Ang Banal na Eukaristiya bilang Pinakamataas na Uri ng Panalangin
Panimula: Maraming paraan ng panalangin tulad ng pagdarasal bago matulog. Ngunit may isang panalangin na pinakamahalaga-ang Eukaristiya. Ito ang panalangin na sama-sama nating ginagawa sa simbahan
LAYUNIN
Aral: Natutukoy na ang Eukaristiya ang pinakamataas na uri ng panalangin
Asal: Naipapakita ang paggalang at pagmamahal kay Hesus sa Banal na Misa.
Dasal: Nakakapagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Banal na Eukaristiya.
BALIK-ARAL: Tanong at Sagot: Ano ang panalangin? Kailan kayo karaniwang nananalangin? Sino ang ating kinakausap kapag tayo ay nananalangin?
PAGBASA: Juan 6:51
51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Eukaristiya ay bunga ng Espiritu Santo ipinagdiriwang sa Krsitiyanong sambayanan, ang Simbahan. Ito ay ang sentro ng panalangin at ang Pagsamba nito ay tagumpay ng mga sakramento ng Binyag at Kumpil. Ito ay kalusugan para sa buhay na pinalalakas ng mga sakramento ng Pagpapagaling. Ito ay patuloy na pagkain para sa buhay na isinasaayos ng mga sakramento ng bokasyon samantalang bumubuo na ng pangako ng hinidi pa ganap na makalangit na salu-salo kapiling ng Diyos. (KPK. 1737)
Ang Eukaristiya ay isang gawaing pang-simbahan na isinasakatuparan ng Katawan ni Kristo, kasabay ni Kristo ang Pinuno at tayo ang mga kaanib, itinatag ni Kristo sa Huling Hapunan bilang parehong sakrisyo at banal na salu-salo, isang pag-aalaala ng paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo, kung saan tunay na may prisensya ang Kristong Muling nabuhay, bumubuo ng eskatolohikal na pangako ng hinaharap na kaluwalhatian. (KPK. 1379
Ang Eukaristiya ang pangunahing kilos ng Simbahang Katolika (KPK. 1740)
Magpasalamat na pagsamba sa Diyos
Sakrispisyo-Sakramento
Komunyon-Sakramento
Presensiya-Sakramento
Ang pagdiriwang ng Eukaristiya ay panalangin sapagkat nag-aalay ito ng: (KPK. 1742)
1. Ganap na pagsamba sa Ama
2. Nagkakaroon ng presensiya ang sakripisyo ng kanyang nagkatawang-tao na anak sa krus.
3. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanilang Espiritu Santo
Naisasakatuparan sa Eukaristiya ang limang layunin ng tunay na panalangin: pasasalamat, pagpupuri, pagsisisi, paghingi, at pag-aalay
Lahat ng pang-araw-araw nating gawain ay nararapat na iniaalay sa Ama kasama ng katawan ng Panginoon sa pagdiriwang ng Eukaristiya. Napag-iisa at napapalalim ng Misa ang ating karaniwang mga gawain kung ang mga ito ay inihahandog sa Diyos. Gayundin, sa pamamagitan ng mismong mga gawaing ito, naisasabuhay natin ang Misa. (KPK. 1743)
PANUTO: Basahin at sagutin ang tanong.
Ang Eukaristiya ay ang Banal na Misa kung saan si Hesus ay tunay na naroroon at iniaalay ang Kanyang sarili sa Diyos Ama.
Mga Tanong:
1. Ano ang Eukaristiya?
2. Sino ang tunay na naroroon sa Eukaristiya?
Recitation: Ano ano ang mga bahagi ng Misa na natatandaan mo at ano ang pinakapaborito mo rito?
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Itinuturo ng Eukaristiya ang: Pagmamahal, Paggalang, Pagbabahagi, at Pagiging mabuti sa kapwa.
PAGLALAHAT: Ang Eukaristiya ay isang espesyal na panalangin. Ito ang pinakamataas na panalangin dahi kasama natin si Hesus at sama-sama tayong lumapit Sa Diyos upang magpasalamat ng may pagmamahal at paggalang sa Banal na Misa.