Espiritwal na Gawa ng Awa III
Panimula: Bukod sa sampung utos ng Diyos ay may mga pamantayang turo ng simbahan at makikita rin sa Banal na Kasulatan na makatutulong sa paggawa ng mabuti sa ating sarili at kapwa Ito ay ang tinatawag na espiritwal na gawain ng awa (Spiritual works of Mercy)
Biglang babala o kausapin ang makasalanan (admonishing sinners)
Turuan ang mga mangmang o walang alam lalo na sa pananampalatayang Kristiyano Katoliko (instructing the ignorant)
Payuhan ang mga naguguluhan ang isip (counseling the doubtful )
Aliwin ang mga tumatangis (comforting the sorrowful)
Pagtiisan paagpasensyahan ang mga pagkakamali (bearing wrongs patiently)
Patawarin ang lahat ng mga pamiminsala (forgiving offenses)
Ipanalangin ang mga buhay at patay (praying for the living and the dead)
LAYUNIN
Aral: Nauunawaan ang kahalagahan ng mga espiritwa na gawain ng awa sa ating buhay at pananampalataya.
Asal: Nagsisikap na maisabuhay ang mga gawaing ito at maibahagi sa ating kapwa mananampalataya Dasal: Makabuo ng isang panalangin na humihingi ng gabay sa Banal na Espiritu upang maging instrumento ng kapayapaan at rekonsilyasyon.
BALIK-ARAL: Noong nakaraang aralin ay napag-usapan natin ang ikalawang pangkat ng mga gawa ng awa Ano ang kahalagahan ng pagpapatawad sa nagkasala sa atin? Bakit mahalaga na itinatama natin ang pagkakamali ng ating kapwa? Ano ang nararapat na pagtanggap natin sa pagtatama ng iba sa atin?
PAGBASA:
Mateo 11:24
24 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa ang mga taga-Sodoma kaysa inyo sa Araw ng Paghuhukom!”
Lucas 17:5
Pananampalataya sa Diyos
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya!”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Itinuturo ng Simbahan na tunay ngang alam ng Diyos ang lahat ng bagay at ang panalangin ay hindi pagtatangkang ipaalam sa Diyos ang ating mga pangangailangan. Ang panalangin ay maaaring pagkilala ng sariling kahinaan o ng pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang panalangin ay itinuturing na palatandaan ng Simbahan at ng tunay Kristiyano (LG. 10)
Itinututo ni Sto. Tomas na ang pananlangin ay nagbubunga ng tatlong bagay:
a. Pinagiging karapat-dapat ang tao sa pagtanggap ng biyaya ng Diyos.
b. Nagdudulot ng iba pang pagpapala galing sa Diyos.
c. Nagdudulot ng espiritwal na kaginhawaan ng isipan.
Ang taong marunong magdasal at tunay na nagdarasal ay sasapit kalagayang ang kanyang buong uhay ay pinaglalagusan ng diwa ng panalangin. Ang kaugnayang ito ng panalangin sa kabuuan ng buhay ng tao ay binabanggit din sa ikalawang concillio Vatikano.
May apat na uri ng pangkalahatang panalangin:
1. Upang ipahayag ang kadakilaan ng Diyos at ang lubusang pagsasalalay ng tao sa kanya (Pagsamba)
2. Upang ipahayag ang pasasalamat sa mga pagpapalang tinanggap (pasasalamat)
3. Upang ipahayag ang kahilingan para sa isang bagay (paghiling)
4. Upang ipahayag ang kalungkutan dahil sa kasalanan (pagsisisi)
PANUTO: Video clips: ng iba-ibang pangyayari sa buhay na tumutugma Spiritual works of mercy.
Role play: Pumili ng lima (5) sa spiritual works of mercy at i-play nila ito (5 min each play)
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ang mga espiritwal na gawain ng awa ay inilahad sa Banal na Kasulatan para maging gabay natin sa ating buhay pananampalataya. Maging gabay natin sa pagpapalalim ng ating buhay espiritwal at ganun din sa ating kapwa. Kung maisasagawa natin ang mga ito ay malaking bagay para tayo makasunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng ito ang dulot ay pagmamahal na siyang nais ng Diyos na siyang mamayani sa pamayanang Kristiyano.
Kung malalim ang ating buhay panalangin lahat ng pagsubok ay makakayanan natin. Ang taong madasalin ay marunong magpatawad at hindi nagtatanim ng sama ng loob. Ang madasalin ay mapagmalasakit sa kapwa mapagmahal at laging nakalaan na tumugon sa pangangailangan ng iba.
PAGLALAHAT: Nailahad sa Banal na Kasulatan ang mga ispiritwal na gawain ng awa. Gaya ng nabanggit sa simula ang mga ito ay: paalalahanan ang makasalanan, turuan ang walang alam, magbigay ng payo, aliwin ang tumatangis, magpatawad, magpasensya at higit sa lahat manalangin. Alam ninyo na ang Banal na kasulatan ○ bibliya ay Salita ng Diyos samakatuwid ang may atas sa atin na gumawa ng mga piritwal n a gawain ay ang Panginoong Diyos kaya dapat natin itong sundin sa ikabubuti natin at ng ating kapwa. Maging mabuti kayong halimbawa sa inyong kapwa kabataan sa paggawa ng kabutihan.
Sa ating araw-araw na buhay ay iba-ibang tao ang ating nakakasalamuha. Iba-ibang pangyayari ang nararanasan natin. Sinuman ang ating makasama lagi natin panatiliir ang kababaang loob at anuman ang ting karanasan itaas natin ang ating sarili sa Diyos para magpasalamat kasi anumang karanasan, mabuti o masama ay makakatulong ito sa ating pag-unlad. Huwag lang tayong makalimot magdasal at tiyak na kasama natin ang Panginoong Diyos.