Mga Paglilingkod sa Simbahan
Panimula: Tulad sa mga komunidad na ating kinabibilangan ang ating simbahan ay nangangailangan din ng mga manggagawa o lingkod upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng simbahan, kahandaan sa pagdaraos ng pagpupuri, pasasalamat at pananalangin sa Diyos at upang maipagpatuloy ang marami pang gampanin o misyon ng Simbahan
LAYUNIN
Aral: Matukoy ang kahulugan at kahalagahan ng paglilingkod sa simbahan
Asal: Mapahalagahan ang mabuting naidudulot ng paglilingkod sa simbahan nang may pagkukusa, kababaang loob at taos sa puso,
Dasal: Matularan ang mga banal bilang huwaran ng bawat mananampalataya sa paglilingkod
BALIK-ARAL: Ano ang ikatlong utos ng Diyos? Kailan kayo huling nagsimba? Maliban sa pari at mga taong nagsisimba sinu-sino ang nakita ninyong naglilingkod?
PAGBASA: Mateo 20:1-16
Ang Talinghaga tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan
20 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak[a] sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking ubasan.’
4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking ubasan.’
8 “Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.’ 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ 13 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’”
16 At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ano nga ba ang paglilingkod Sa Simbahan? Paano ito isinasagawa?
Ang misyon ng Simbahan ay nagpasibol ng maraming ministeryo sa loob ng Simbahan. Ang ministeryo ay nangangahulugang paglilingkod at ang ministeryong maka-Kristiyano ay tumutukoy sa paglilingkod ng Bayan ng Diyos. Kasali rito ang anumang pampublikong gawain ng isang nabinyagang alagad ni Kristo na pinag-aalab ng grasya (Kaloob) ng Espiritu Santo at isinasagawa sa ngalan ng sambayanang Kristiyano at bilang paglilingkod sa Kaharian ng Diyos
Sa makatuwid ang katangian ng ministeryo ay ipinakikita sa:
Paggawa ng isang bagay para sa kaharian ng Diyos sa publiko sa ngalan ng sambayanang Kristiyano na pinalalakas a pamamagitan ng kaloob ng pananampalatayang tinanggap sa binyag o ordinasyon, at nakikita sa loob ng iba't-ibang gawaing pang ministeryo. Sa pinalawak na kahulugan ang ministeryo ay hindi tanging karapatan ng ilan kundi bokasyon ng lahat ng nabinyagan bilang mga Kristyano. (KPK 1420)
Ang ministeryo o paglilingkod sa Panginoon sa Kanyang Simbahan ay isang malaking karangalan bilang anak ng Diyos at pagkakataong maipakita o maipadama sa Kanya na tayo ay tumatalima, tumutugon at nakikiisa sa Kanyang layunin at pagmamahal
Maraming mga pamamaraan upang makilahok sa buhay parokya sa pamamagitan ng iba't ibang ministeryo, kabilang ang mga nministeryong liturhikal, tulad ng:
Koro, Lector at Commentator, Sakristan o Tagapaglingkod sa altar, Extraordinary Ministers of Holy Communion o Pambihirang Ministro ng Eukaristiya, mga ministeryo ng katarungang panlipunan: pagbisita sa mga homebound, paglilingkod sa mahihirap, pagboboluntaryo sa mga pantry ng pagkain , ministeryo ng Kabataan.
Tinatawag tayo ng Diyos na gamitin ang ating mga kaloob at talento para luwalhatiin Siya at gawing mas mabuti ang buhay para sa ibang tao.
Ang paglilingkod ay isang sining (art) at kasanayan (craft) Itoy napagbubuti, napapalago o nagagamay natin kung itoy ating pinaghahandaan, pinagsasanayan (practice) at pinagbubuti.
Ang Simbahan ay umaasa sa atin Hindi ka nandito dahil gusto mo o dahil wala kang magawa. Ikaw ay narito dahil tulad nila, ikaw ay personal na pinili at inanyayahan ng Diyos dahil ika'y mahal Niya, mahalaga ka sa Kanya at alam Niyang maasahan ka. Maasahan ka nga ba Niyang maglingkod?
PANUTO: Story Telling: Pakikinig sa Talambuhay ng isa o dalawang Santo/Santa: St. Carlo Acutis at St. Maria Goretti.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Ang kadakilaan ay hindi nakikita sa posisyon, sa dami ng sasakyan o naipong ari-arian. Hindi rin ito nasusukat sa dami ng kaibigan, reactions sa online posts at likes. Ang kadakilaan ay nakikita sa paglilingkod sa kapwa o sa bayan ng Diyos na tinatawag nating Simbahan.
Hindi madali ang maglingkod sa Simbahan. Tulad ng ibang gampanin, itoy nakakapagod, utay-utay na nakakaubos ng lakas at pasensya. Subalit kung isasaisip lang natin na ang Diyos ang dahilan ng lahat, ang pagod o pagkabagot ay madaling pagtagumpayan. Sa yakap at hinga lang ng Diyos. lahat ay nagiging maayos, "re-charge", at napapanibago ang lakas.
Paano madaling maibsan ang pagod sa ating paglilingkod?
4Ps
Passion - Kahit anong hirap ang gagawin mo kung ito ay gusto mo, hindi ka mapapagod. Lagyan ng puso ang paglilingkod.
Point to the target (FOCUS) - Sa ating paglilingkod marami tayong makikitang distractions-nakakainis na pangyayari, nakakukulo ng dugo ang kayabangan ng kasapi (kapatid), hindi magandang panahon at marami pang iba. Kung gusto mo ng magback out, ibig mo ng umayaw o manahimik na lang sa bahay, balikan mo ang dahilan ng iyong paglilingkod focus mo ang camera sa Diyos. Di ba Siya naman ang dahilan? Sana sa ngiti, yakap, pagmamahal at marami pang grasyang ibinubuhos ng Panginoon araw-araw, sana makita natin na Siya lang at tanging SIYA sapat ng dahilan uapng tayo ay hindi umayaw o umatras sa paglilingkod. Sana SIYA lang sapat na.
Pahinga sa Panginoon - Noong nilikha ng Diyos ang mundo Siya ay namahinga sa ikapitong araw. We are not greater than God. Namahinga ang Diyos habang pinagmamasdan ang kagandahan ng Kanvang nilikha *And God saw that it was good. Sa ating paglilingkod isama natin ang araw at oras ng pahinga. Upang magkaroon ng panibago at ibayong lakas, magpahinga tayo sa Kanya. Ang Kanyang hininga ang bumubuhay sa atin. Sigurado na ang Kanyang hininga ang magbabalik ng ating lakas at buhay sa paglilingkod. "Lumapit Kavo sa akin Kavong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin at bibigyan Ko kayo ng kapahihangahan." (Mateo 11:28)
Panalangin - "Prayer is our communication," Laging kinasasabikan ng Diyos ang ating paglapit. Bilang Ama gustong-gusto Niyang pakinggan ang ating kwento tagumpay, kabiguan, sakit ng kalooban, mga alalahanin sa buhay. Hinihintay Niyang buksan natin ang ating puso at ang ating buhay sa Kanya. Hinihintay Niyang sabihin natin na naglingkod tayo nang mabuti sa simbahan bilang pagsunod sa kagustuhan Niya at bilang pagmamahal sa Kanya.
PAGLALAHAT: Paano nyo ilalarawan ang paglilingkod sa simbahan? Sana lagi nating tatandaan: (1) Walang mahirap na gawa sa mananampalatayang maityaga; (2) Pagkakaisa ng mananampalataya biyaya at galak sa puso ng Lumikha Ang taong tamad, kadalasa'y salat!