Espiritwal na Gawa ng Awa II
Panimula: Lahat tayo ay nakaranas nang masaktan ng kapwa-marahil ay pagsasabi ng masama, pagkuha ng gamit nang walang paalam, o hindi pagtupad sa pangako Madalas, ang unang reaksyon natin ay magalit o gumanti. Ngunit may isang bahagi ng ating pagkatao na naghahangad ng kapayapaan. Alamin natin ang naging tugon ni Jesus noong tanungin siya ni Pedro.
LAYUNIN
Aral: Maunawaan ang kahalagahan ng mga Espiritwa na Gawa ng Awa bilang paraan ng pagpapakita ng pag ibig sa kapwa.
Asal: Maipakita ang kahinahunan sa pagtatama at ang kababaang-loob sa pagpapatawad sa araw-araw na pakikipagkapwa.
Dasal: Makabuo ng isang panalangin na humihingi ng gabay sa Banal na Espiritu upang maging instrumento ng kapayapaan at rekonsilyasyon
BALIK-ARAL: Noong nakaraang aralin, sinimulan nating talakayin ang mga Espiritwal na Gawa ng Awa. Ito ay nakatuon sa pangangailangan ng kaluluwa, hindi ng katawan. Sa pamamagitan ng mga Espiritwal na Gawa ng Awa, naipakikita natin ang pag-ibig, malasakit at pananampalataya sa Diyos. Ngayon, titingnan natin kung paano ang ating "Awa" ay nagiging tulay upang maibalik ang isang tao sa tamang landas at mapanatili ang kapayapaan sa ating puso.
PAGBASA: Mateo 18:21-22
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di Marunong Magpatawad
21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”
22 Sinagot siya ni Jesus, “Hindi pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.[a]
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang talatang Mateo 18:21-22 ay isa sa pinakamahalagang turo ni Jesus tungkol sa pagpapatawad. Noong panahong iyon, itinuturo ng mga Hudyong guro (mga Rabi) na sapat na ang magpatawad nang tatlong beses. Sa pagbanggit ni Pedro ng "pito," iniisip niyang napakabuti na niva dahi higit pa ito sa hinihingi ng batas. Ngunit ang sagot ni Jesus ay nagpabago sa pananaw ng lahat.
Nang sabihin ni Jesus na "pitumpung ulit na pito", hindi Niya ibig sabihin na bibilangin natin hanggang umabot sa 490. Ang numerong pito sa Bibliya ay simbolo ng "kabuuan" o "perpeksyon." Ang ibig sabihin ni Jesus: Ang pagpapatawad ay dapat walang hangganan. Kung nagbibilang ka pa kung ilang beses ka nagpatawad, hindi pa iyon tunay na pagpapatawad mula sa puso.
Itinuturo ni Iesus na dapat nating patawarin ang iba dahi tayo mismo ay pinatawad na ng Divos sa mas malalaking pagkakasala. Kung kaya't marapat lamang na tayo rin ay magpatawad sa ating kapwa.
Sa mga Espiritwal na Gawa ng Awa, itinuturo sa atin ang mga sumusunod:
Pagtatama sa mga Nagkakamali (Admonish the Sinner): Hindi ito panghuhusga, kundi isang gawa ng pag-ibig upang ibalik ang kapatid sa tamang landas nang may kaamuan.
Pagpapasensiya sa mga Nagkakamali (Bear Wrongs Patiently): Ito ay ang pag-unawa na ang bawat tao ay may kahinaan. Ang pagtitimpi ay pagpapakita ng lakas ng loob at kontrol sa sarili
Pagpapatawad nang Bukal sa Kalooban (Forgive Offenses Willingly): Ang hindi pagpapatawad ay parang pag-inom ng lason at pag-asang ang kaaway mo ang mamamatay. A ng pagpapatawad ay nagpapalaya sa atin.
PANUTO: Punan ang talahanayan kung paano mo isasagawa ang awa sa mga sumusunod na sitwasyon.
O kaya ay: Prodigal Son: Magkaroon ng role playing ukol sa kwento ng alibughang anak.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ang tunay na kabanalan ay hindi lamang nasusukat sa haba ng dasal, kundi sa lalim ng pasensiya at lawak ng pag-unawa sa mga taong mahirap mahalin.
PAGLALAHAT: Bilang buod, ang pagtatama, pagpapasensiya, at pagpapatawad ay magkakaugnay. Hindi tayo makakapagtama nang maayos kung wala tayong pasensiya, at hindi tayo tunay na makakapagpatawad kung hindi natin kinikilala ang pagkakamali nang may pagmamahal.