Espiritwal na Gawa ng Awa I
Panimula: Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay tayo ay inaatasan at binibigyan ng pakakataong mahalin at paglingkuran ang ating kapwa. Tayo ay inaasahang tutulong hindi lamang sa materyal na paraan kundi sa paraang espiritwal din. Bilang patunay ng ating malalim na pagsunod sa atas ng Panginoon na tayoy magmamahal, ibinigay Niya sa atin ang konkretong pamamaraan na tinatawag na mga Espiritwal na Gawa ng Awa. Sa iba itoy tinatawag ding kawanggawang pangkaluluwa.
LAYUNIN
Aral: Nasasabi at natutukoy ang mga espitriwal na gawa ng awa.
Asal: Nakapagbabahagi ng karanasan o pagkakataong silay nakatulong o natulungan sa mga pinagdaanang kalungkutan, kalituhan o kamangmangan.
Dasal: Nakapagpapasalamat sa Diyos sa Kanyang labis- labis na pagmamaha at habag na ibinibigay Sa bawat isa.
BALIK-ARAL: Ano ang ibig sabihin ng mga "Gawa ng Awa"? Anu-ano ang mga Korporal na gawa ng awa?
PAGBASA: Santiago 2:24-26
24 Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.
25 Gayundin si Rahab, ang babaing nagbebenta ng aliw; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa niyang iyon, siya'y itinuring na matuwid.
26 Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Sa buhay natin ay hindi maipagkakaila ang di mabilang na pagkakataong ang awa at habag ng Diyos ay ating tinatamasa. Sa kabila ng ating kalituhan, kamangmangan at kalungkutan tayo ay nakakabangon at nakakatayo dahi tayo'y pinagkalooban ng Diyos ng mga taong tumutulong, umaalalay sa atin upang tayo'y aliwin sa atng kalungkutan, gabayan sa ating kalituhan at turuan upang maitama ang ating kamangmangan. Kaya ito rin ang inaasahang gawin natin sa ating kapwa
Sabi nga sa Banal na Kasulatan na ating binasa, hindi sapat na tayoy sumasamapalataya lamang. Kailangan ito'y samahan ng kawanggawa lalong lalo na ang aspetong espiritwal.
Aliwin ang nalulumbay
Minsan may mga kamag-anak, kaibigan, kalaro o kapamilya tayong labis-labis ang kalungkutan dahil sa maraming kadahilanan tulad ng
Pagkawala o pagkamatay ng minamahal
Kabiguan sa pangarap o pag-ibig
Hindi pagpasa sa pagsusulit
Pagkatanggal sa trabaho o pagkalugi sa negosyo, at iba pa.
Napakahirap sa kalooban natin na sila'y makitang nahihirapan kaya marapat lamang na sila'y tulungan. Paano kaya?
Una, ipagdasal natin na silay liwanagan at aliwin ng Diyos lalo na sa kanilang pag-iisa.
Panglawa, kausapin, iparamdam na tayo o kayoy kasama nila a kanilang pagdadalamhati o kalungkutan.
Pangatlo, gumawa ng mga bagay na makalulugod o makaaaliw sa kanila
Maliit lang ang ating kayang gawin ngunit kung kasama natin ang Diyos sa misyong ito, malaking tulong na sa taong nalulungkot o nalulmbay.
Turuan ang Mangmang
Ang kamangmangan lalo na sa pananampalataya ay isa sa mga dahilan kung bakit ang bata O kahit matanda ay nakagagawa ng pagkakasala pagkakamali nang hindi namamalayan.
Halimbawa:
Ang kaibigan mong sampung taong gulang na tulad mo, ay kasabay mong nangumpisal at tumanggap ng "First Holy Commumion ay hindi nakapagsimba ng ilang beses dahil siya ay nalilibang sa online games. Noong oras na para pumila at tumanggap katawan at dugo ng ating Panginoong Hesus, siya Sa rin ay pumila. Tama ba siya?
Mataas ang iyong "grades" sa paaralan dahil lagi kang nag-aaral, gumagawa ng mga takdang aralin, pumapasok nang nasa tamang oras, sumasagot o sumasali sa talakayan.
Ang iyong kaibigan ay may mababang marka dahil bukod sa hindi paggawa ng mga takdang aralin at "projects" ay lagi ring lumiliban sa klase. Nag-aalaga siya ng maliit na kapatid dahil naghahanapnuhay ang mga magulang.
