Ang Liturhiya ng Salita
Panimula: Araw-araw nating karanasan ang pakikipag usap at pakikinig sa ating kapwa. Napakahalaga na sa bawat pagkakataon na may sinasabi sa atin ang ating kapwa inuunawa natin ang mensahe nito upang maging malinaw ang mensahe nito sa atin at maging akma o tugma ang ating tugon o pagkilos sa mensahe na ating narinig.
LAYUNIN
Aral: Maunawaan ang unang bahagi ng Banal na Misa at malaman ang kahalagahan nito sa pag-unawa ng mensahe ng Diyos tuwing dumadalo ng pagdiriwang ng Banal na Misa.
Asal: Nagiging gabay ang mga mensahe ng Diyos sa pang-araw-araw na gawain sa buhay
Dasal: Napasasalamatan ang Diyos sa bawat pagkakataon na nakadadalo ng pagdiriwang ng Banal na Misa.
BALIK-ARAL: Maikling paliwanag sa 2 bahagi ng Banal na Misa. Ano ang limang layunin ng tunay na panalangin na nakapaloob sa banal na misa? Bakit naging panalangir ang banal na misa?
PAGBASA: Lukas 1: 26- 33
Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus
26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Misa ay may dalawang yugto: ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos at ang Pagdiriwang ng huling Hapunan. Ang dalawang ito ay matalik na nagbubuklod sa isat-isa, anupa't silang dalawa ay bumubuo sa iisang pagganap ng Pagsamba. Kaya't sa Misa ay inihahain ang hapag ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo na siyang pinagsasaluhan ng mga nagsisimba bilang aral at pagkaing nagpapalakas sa kanilang buhay kristiyano. GIRM. 8)
Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay binubuo ng mga pagbasa mula sa banal na Kasulatan pati ang mga awit sa pagitan ng mga ito. Ang homilya, pagpapahayag ng pananampalataya at panalanging pangkalahatan o panalangin ng bayan ay nagpapalawak at naghahatid sa hantungan ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Sa mga pagbasa na siyang ipinaliliwanag sa homilya, ang Diyos ay nakikipag-usap sa kanyang sambayanan, ang pagkaganap sa katubusan ay pangyayaring nagiging pangkasalukuyan kapag inilalahad, at ang pangaral bilang pagkaing nagdudulot ng Espiritung bumubuhay ay inihahain sa lahat. Si Kristo ay ay kapiling ng mga nagkakatipon sa pamamagitan ng Salita niyang ipinahahayag. Ang salitang ito ay inaangkin ng sambayanan sa kanilang itinutugong mga awit at sa pagpapahayag ng pananampalataya,. Makaraang pagsaluhan ang Salita ng Diyos, ipinapaabot ng sambayanan ang kanilang tugong mga kahilingan para sa mga pangangailangan ng buong Simbahan at ng sanlibutan. (GIRM. 33
Sa nga pagbasa nihahain ang hapag-kainang mapagsaluhan ng sambayanan sa Salita ng Diyos. (GIRM 34)
Ang pagpapahayag mng Mabuting Balita ay dapat pag ukulan ng dakilang paggalang. Ito ang itinuturo ng pagdiriwang na naglalaan ng tanging parangal sa Mabuting Balita... Ang sambayanan ay nagbubunyi kay Kristo na kapiling Sa pagtitipon at kanila siyang kinikilala bilang siyang talagang naglalahad ng Mabuting Balita at pagtindig habang ipinahihiwatig nila ito sa kanilang nakikinig at sa mga inihahandog na pagpipitagan sa Aklat ng Mabuting Balita, (GIRM. 35)
Daloy ng Liturhiya ng Salita: Sa pakikinig sa salitang ipinahahayag sa Banal na Misa, ang mga mananampalataya ay muling pumapasok sa walang hanggang diyalogo sa pagitan ng Diyos at ng mga tao ng tipan--isang pakikipag-usap na pinagtibay sa pagsasalo ng pagkaing Eukaristiya at inumin. Samakatuwid, ang pagpapahayag ng salita ay mahalagang bahagi ng Misa at nasa mismong sentro nito. Nararapat lamang na magkaroon ng maikling sandali n katahimikan pagkatapos ng mga pagbasa upang itanim ng mga dumalo ang salita ng Diyos sa kanilang puso at magsimulan g ihanda ang isang madasaling tugon sa kanilang narinig
Unang Pagbasa: madalas na pinipili mula sa Matandang Tipan, bagaman sa ilang panahon ng liturhiya ay binabasa rin ang Gawa ng mga Apostol. Ang pagbasang ito ay karaniwang tumutugma sa tema ng Mabuting Balita (tingnan sa ibaba). Ipinapakita nito ang pagpapatuloy ng ugnayan sa pagitan ng Israel at ni Hesus, na dumarating hindi upang palitan kundi upang tuparin ang mga pangako sa Israel
Salmong Tugunan: Sinasalamin ng Salmo ang mga tema ng mga pagbasa, Ang Salmo ay binubuo ng isang antipona (tugon). Ito ay nagsisilbing daluyan ng panalangin at papuri--isang kapaligiran ng pagdarasal kung saan nagaganap ang mga pagbasa.
