Ang Tao bilang Tagapangalaga ng mga Nilikha ng Diyos
Panimula: Sa simula ang mundo ay ganap na mabuti Nilikha ito ng Diyos Ama at lubos siyang nasisiyahan rito. Ipinagkatiwala niya ito sa atin kaya't nararapat lamang na ito ay bantayan natin ng mabuti. Binigyan tayo ng Diyos Ama ng isang espesyal na gampanin at iyon ay ang alagaan at pamahalaan ang mundo sa pamamaraan ng Diyos.
LAYUNIN: Pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos
Aral: Maunawaan na ang bawat isa ay may mahalagang gampanin sa pangangasiwa ng sangnilikha. Asal: Mapatatag ang mga mabubuting asal ng isang responsableng katiwala ng nilikha ng Diyos.
Dasal: Magpasalamat sa Diyos Ama sa nilikhang sanlibutan at sa pagkatiwala nito sa tao para alagaan at pagyamanin
BALIK-ARAL: "Ang tao bilang kawangis at kalarawan ng Diyos"
PAGBASA: Genesis 1:26
26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
PAHAYAG KRISTIYANO:
Ang paghangad ng tao sa Diyos ay likas sa puso ng tao sapagkat siya'y nilikha dahil sa Diyos at para sa Diyos. (KIK 27). Sa paglikha ng Diyos sa atin, binigyan Niya tayo ng espesyal na tungkulin na maging tagapangasiwa ng sangnilikha. Sa pagkakaroon ng pamumuhay na tapat sa tungkuling ito, tayo ay nakibahagi sa patuloy na gawain ng Diyos.
Itinuturo ng pananampalatayang Kristiyano na ang mga tao ang sentro at tugatog ng lahat ng bagay sa daigdig Pinatunayan ito ng pagdating ni Kristo upang iligtas tayo mula sa lahat ng sala at hanguin ang lahat tungo sa isang 'Bagong Sangnilkha' sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapakasakit-Pagkamatay at Muling Pagkabuhay (KIK 364).
Personal na sumasaatin ang Diyos at itinataguyod ang bawat isa sa atin ngayon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Higit pa rito, tinatawag niya ang bawat isa sa atin na magkaroon ngf personal na pananagutan, sa pakikipag-isa sa iba kasama ng kapwa, para sa kabutihang: panlipunan at ng daigdig (KPK 362)
Ang mabuting tagapangasiwa ay nagtataglay ng mga katangian ni Hesus. Gaya ni Hesus sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama, ginagamit ang kaloob o kakayahan nang may karunungan, naglilingkod sa kapwa lalo na sa higit na nangangailangan, nagbibigay ng oras sa mga bagay na mahalaga't maka-Diyos, handang maghandog nang sarili, at nangangalaga ng mga nilikha nang Diyos. Sinasalamin ng mga katangiang ito ang puso ng Diyos sa mundo.
Sa pag-aalaga ng sangnilikha, naipapakita natin ang ating paggalang, pagmamahal, at pasasalamat sa Diyos. Ang ating pagdarasal, at sa pagtanggap ng mga Sakramento lalo nang Sakramento ng Kumpisal at Eukaristiya, tumatatag ang ating relasyon sa Diyos.
PANUTO: Kulayan ang larawan na nagpapakita ng tamang pangangalaga sa nilikha.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Pangangasiwa responsableng pangangalaga ng sangnilikha. Respeto sa buhay at sa kahalagahan nito- pagkilala na ang tao ay likas na mabuti at pinapahalagahan ito. "Ang tao ay may dignidad." Pagpapasalamat at pagpapakumbaba -Ang sangnilikha ay regalo ng Diyos sa tao at nararapat lamang na magpasalamat dito at mapagkumbabang pamahalaan ito. Hustisya at kapayapaan.
PAGLALAHAT: Ang Genesis 1:26 ay nagtuturo sa mga bata na ang sila ay special dahil nilikha sila ng Divos na kawangis Nya. Meron silang munting kabutihan ng Diyos, mapagmahal at maalaga sila gaya ng Diyos, at mahalagang tagapangasiwa sila sa lahat ng nilikha ng Diyos. Inaasahar silang maging mabait na tagapangasiwa ng mundo saan nasasalamin nila ang pagmamahal at pag-uugali ng Diyos sa iba sa kanilang mga kilos at salita.