Dumating ang araw ng "exams" Nakiusap siya sa iyo na pakopyahin siya ng iyong mga sagot upang hindi siya bukmagsak. Pagbibigyan mo ba siya?
Ang kaibigan mong pumila sa komunyon kahit hindi siya nagsisimba ay nakagawa ng hindi tama o hindi kalugod- lugod sa Diyos. Magandang ipaalala mo o ipaliwanag sa kanya na ang hindi pagsisimba sa araw ng Linggo at mga pistang pagngilin ay isang malaking kasalanan. Ito ay paglabag sa ika-3 Utos ng Diyos kaya bago niya tanggapin ang Panginoong Hesus, dapat siya ay mangumpisal muna. Ito ang tama bilang respeto sa tinatanggap o tatanggaping Katawan ng Panginoon.
Sa kaibigan mo namang may mababang grado, nakakaawa sana. Ang pagtulong sa mga magulang ay isang maganda at mabuting gawain. Subali't ang pagkopya sa gawa o sagot ng iba ay hindi rin tama, ito ay labag sa ika-7 Utos ng Diyos.
Bilang mabuting kaibigan, tungkulin mong ipaliwanag sa kanya kung ano ang tama, mahalaga at naaayon sa ating pananampalataya. Kung may makita tayong mali na dapat itama sabihin ito nang maayos, mahinahon at may paggalang. Siya man ay bata o matanda. Kailangan silang turuan upang sila'y makaalpas. Marahil sa simula sila'y magagalit ngunit kasama yan sa ating tungkulin: Turuan ang mangmang.
Payuhan ang Nalilito
Si Robinhood sa ating kwento ay likas na mabait. Ang awa niya sa mga mahihirap at ang kagustuhan niyang sila'y matulungan ang naging dahilan upang siya ay magnakaw sa mayayaman. Nagnanakaw siya sa mayaman upang tulungan ang mga mahihirap. Sa unang tingin ito_ay maganda. Pero alam nating lahat ng ito ay labag sa ika-7 Utos ng Diyos. Huwag kang magnanakaw. Sabi nga sa Ingles, "The end does not justify the means". Walang maganda o tamang dahilan upang maging tama ang mali. Hindi sapat na mabuti lang ang iyong hangarin, kinakainlangang mabuti rin ang pamamaraan
Kung kaibigan kang tapat at totoo ni Robinhood o ng ibang may ganito rin ang gawin, tungkulin mong sila ay payuhan at gabayan. Tungkulin mong sila ay itama
PANUTO: Pass the ball Nasa maliit na kahon ang mga tanong tungkol sa atng Pinag-aralan. Iikot ang bola habang tumutugtog, ang musika. Pagtigil ng tugtog titigil din ang pagpasa ng bola. Kung kanino titigil ang bola, siya ang sasagot sa tanong.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay tayo ay inaashan ng Divos na magmahal sa ating kapwa. Tayo ay inaatasang tumulong hindi lang sa paraang materyal kundi pati sa espiritwal na paraan. Ano ang tawag natin sa espiritwal na pagkakawanggawa?
Espiritwal na Gawa ng Awa Kawanggawang Pangkaluluwa Bagsak ang grado ng kaibigan mo sa Mathematics. Ayaw niyang umuwi dahil siguradong pagagalitan siya. Gusto na niyang lumayas. Ano ang gagawin mo? Anong espriritwal na gawa ng awa ang maaari mong isagawa? Payuhan siyang mas mag-aral nang mabuti sa susunod at ipaalala na mahal siya ng magulang niya kahit na bagsak siya sa Mathematics. Tulungan iya sa Mathematics.
Lungkot na lungkot ang kalaro mo dahil ang papa niya na bukod tanging naghahanap buhay para sa kanilang pamilya ay naaksidente at hindi makapagtatrabaho sa loob ng 6 na buwan. Ano ang iyong maaaring gawin o ipayo?
Palakasin ang kanyang loob at turuang magpasalamat sa buhay ng kanyang ama at magtiwala sa probidensya ng Diyos. Ipagdasal ang papa ng kanyang kalaro para sa mabilis na paggaling.
Anu-ano ang unang tatlong espiritwal na gawa ng awa ang ating tinalakay? (Aliwin ang nalulumbay, turuan ang mangmang, at payuhan ang nalilito
Ano ang pagkakaunawa mo pag sinabing espiritwal na gawa ng awa?
