Simbahan Bilang Katawan ni Kristo
Panimula: Ano ang nangyari kapag bumitiw sa pagkakahawak ang ilang kasama sa circle? Hindi nabuo ang bilog lumaylay ang ibang parte ng bilog. Ang isang gawain kahit gaano kahirap pero kung ito ay pinagtulungan ng bawat miembro ay magiging madali. Kapag ang isang kasapi ay hindi gumanap sa kanyang gawain, maaapektuhan ang buong grupo. Kaya mahalaga ang tulong ng bawat isa. Sa ating pagbasa pinapakita na si Hesus ay ang ulo ng katawan at tayo ang mga bahagi ng Kanyang Katawan.
LAYUNIN
Aral: Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaisa bilang iisang katawan ni Kristo.
Asal: Maipakita at maparamdam ang pagkakaisa bilang iisang katawan ni Kristo
Dasal: Makahingi ng tulong sa Diyos na bigyan tayo ng Espiritu ng pagkakaisa
BALIK-ARAL: Ang Simbahan bilang Bayan ng Diyos: Ang Simbahan sa Lumang Tipan: Pakikipagkasundo, Pagsunod.
PAGBASA: 1 Corinto 12:12-27
12 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13 Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
14 Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang. 15 Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. 20 Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21 Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27 Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Salitang Nagkatawang-tao, si Jesu-Cristo, ang nagtatag ng Simbahan. Siya ang tagapamagitan nito dito sa lupa. Tunay na ang Simbahan ay nagmula at lumago mula kay Kristo. "Mula sa tagiliran ni Kristo habang Siyay natutulog sa pagtulog ng kamatayan sa Krus ay lumabas ang kahanga-hangang sakramento ng buong Simbahan: (KIK 1067) Ang buhay ng Simbahan ay ganap na nakasentro kay Jesu-Cristo: "Ang lahat ng tao ay tinatawag sa pakikipagkaisa kay Kristo na siyang ilaw ng sanlibutan; mula sa Kanya tayo nagmumula, sa pamamagitan Niya tayo nabubuhay, at patungo sa Kanya ang buong buhay natin.' (LG 1)
Sa mga Ebanghelyo, tinawag ni Hesus ang mga tao na sumunod sa Kanya, maging mga alagad, at makibahagi sa Kanyang buhay at misyon. Saklaw nito maging ang pinakamaliit sa kanyang mga kapatid, sapagkat sinabi niya: *Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa" (Mateo 25:40). Inilarawan din ni Hesus ang malalim na pakikipag-isa ng kanyang mga tagasunod sa Kanya sa mga salitang, "Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo ...Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga" (Juan 15:4 5) at itinuro ang paraan nito: "Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya" (Juan 6:56). Sa Huling Hapunan, tiniyak niyang hindi niya pababayaan ang kanyang mga alagad Juan 14:18) at ipapadala ang Espiritu Santo, kaya ang Simbahan ay umusbong mula sa pakikipagkaisa ni Hesus sa Kanyang mga alagad. (KPK 1384)
Ang Simbahan ay hindi lamang parang isang katawan, kundi ang "Katawan ni Kristo na pinag-isa sa Kanva, sa Kanyang Katawang mistiko." Ang "mistiko" ay nangangahulugang isang katotohanang hindi limitado sa panlabas na kaanyuan lamang. Samakatwid, ito'y matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sapagkat ito'y kabilang sa misteryo ng mapanligtas na plano ng Diyos na ipinahayag sa Ebanghelyo. (KPK 1385.
Ang "Katawan" ni Kristo kung gayon ay maaaring tumukoy sa (KPK 1386):
Pisikal na katawan ng makasaysayang Hesus na inako niya sa Pagkakatawang-tao (Juan 1:14)
Sa Kanyang katawang Eukaristiko na nagpapatotoo sa presensiya ng Persona ng Kristong Muling Nabuhay sa atin sa paraang sakramental sa kanyang mapagligtas na pagpapakasakit; o
Ang Kanyang Katawang mistiko, ang Simbahan, ang mga mananampalatayang nagkakaisa kay Kristo bilang "Ulo" na siyang pinag-iisa at binibigyang-buhay ng Bana na Espiritu.
Pagkakaisa sa Pagkakaiba ng Katawan ni Kristo Sa loob ng Katawan ni Kristo na siyang Simbahan. makikita ang malawak na pagkakaiba-iba ng mga kasapi at kanilang mga tungkulin (PCP II, 91-94). Ipinahihiwatic nito na ang pagkakaisa ng Katawan ni Kristo ay hind nangangailangan ng pagiging magkakatulad ng lahat. Sa halip, ba't iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. (KPK 1387)
PANUTO: Hatiin ang klase sa 3 grupo na may 4 -5 bata. Bawat Grupo ay mamimili ng akmang awit tungkol sa paksa. Ang bawat grupo ay kakantahin at sasayawin ang napiling awit na tugma sa nilalaman ng kanta. (SAYAWIT)
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Nakisa sa atin si Kristo bilang tao noong nagpakababa Siya. Nagpatawad Siya sa mga nagkasala sa Kanya matulungin Siya sa mga nangangailangan at may malasakit sa kapwa. Bilang isang katawan at tayo ay bahagi ng Katawan ni Kristo hilingin natin sa Diyos na taglayin din natin ang mga katangian na ito.
PAGLALAHAT: Ang Simbahan ni Kristo ay tayong mga mananampalataya. Kaisa tayo sa misyon ni Kristo, Hari, Pari, at Propeta kaya't hilingin natin sa Diyos na magawa natin ang ito.