Ang Liturhiya ng Eukaristiya
Panimula: Tulad ng pamilya na nagsasalo-salo sa mesa, inaanyayahan tayo ni Hesus sa Kanyang hapag sa Banal na Misa. Ang Komunyon ay hindi basta pagkain-ito ay pagsasama bilang pamilya ng Diyos.
LAYUNIN
Aral: Nagiging gabay ang mga mensahe ng Diyos sa pang-araw-araw na gawain sa buhay
Asal: Makapagtukoy ng dalawa o higit pa, ng tamang kilos disposisyon sa pagtanggap ng Banal na Komunyon.
Dasal: Aktibong makilahok sa pagdiriwang ng Banal na Misa.
BALIK-ARAL: Sa pagdalo sa Banal na Misa, maaalalang dalawa ang pangunahing bahagi, ang Liturhiya ng Salita ng Diyos at Liturhiya ng Eukaristiya, na kung saan ang parehong pangunahing bahaging ito ay mayroon ding mge kani-kaniyang mga bahagi.
Sa Liturhiya ng Salita ng Diyos, alalahanin nating muli ang mga bahagi nito, at ito ay ang mga sumusunod:
Panimulang Bahagi (Introductory Rites)
Panimulang Awitin (Entrance Hymn
Ang Tanda ng Krus (Sign of the Cross)
Pagbati ng pari (Greetings)
Pagsisisi sa mga kasalanan (Penitential Act)
Kyrie eleison (Panginoon, kaawaan Mo kami.)
Gloria (kung naaangkop)
Panalangin ng pari (Collect
Liturhiya ng Salita (Liturgy of the Word)
Unang pagbasa (karaniwang mula sa lumang tipan)
Salmo (Responsorial Psalm)
Ikalawang pagbasa (mula sa mga sulat ng mga apostol - tuwing linggo at kapistahan)
Aleluya (o ibang aklamasyon)
banghelyo (Gospel)
Sermon (Homily)
Propesyon ng pananampalataya (kredo - tuwing linggo at solemnidad)
Panalangin ng bayan (Prayers of the Faithful)
PAGBASA: Mateo 26:26
Ang Banal na Hapunan
26 Habang sila'y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ano ang Misa?
Ang Misa ay isang banal na pagtitipon kung saan ang mga anak ng Diyos ay nagsasama-sama upang manalangin, magpasalamat, at magpuri sa Diyos. Dito, nagkakaisa ang buong sambayanan bilang isang pamilya ng Diyos.
Ang pari ang nangunguna sa Misa. Siya ay kumikilos sa pangalan at katayuan ni Hesus, kaya ang ginagawa niya sa Misa ay para bang si Hesus mismo ang gumagawa nito para sa atin. (GIRM 7)
Naroon si Hesus sa Gitna Natin
Kapag tayo ay nagtitipon sa Misa, naroon si Hesus kasama natin. Tinupad niya ang kanyang pangako na kapag may mga taong nagkakatipon dahil sa Kanya, Siya ay tunay na naroroon.
Saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila." (Mateo 18:20) Ibig sabihin, hindi tayo nag-iisa sa Misa kasama natin si Hesus sa ating panalangin at pag-awit. (GIRM 7)
Dalawang Mahahalagang Bahagi ng Misa
Ang Misa ay may dalawang pangunahing bahagi, at ang dalawang ito ay magkakaugnay at parehong mahalaga.
Pagpapahayag ng Salita ng Diyos
Ang pagtitipon, ang liturhika ng Salita na may pagbasa (mga sulat ng mga propeta, alalaong-baga ang Lumang Tipan, at ang mga alaala ng mga apostol na walang iba kundi ang kanilang mga sulat at Ebanghelio), homilia at panalangin ng bayan. (KPK 1346-1349) Sa unang bahagi ng Misa, pinakikinggan natin ang Salita ng Diyos mula sa Bibliya. Dito tayo tinuturuan ng Diyos at dito natin natututuhan kung paano magmahal at gumawa ng mabuti. Ang Salita ng Diyos ay parang ilaw na gumagabay sa ating buhay
Pagdiriwang ng Huling Hapunan
Ang liturhika ng Eukaristiya, na may paghahandog ng tinapay at alak, ng pasasalamat ng konsagrasion at ng komunyon. Itong ikalawang bahagi ng Misa, inaalala at ipinagdiriwang natin ang Huling Hapunan ni Hesus.
Ang tinapay at alak ay nagiging Katawan at Dugo ni Kristo. Tinatanggap natin si Hesus sa Banal na Komunyon Ito ang pagkain na nagpapalakas sa ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at kapwa. (GIRM 48)
Isang Buong Pagsamba
Ang dalawang bahagi ng Misa, ang Salita ng Diyos at ang Eukaristiya, ay hindi magkahiwalay. Magkasama ilang bumubuo ng isang ganap na pagsamba sa Diyos.
Sa Misa, tayo ay:
Nakikinig sa Diyos
Pinapakain ni Hesus
Pinapalakas upang mamuhay bilang mabubuting Kristiyano.
Ang Eukaristiya ang pinakamalinaw na tanda ng buhay ng taong kaisa ng buhay-Diyos. Ito ang pinakatotoong tanda ng pakikiisa sa ganap na alay-buhay ni Kristo para Sa Kristiyano. Ang Eukaristiya ang pinakatampokna pagdiriwang ng nagkakaisang pananampalataya, buhay at pagkilos ng Iglesiya. (Aurelio, Sumasampalataya Ako: Isang Katesismo, 223.)
Ang Panginoong Jesus ay pumipiling sa atin sa anyo ng alak at tinapay, ibinibigay niya ang kanyang sarili bilang pagkain ng ating pagkatao. " Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli siyang bubuhayin sa huling araw." Jn. 6:54 "Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, ako naman sa kanya." Jn. 6:56 (Aurelio, Sumasampalataya Ako: Isang Katesismo, 223.)
PANUTO: Panunuod ng video tungkol kay San Tarsisio o kaya'y gagawa ang katekista ng isang payak na hapag kung saan, isang malaking putol ng malunggay bread ang ihahain. Meron isang team leader at magsasagawa ng panalangin bago kumain, at uumpisahang magkainan. Tignan kung paano ito gagawin ng team leader
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Pagtanggap at pasasalamat.
PAGLALAHAT:
Isip -Ang Liturhiya ng Eukaristiya ay ang bahagi ng Banal na Misa na ating isinasa-ngayon ang nangyari nuong Huling Hapunan (The Last Supper)
Puso-Damahin sa kaibuturan ng puso ang napakahalagang pagsa-salu-salong ito sa hapag na kasama si Hesus.
Kilos- May pananabik na hintayin ang araw ng Linggo para makadalo sa salu-salo ng Panginoon.