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Ang puso ng Diyos ay punong-puno ng awa at habag. Hindi natin kayang maarok ang lalim ng Kanyang pagmamahal sa atin. Kaya bilang tagasunod Niya tayo rin ay inaasahang maging mahabagin sa kapwa at isabuhay ang mga gawa ng awa., Sa pagtugon o pagsasagawa ng mga gawa ng awa ang tanging puhunan lang natin ay ang malalim o makatotohanang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Hindi natin kailangang maging malusog lagi upang makatugon Ang ating palagiang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pakikisangkot sa espiritwal na pangangailan ng kapwa upang sila ay maakay patungo kay Hesus ay sadyang magpapangiti at magpapaligaya na sa Diyos
ang pagkakataon kayo rin ay Kung dumating at makaranas ng kalungkutan lumbay, kalituhan sa mga bagay-bagay tungkol sa pananampalataya huwag mag- atubiling lumapit sa aming mga katekista at sa ibang mga ate at kuya natin sa simbahan. Tayo ay iisang pamilya. Magpaalalahanan, mag-aalalayan, maging matiyaga at mahabagin upang tayo ay makarating nang sama-sama sa kaharian ng ating Diyos.
Sa ating pamilya, alam nating lahat na ang ating mga magulang ay laging abala sa paghahanapbuhay. Minsan nakakalimutan na nilang magsimba tuwing araw ng Linggo. Kahit ang pananalangin ay nakakaligtaan sa sobrang pagod. Sana bilang mga pinili ng Diyos na maging tulay Niya patungo sa inyong pamilya ay masimulan nyd nang kumilos.
"Mag-ibigan tayo, sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig." Juan 4:7
"Mahalin ang Diyos nang buong puso at ang kapwa gay ng sarili" Mateo 22:37
"Ang pag-big ay matiyaga at may magandang loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni mapagmataas, hindi magaspang ang Pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa." 1 Corinto 13:4-6
Bilang mga pinili at tinawag ng Diyos sana'y matutunan nating sumunod, magpakabuti, maging mahabagin at mapanalangin. Ang lahat ng ito'y magagawa natin kahit tayo'y mahirap, wakang gaanong pera o yaman. Ang masarap isipin tayoy inanyayahan, pinili at pinagkatiwalaan.
PAGLALAHAT: Sa pang araw-araw nating pamumuhay iba't-ibang sitwasyon ang ating nararanasan. At sa pamamagitan ng pagtitiwala, pananampalataya sa Diyos at sa patuloy na pagmamahal Niya ay nalalagpasan natin ano mang sitwasyon sa buhay. Ngunit may mga kapwa tayo na nahihirapan sa mga sitwasyon kanilang kinakaharap, at upang atin silang matulungan ay humihingi tayo ng gabay sa Panginoon nang sa gayun ay maipadama natin sa kanila ang pagmamalasakit at pagmamahal sa pamamagitan ng Kawanggawang Espirituwal.
Ang "ignorance" ay hindi kawalan ng talino, ito ay ans hindi pag pagkakaalam sa katotohanan. At bilang binyagang Kristiyano, tayo dapat ang maging ehemplo at magbahagi ng tamang kaalaman sa kanila sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng ating mga nalalaman.
Maliban dito, maraming tao ang nakakaranas ng pag- aalinlangan sa buhay, sa kanilang desisyon, o maging sa kanilang pananampalataya. Para matulungan natin sila, magsanay tayo sa aktibong pakikinig (active listening). gumawa ng paraan kung paano natin mabibigyan sila ng espirituwal na payo at suporta sa tulong ng gabay ng Espiritu Santo.
Panghuli, walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nagkakamali. Kailangan natin ng sariling pagninilay makilala ang ating sarili bago tayo makapagbigay ng pangaral o payo sa ating kapwa. Ang pagpapaunland ng sarili ay isang patuloy na proseso ng pag-aaral, pagtanggap sa mga pagkakamali, at pagsisikap na maging mas mabuting indibidwal. Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto, kung di sa pagiging handang matuto at umunlad upang mas lalo natin maipadama ang ating pagmamahal sa ating kapwa lalo na sa mga nagkakamali.
Ang pagsasagawa ng mga Kawanggawang Espirituwal ay isang patuloy na hamon na nangangailangan ng panalangin, pasensya at pagmamahal sa kapwa sa tulong at gabay ng Diyos.