Ikalawang Pagbasa: ang pagbasang ito, na tinutukoy din bilang Epistola, ay karaniwang nagmumula sa isa sa mga sulat sa Bagong Tipan na maaari ring kabilangan ng Gawa ng mga Apostol o ng Aklat ng Pahayag Bagaman ang mga sulat na ito ay tumutugon sa mga partikular na sitwasyon Sa sinaunang Simbahan, ang mensahe ng mga ito ay lumalampas sa mga dantaon upang magbigay-sigla a mga Kristiyano sa kasalukuyan at palalimin ang ating pagpapahalaga sa misteryo ni Kristo.
Pagbasa ng Mabuting Balita (Ebanghelyo): Ang Mabuting Balita ang rurok ng liturhiya ng salita, Itinuturo ng pananampalatayang Katoliko na sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, si Kristo ay tunay na narito sa komunidad. Dahil dito, tumatayo ang sambayanan upang magpatotoo sa muling pagkabuhay ni Kristo na nagbibigay-daan sa kanyang presensya sa gitna ng kanyang bayan. Habang ipinakikilala ng diyakono o pari ang Mabuting Balita, ang lahat sa komunidad ay nanggungrus sa pamamagitan ng paglalagay ng tanda ng krus sa noo, sa mga labi, at sa tapat ng puso. Ang pagtanda na ito ay nagpapaalala sa atin: "Si Kristo sa aking pag-iisip" (noo), "Si Kristo sa aking mga labi o sa aking mga sinasabi" (labi), at "Si Kristo sa aking puso" (sa tapat ng puso). Ang pakikinig sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ay nagpapaalala rin at nag-uugnay sa mga Katoliko sa unang komunidad na nakarinig ng mga salitang ito mula mismo sa bibig ni Hesus. Sa pagtatapos ng pagbasa, ipinahahayag ng ministro, "Ito ang Mabuting Balita ng Panginoon." Ang tinutukoy niya ay hindi ang aklat kundi ang Ebanghelyo ni Hesukristo-ang mismong "Mabuting Balita" Ang komunidad ay nagtitibay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtugon ng. "Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo."
Ang Homilya (o maikling sermon): naniniwala ang mga Kristiyano na "ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig sa ipinangaral." (Roma 10:17) Ang kaisipang ito ay nakaugat sa paniniwalang Judio na ang mapanlikhang kapangyarihan ng salita ng Diyos ay nagpapabago sa buhay ng tao.
Pagpapahayag ng Pananampalataya (Ang Kredo): pahayag na naglalagom sa paghahanap ng komunidad para sa mas malalim pang pag-unawa kay Hesus at sa Kanyang mensahe. Ang Kredong Niceno- Constantinopolitano ang madalas na ginagamit sa Misa, bagaman ang Kredo ng mga Apostol ay maaar ring gamitin sa ilang mga liturhiya
Panalanging Pangkalahatan (Panalangin ng Bayan): Ang mga tao ay naghahain ng petisyon sa Diyos para sa mga pangangailangan ng Simbahan, ng lipunan, ng parokya, ng mga taong nangangailangan, ng mga may- sakit at nagdurusa, at ng mga yumao. Itinuon ng mga panalanging ito ang ating pananampalataya--na pinalalim sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikinig sa salita ng Diyos--sa mga partikular na sitwasyon sa kasalukuyan. Ang mga panalanging ito ang nagtatapos sa Liturhiya ng Salita.
PANUTO:
Bumuo ng grupo na may-7 myembro
Ibigay ang kopya ng mensahe sa lider ng grupo.
Babasahin ng lider sa bawat member ang sunod-sunod na pangungusap sa Bible verse na Lk 1: 31-33
Member 1: "Makinig ka.
Member 2: Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki at sya'y tatawagin mong Jesus.
Member 3: Siyay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos.
Member 4: Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David
Member 5: upang maghahari sa angkan ni Jacob magpakailanman.
Member 6: Ang kanyang paghahari ay walang hanggan
4. Dapat na matandaan ng bawat member ang binasa sa kanyang pangungusap ng lider.
5. Ang unang grupo na makabigkas ng tama sa mga pangungusap ang mananalo. Kung walang makatanda ng lahat ng pangungusap, ang grupo na may pinakamaraming tama ang panalo.
(Mahalaga na matandaan ng bawat isa ang kumpletong pangungusap upang mabuo ang mensahe at maunawaan ng makikinig ang mensahe)
Recitation: Ano ano ang mga bahagi ng Misa na natatandaan mo at ano ang pinakapaborito mo rito?
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Pagpapahalagang Pangkatauhan: Napakahalaga ng ginampanan ng ating Mahal na Birhen sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Paano kaya kung hindi pinakinggan at inunawa ni Maria ang mensahe sa kanya ng Anghel, anc kaya ang naging tugon ni Maria? Paano kaya kung hindi naniwala si Maria na ang sinasabi sa kanya ng Anghel ay totoong mensahe ng Diyos sa kanya? Mahalaga na sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos inaangkin natin na ito ay mensahe sa atin ng Diyos na dapat nating paniwalaan at magtiwala sa Kanyang katapatan na ang ipinapangako sa atin ay magkakaroon ng katuparaan.
PAGLALAHAT: Ang pang-unawa sa mensahe ng Diyos ay nagmumula sa pakikinig ng Kanyang Salita. Ang ating pagtugon sa kanyang mensahe ay bunga ng ating pagninilay. Ang nagiging laman ng ating panalangin ay ang bunga ng ating naging pagkilos at pagsasabuhay ng Kanyang Salita.