Simbahan Bilang Bayan ng Diyos
Panimula: Ang Simbahan ay hindi lamang isang gusali na ating pinupuntahan tuwing Linggo. Ito ay isang pamilya at pamayanan ng mga taong nagmamahal at sumusunod sa Diyos. Noon pa man, may pinili na ang Diyos na mga taong magiging Kanyang bayan. Ito ang makikita natin sa Lumang Tipan.
LAYUNIN
Aral: Makikilala ang bayan ng Diyos sa Lumang Tipan. Mauunawaan na ang Diyos ay pumili at nagmamahal sa Kanyang bayan.
Asal: Matututuhan ang kahalagahan ng pakikipagka- sundo at pagsunod sa Diyos.
Dasal: Maiuugnay ang Bayan ng Diyos noon sa Simbahan ngayon.
BALIK-ARAL: Ano ang pumapasok sa inyong isip kapag naririnig ninyo ang salitang simbahan?
Tanong ayon sa dating kaalaman: Sino sa inyo ang nakapasok na sa loob ng simbahan? Anu-Ano ang karaniwang nakikita sa loob ng simbahan?
PAGBASA: Exodo 19:1-7
19 Ang mga Israelita'y nakarating sa ilang ng Sinai noong unang araw ng ikatlong buwan buhat nang umalis sila sa Egipto. 2 Mula sa Refidim, nagpatuloy sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa tapat ng bundok. 3 Si Moises naman ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos.
Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Ito ang sabihin mo sa angkan ni Jacob, sa mga Israelita. 4 ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. Nakita rin ninyo kung paanong dinala ko kayo rito tulad ng isang agilang nagdala sa kanyang mga inakay. 5 Kung susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi. 6 Kayo'y gagawin kong isang kaharian ng mga pari at isang bansang banal.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.” 7 Kaya tinipon ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh.
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang Simbahan ay naging isang misteryo dahil sa kaugnayan nito sa bawat Persona ng Kabanal-banalang Trinidad. Ito ay pangunahing plano ng Ama, sapagkat mula pa sa simula ng daigdig ay inihanda na Niya ito, ayon sa sinasabi ng ilang Ama ng Simbahan. Nakikita nila ang paunang larawan ng Simbahan bago pa man si Kristo, kapag binabanggit nila ang Simbahan "mula pa sa pasimula," o "mula kay Abel," o sa kanilang larawan ng espirituwal na kahariang iniluwal ng Diyos bago ang paglikha, na nakikita ngayon sa Simbahan. Kaya naman, kahanga-hangang inihanda ng Ama ang Simbahan sa kasaysayan ng Israel at sa mga huling panahong ito ay ganap Niya itong itinatag. Ito rin ay nahahayag Sa pagbubuhos ng Espiritu Santo a anar na maisasakatuparan sa katapusan ng panahon.
Ang Simbahan bilang "Bayan ng Diyos' ay isa sa kilala at kinikilalang paglalarawan ng Simbahan matapos ang Ikalawang Konsilyo sa Vaticano. "Nilavon ng Diyos na gawing banal ang mga tao at iligtas sila, hindi bilang mga indibidwal na walang anumang ugnayan, kundi sa pamamagitan ng pagbubuklod sa kanila bilang isang bayan, isang bayang kumikilala sa Kanya sa katotohanan at naglilingkod sa Kanya sa kabanalan" (KPK 1380). Ang pinagmulan ng paglalarawang ito ng Simbahan ay mula sa Lumang Tipan kung saan isinasalaysay ang Matandang Kasunduan itinatag ni Yahweh kasama ang bayang Israel, "itinatag ni Kristo ang Bagong Tipan sa kanyang dugo, sa pagtawag ng isang bayan, pinag-isa niya sila hindi ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu. (KPK 1380)
Ang Simbahan bilang *Bayan ng Diyos ay mayroong mga malilinaw na namumukod- tanging katangian (KPK 1381):
Ang Pinagmulan nito ay ang Diyos: "Datapwat kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Dati-rati, kayo'y hindi bayan ng Diyos, ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niva (1 Pedro 2:9-10)
Ang Ulo nito ay si Kristo "na ipinapatay... dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang sala" (Roma 4:25)
Ang mga Kasapi nito ay "yaong mga sumasampalataya kay Kristo, ang mga isinilang muli sa pamamagitan ng Salita ng buhay na Diyos tubig at sa Espiritu sa binyag (Jn 3:3, 5).
