Ang Mga Sakramento ng Paglilingkod, Pag-iisang-dibdib at Pagpapari
Panimula: Hindi maiiwasan na kapag tayo ay may nararamdaman ay nagiging iritable ang tao, kung minsan pa nga ay iniiyakan natin kapag may nararamdaman tayong masakit, Naibabaling natin sa iba ang sakit na ating nararamdaman. At kung minsan kapag tayo ay takot, nahihirapan tayong umamin sa ating nagawang kasalanan. Subalit lalo itong nagdudulot ng alalahanin o bagabag sa ating puso. Makakamit lamang natin ang kapanatagan ng kalooban kapag tayo ay nakahingi ng tawad at umamin sa nagawang kamalian.
LAYUNIN
Aral: Naipapaliwanag kung ano ang Sakramento ng Paglilingkod. Nakikilala ang dalawang sakramento ng paglilingkod: Pag-iisang-dibdib at Pagpapari
Asal: Naipapakita ang pagpapahalaga sa katapatan at paglilingkod sa pamilya at pamayanan. Naipapahayag ang sariling nais na bokasyon sa pamamagitan ng malikhaing gawain.
Dasal: Makapagdasal at maipahayag ang sariling nais na bokasyon
BALIK-ARAL: Kumustahin ang mga bata at itanong kung ano ang natutunan sa nakaraang pinag-aralan.
PAGBASA: Mateo 19:3-6; Lukas 22:14-20
Mateo 19:3-6
3 May ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa kanya. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” 4 Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? 5 At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ 6 Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
Lucas 22:14-20
Itinatag ang Banal na Hapunan ng Panginoon
14 Nang sumapit na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag kasama ang kanyang mga apostol. 15 Sinabi niya sa kanila, “Matagal ko nang hinahangad na makasalo kayo sa Hapunang Pampaskwa na ito bago ako magdusa. 16 Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling kakain nito hanggang sa ito'y maganap sa kaharian ng Diyos.”
17 Dumampot siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat sa Diyos ay ibinigay iyon sa kanila, at nagsabi, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sinasabi ko sa inyo, mula ngayo'y hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa pagdating ng kaharian ng Diyos.”
19 Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking katawan [na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo].[a]
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ano ang Sakramento ng Paglilingkod?
Ang Sakramento ng Paglilingkod ay mga sakramento na nagtuturo sa atin na maglingkod sa Diyos at sa kapwa. Ang dalawang sakramentong ito ay: Pag-iisang-dibdib at Pagpapari
Pag-iisang-dibdib
Ito ay sakramento ng pag-aasawa. Ang lalaki at babae ay nangangakong magmahalan at maging tapat habambuhay. Sila ay nagiging mabuting magulang at tagapagturo ng pananampalataya sa kanilang mga anak
Halagang Ipinapakita:
Katapatan-pagiging tapat Sa pangako responsibilidad sa Diyos at sa pamilya; halimbawa nito at ang mag-asawang nananatiling tapat sa isa't isa at tinutupad ang kanilang mga pangako.
Pagmamahalan-pagbibigayan ng Pag-unawa, paggalang, at malasakit sa bawat isa; halimbawa nito ang pamilya na nagmamahalan Sa pamamagitan ng paggalang, pag-aalaga, at pagtutulungan sa araw-araw.
Paglilingkod sa pamilya-pagtulong at pag-aalaga sa mga kasapi ng pamilya nang may bukal na puso: halimbawa nito ang pagtulong ng mga anak sa gawaing bahay at pag-aalaga sa mga nakatatanda sa pamilya.
Pagpapari
Ang pagpapari ay sakramento kung saan ang isang lalaki ay nag-aalay ng kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Ang pari ay: tagapagdiwang ng Banal na Misa; nagbibigay ng mga sakramento; at gumagabay sa mga mananampalatay
Halagang Ipinapakita:
Lubos na paglilingkod-pagbibigay ng buong lakas, oras, at puso para maglingkod sa Diyos at sa kapwa: halimbawa nito ang pari na buong pusong naglilingkod sa simbahan at sa mga tao.
Pagsunod sa Diyos-paggawa ng tama ayon sa Kanyang kalooban at mga aral; halimbawa nito ang taong sumusunod sa mga utos ng Diyos at gumagawa ng mabuti kahit mahirap.
Pagmamahal sa kapwa-pagtulong, paggalang, at malasakit sa lahat nang walang pinipili; halimbawa nito ang pagtulong sa nangangailangan at pakikitungo sa iba nang may kabaitan at paggalang.
(Maaaring banggitin din ang pagmamadre bilang bokasyon ng paglilingkod kahit hindi sakramento gayundin ang pagiging single blessed.)
PANUTO:
Piliin sa ibaba ang larawan na nagpapakita ng nais mong bokasyon:
Kulayan ito nang maayos at malikhain,
Sa ilalim ng larawan, tapusin ang pangungusap:
"Ang nais kong bokasyon ay _____________ dahil gusto kong ______________.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN:
Talakayan: Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong pamilya? Sa anong paraan ka maaaring maglingkod sa bahay o sa paaralan?
PAGLALAHAT: Ang Pag-iisang-dibdib at Pagpapari ay mga sakramento ng paglilingkod. Ipinapakita ng mga ito ang katapatan sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Tayong lahat ay tinatawag na maglingkod ayon sa bokasyong ibinigay ng Diyos sa atin.