaybay at pag-aaruga sa atin. Tanda ito ng kanilang pagmamahal at malasakit sa atin. Kung lalagyan natin ng simbolo (Ipakita ang ginupit na papel na pulang korteng puso) Maaari ba nating sabihing ito ang simbolo ng kanilang pamamaraan ng pagpapadama at pagpapahayag ng pagmamahal sa atin?
LAYUNIN
Aral: Makilala at maihanay ang Pitong Sakramento at maunawaan ang Pitong Sakramento bilang biyaya ng Diyos.
Asal: Hangaring matanggap ang mga Sakramento.
Dasal: Maging madasalin upang hingin ang tulong at biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng mga Sakramento.
BALIK-ARAL: Sa paanong paraan isinabuhay ng mga santo ang kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa?
PAGBASA: Marcos 15: 29-31. 32-37
29 Ininsulto siya ng mga nagdaraan at pailing-iling na sinabi, “O ano? Di ba ikaw ang gigiba sa Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? 30 Bumabâ ka sa krus at iligtas mo ngayon ang iyong sarili!” 31 Kinutya rin siya ng mga punong pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila sa isa't isa, “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi mailigtas ang sarili! 32 Makita lamang nating bumabâ sa krus ang Cristo na iyan na Hari daw ng Israel, maniniwala na tayo sa kanya!”
Nilait din siya ng mga nakapakong kasama niya.
Ang Pagkamatay ni Jesus
33 Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. 34 Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
35 Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!” 36 May tumakbo upang kumuha ng isang espongha; ito'y isinawsaw sa maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,” sabi niya.
37 Sumigaw nang malakas si Jesus at pagkatapos ay nalagutan ng hininga.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Bago pa maganap ang paghihirap, pagkamatay, muling Bago pa pagkabuhay at pag-akyat ni Jesus sa langit ay itinatag na Niva ang mga Sakramento kung saan patuloy nating makikita at matatanggap ang Kanyang pagmamahal so atin. Sa pamamagitan ng mga Sakramentong ito dadaloy ang Kanyang mga biyaya upang tulungan tayong maging mabubuting Kristiyano.,
Ang sakramento ay nangangahulugang "tanda/sagisag' signs). Ito ay mga ritwal na isinasagawa ng Simbahan ihatid ang biyaya ng Diyos sa mga upang mananampalataya. Ang mga sakramentong ito ay pagpapatuloy ng pagmamahal at gawang pagliligtas ni Jesus. Ang mga biyayang tinatanggap natin sa mga sakramentong ito ang tumutulong sa atin upang tayo ay maging mabubuting Kristiyano.
Ang Pitong Sakramento: Binyag, Kumpil, Kumpisal, Banal na Eukaristiya, Matrimonyo/Kasal, Banal na Orden. Pagpapahid ng Banal na Langis sa mga may Sakit.
Anu-ano ang mga biyayang ating tinatanggap sa mga Sakramentong ito?
Binyag-Tayo ay nalilinis mula sa kasalanang mana mula sa kasalanan ni Adan at Eba. Dito tayo ay nagiging mga Kristivano, at napapaampon bilang mga anak ng Diyos at kasapi ng Simbahang
Kumpil-Dito ay tinatanggap ng kinumpilan ang mga kaloob ng Espiritu Santo upang tulungan tayong maging matatag at mabuting Kristiyano.
Kumpisal-tinatanggap ang kapatawaran mula sa Diyos sa mga kasalanang buong kababaang loob at tunay na pinagsisihan.
Banal na Eukaristiya-hindi lamang natin naririnig ang Salita ng Diyos bagkus ay tinatanggap natin si Jesus sa anyong alak at tinapay. Ito ang nagpapalusog Sa ating kaluluwa.
Matrimonyo/Kasal-pinag-iisang dibdib ang isang babae at lalaking nagmamahalan sa tulong at biyaya ng Diyos.
Banal na Orden/Pagpapari-Ang pagtanggap ng isang nakatalagang lalaki ng grasya ng paglilingkod sa pamamaraan ng gawaing banal at pagbibigay ng mga sakramento.
Pagpapahid ng Banal na Langis sa mga may Sakit-Ang pagpapahid ng banal na langis sa mga sino mang may sakit at maging Sa mga nasa bingit ng kamatayan upang matanggap nila ang kagalingan mula sa Diyos.
PANUTO:
Ikuwento sa katabi ang naging karanasan noong tumanggap kayo sa kauna-unahang pagkakataon ng Sakramento ng Kumpisal at Eukaristiya.
Alin pa sa mga Sakramento ang nais mong matanggap: Bakit?
Tanungin sila kung ano ang ibinahagi ng kanilang katabi sa kanila
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Sa lahat ng mga biyayang ating tinanggap at mga tatanggapin pa mula sa Diyos sa pamamagitan ng Simbahan, mahalagang matutunan nating maging mapagpasalamat. Ito ay tanda ng pagiging isang mabuting Kristiyano.
Gayundin sa ating mga magulang, guro, at mga taong nag- aaruga at nagpapadama ng pagmamahal sa atin. Matuto tayong Palagiang mapagpasalamat sapagkat hindi lamang ito isang tama at mabuting pag-uugali, bagkus ito ay kalugod-lugod sa Diyos. Sapagkat ang taong mapagpasalamat ay lalong pinagpapala
PAGLALAHAT: Ang Pitong Sakramento ay itinatag ni Kristo upang tanggapin natin ang kaligtasan hatid ng Kanyang pagkamatay sa krus. Sa pamamagitan ng mga makahulugang pagkilos, salita, at mga bagay dumadaloy sa ating pagpapala nagmumula sa Diyos.