Korporal na Gawa ng Awa I
Panimula: Sa ating kwento, nakita natin kung paano ang isang tao ay nakaisip ng isang paraan para makatulong sa mga tao na nangangailangan kanilang komunidad sa noong panahon ng pandemya. Natutunan nilang magbahagi o mag-share sa iba ng kung ano ang meron sila. Kayo ba, naranasan nyo na ba magbigay ng tulong sa isang kaklase o kaibigan o ibang taong nangangailangan?
LAYUNIN
Aral: Natututunan ang mga paraan ng kawanggawang pang katawan sa ating kapwa.
Asal: Naisasagawa ang pagtulong ayon sa pangangailangan ng iba.
Dasal: Nakapagpapasalamat sa Diyos sa biyayang makatulong sa nangangailangan.
BALIK-ARAL: Balikan ang Aralin 15 - Tugon at Kilos sa Banal na Eukaristiya.
PAGBASA: Lucas 10: 30-37
30 Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad.
33 Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y naawa. 34 Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’”
36 At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Sa Ebanghelyo, itinuro ni Hesus na mahalaga sa Kanya ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sinabi Niya na kapag tinutulungan natin ang nagugutom, nauuhaw, walang damit, at walang tahanan, para na rin nating tinutulungan si Hesus. "Anumang ginawa ninyo sa isa sa pinakahamak na ito na aking mga kapatid, sa akin ninyo ginawa." (Mateo 25:40).
Pakainin ang nagugutom
Kapag may taong walang makain, tinuturuan tayo ni Hesus na magbahagi ng pagkain. Hindi kailangang marami kahit kaunti, basta galing sa pusong handang tumulong. Ang pagbabahagi ng pagkain ay pagkilala sa dignidad ng tao bilang nilikha ng Diyos. Itinuturo ng Simbahan na ang mga yaman ng daigdig ay para sa lahat (KIK. 2402)
Painumin ang nauuhaw
Kapag may nauuhaw, lalo na sa mainit na panahon, isang baso ng tubig ay malaking tulong na. Sa simpleng pagbibigay ng inumin, ipinapakita natin ang pagmamalasaki kabutihan at Pagmamahal. Pinapaalala sa atin ni San Pablo sa sulat niya sa mga taga Corinto ""Kung wala akong pag-ibig, walang akong kabuluhan... kung wala akong pag-ibig wala akong mapapakanibangan." (1 Cor 13: 1-4). Ang pag bibigay ay may kaugnay na pag mamahal,
Damitan ang mga walang damit
May mga taong kulang o walang maayos na damit. Mabuting mainam pa ang damit na ibibigay, tiyak na magagamit, at hindi lamang basta pinaglumaan. Kapag nagbabahagi tayo ng damit na hindi na natin ginagamit, tinutularan natin si Hesus na nagmamahal at nag-aalaga sa kapwa.
Patuluyin ang mga walang tahanan
May mnga taon walang matirhan walang mapuntahan. Kapag tinutulungan natin sila a pamamagitan ng pagbibigay ng masisilungan, pagkain, ○ paggalang ipinapakita natin na tinatanggap natin sila bilang kapatid.
Sa paggawa ng mga Korporal na Gawa ng Awa na ito, natututo tayong magmahal hindi lang sa salita kundi sa gawa. Ito ang paraan ng isang tunay na alagad ni Hesus Binibigyang-diin ng mga talatang ito na ang pananampalataya ay hindi hiwalay sa gawa ng awa (cf. Santiago 2:17).
PANUTO: Group Activity) Bumuo mula sa klase ng mga grupo ng tig-aapat na bata. Ipalarawan ang bawat gawa ng awa na tinalakay.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Pagiging bukas-palad at pagiging maawain
PAGLALAHAT: Ang pagkakawanggawa sa nangangailangan ay pagtalima sa utos ng Panginoong Hesukristo na mahalin natin ang ating kapwa tulad pagmamahal natin sa ating sari Àng Pagieing bukas palad sa iba ay pagpapakita ng pagtitiwala sa Diyos sa Kanyang pangako na tutulungan Niya tayo sa ating mga pangangailangan. Hayaan nating maging daluyan tayo ng biyaya ng Diyos sa iba.