Paghahanda sa Banal na Eukaristiya
Panimula: Ang Banal na Eukaristiya ay hindi ordinaryong pagtitipon. Ito ay pakikipagtagpo kay Hesus, na tunay na naroroon sa tinapay at alak Dahil dito, hinihingi ng Simbahan at ng ating pananampalataya ang isang maalalahanin at banal na paghahanda upang maging ganap at mabunga ang ating pakikilahok sa Misa.
LAYUNIN
Aral: Maipaliwanag ang kahalagahan ng tamang paghahanda bago dumalo sa Banal na Eukaristiva. Asal: Matukoy ang iba't ibang uri ng paghahanda: pisikal, panloob, espirituwal, at moral. Maisabuhay ang wastong asal at pananaw sa pagdalo sa Banal na Misa.
Dasal: Mahubog ang mas malalim na paggalang at pagmamahal kay Hesus sa Eukaristiya.
BALIK-ARAL: Sa pagdalo sa Banal na Misa, maaalalang dalawa ang pangunahing bahagi, ang Liturhiya ng Salita ng Diyos at Liturhiya ng Eukaristiya, na kung saan ang parehong pangunahing bahaging ito ay mayroon ding mge kani-kaniyang mga bahagi.
Sa Liturhiya ng Salita ng Diyos, alalahanin nating muli ang mga bahagi nito, at ito ay ang mga sumusunod:
Panimulang Bahagi (Introductory Rites)
Panimulang Awitin (Entrance Hymn
Ang Tanda ng Krus (Sign of the Cross)
Pagbati ng pari (Greetings)
Pagsisisi sa mga kasalanan (Penitential Act)
Kyrie eleison (Panginoon, kaawaan Mo kami.)
Gloria (kung naaangkop)
Panalangin ng pari (Collect
Liturhiya ng Salita (Liturgy of the Word)
Unang pagbasa (karaniwang mula sa lumang tipan)
Salmo (Responsorial Psalm)
Ikalawang pagbasa (mula sa mga sulat ng mga apostol - tuwing linggo at kapistahan)
Aleluya (o ibang aklamasyon)
banghelyo (Gospel)
Sermon (Homily)
Propesyon ng pananampalataya (kredo - tuwing linggo at solemnidad)
Panalangin ng bayan (Prayers of the Faithful)
PAGBASA:
1 Corinto 11:27
27 Kaya, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
o kaya Awit 46:10
10 Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,
kataas-taasan sa lahat ng bansa,
sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Itinuturo ng Simbahan na ang Banal na Eukaristiya ay bukal at rurok ng buhay Kristiyano. Dahil dito, tayo ay inaanyayahang maghanda sa apat na paraan:
Pisikal na Paghahanda: Maayos at disenteng kasuotan: Pagdating nang mas maaga; Pag-iwas sa pagkain, isang oras bago ang banal na Eukaristiya (Eukaristikong pag- aayuno kung tatanggap ng Komunyon)
Panloob na Paghahanda: Katahimikan ng isip at puso; Pag-iwas sa paggamit ng cellphone; Buong pusong pakikinig at pakikilahok
Espirituwal na Paghahanda: Panalangin bago ang Misa; Paghingi ng tawad sa Diyos; Pag-aalay ng sariling intension
Moral na Paghahanda: Pagsisisi sa kasalanan; Pagtanggap ng Sakramento ng Kumpisal kung kinakailangan; Pagpapatawad sa kapwa.
Karagdagan para Sa wastong pagkilos at Paggalang Sa Misa:
Kapag tayo ay nasa Misa, hindi lang tayo nakikinig at nagsasalita. Ipinapakita rin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating katawan, kung paano tayo tumayo, umupo, yumuko, at lumuhod, Ang mga kilos na ito ay paraan ng paggalang, panalangin, at pagsamba sa Diyos, sapagkat ang Misa ay gawain ng buong sambayanan ng Diyos.