Ang Kalagayan nito ay ang dangal at kalayaan ng mga . anak ng Divos na sa mga puso ay nananahan ang Espiritu Santo tulad ng sa templo,
Ang Batas nito ay ang bagong Kautusan ni Kristo . tungkol sa pag-ibig (Tingnan Jn 13:34), at ang bagong Batas ng Espiritu (Rom. 8:2)
Ang Misyon nito ay ang maging asin ng lupa, ang liwanag ng sanlibutan, ang kaligtasan nito (Tingnan Mt 5:13-16).
Ang Hantungan nito ay ang panghuling Kaharian ng Diyos, na dinala sa kaganapan sa wakas ng panahon (LG 9; KIK, 782).
Ang bagong Bayan ng Diyos na ito ay isang "Bayang Mala- Pari, Mala-Propeta, at Mala-Hari." (KPK 1382) Bilang isang bayang "mala-pari" na bunga ng ating Binyag. pinalakas ng ating Kumpil, at pinalusog ng Eukaristiya, tayong mga Kristiyano ay nag-aalay ng espirituwal na pagsamba para sa kaluwalhatian ng Diyos at kaligtasan ng tao (LG, 34).
Bilang isang bayang "mala-propeta," tayo ay nagpapatotoo kay Kristo sa pamamagitan ng ating pag-unawa sa pananampalataya at biyaya ng pagpapahayag (Gawa 2:17-18) "upang ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay suminag sa araw-araw na buhay-pampamilya at buhay-panlipunan" (LG, 35).
Bilang isang bayang mala-hari, nakikibahagi tayo Sa paghahari ni Kristong Hari na naparito "upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami" (Mt 20:28). Dahil dito, naglilingkod tayo sa kapwa, lalo na sa mga dukha at nagdurusa, na kinikilala natin bilang "wangis ng ating dukha't nagdurusang Tagapagtatag' (LG, 8),
PANUTO: Hatiin ang klase sa 3 grupo na may 4 -5 bata. Bawat grupo ay bibigyan ng isang sitwasyon tungkol sa pakikinig at pagsunod bilang Bayan ng Diyos. Ipalalabas ang munting dula sa loob ng 5 minuto.
Sitwasyon 1: Ang Bayan ng Diyos sa Bundok ng Sinai Mga Gaganap: Moises, mga Israelita, at tagapagsanaysay
Sitwasyon 2: Pamilya: May magulang na nagbibigay ng paalala. May anak na ayaw makinig sa umpisa ngunit sa bandang huli ay sumunod
Sitwasyon 3: Paaralan: May guro na nagbibigay ng panuto sa gawain. Isang mag-aaral ang hindi sumunod, ngunit pinaalalahanan ng kapwa niya mag-aaral.
Ipakita kung paano nakinig ang mga Israelita at sumunod sa utos ng Diyos.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Bilang tao, makinig, sumunod mahalaga na tayo ay marunong at magmahal Natututo tayo ng mga pagpapahalagang ito sa ating pamilya, paaralan, pamayanan at simbahan. Kapag tayo ay nakikinig at sumusunod, nagkakaroon ng kaayusan. pagkakaisa. kapayapaan at pagmamahalan. Ang Pagsunod ay hindi dahil sa takot lamang kundi dahil Sa ating pagmamahal sa ating kapwa at sa pagnanais nating gumawa ng mabuti. Ang pagmamahal, pagsunod at pagtutulungan ay nagpapalakas at nagpapatatag ng samahan ng bawat isa bilang tinawag na bayan ng Diyos.
PAGLALAHAT: Ang simbahan ay hindi lamang gusali kundi mga taong tinipon at pinili ng Diyos. Sa Lumang Tipan, pinili ng Diyos ang mga Israelita bilang Kanyang bayan at tinawag Niya silang makinig at sumunod sa Kanya sa Bundok Sinai Ngayon, tayo ay bahagi ng Simbahan bilang Bayan ng Diyos. Tinatawag din tayo ng Diyos na magmahal, makinig at sumunod sa Kanyang mga utos sa ating pang araw-araw na buhay.