Mga Tugon sa Misa (Responses
Ano ang mga Tugon? Ang mga tugon ay ang mga sagot ng sambayanan sa sinasabi ng pari, tulad ng: "At sumaiyo rin., Amen.", at "Purihin ka, Panginoong Hesukristo."
Bakit Tayo Tumutugon? Kapag tayo ay tumutugon: • Ipinapakita nating aktibo tayong nakikilahok sa Misa • Ipinapakita nating iisa tayo bilang Simbahan • Hindi tayo basta nanonood, kundi nakikibahagi sa panalangin at pagdiriwang.
Pagyuko (Bowing)
Ano ang Pagyuko? Ang pagyuko ay bahagyang pagyuko ng ulo o katawan bilang tanda ng paggalang
Kailan Tayo Yumuyuko? Kapag binabanggit ang banal na pangalan ni Hesus Sa Credo, sa mga salitang "At nagkatawang-tao Siya..."
Ano ang Ipinapakita ng Pagyuko? Ang pagyuko ay tanda ng paggalang sa Diyos at pagkilala sa kadakilaan ni Kristo. (GIRM 234)
Pagluhod (Kneeling)
Ano ang Pagluhod? Ang pagluhod ay tanda ng malalim na pagsamba at panalangin.
Kailan tayo lumuluhod?
Sa Pagpapabanal ng Tinapay at Alak (Consecration)
Sa mga sandaling tahimik na sumasamba sa Eukaristiya (Exposition)
Ano ang Kahulugan ng Pagluhod? Kapag tayo ay lumuluhod:
Inaamin natin at tayo ay sumasampalataya na tunay na naroon si Hesus sa Eukaristiya
Ipinapakita natin ang kababaang-loob at pananampalataya. (GIRM 234)
Paggenuflect (Pagluhod ng Isang Tuhod)
Ano ang Genuflect? Ang genuflect ay ang pagluhod ng isang tuhod sa sahig bilang tanda ng pagsamba kay Kristo na naroroon sa Banal na Sakramento.
Kailan Tayo Nagge-genuflect?
Kapag papasok o lalabas ng simbahan, kung naroon ang Tabernakulo
Ginagawa ito nang dahan-dahan at may panalangin (kagaya ng pagtanda ng Krus/ sign of the cross
Kung hindi kaya ng tuhod, maaaring yumuko nang may galang
Wastong Asal sa Misa (Proper Decorum)
Ano ang Proper Decorum? Ang proper decorum ay ang maayos, tahimik, at magalang na pag-uugali sa loob ng simbahan. Ito rin ay ang pagsuot ng mga damit nang wasto at angkop sa pagsamba na nagpapakita ng respeto at paggalang.
Paano Magkaroon ng Wastong Asal? Sa Misa, tayo ay:
Tahimik at hindi naglalaro
Hindi nagkukuwentuhan
Nakikinig sa Salita ng Diyos
Nagsusuot ng maayos at disenteng damit
Ito ay mahalaga dahil ang Simbahan ay itinuturing na bahay ng Diyos, lugar dalanginan, at lugar ng banal na pagsamba. Ang maayos na asal ay tumutulong sa lahat na makapanalangin nang mabuti.
PANUTO: (Pangkatang Gawain) Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay gagawa ng maikling role-play o poster na nagpapakita ng isang uri ng paghahanda:
Grupo 1: Pisikal
Grupo 2: Panloob
Grupo 3: Espirituwa
Grupo 4: Moral
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Ang tamang paghahanda sa Banal na Eukaristiya ay humuhubog ng: Paggalang, pananagutan, at malalim na pananampalataya.
PAGLALAHAT: Ang taong marunong maghanda sa pakikipagtagpo sa Diyos ay marunong ding gumalang sa kapwa. Ang Banal na Eukaristiya ay isang banal at makabuluhang pakikipagtagpo sa Diyos. Ang tamang paghahanda-pisikal, panloob, espirituwal, at moral-ay nagbubukas ng ating puso upang tunay na maranasan ang presensya at biyaya ni Hesus.